APO SEDRO - San Isidro Labrador Chapel Iba Este Calumpit Bulacan

Directions

APO SEDRO - San Isidro Labrador Chapel Iba Este Calumpit Bulacan Contact information, map and directions, contact form, opening hours, services, ratings, photos, videos and announcements from APO SEDRO - San Isidro Labrador Chapel Iba Este Calumpit Bulacan, Religious organisation, Calumpit.

04/10/2026

Ika-27 Linggo sa Karaniwang Panahon
October 04, 2026 | 5:30 ng hapon
Tagapagdiwang: Rdo. P. Rolando Atienza

PAALAALA: Ang Online Mass ay hindi maaring maging kahalili ng pagdalo ng personal sa Banal na Misa. Ito ay isinasagawa lamang para sa mga taong hindi makakadalo sa Banal na Misa dahil sa sakit at karamdaman. Gayundin para sa mga OFW's. Hindi dapat mapalitan ng Online Mass ang tunay na presensya sa Banal na Misa. Kaya ipinapayong personal na magtungo sa mga Simbahan upang dumalo sa Banal na Misa upang sama-sama at makiisa sa pakikinabang sa katawan at dugo ng Panginoon sa presenya ng Banal na Eukaristiya.

DISCLAIMER: We do not own the music featured in this video. All rights belong to its rightful owners. No copyright infringement intended.

04/10/2026

Ika-27 Linggo sa Karaniwang Panahon

October 04, 2026 | 9:30 ng umaga
Tagapagdiwang: Rdo. P. Rolando Atienza

PAALAALA: Ang Online Mass ay hindi maaring maging kahalili ng pagdalo ng personal sa Banal na Misa. Ito ay isinasagawa lamang para sa mga taong hindi makakadalo sa Banal na Misa dahil sa sakit at karamdaman. Gayundin para sa mga OFW's. Hindi dapat mapalitan ng Online Mass ang tunay na presensya sa Banal na Misa. Kaya ipinapayong personal na magtungo sa mga Simbahan upang dumalo sa Banal na Misa upang sama-sama at makiisa sa pakikinabang sa katawan at dugo ng Panginoon sa presenya ng Banal na Eukaristiya.

DISCLAIMER: We do not own the music featured in this video. All rights belong to its rightful owners. No copyright infringement intended.

27/09/2026

Ika-26 Linggo sa Karaniwang Panahon.
Setyembre 27, 2026 | 5:30 ng hapon
Tagapagdiwang: Rdo. P. John Patrick Gumasing

Setyembre 27, 2026 | 9:30 ng hapon

DISCLAIMER: We do not own the music featured in this video. All rights belong to its rightful owners. No copyright infringement intended. See less See less

20/09/2026

Ika-25 Linggo sa Karaniwang Panahon.
Setyembre 20, 2026 | 5:30 ng hapon
Tagapagdiwang: Rdo. P. John Patrick Gumasing

PAALAALA: Ang Online Mass ay hindi maaring maging kahalili ng pagdalo ng personal sa Banal na Misa. Ito ay isinasagawa lamang para sa mga taong hindi makakadalo sa Banal na Misa dahil sa sakit at karamdaman. Gayundin para sa mga OFW's. Hindi dapat mapalitan ng Online Mass ang tunay na presensya sa Banal na Misa. Kaya ipinapayong personal na magtungo sa mga Simbahan upang dumalo sa Banal na Misa upang sama-sama at makiisa sa pakikinabang sa katawan at dugo ng Panginoon sa presenya ng Banal na Eukaristiya.

DISCLAIMER: We do not own the music featured in this video. All rights belong to its rightful owners. No copyright infringement intended. See less

13/09/2026

Misa sa Pangangalaga ng Sangnilikha
Setyembre 13, 2026 | 5:30 ng hapon
Tagapagdiwang: Rdo. P. John Patrick Gumasing

PAALAALA: Ang Online Mass ay hindi maaring maging kahalili ng pagdalo ng personal sa Banal na Misa. Ito ay isinasagawa lamang para sa mga taong hindi makakadalo sa Banal na Misa dahil sa sakit at karamdaman. Gayundin para sa mga OFW's. Hindi dapat mapalitan ng Online Mass ang tunay na presensya sa Banal na Misa. Kaya ipinapayong personal na magtungo sa mga Simbahan upang dumalo sa Banal na Misa upang sama-sama at makiisa sa pakikinabang sa katawan at dugo ng Panginoon sa presenya ng Banal na Eukaristiya.

DISCLAIMER: We do not own the music featured in this video. All rights belong to its rightful owners. No copyright infringement intended.

13/09/2026

Bilang bahagi ng nagdaang Kapistahan ni Sta. Maria dela Cabeza noong nakaraang Setyembre 9, 2026. Pagkatapos ng Banal na Misa ating inilunsad ang pagbubukas ng “Kusina ni Apo Cabeza”. Kagaya ng ating mahal na patrona siya ay naging bukas palad sa pamamagitan ng pagpapakain kaniyang kapwa, lalo na sa lubhang may kailangan.

Mula sa bumubuo ng Sangguniang Pastoral ng Iba Este, kami ay taos-pusong nagpapasalamat sa tumayong Hermanas Mayores sa taong ito, ang pamilya nina Gng. Jenny Aldaba at Gng Lucy Agudera.

PAANYAYA! MAY MISA SA BISITA!Bukas ay magkakaroon tayo ng pagdiriwang ng Banal na Misa sa ating Bisita sa ganap na ika-7...
12/09/2026

PAANYAYA! MAY MISA SA BISITA!

Bukas ay magkakaroon tayo ng pagdiriwang ng Banal na Misa sa ating Bisita sa ganap na ika-7:00 ng umaga. Para sa mga mga magsisimba, inaabisuhan na magdala ng BOTA sa kadahilanan na ang ating Bisita ay napapalibutan pa ng tubig.

Pagkatapos ng Banal na Misa ay gaganapin rin ang “Kusina ni Apo Cabeza” bilang pagdiriwang ng Kapistahan ni Sta. Maria Dela Cabeza, ang mabuting esposa ng ating mahal na patron San Isidro Labrador.

Maraming Salamat po!

KAPISTAHAN NI SANTA MARIA DE LA CABEZA |  ESPOSA DE SAN ISIDRO LABRADORPANALANGIN KAY SANTA MARIA DE LA CABEZAMasintahin...
09/09/2026

KAPISTAHAN NI SANTA MARIA DE LA CABEZA | ESPOSA DE SAN ISIDRO LABRADOR

PANALANGIN KAY SANTA MARIA DE LA CABEZA

Masintahing Santa Maria de la Cabeza, ipanalangin mo ako sa Diyos upang makapamuhay ako gaya mo, at magkaroon ng pag-ibig na tulad ng sa iyo, pag-ibig na pinahihintulutan akong ganap na maunaawan ang aking sarili. Tulungan mo ako sa panahon ng lumbay at kalungkutan. Bigyan mo ako ng lakas sa kagipitan, kaginhawahan at aliw sa aking mga pagdurusa. Ilayo mo sa akin ang mga taong masasama; huwag mong ipahintulot na ako'y magkasala sa aking kapwa.

Nawa'y mapuno lagi ng pagsinta at pagmamahal ang aking buhay. Ipamagitan mo sa Panginoon na gabayan ako sa panahon ng pagsubok na ngayo’y labis na dumudurog sa aking puso. Alam niya ang aking mga pangangailangan at kasama ko siya sa aking mga pagdurusa. Kaya’t idulog mo na tulungan niya ako alang-alang sa kanyang walang hanggang awa.

Santa Maria de la Cabeza, namuhay ka nang may tapat, matamis, at tunay na pag-ibig, iginalang at minahal mo ang iyong banal na kabiyak na si San Isidro Labrador nang may kadalisayan. Ipagkaloob mong laging manatili sa akin ang pag-ibig. Ikaw na naglingkod sa Panginoon sa pamamagitan ng panalangin at kapakumbabaan at hindi nanghinawa sa pag-ibig sa iyong pamilya, idalangin mo na ang aking mga hiling ay matugunan nang sa gayon ay magkaroon rin ako ng buhay na puno ng kasiyahan, ugnayan, at pagmamahalan. Amen.

Santa Maria de la Cabeza, Ipanalangin mo kami
San Isidro Labrador, Ipanalangin mo kami

IKA-SIYAM NA ARAW NG NOBENA KAY SANTA MARIA DE LA CABEZAESPOSA DE SAN ISIDRO LABRADORV: Sa ngalan ng Ama, at ng Anak, at...
07/09/2026

IKA-SIYAM NA ARAW NG NOBENA KAY SANTA MARIA DE LA CABEZA
ESPOSA DE SAN ISIDRO LABRADOR

V: Sa ngalan ng Ama, at ng Anak, at ng Espiritu Santo.
R: Amen.

V: Nagkakatipon tayo ngayon upang parangalan si Santa Maria de la Cabeza, isang ulirang Kristiyano at asawa.
R: “Babaing nagpipitagan sa Poong Diyos na Maykapal ay talagang idarangal. Asawa't anak n'yang tanan mapalad s'yang babansagan.” (Kawikaan 31: 30, 28).

PAGSISISI
Maawaing Hesus, kataas-taasan kang Diyos, subalit hindi ka nakutyang manaog sa lupa’t tinubos mo ng mahal mong dugo kaming nabawian ng biyaya at inalipin ng demonyo, dahil sa kasalanang isinambulat sa mundo ng kauna-unahan naming mga magulang. Sa kaibuturan ng aming dibdib ay inihihiyaw namin sa mahal Mong harapan ang aming paglapastangan sa iyong kamahalan, ang masamang pagganti sa iyong awa at pagsuway sa iyong mga utos.

Ngayong nagsisisi na kami sa kasalanan, dumaraing sa iyong awa na kami ay iyong patawarin, pakundangan sa karapatan ng iyong Inang kalinis-linisan at ng lingkod mong si Santa Maria de la Cabeza. Ilingap mo sa amin ang mata mong maawain, at pagkalooban mo ng iyong grasya, nang kami ay maawat sa kasalanang kinasasadlakan, at nang huwag nang mawalay sa iyo magpakailanman.

Aming sinasaysay, na ipinagpipighating masakit ng aming puso ang pagkakasala sa kabutihan
mong walang hanggan. Lingapin mo, katamis-tamisang Hesus, ang aming karupukan, at huwag mong iwaksi ang aming dalanging ihinihingi sa iyo ng biyayang ikalagi sa pag-ibig at paglilingkod sa iyo, hanggang sa kami ay papagindapatin mong pagpalain sa kaluwalhatian ng langit. Amen.

PANALANGIN SA ARAW-ARAW
O maluwalhating Santa Maria de la Cabeza, ipanalangin mo kami sa Diyos upang masumpungan namin, at magkaroon kami at makapamuhay sa pag-ibig na lubhang pinagpala tulad nang sa iyo, upang matulungan kaming mabigyang kaganapan ang aming sarili. Ipanalangin mo ang aming mga suliranin sa pagmamahal upang ang mga ito ay maglaho at kami ay maging maligaya. Ipanalangin mo ang aming mga mahal sa buhay, at ang aming kahilingan sa pagsisiyam na ito:

(Tahimik na banggitin ang mga kahilingan)

Sa tulong ng iyong panalangin, ipagkaloob nawa ang aming mga kahilingan, at ang grasyang higit na mahalin bawat araw ang ating Panginoong Hesukristo, upang kasama mo ay masumpungan namin siya sa makalangit na tahanan. Amen.

Ama namin….
Aba Ginoong Maria…
Luwalhati…

PANALANGIN SA MAHAL NA BIRHEN

O, kaibig-ibig na Reyna at Ina namin, kalapating kalinis-linisang Ina ng Diyos Anak, Esposang liyag ng Diyos Espiritu Santo: kami ay nagsasaya at ikaw ay aming Reyna, kaya nagbabansag kami ng iyong kampon, at sa iyo kinikilala naming utang ang madlang awa at tulong na aming ikagagaling.

Nagpupuring walang humpay sa Panginoong Diyos kaming makasalanan, at binigyan kami ng mapagtangkilik na Ina at Reyna, na dito sa kahapis-hapis na aming pangingibang-bayan ay mag-aampon at mamamagitan para sa amin. Kaya nga papagindapatin mong kami'y ariing alipin, at kinikilala ka naming Ina at Reynang pinananaligang magbibigay sa amin ng lakas, tapang at siglang ipagtatagumpay sa impiyerno.

Lingapin mo naman, Ina, itong munting paglilingkod namin kay Santa Maria na iyong alipin, at papagindapatin mong makinabang kami sa karapatan ng katamis-tamisan mong Hesus, ng magkapalad kaming makabalik sa mahal mong talampakan, masdan at magpuri sa Diyos sa kaluwalhatian ng langit magpasawalang hanggan. Amen.

PAGBASA Lucas 12:32-34

Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Marcos.

Winika ni Hesus, "Huwag kayong matakot, munting kawan, sapagkat ikinalulugod ng inyong Ama na ibigay sa inyo ang kaharian. Ipagbili ninyo ang inyong ari-arian, at ipamahagi sa mga dukha ang pinagbilhan! Gumawa kayo ng mga sisidlang hindi naluluma at mag-ipon kayo sa langit ng kayamanang hindi nauubos. Doo'y walang magnanakaw na pumapasok at insektong sumisira. Sapagkat kung nasaan ang inyong kayamanan ay naroon din ang inyong puso.

Ang Mabuting Balita ng Panginoon.
Pinupuri ka namin, Panginoong Hesukristo.

MGA PAGLUHOG

Sa tulong ng mga panalangin ng mga banal na Babae, ipagdasal natin ang Inang Simbahan. Idalangin natin: ALALAHANIN MO ANG YONG SIMBAHAN, PANGINOON.

1. Sa pamamagitan ng lahat ng mga kababaihang martir na nagtagumpay sa kamatayan sa tulong ng kanilang tibay ng loob, patatagin Mo nawa ang iyong Simbahan sa oras ng pagsubok, manalangin tayo sa Panginoon.
2. Sa pamamagitan ng mga kababaihang may asawa na umunlad sa grasya sa tulong ng banal na matrimonio, gawin mo nawang maging mabunga ang maka-apostol na misyon ng iyong Simbahan, manalangin tayo sa Panginoon.
3. Sa pamamagitan ng mga balong babae na inibsan ang kanilang pangungulila at pinabanal ito sa tulong ng panalangin at kagandahang-loob, tulungan mo nawa ang iyong Simbahan na ibunyag ang hiwaga ng iyong pagmamahal sa daigdig, manalangin tayo sa Panginoon.
4. Sa pamamagitan ng mga kababaihang nagsilang ng mga anak para sa kaharian ng Diyos at ng mga pamayanan, tulungan mo ang iyong Simbahan na akayin ang sangkatauhan tungo sa muling pagsilang sa buhay at kaligtasan, manalangin tayo sa Panginoon.
5. Sa pamamagitan ng mga banal na babae na pinagindapat na mapagmasdan ang liwanag ng iyong mukha, itulot mong ang mga pumanaw na kasapi ng Simbahan ay magbunyi sa pangitain ding iyon magpasawalang hanggan, manalangin tayo sa Panginoon.

Ama naming makapangyarihan, itinuro mo sa iyong Sambayanang sundin ang mga utos mong bigay sa pag-ibig sa iyo at sa kapwa tao. Kaming tumutulad kay Santa Maria de la Cabeza na mapagkawanggawang totoo ay pagkalooban Mong mapabilang sa mga pinagpala sa kaharian Mo sa pamamagitan ni Hesukristo kasama ng Espiritu Santo magpasawalang hanggan. Amen.

PANALANGIN KAY SANTA MARIA DE LA CABEZA

Masintahing Santa Maria de la Cabeza, ipanalangin mo ako sa Diyos upang makapamuhay ako gaya mo, at magkaroon ng pag-ibig na tulad ng sa iyo, pag-ibig na pinahihintulutan akong ganap na maunaawan ang aking sarili. Tulungan mo ako sa panahon ng lumbay at kalungkutan. Bigyan mo ako ng lakas sa kagipitan, kaginhawahan at aliw sa aking mga pagdurusa. Ilayo mo sa akin ang mga taong masasama; huwag mong ipahintulot na ako'y magkasala sa aking kapwa.

Nawa'y mapuno lagi ng pagsinta at pagmamahal ang aking buhay. Ipamagitan mo sa Panginoon na gabayan ako sa panahon ng pagsubok na ngayo’y labis na dumudurog sa aking puso. Alam niya ang aking mga pangangailangan at kasama ko siya sa aking mga pagdurusa. Kaya’t idulog mo na tulungan niya ako alang-alang sa kanyang walang hanggang awa.

Santa Maria de la Cabeza, namuhay ka nang may tapat, matamis, at tunay na pag-ibig, iginalang at minahal mo ang iyong banal na kabiyak na si San Isidro Labrador nang may kadalisayan. Ipagkaloob mong laging manatili sa akin ang pag-ibig. Ikaw na naglingkod sa Panginoon sa pamamagitan ng panalangin at kapakumbabaan at hindi nanghinawa sa pag-ibig sa iyong pamilya, idalangin mo na ang aking mga hiling ay matugunan nang sa gayon ay magkaroon rin ako ng buhay na puno ng kasiyahan, ugnayan, at pagmamahalan. Amen.

Santa Maria de la Cabeza, Ipanalangin mo kami
San Isidro Labrador, Ipanalangin mo kami

V: Sa ngalan ng Ama, at ng Anak, at ng Espiritu Santo.
R: Amen.

Address

Calumpit

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when APO SEDRO - San Isidro Labrador Chapel Iba Este Calumpit Bulacan posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share