San Bartolome Apostol - Calumpang, Marikina City

San Bartolome Apostol - Calumpang, Marikina City Si San Bartolome ay isa sa labindalawang alagad ni Kristo. Siya ay mula Kana, Galilea. Siya ay binal

Ngayong araw, ating ginugunita ang dakilang kapistahan ni San Barolome, isa sa mga apostol at butihing alagad ni Hesukri...
24/08/2023

Ngayong araw, ating ginugunita ang dakilang kapistahan ni San Barolome, isa sa mga apostol at butihing alagad ni Hesukristo.

Ipanalangin mo kami, O San Bartolome aming pintakasi.
------------------------------
O maluwalhating San Bartolome, tinawag ka ni Hesus na taong walang pagkukunwari, at nakita mo ang tanda sa mundong ito na Siya ang Anak ng Diyos at Hari ng Israel. Ipagkaloob mo sa amin ang biyaya na sa tuwina ay huwag magbalatkayo at payak na tulad ng kalapati. Gayundin naman, tulungan mo kami na mapasa-amin ang biyaya ng Iyong pananampalataya na makita ang mapagpalang kamay ng Diyos sa mga pangyayari sa pang-araw-araw naming buhay. Nawa'y mapagtanto namin ang mga tanda ng panahon na maghahatid sa amin kay Hesus dito sa lupa at humantong nawa sa pakikipagkaisa namin sa kanya sa langit magpakailanman. Amen

Magalak tayong lahat sapagkat si Hesus ay muling nabuhay! Mula sa aming pahina at sa Pamilya Senga, taos puso po kaming ...
16/04/2022

Magalak tayong lahat sapagkat si Hesus ay muling nabuhay!

Mula sa aming pahina at sa Pamilya Senga, taos puso po kaming bumabati ng maligayang Pasko ng Pagkabuhay!

𝕭𝖎𝖞𝖊𝖗𝖓𝖊𝖘 𝕾𝖆𝖓𝖙𝖔MABUTING BALITAJuan 18, 1 – 19, 42Ang Pagpapakasakit ng ating Panginoong Hesukristo ayon kay San JuanNoong...
15/04/2022

𝕭𝖎𝖞𝖊𝖗𝖓𝖊𝖘 𝕾𝖆𝖓𝖙𝖔

MABUTING BALITA
Juan 18, 1 – 19, 42

Ang Pagpapakasakit ng ating Panginoong Hesukristo ayon kay San Juan

Noong panahong iyon: Umalis si Hesus kasama ang kanyang mga alagad. Pumunta sila sa ibayo ng batis Cedron at pumasok sa isang halamanan doon. Ang lugar na ito’y alam ni Judas na nagkanulo sa kanya, sapagkat madalas magpunta roon si Hesus at ang kanyang mga alagad. Pumaroon si Judas, kasama ang ilang bantay sa templo at isang pangkat ng mga kawal na padala ng mga punong saserdote at mga Pariseo. May dala silang mga parol, sulo at sandata. Alam ni Hesus ang lahat ng mangyayari sa kanya, kaya’t sila’y sinalubong niya at tinanong, “Sino ang hinahanap ninyo?” “Si Hesus na taga-Nazaret,” tugon nila. Sinabi niya, “Ako si Hesus.”

Kaharap nila si Judas na nagkanulo sa kanya. Nang sabihin ni Hesus na siya nga, napaurong sila at nabuwal sa lupa. Muli siyang nagtanong, “Sino nga ba ang hinahanap ninyo?” “Si Hesus na taga-Nazaret,” sagot nila. “Sinabi ko na sa inyong ako si Hesus. Kung ako ang hinahanap ninyo, hayaan ninyong umalis ang mga taong ito,” wika niya. Sinabi niya ito upang matupad ang kanyang salita, “Walang napahamak kahit isa sa mga ibinigay mo sa akin, Ama.” Binunot ni Simon Pedro ang kanyang tabak at tinaga ang alipin ng pinakapunong saserdote. Natigpas ang kanang tainga ng aliping yaon na ang pangala’y Malco. Sinabi ni Hesus kay Pedro, “Isalong mo ang iyong tabak! Dapat kong inumin ang kalis ng paghihirap na ibinigay sa akin ng Ama.”

Si Hesus ay dinakip at ginapos ng mga bantay na Judio at ng pangkat ng mga kawal sa pamumuno ng kanilang kapitan. Siya’y dinala muna kay Anas na biyanan ni Caifas na pinakapunong saserdote nang panahong yaon. Si Caifas ang nagpayo sa mga Judio na mas mabuti para sa kanila na isang tao lamang ang mamatay alang-alang sa bayan.

Si Simon Pedro at ang isa pang alagad ay sumunod kay Hesus. Kilala ng pinakapunong saserdote ang alagad na ito, kaya’t nakapasok siyang kasama ni Hesus sa patyo ng bahay ng pinakapunong saserdote. Naiwan naman si Pedro sa labas ng pintuan. Lumabas ang alagad na kilala ng pinakapunong saserdote, kinausap ang dalagang nagbabantay sa pinto, at pinapasok si Pedro. Si Pedro’y tinanong ng dalaga, “Hindi ba’t isa ka sa mga alagad ng taong iyan?” “Hindi,” sagot ni Pedro.

Maginaw noon, kaya’t nagpabaga ng uling ang mga alipin at mga bantay at tumayo sa paligid ng siga upang, magpainit. Nakihalo si Pedro at nagpainit din.

Si Hesus ay tinanong ng pinakapunong saserdote tungkol sa kanyang mga alagad at sa kanyang itinuturo. Sumagot si Hesus, “Hayagan akong nagsasalita sa madla; lagi akong nagtuturo sa mga sinagoga at sa templo ng mga Judio. Wala akong sinabing palihim. Bakit ako ang tinatanong ninyo? Ang tanungin ninyo’y ang mga nakarinig sa akin; alam nila kung ano ang sinabi ko.” Pagkasabi nito, siya’y sinampal ng isa sa mga bantay na naroroon. “Bakit mo sinasagot nang ganyan ang pinakapunong saserdote?” tanong niya. Sinagot siya ni Hesus, “Kung nagsalita ako ng masama, patunayan mo! Ngunit kung mabuti ang sinabi ko, bakit mo ako sinampal?”

Si Hesus na nagagapos pa noon ay ipinadala ni Anas kay Caifas, ang pinakapunong saserdote.

Samantala, naroon pa rin si Simon Pedro at nagpapainit. Siya’y tinanong nila, “Hindi ba’t alagad ka rin ng taong iyan?” “Hindi!” sagot ni Pedro. Tinanong naman siya ng isa sa mga alipin ng pinakapunong saserdote, kamag-anak ng lalaking tinigpasan niya ng tainga, “Hindi ba ikaw ang nakita kong kasama ni Hesus sa halamanan?” Muling itinatwa ito ni Pedro. Siya namang pagtilaok ng manok.

Mula sa bahay ni Caifas, si Hesus ay dinala nila sa palasyo ng gobernador. Umaga na noon. Hindi pumasok ang mga Judio sa palasyo ng gobernador, upang sila’y huwag maituring na di-karapat-dapat kumain ng Hapunang Pampaskuwa. Kaya’t sa labas sila tinanggap ni Pilato at tinanong, “Ano ang sakdal ninyo laban sa taong ito?” Sumagot sila, “Kung hindi po siya gumawa ng masama, hindi namin siya dadalhin sa inyo.” Sinabi sa kanila ni Pilato, “Dalhin ninyo siya, at hatulan ayon sa inyong kautusan.” Sumagot ang mga Judio, “Wala po kaming kapangyarihang humatol ng kamatayan kaninuman.” Nangyari ito upang matupad ang sinabi ni Hesus tungkol sa paraan ng kanyang pagkamatay. Si Pilato’y pumasok uli sa palasyo at tinawag si Hesus, “Ikaw ba ang Hari ng mga Judio?’ tanong niya. Sumagot si Hesus, “Iyan ba’y galing sa inyong sariling isipan, o may nagsabi sa inyo?” “Ako ba’y Judio?” tanong ni Pilato. “Ang mga kababayan mo at ang mga punong saserdote ang nagdala sa iyo rito. Ano ba ang ginawa mo?” Sumagot si Hesus, “Ang kaharian ko’y hindi sa sanlibutang ito. Kung sa sanlibutang ito ang aking kaharian, ipinakipaglaban sana ako ng aking mga tauhan at hindi naipagkanulo sa mga Judio. Ngunit hindi sa sanlibutang ito ang aking kaharian!” “Kung gayon, isa kang hari?” sabi ni Pilato. Sumagot si Hesus, “Kayo na ang nagsasabing ako’y hari. Ito ang dahilan kung bakit ako ipinanganak at naparito sa sanlibutan: upang magsalita tungkol sa katotohanan. Nakikinig sa aking tinig ang sinumang nasa katotohanan.” “Ano ba ang katotohanan?” tanong ni Pilato.

Pagkasabi nito, muling lumabas si Pilato at sinabi sa mga Judio, “Wala akong makitang kasalanan sa taong ito. Ngunit ayon sa inyong kaugalian, dapat akong magpalaya ng isang bilanggo kung araw ng Paskuwa. Ibig ba ninyong palayain ko ang Hari ng mga Judio?” “Hindi!” sigaw nila. “Huwag siya, kundi si Barrabas!” Si Barrabas ay isang tulisan.

Kaya’t ipinakuha ni Pilato si Hesus at ipinahagupit. Ang mga kawal ay kumuha ng halamang matinik, ginawang korona, at ipinutong kay Hesus. At sinuutan siya ng balabal na purpura. Isa’t isa’y lumalapit sa kanya at ang wika, “Mabuhay ang Hari ng mga Judio!” At siya’y pinagsasampal.

Lumabas uli si Pilato at sinabi sa kanila, “Ihaharap ko siya sa inyo upang malaman ninyo na wala akong makitang kasalanan niya!” At inilabas si Hesus na may koronang tinik at balabal na purpura. Sinabi sa kanila ni Pilato, “Narito ang tao!” Pagkakita sa kanya ng mga punong saserdote at ng mga bantay, sila’y sumigaw: “Ipako siya sa krus! Ipako sa krus!” Sinabi ni Pilato, “Kunin ninyo siya, at kayo ang magpako sa kanya. Wala akong makitang kasalanan niya.” Sumagot ang mga Judio, “Ayon sa aming kautusa’y nararapat siyang mamatay, sapagkat siya’y nagpapanggap na Anak ng Diyos.”

Lalong natakot si Pilato nang marinig ang mga pananalitang ito. Muli siyang pumasok sa palasyo at tinanong si Hesus, “Tagasaan ka ba?” Subalit hindi tumugon si Hesus. “Ayaw mo bang makipag-usap sa akin?” ani Pilato. “Hindi mo ba alam na maaari kitang palayain o ipapako sa krus?” At sumagot si Hesus, “Kaya mo lamang magagawa iyan ay sapagkat ipinagkaloob sa iyo ng Diyos ang kapangyarihang iyan, kaya mas mabigat ang kasalanan ng nagdala sa akin dito.” Nang marinig ito ni Pilato, lalo niyang hinangad na palayain si Hesus. Ngunit nagsigawan ang mga tao, “Kapag pinalaya mo ang taong iyan, hindi ka kaibigan ni Cesar! Sinumang nagpapanggap na hari ay kalaban ng Cesar.” Pagkarinig ni Pilato sa pangungusap na ito, inilabas niya si Hesus. At siya’y lumuklok sa hukuman, sa dakong tinatawag na “Ang Plataporma,” Gabata sa wikang Hebreo.

Araw noon ng Paghahanda sa Paskuwa at mag-iikalabindalawa na ng tanghali. Sinabi ni Pilato sa mga Judio, “Narito ang inyong hari!” Sumigaw sila, “Patayin siya! Patayin! Ipako sa krus!” “Ipapako ko ba sa krus ang inyong hari?” tanong ni Pilato. Sumagot ang mga punong saserdote, “Wala kaming hari kundi ang Cesar!” Kaya’t si Hesus ay ibinigay sa kanila ni Pilato upang ipako sa krus.

Kinuha nga nila si Hesus. At lumabas siya na pasan ang kanyang krus, patungo sa lugar na kung tawagi’y “Dako ng Bungo,” Golgota sa wikang Hebreo. Pagdating doon, siya’y ipinako sa krus, kasama ng dalawa pa – isa sa gawing kanan at isa sa kaliwa. Sumulat si Pilato ng ganitong pangungusap at ipinalagay sa krus: “Si Hesus na taga-Nazaret, ang Hari ng mga Judio.” Nasusulat ito sa mga wikang Hebreo, Latin, at Griego at marami sa mga Judio ang nakabasa nito, sapagkat malapit sa lungsod ang dakong pinagpakuan kay Hesus. Kaya’t sinabi ng mga punong saserdote kay Pilato, “Huwag ninyong isulat na Hari ng mga Judio, kundi, ‘Sinabi ng taong ito, Ako ang Hari ng mga Judio.’” Sumagot si Pilato, “Ang naisulat ko’y naisulat ko na.”

Nang maipako na ng mga kawal si Hesus, kinuha nila ang kanyang kasuotan at pinaghati-hatian ng apat. Kinuha rin nila ang kanyang tunika; ito’y walang tahi at hinabi nang buo mula sa itaas hanggang sa ibaba. Nag-usap-usap ang mga kawal, “Huwag nating punitin ito; magsapalaran na lamang tayo para malaman kung kanino ito mauuwi.” Nangyari ito upang matupad ang isinasaad ng Kasulatan,

“Pinaghati-hatian nila ang aking mga kasuotan;
at ang aking damit ay kanilang pinagsapalaran.”

Gayon nga ang ginawa ng mga kawal.

Nakatayo sa tabi ng krus ni Hesus ang kanyang ina at ang kapatid na babae nitong si Maria, na asawa ni Cleopas. Naroon din si Maria Magdalena. Nang makita ni Hesus ang kanyang ina, at ang minamahal niyang alagad sa tabi nito, kanyang sinabi, “Ginang, narito ang iyong anak!” At sinabi sa alagad, “Narito ang iyong ina!” Mula noon, siya’y pinatira ng alagad na ito sa kanyang bahay.

Pagkatapos nito, alam ni Hesus na naganap na ang lahat ng bagay; at bilang katuparan ng Kasulatan ay sinabi niya, “Nauuhaw ako!” May isang mangkok doon na puno ng maasim na alak. Itinubog nila rito ang isang espongha, ikinabit sa sanga ng isopo at idiniit sa kanyang bibig. Nang masisip ni Hesus ang alak ay kanyang sinabi, “Naganap na!” Iniyukayok niya ang kanyang ulo at nalagot ang kanyang hininga.

Noo’y Araw ng Paghahanda, at ayaw ng mga Judio na manatili sa krus ang mga bangkay sa Araw ng Pamamahinga sapagkat dakila ang Araw ng Pamamahingang ito. Kaya’t hiniling nila kay Pilato na ipabali nito ang mga binti ng mga ipinako sa krus, at alisin doon ang mga bangkay. Naparoon nga ang mga kawal at binali ang mga binti ng dalawang ipinakong kasabay ni Hesus. Ngunit pagdating nila kay Hesus at makitang patay na siya, hindi na nila binali ang kanyang binti. Subalit inulos ng sibat ng isa sa mga kawal ang tagiliran ni Hesus, at biglang dumaloy ang dugo at tubig. Ang nakakita nito ang nagpapatotoo — tunay ang kanyang patotoo at alam niyang katotohanan ang sinabi niya – upang kayo’y maniwala. Nangyari ang mga ito upang matupad ang sinasabi ng Kasulutan, “Walang mababali isa man sa kanyang mga buto.” At sinabi naman ng ibang bahagi ng Kasulatan, “Pagmamasdan nila ang kanilang inulos.”

Pagkatapos nito, si Jose na taga-Arimatea ay nagsadya kay Pilato upang humingi ng pahintulot na makuha ang bangkay ni Hesus. Si Jose’y isang alagad ni Hesus, ngunit palihim nga lamang dahil sa takot sa mga Judio. At pinahintulutan siya ni Pilato; kaya’t kinuha ni Jose ang bangkay ni Hesus. Sumama sa kanya si Nicodemo, may dalang pabango – mga sandaang libra ng pinaghalong mira at aloe. Siya ang nagsadya kay Hesus isang gabi. Kinuha nila ang bangkay ni Hesus, at nilagyan ng pabango habang binabalot sa kayong lino, ayon sa kaugalian ng mga Judio. Sa pinagpakuan kay Hesus ay may isang halamanan, at dito’y may isang bagong libingang hindi pa napaglilibingan. Yamang noo’y araw ng Paghahanda ng mga Judio, at dahil sa malapit naman ang libingang ito, doon nila inilibing si Hesus.

Ang Mabuting Balita ng Panginoon.

MIYERKULES SANTO Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San MateoSi Judas Iscariote, isa sa Labindalawa, ay nakipagki...
13/04/2022

MIYERKULES SANTO

Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Mateo

Si Judas Iscariote, isa sa Labindalawa, ay nakipagkita sa mga punong saserdote. “Ano po ang ibibigay ninyo sa akin kung tulungan ko kayong madakip si Hesus?” tanong niya. Noon din ay binilangan nila siya ng tatlumpung salaping pilak. Mula noon, humanap na si Judas ng pagkakataon upang maipagkanulo si Hesus.

Dumating ang unang araw ng Kapistahan ng Tinapay na Walang Lebadura. Lumapit kay Hesus ang mga alagad at nagtanong, “Saan po ninyo ibig na ipaghanda namin kayo ng Hapunang Pampaskuwa?” Sumagot siya, “Pumunta kayo sa lunsod at hanapin ninyo ang taong ito. Sabihin sa kanyang ganito ang ipinasasabi ng G**o: ‘Malapit na ang aking oras. Ako at ang mga alagad ko’y sa bahay mo kakain ng Hapunang Pampaskuwa.’” Sinunod ng mga alagad ang utos ni Hesus, at inihanda nila ang Hapunang Pampaskuwa.

Nang gabing yaon, dumulog sa hapag si Hesus, kasama ang labindalawang alagad. Samantalang sila’y kumakain, nangusap si Hesus, “Sinasabi ko: isa sa inyo ang magkakanulo sa akin.” Nanlumo ang mga alagad, at isa’t isa’y nagtanong sa kanya, “Ako po ba, Panginoon?” Sumagot siya, “Ang kasabay kong sumawsaw sa mangkok ang siyang magkakanulo sa akin. Papanaw ang Anak ng Tao, ayon sa nasusulat, ngunit sa aba ng magkakanulo sa kanya! Mabuti pang hindi na ipinanganak ang taong iyon.” Si Judas, na magkakanulo sa kanya, ay nagtanong din, “G**o, ako po ba?” Sumagot si Hesus, “Ikaw na ang nagsabi.”

Ang Mabuting Balita ng Panginoon.

(c) Awit at Papuri Website (awitatpapuri.com)

Sa araw na ito ating ginugunita ang dakilang kapistahan ng kapanganakan ng Mahal na Birheng Maria, ang Ina ni Hesukristo...
08/09/2021

Sa araw na ito ating ginugunita ang dakilang kapistahan ng kapanganakan ng Mahal na Birheng Maria, ang Ina ni Hesukristo. Sa araw na ito, ating papurihan ang kanyang ngalan at idulog sa kanya ang mga natatanging intensyon natin sa puso.

Maligayang Kapistahan San Bartolome Apostol! Sa araw na ito, ating ginugunita ang kapistahan ng isa sa labing dalawang a...
24/08/2021

Maligayang Kapistahan San Bartolome Apostol!

Sa araw na ito, ating ginugunita ang kapistahan ng isa sa labing dalawang apostol ni Hesukristo na si San Bartolome.

Mula sa aming pahina at sa mga camarero ni San Bartolome Apostol ng Calumpang, aming samo't dalangin ang kapayapaan sa mundo at ang pagtatapos ng pandemiyang ating kinakaharap. Nawa'y maging ehemplo din si San Bartolome upang mapalalim pa ang pananampalataya natin sa Panginoong Diyos na siya ang may gawa ng langit at lupa at tagapagligtas ng sansinukob.



Ang aming pahina ay taos pusong bumabati ng Maligayang Pista sa patron ng Barangay Kalumpang na si San Antonio de Padua!...
13/06/2021

Ang aming pahina ay taos pusong bumabati ng Maligayang Pista sa patron ng Barangay Kalumpang na si San Antonio de Padua! Viva San Antonio de Padua!

Aleluya! Aleluya! Magalak tayong lahat sapagkat si Hesus ay muling nabuhay. Mula sa aming pahina, kami po ay bumabati sa...
03/04/2021

Aleluya! Aleluya!

Magalak tayong lahat sapagkat si Hesus ay muling nabuhay. Mula sa aming pahina, kami po ay bumabati sa inyo ng isang mapagpalang Linggo ng Pagkabuhay.

Ipanalangin natin sa Panginoong Hesus na Muling Nabuhay ang ating mga intensyon pati na din ang tuluyang pagkawala ng Covid-19 sa ating mundo.

Sa oras na ito, ating ginugunita ang pagkamatay ng ating Panginoong Hesukristo. Nawa'y maglaan tayo ng ilang minutong ka...
02/04/2021

Sa oras na ito, ating ginugunita ang pagkamatay ng ating Panginoong Hesukristo. Nawa'y maglaan tayo ng ilang minutong katahimikan at maglaan ng panalangin para sa mahal na poong santo sepulkro.

Panalangin sa Santo Sepulkro.
O Jesus,sa pagkakasala ng tao ikaw ay isinugo ng Diyos Amang puspos ng awa at pagmamahal upang tubusin ang sangkatauhan sa pagkakalugmok sa kasalanan. Sinasamba at pinasasalamatan ka namin Ngayon kami ay tigib ng hapis dito sa lupa habang pinagninilayan ang sandaling ikaw ay nakahimlay sa iyong banal na libingan at alang-alang sa paghihirap na iyong tiniis at sa mga biyayang tinamo mo para sa aming kaligtasan, dumudulog kami sa iyo na ipagkaloob mo ang aming pinakamimithing grasya sa mga oras na ito (tahimik na banggitin ang personal na intensyon)... Ipinagkaloob mo Panginoong Hesukristo na tulad mo.Kami ay patuloy na maging bukas sa kalooban ng Diyos Ama na nasa langit magkaroon ng kababaang loob sa oras ng kahinaan at pagkakasala upang patakbo at puno ng pagsisisi kami ay buong pusong magbalik loob sa iyo mamuhay ng may di matitinag na pananampalataya at pag-asa may pagmamahal at paghahangad na maglingkod at mag-alay ng sarili sa aming kapwa gaya ng ginagawa mo para sa amin.Nagsusumamo kami Panginoon Jesus na nakahimlay sa banal na libingan na sa pagsapit ng sandaling katapusan ng aming buhay dito sa lupa matamo nawa namin sa langit mong tahanan ang bunga ng iyong ginagawang pagliligtas.Sapagkat ikaw ay Diyos na nabubuhay na mag-uli at ngayo'y naghahari sa iyong kaluwalhatian kasama ng Espiritu Santo at ng lahat ng mga Banal magpasawalang hanggan.

Amen

Sa araw na ito ating ginugunita ang pagkamatay ni Hesus sa Krus. Pinapaalala sa atin ngayong Biyernes ang pagliligtas sa...
02/04/2021

Sa araw na ito ating ginugunita ang pagkamatay ni Hesus sa Krus. Pinapaalala sa atin ngayong Biyernes ang pagliligtas sa atin ni Hesukristo sa ating mga kasalanan.

Sa araw na ito ay ating alalahanin ang mga nagawa nating pagkakasala pati na din ang mga nagkakasala sa atin. Pagnilayan ang mga nagawa natin at pagsisihan ang mga ito. Patawarin din natin ang mga nagkasala sa atin.

  muna po tayo. Ang larawan pong ito ay kuha noong Prusisyon ng Miyerkules Santo taong 2018. Ang prusisyon ng Mahal na A...
31/03/2021

muna po tayo. Ang larawan pong ito ay kuha noong Prusisyon ng Miyerkules Santo taong 2018.

Ang prusisyon ng Mahal na Araw ay tradisyon na ng mga Marikenyo. Sa pagsisimula palang ng kuwaresma ay abalang abala na ang mga camarero o mga may ari ng santo para sa taunang prusisyon na ito.

Sa kasamaang palad, sa ikalawang taon nito ay nahinto muli ang taunang tradisyon na ito dahil sa banta ng Covid-19.

Nawa'y patuloy tayo manalangin, sa intensyon din ng mahal na San Bartolome, na matapos na ang pandemya na ito upang muli tayo magkita kita sa taunang panata na ito.

Address

Calumpang
1801

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when San Bartolome Apostol - Calumpang, Marikina City posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share