25/07/2026
๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐ | 25 HULYO 2026
๐ฒ๐๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐ ๐จ๐๐๐๐๐๐ ๐บ๐๐๐๐๐๐๐
๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐
2 Corinto 4, 7-15
Pagbasa mula sa ikalawang sulat ni Apostol San Pablo sa mga taga-Corinto
Mga kapatid, kaming pinagkalooban ng kayamanang espirituwal na ito ay hamak โ kung baga sa sisidlan ay palayok lamang โ upang ipakilalang ang di malirip na kapangyarihan ay sa Diyos, at hindi amin. Ginigipit kami sa kabi-kabila ngunit di nagagapi. Kung minsaโy nag-aalinlangan kami ngunit di nawawalan ng pag-asa. Pinag-uusig kami ngunit di nawawalan ng kaibigan; naibubuwal ngunit di tuluyang nailulugmok. Lagi kong taglay sa aking katawan ang kamatayan ni Hesus upang sa pamamagitan ng katawan koโy mahayag ang kanyang buhay. Kamiโy laging nabibingit sa kamatayan alang-alang kay Kristo upang sa aming katawang may kamatayan ay mahayag ang kanyang buhay. Anupat habang akoโy dahan-dahang namamatay, nagkakaroon naman kayo ng buhay na walang hanggan.
Sinasabi sa Kasulatan, โNagsasalita ako sapagkat akoโy sumasampalataya.โ Bunga ng gayong diwa ng pananampalataya, nagsasalita rin ako sapagkat ako maโy sumasampalataya. Sapagkat nalalaman kong ang Diyos na muling bumuhay sa Panginoong Hesus ang siya ring bubuhay sa akin kasama niya, at magdadala sa inyo at sa akin sa kanyang piling. Ang lahat ng pagtitiis ko ay sa kapakanan ninyo upang sa pagdami ng mga nakatatanggap ng mga kaloob ng Diyos, lalo namang dumami ang magpapasalamat at magpupuri sa kanya.
Ang Salita ng Diyos.
๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐
Salmo 125, 1-2ab, 2kd-3. 4-5. 6
Ang nagtanim na may luha
ay aaning natutuwa.
Nang lingapin tayo ng Diyos at sa Sion ay ibalik
ang nangyaring kasaysayaโy parang isang panaginip.
Lahat tayo ay natuwa, masasayang nagsiawit.
Ang nagtanim na may luha
ay aaning natutuwa.
Ang sabi ng mga bansang nagmamasid sa paligid,
โAng ginawa ng Diyos nila ay dakila, anong rikit!โ
Dakila ngang masasabi, pambihira ang ginawa,
kaya naman kami ngayon, kagalakaโy di kawasa!
Ang nagtanim na may luha
ay aaning natutuwa.
Kung paanong inuulan yaong mga tuyong batis,
sa sariling bayan namin, kami, P**n, ay ibalik.
Silang mga nagbubukid na nagtanim na may luha,
bayaan mo na mag-aning masasayaโt natutuwa.
Ang nagtanim na may luha
ay aaning natutuwa.
Yaong mga nagsihayong dalaโy binhiโt nananangis,
ay aawit na may galak, dalaโy ani pagbalik!
Ang nagtanim na may luha
ay aaning natutuwa.
๐๐๐๐๐๐๐
Juan 15, 16
Aleluya! Aleluya!
Hinirang tayo ni Kristo
upang mamungang totoo
bilang mabubuting tao.
Aleluya! Aleluya!
๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐
Mateo 20, 20-28
Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Mateo
Noong panahong iyon, lumapit kay Hesus ang asawa ni Zebedeo, kasama ang kanyang mga anak. May ibig siyang hilingin, kayaโt lumuhod siya sa harapan ni Hesus. โAno ang ibig mo?โ Tanong ni Hesus. Sumagot siya, โSanaโy ipagkaloob ninyo sa dalawa kong anak na ito ang karapatan na makaupong katabi ninyo sa inyong kaharian โ isa sa kanan at isa sa kaliwa.โ โHindi ninyo nalalaman ang inyong hinihingi,โ sabi ni Hesus sa kanila. โMababata ba ninyo ang hirap na babatahin ko?โ โOpo,โ tugon nila. Sinabi ni Hesus, โAng hirap na babatahin koโy batatahin nga ninyo. Ngunit wala sa akin ang pagpapasiya kung sino ang mauupo sa aking kanan at sa aking kaliwa. Ang mga luklukang sinasabi ninyoโy para sa mga pinaghandaan ng aking Ama.โ
Nang marinig ito ng sampung alagad, nagalit sila sa magkapatid. Kayaโt pinalapit sila ni Hesus at sinabi sa kanila, โAlam ninyo na ang pinuno ng mga Hentil ay naghahari sa kanila, at ang mga dinadakila ang siyang nasusunod. Ngunit hindi ganyan ang dapat umiral sa inyo. Sa halip, ang sinuman sa inyo na ibig maging dakila ay dapat maging lingkod. At sinumang ibig maging pinuno ay dapat maging alipin ninyo, tulad ng Anak ng Tao na naparito, hindi upang paglingkuran kundi upang maglingkod at ialay ang kanyang buhay upang matubos ang marami.โ
Ang Mabuting Balita ng Panginoon.