07/06/2026
"Bakit kailangan ko pa si Jesus? Mabuti naman akong tao at wala akong inaapakang kapwa."
🏃🏼♀️➡️Para itong pagtalon mula rito hanggang America, kahit gaano ka kalakas tumalon, hindi mo maaabot ang kabilang panig.
✅ Ang standard ng langit ay hindi "Goodness" kundi HOLINESS o (kabanalan). Kahit gaano tayo kabuti, lahat tayo ay nagkukulang dahil sa ating likas na pagkatao.
📖“Sapagkat ang lahat ay nagkasala, at walang sinumang karapat-dapat sa paningin ng Diyos.” — Roma 3:23
Kapag sinasabi ng tao na "Mabuti naman ako," ang madalas nilang benchmark o pamantayan ay ang ibang tao na pumapatay, nagnanakaw, o nanggagahasa.
Kung ikukumpara sa kanila, mabuti nga naman tayo.
Pero sa Bibliya, hindi tao ang pamantayan, kundi ang Diyos mismo.
📖Isaias 64:6: “Ang lahat ng aming kabutihan ay parang maruming basahan sa iyong paningin.”
Madalas nating isipin na tayo ay nagiging makasalanan dahil tayo ay nagkakasala.
📢Pero sa Bibliya, baligtad: nagkakasala tayo dahil tayo ay likas na makasalanan.
📖Efeso 2:1: “Noong una, kayo'y patay sa espirituwal dahil sa inyong mga pagsuway at mga kasalanan.”
📢📢Isipin mo ang isang judge sa korte, kung may isang krimen na ginawa, at sinabi ng maysala na..
🙍🏼♂️"Judge, wag mo na ako ikulong, mabuti naman akong ama sa mga anak ko at nagdodonate ako sa charity," 👨🏼⚖️ papayag ba ang judge? Hindi. Kung papayagan yun ng judge, hindi siya mabuting judge.
📖Roma 6:23: “Sapagkat kamatayan ang kabayaran ng kasalanan, ngunit ang walang bayad na kaloob ng Diyos ay buhay na walang hanggan sa pamamagitan ni Cristo Jesus na ating Panginoon.”
✅Ang pagpasok sa langit ay hindi parang grading system sa school na basta 75% passing rate ka dahil 'mabuti' ka, pasado ka na. Ang passing rate sa langit ay 100% perfection. Dahil walang sinuman sa atin ang makakakuha ng 100%, kailangan natin si Jesus na Siya lang ang nakakuha ng perfect score, upang i-shair ang score Niya sa atin. ♥️