Kawan ng St. Joseph the Worker - Celina Homes 2

Kawan ng St. Joseph the Worker - Celina Homes 2 Palaganapin at ibahagi ang debosyon kay San Jose Manggagawa. Pagbabahagi ng pananampalataya, liturhiya, at suporta ng komunidad sa pamamagitan ng social media.

14/06/2026
13/06/2026

June 13, 2026 | Feast Day of the Immaculate Heart of the Blessed Virgin Mary. 🌸❤️

12/06/2026

Buwanang Paghuhubog 2026

Inaanyayahan ang lahat na makiisa sa ating susunod na formation session na may temang “Servant Leadership.” Sama-sama nating pagnilayan ang halimbawa ni Hesus bilang lingkod at pinuno, at kung paano natin maisasabuhay ito sa ating paglilingkod sa Simbahan at komunidad.

🗓 Hunyo 13, 2026
🕐 1:00 PM
🎤 Resource Speaker: Bro. Raffy De Leon

Magkita-kita po tayo at sama-samang lumago sa pananampalataya at paglilingkod. 💙🙏

11/06/2026

IKA-128 ARAW ng Kalayaan ng Pilipinas
12 Hunyo (1898-2026)
TEMA: “Kalayaan, Kinabukasan, Kasaysayan”

[Panalangin] Ama naming Makapangyarihan, sa pagdiriwang ng aming KALAYAAN, tulungan Mo kaming pahalagahan ang mga aral ng aming KASAYSAYAN at maging tapat sa paghubog ng isang mas mabuting KINABUKASAN. Pagkalooban Mo ang aming bayan ng pagkakaisa, katarungan, at kapayapaan. Nawa'y mamuhay kami bilang mga mamamayang may pananagutan at pagmamahal sa Inang Bayan. Sa pamamagitan ni Kristo na aming Panginoon. Amen.🙏

Para sa Diyos. Para sa Bayan. Para sa Kapwa.
Maligayang Araw ng Kalayaan!
Mabuhay ang Republika ng Pilipinas!🇵🇭

11/06/2026

KAMAHAL-MAHALANG PUSO NI HESUS❤️‍🔥
(The Most SACRED HEART OF JESUS)
12 Hunyo; Dakilang Kapistahan

PANALANGIN🙏
Kamahal-mahalang Puso ni Hesus, pagpalain Mo ang lahat ng naglilingkod sa Iyong Sambayanan. Bigyan Mo sila ng lakas sa gitna ng pagod, kapayapaan sa gitna ng gawain, at kagalakan sa bawat munting paglilingkod na iniaalay nila para sa Iyong kaluwalhatian.

[Manalangin tayo] Diyos na totoo at tao namang totoo, Panginoon naming Hesukristo, ang Huling Hapunan ay inilagak Mo para kami'y magkasalu-salo sa ala-ala ng Iyong pagpapakasakit ukol sa mga tao. lpagkaloob Mo ang aming kahilingang ang Iyong Katawan at Dugo ay aming idangal sa pagdiriwang upang ang dulot Mong kaligtasan ay lubos naming mapakinabangan kasama ng Espiritu Santo magpasawalang hanggan. Amen.

Kamahal-mahalang Puso ni Hesus, ako'y nananalig sa Iyo. Pag-alabin Mo ang aking puso ng Iyong banal na pag-ibig. Amen.

10/06/2026

KAPISTAHAN NG KAMAHAL-MAHALANG PUSO NI HESUS

Inaanyayahan po ang lahat na makiisa sa pagdiriwang ng Kapistahan ng Kamahal-mahalang Puso ni Hesus.

📍 Misa Triduo | Hunyo 9–11, 2026
🕡 6:30 AM – Banal na Misa
🕢 7:30 AM – Nobena

📍 Araw ng Kapistahan | Hunyo 12, 2026
🕡 6:30 AM – Banal na Misa

Sama-sama nating pagnilayan ang dakilang pag-ibig ng Puso ni Hesus at magpasalamat sa Kanyang walang hanggang awa at habag.

Dakilang Kapistahan ng Kabanal-banalang Katawan at Dugo ng Panginoon ⛪Misa Pasasalamat sa Buwan ng Hunyo, taong 2026.Ika...
06/06/2026

Dakilang Kapistahan ng Kabanal-banalang Katawan at Dugo ng Panginoon ⛪

Misa Pasasalamat sa Buwan ng Hunyo, taong 2026.

Ika-6 ng Hunyo, sa ganap na ika-7 ng gabi at unang Sabado ng buwan ay naganap ang pagdiriwang ng Banal na Misa sa Kawan ng St. Joseph the Worker, Celina Homes 2 na pinangunahan ng ating kura paroko, Rev. Fr. Jose P. Casas Jr. Sa kanyang homiliya ay binigyang diin ni Fr. Joe ang kahalagahan ng pagmamahal sa Diyos at sa kapwa na inutos sa atin ng Panginoong Hesukristo. Ito rin ang huling Misang ipinagdiriwang ni Fr. Joe dito sa ating Kawan bilang kura paroko ng ating Parokya ng Mother of the Redeemer Parish, Diocese of Novaliches, Caloocan City .

02/06/2026

✨ DAKILANG KAPISTAHAN NG CORPUS CHRISTI ✨

Sa pagdiriwang ng Dakilang Kapistahan ng Corpus Christi, sama-sama nating parangalan at sambahin ang Katawan at Dugo ni Kristo na tunay na naroroon sa Banal na Eukaristiya.

📅 Hunyo 7, 2026

Mga Gawain:
• Maringal na Misa – 6:30 AM at 5:00 PM
• Prusisyon ng Banal na Sakramento – 7:30 AM
• Banal na Oras – 9:30 AM hanggang 10:30 AM

Inaanyayahan ang lahat ng mananampalataya na makiisa sa banal na pagdiriwang na ito bilang pagpapahayag ng ating pananampalataya at pagmamahal sa Panginoon sa Banal na Sakramento.

“Manatili kayo sa Akin at Ako’y mananatili sa inyo.” (Juan 15:4)

Pagdiriwang ng National BEC Sunday at Holy Trinity Sunday,May 31, 2026 sa ating parokya ng Mother of the Redeemer Parish...
01/06/2026

Pagdiriwang ng National BEC Sunday at Holy Trinity Sunday,May 31, 2026 sa ating parokya ng Mother of the Redeemer Parish, Diocese of Novaliches, Caloocan City. Ang tema ngayong taon ay : "Ang BEC bilang sentro ng sinodalidad at pag-asa para sa ating sugatang mundo".

Address

St. Joseph Street Celina Homes 2
Caloocan

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Kawan ng St. Joseph the Worker - Celina Homes 2 posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share