Lingkod Dambana - Parokya ng Sto. Niño, Calumpit, Bulacan

Lingkod Dambana - Parokya ng Sto. Niño, Calumpit, Bulacan Sakristang Lingkod Niño

10/08/2023

MALIGAYANG PAGBATI, OBISPO DENNIS!

Pinagpalang ika-8 taong anibersaryo ng iyong ordinasyon bilang Obispo, Bishop Dennis C. Villarojo.

Ang aming taos-pusong panalangin para sa iyong kalusugan, kabanalan, at mabungang paglilingkod sa bayan ng Diyos!


=================
Visit our Website and Follow our Social Media Platforms!
Website: https://malolosdiocese.ph
Facebook: https://www.facebook.com/angsandiganmalolos
Instagram: https://www.instagram.com/angsandiganmalolos
Youtube: https://www.youtube.com/c/angsandiganmalolos

PAANYAYAPambikaryang Lakbay Dalaw San TarcisioPagdalaw ng Imahen at Relikya ni San Tarsicio ng Roma, Patron ng mga Lingk...
09/08/2023

PAANYAYA
Pambikaryang Lakbay Dalaw San Tarcisio
Pagdalaw ng Imahen at Relikya ni San Tarsicio ng Roma, Patron ng mga Lingkod Dambana sa Parokya ng Sto.Niño
Calumpit,Bulacan

Agosto 10,2023
Huwebes
Ika-limang Araw ng Nobenaryo para sa Kapistahan ni San Tarcisio ng Roma(Patron ng mga Lingkod Dambana)
4:00 PM - Novena
5:00 PM - Banal na Misa
-Gawad San Tarcisio
Agosto 11, 2023
Biyernes
Pamparokyang Lakbay Dalaw San Tarcisio
6:30 AM - Banal na Misa
8:00 AM- Motorcade (Parokya- Sta. Cruz Chapel)
8:30 AM - Dalaw sa Kapilya ng Sta. Cruz
9:30 AM- Motorcade (Sta.Cruz Chapel - San Luis Chapel)
10:00 AM - Dalaw sa Kapilya ni San Luis
11:00 AM - Pagbalik sa Parokya
3:30 PM - Paghatid sa Parokya ni San Miguel Arkanghel ,Dampol,Plaridel

San Tarcisio ng Roma, Ipanalangin mo kami!

----------
Para sa pagpapalalim ng ating Buhay Espiritwal, ating I-LIKE, FOLLOW and SHARE ang ating page https://www.facebook.com/stoninoparishcalumpit
----------



AGOSTO 4 | PAGGUNITA KAY SAN JUAN MARIA VIANNEY(Pintakasi ng mga Kura Paroko at Diosesanong Pari)Sa araw na ito ng Kapis...
04/08/2023

AGOSTO 4 | PAGGUNITA KAY SAN JUAN MARIA VIANNEY
(Pintakasi ng mga Kura Paroko at Diosesanong Pari)

Sa araw na ito ng Kapistahan ni San Juan Maria Vianney, isang banal na paring lingkod ni Kristo. Kaalinsanay nito'y pinararangalan din natin ang mga manggagawa ng ubasan ng Panginoon, silang mga nagtalaga ng sarili sa Diyos bilang mga pari ni Kristo at ng Banal na Simbahan.

Kaya't mula sa kaibuturan ng aming puso, kaming mga Lingkod-Dambana ng Parokya ng Sto. Niño sa Bayan ng Calumpit ay malugod na bumabati ng "MALIGAYANG ARAW NG MGA PARI" kina:

REV. FR. JOSE JAY SANTOS
Unang Paring-tagapamahala ng dating Mala-Parokya ni Sto. Niño (SNQP) 2009 - 2011

REV. FR. VINCENT M. REYES
Ikalawang Paring-tagapamahala 2011 - 2018
Unang Kura Paroko ng ating parokya 2018 - 2021

REV. FR. JOSE RODOLFO C. COLENDRINO
Ikalawang Kura Paroko ng ating Parokya 2021 - 2022

REV. FR. VICENTE A. ROBLES
Ikatlong Kura Paroko ng ating parokya 2022 hanggang sa kasalukuyan

KAYO'Y PARING WALANG-HANGGAN KATULAD NI MELQUESEDEC YUNG KAALINSANAY, GAWIN MONG KAALINSABAY... Salamat

Maraming Salamat po mga padre, mula sa inyong pinaglilingkurang Kabataan at Lingkod Dambana ng sambayanan ng Sto. Niño, Caniogan, at Pungo.

HAPPY PRIEST'S DAY!

27/01/2023

IKAW NA BA ANG SUSUNOD NA SAKRISTAN
ng Parokya ng Sto. Niño - Calumpit?

Sa lahat ng kabataang lalaki na edad 10 hanggang 18 taong gulang, binyagang Katoliko, tumanggap na ng Banal na Komunyon, at naninirahan sa mga barangay na nasasakupan ng parokya (Sto.Niño, Caniogan, Pungo) at nagnanais maging lingkod ng dambana (altar server/sakristan), kayo ay inaanyayahan na sumapi sa Samahan ng mga Lingkod Dambana (Ministry of the Altar Servers) upang tumugon sa tawag ng paglilingkod.

Magsimba sa araw ng Linggo at lumapit sa mga sakristan upang makuha ang mga kinakailangan na impormasyon.

"Altar servers are called to be young friends of Jesus. Strive to deepen and foster this friendship with Him."
- St. Pope John Paul II

SNP-MAS page:
https://www.facebook.com/snpmascalumpit


16/01/2023
"A sweet friendship refreshes the soul."—Proverbs 27:9Last December 28, Wednesday, the MINISTRY OF ALTAR SERVERS celebra...
29/12/2022

"A sweet friendship refreshes the soul."

—Proverbs 27:9

Last December 28, Wednesday, the MINISTRY OF ALTAR SERVERS celebrated their Christmas Party.

It was a success thanks for the help of its officers and with the support our Parish.

Truly, Christmas is about the Lord and giving, so we prepared a simple yet helpful gifts to all Altar Servers! With their smiles, the efforts were paid off!

Unang linggo sa panahon ng AdbiyentoPaghihintay, kung may inaantay, may hinihintay; ang pag-asa, ang liwanag ng sangkata...
27/11/2022

Unang linggo sa panahon ng Adbiyento

Paghihintay, kung may inaantay, may hinihintay; ang pag-asa, ang liwanag ng sangkatauhan, pinaghahandaan bagama't hindi tiyak kung kailan, sa halip na mag abala sa kaiisip kung kailan darating, maging abala na lamang sa paghahanda sa pastol na kakalinga sa tanang nilikha.
Napakaganda ng simbahang bato na nagliliwanag, tila ba naka-abang sa isang naliligaw na kawan na naghahanap ng kasagutan sa bawat tanong na "kailan" kailan makakamtan ang hinihinging kaligtasan, kailan mapapagingawa ang buhay, kailan masusumpungan ang matagal nang nawaglit na kaligayahan, at kailan makakamit ang pagpapatawad na inaasam.

May hinihintay, dahil may pag-asa, ang mesiyas na sugo ng ama, sa puso natin ay hayaang sumilang at sa ating buhay, Siya ay dumating. Kagaya ng liwanag ng ating simbahang tahanan, sa gitna ng kadiliman ay nagniningning ang kadalisayan, tinalo ng kabutihan at bawat piraso ng kasamaan, dahil sa kanyang pagdating na ating patuloy na hinihintay.

Halina Hesus, Halina!

Larawan ni: Brian John Bravo

25/09/2022

ORATIO IMPERATA LABAN SA KALAMIDAD

Amang Makapangyarihan, Itinataas namin sa Iyo ang aming mga pusong nagpapasalamat sa kagandahan ng Iyong nilikha kung saan kami ay bahagi sa pagkalinga Mong nagtataguyod sa aming mga pangangailangan at sa karunungan Mong gumagabay sa takbo ng daigdig.

Kinikilala namin ang aming mga pagkakasala sa Iyo at sa sangnilikha. Hindi kami naging mabuting katiwala ng kalikasan.

Pinagkamali namin ang iyong utos na pangasiwaan ang daigdig. Ang kapaligiran ay nagdurusa sa aming kamalian at ngayon ay aming inaani ang aming pagmamalabis at kawalang pakialam. Ang "global warming" ay laganap na.

Ang mga bagyo, pagbaha, lindol, pagputok ng bulkan at iba pang kalamidad ay patuloy na tumitindi sa pananalanta. Lumalapit kami sa Iyo, Mapagmahal na Ama at humihingi ng kapatawaran sa aming mga kasalanan.

Hinihiling namin na kami, kasama ng aming mga mahal sa buhay at pinagpagurang ari-arian at ipag-adya sa banta ng mga kalamidad, likas man o kagagawan ng tao.

Iniluluhog namin gawin kaming mapanagutang katiwala ng Iyong nilikha at maging bukas-palad na kapwa sa mga nangangailangan. Sa Pangalan ni Hesus.
Amen.



SEPTEMBER 23 |M A L I G A Y A N G 🎂 K A A R A W A N BRO. ALDRIN DELA CRUZ🌷MAS-PUNGO"Nawa'y ipagkaloob Niya ang iyong han...
23/09/2022

SEPTEMBER 23 |

M A L I G A Y A N G 🎂 K A A R A W A N

BRO. ALDRIN DELA CRUZ
🌷MAS-PUNGO

"Nawa'y ipagkaloob Niya ang iyong hangarin, at sa iyong mga plano, ika'y pagtagumpayin."
-Salmo 20: 4 📖

🎉Kuya Aldrin, dalangin namin na ang pagpapala ng Poong Sto. Niño ay laging sumainyo sampu ng iyong mga mahal sa buhay sa pagdalangin ni San Tarcisio ng Roma🙏 Nawa ay patuloy kang maging magandang halimbawa para sa lahat ng kabataan na maglingkod sa Dambana ng Panginoon at sa kanyang Banal na Simbahan. ❤️

🙏Pagbati mula sa
🖤🤍MAS Sto. Niño Parish




SEPTEMBER 20 |[BELATED] HAPPY BIRTHDAY!SIS. ROXSANNE CUTIE🌷MAS-CANIOGAN"Nawa'y ipagkaloob Niya ang iyong hangarin, at sa...
21/09/2022

SEPTEMBER 20 |

[BELATED] HAPPY BIRTHDAY!

SIS. ROXSANNE CUTIE
🌷MAS-CANIOGAN

"Nawa'y ipagkaloob Niya ang iyong hangarin, at sa iyong mga plano, ika'y pagtagumpayin."
-Salmo 20: 4 📖

🎉ate Rox, dalangin namin na ang pagpapala ng Poong Sto. Niño ay laging sumainyo sampu ng iyong mga mahal sa buhay sa pagdalangin ni San Tarcisio ng Roma🙏 Nawa ay patuloy kang maging magandang halimbawa para sa lahat ng kabataan na maglingkod sa Dambana ng Panginoon at sa kanyang Banal na Simbahan. ❤️

🙏Pagbati mula sa
🖤🤍MAS Sto. Niño Parish




Address

Calumpit
3003

Telephone

+639278173734

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Lingkod Dambana - Parokya ng Sto. Niño, Calumpit, Bulacan posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share