25/08/2026
๐๐ข๐ง๐๐ฉ๐๐ฒ ๐ง๐ข ๐๐๐ง ๐๐ง๐ญ๐จ๐ง๐ข๐จ
๐ฟ๐๐๐๐๐ขโ๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐ฆ๐๐ ๐๐๐ฆ ๐๐๐ ๐ด๐๐ก๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐๐ข๐ ๐ก๐ข๐ค๐๐๐ ๐ด๐๐๐ค ๐๐ ๐๐๐๐ก๐๐
Halina't tayo'y mamintuho sa ating mahal na Patrong San Antonio de Padua sa mapaghimalang Araw ng Martes.
PANALANGIN KAY SAN ANTONIO DE PADUA TUWING ARAW NG MARTES
O butihing San Antonio, pinipintuho at minamahal na lingkod ng Diyos. Narito kami ngayon sa iyong harapan upang mag-alay ng aming taos-pusong pagdedebosyon. Buong kababaang-loob at pananalig na lumalapit kami sa iyo, ikaw na kinilala bilang tapat na kaibigan ng Batang Hesus at manggagawa ng mga himala. Ngayon ay humihiling kami ng iyong patnubay at pamamagitan. Ikaw na sadyang malaking tulong sa mga nagigipit, aliw ng mga nalulumbay, at tagahanap ng mga nawawala, masdan mo kami na iyong mga deboto. Inilalapit namin sa iyo ang aming mga pasanin at mga kahilingan, lalo na ang aming mga pansariling daing sa buhay na di mawika ng aming mga labi. Tulungan mo kaming maging karapat-dapat sa mga biyayang aming hinihiling at palakasin mo ang aming pananampalataya, pag-asa, at pag-ibig sa bawat araw ng aming buhay. Samahan mo kami sa paglalakbay na ito ng aming pagdedebosyon, upang sa iyong tulong, ay lalo kaming mapalapit sa Diyos na siyang pinagmumulan ng lahat ng kabutihan. Sa pamamagitan ni Kristong aming Panginoon. Amen.
(Makayari ay dasalin ang Isang Ama namin, Aba ginoong Maria, Papuri at Ang Mapaghimalang Sagutan kay San Antonio )
ANG SAGUTAN KAY SAN ANTONIO DE PADUA
NAMUMUNO: Kung hanap moโy himalaโy masdan
nawawaksi kamatayaโt kamalian,
lumalayo ang demonyoโt kahirapan
gumagaling ang sakit leprahin man.
LAHAT: Nahuhupa ang bagsik ng dagat
natutubos ang nabibihag
kayamanaโt lakas na untag
matandaโt bataโy nagkawas
NAMUMUNO: Umiilag ang panganib,
ang mahirap ay nakakatawid;
kayong kinalingaโy magsiawit
sa mga Paduano ay ipagsulit.
LAHAT: Nahuhupa ang bagsik ng dagat
natutubos ang nabibihag
kayamanaโt lakas na untag
matandaโt bataโy nagkawas.
NAMUMUNO: Luwalhati sa Ama,
Luwalhati sa Anak,
at Luwalhati sa Diyos Espiritu Santo
LAHAT: Nahuhupa ang bagsik ng dagat
natutubos ang nabibihag
kayamanaโt lakas na untag
matandaโt bataโy nagkawas
NAMUMUNO: Idalangin Mo po kami kay Kristo, maluwlahating San Antonio
LAHAT: Nang maging dapat na totoo ang pangako Niyaโy matamo.
PANALANGIN
LAHAT: Gawin Mo, O Panginoon, na ang pamamagitan ng Iyong confessor na si San Antonio ay punuin ng kaligayahan ang Inyong Iglesia upang laging maligtas sa pamamagitan ng Inyong mga tulong, at maging dapat magtamo ng walang hanggang kaligayahan, alang-alang kay Kristong Panginoon namin. Amen.
____________________________________________________________
Paalala: Upang ating lalaong makamit ang inaasam nating mga grasya't kahilingan, hinihikayan ang lahat ng mga deboto sa malimit na pangungumpisal, pagtanggap ng Banal na Komunyon, at lalo ang pagkakawanggawa na siyang tunay na tinapay ni San Antonio.