28/09/2026
Sunday Service — September 27, 2026
Topic: Ipasa ang Sulo ng Pananampalataya
2 Timoteo 1:5
⁵Naalala ko ang iyong tunay na pananampalataya, na unang nanirahan kay Lois na iyong lola, at kay Eunice na iyong ina, at ako'y naniniwala na naninirahan din sa iyo.
Theme: Ang pananampalatayang tinanggap natin ay pananampalatayang dapat nating ipasa.
Objectives:
• To recognize the faith of our grandparents.
• To appreciate their spiritual influence in our lives.
• To build a legacy of faith for the next generation to follow.
Introduction:
May mga bagay na hindi natin agad nakikita ang halaga habang tayo ay bata pa. Minsan, akala natin, ordinaryong bagay lamang ang ginagawa ng ating mga lolo at lola.
Ngunit habang tayo ay lumalaki, nauunawaan natin na may mas malalim silang ipinapasa—ang kanilang pananampalataya. At tulad ng sulo na lalong nagpapalawak ng liwanag kapag ipinapasa, ang pananampalataya ay lalong nagiging makapangyarihan kapag naipapasa sa susunod na henerasyon.
Ano ang sulo ng pananampalataya na ipinasa sa atin, at ano naman ang ipapasa natin sa susunod na henerasyon.
I. Nilinang Nila ang Apoy ng Pananampalataya (2 Timoteo 1:5a)
Ang unang legacy na binanggit tungkol kay Lois ay ang kanyang faith. May tunay siyang pananampalataya, at nakita iyon ng kanyang apo.
Ang apoy
Kung alagaan mo ito, lalago. Pero kung pababayaan mo, mamamatay. Ganoon din ang pananampalataya, kailangan itong alagaan, linangin, at ipakita.
II. Ipinasa Nila ang Sulo ng Pananampalataya (2 Timoteo 1:5)
• Lois —> Eunice —> Timothy; Grandmother, Mother, Grandson. May pananampalatayang ipinasa mula sa isang henerasyon patungo sa susunod.
• Faith is not only something we receive, it is something we pass on.
Sulo sa karera
May hawak na baton ang unang runner. Hindi siya tumatakbo para sa sarili niya lamang. Darating ang point na kailangan niyang ipasa ang baton sa susunod. Kapag sinabi ng unang runner, "Sa akin na lang ito." Hindi matatapos ang relay.
Ganito rin ang faith. We must intentionally pass the faith.
III. Nanatili ang Sulo Para sa Susunod na Henerasyon (2 Timoteo 2:5b)
• Ang faith ay nakarating kay Timothy. Ang sulo ay naipasa. At ngayon, si Timothy naman ang magdadala nito.
Cellphone Battery
Ang cellphone natin ay maaaring fully charged. Pero kahit gaano pa ito ka-full battery, darating ang panahon na kailangan itong i-charge ulit. At kung patuloy mo itong gagamitin nang hindi nagcha-charge, mauubos. Ganoon din ang spiritual life.
Kailangan nating magkaroon ng personal na relasyon sa Diyos.
3 Tanong para sa Bawat Henerasyon:
1. Ano ang tinanggap kong pananampalataya?
2. Ano ang ipinapasa ko ngayon?
3. Sino ang susunod na magdadala ng sulo?
Conclusion:
Ipasa mo ang sulo. Huwag mong sayangin ang spiritual legacy na ipinagkatiwala sa iyo. Receive the faith. Grow the faith. Live the faith. Pass the faith.