KOA ng Ampapp

KOA ng Ampapp This is the official pages of Knights of the Altar Servers of Ang Muling Pagkabuhay ng Ating Panginoon Parish

28/01/2026

๐Ÿ“ข PAUNAWA SA LAHAT NG KABATAAN: MAY PAGBABAGO SA PETSA, ORAS AT LUGAR

Mga Ka-Lakbay, buong galak namin kayong inaanyayahan sa pagtitipon ng mga kabataan na puno ng pananampalataya, pagkakaisa, at paglalakbay bilang iisang pamayanan. Sa diwa ng paggabay at pagmamahal ni San Juan Bosco, tayo ay magsasama-sama para sa General Assembly ng Parish Youth Ministry kasabay ng pagdiriwang ng Don Bosco Youth Day.

๐Ÿ“ฃ ๐๐€๐‘๐ˆ๐’๐‡ ๐˜๐Ž๐”๐“๐‡ ๐Œ๐ˆ๐๐ˆ๐’๐“๐‘๐˜ | ๐†๐„๐๐„๐‘๐€๐‹ ๐€๐’๐’๐„๐Œ๐๐‹๐˜ ๐ฑ ๐ƒ๐Ž๐ ๐๐Ž๐’๐‚๐Ž ๐˜๐Ž๐”๐“๐‡ ๐ƒ๐€๐˜ ๐Ÿ๐ŸŽ๐Ÿ๐Ÿ”
๐Ÿ“ Tema: โ€œSan Juan Bosco: Ka-Lakbay ng Kabataang Pilipinoโ€
๐Ÿ“… Petsa: February 1, 2026 Sunday* (INILIPAT)
โฐ Oras: 12:30 PM - 4:00 PM (BINAGO)
๐Ÿ“ Lugar: Miami Court, Pkg. 4 (BAGONG LUGAR)

Inaanyayahan ang lahat ng kabataan na makibahagi sa isang makabuluhang hapon ng talakayan, pagbabahagi, at pagpapatibay ng ating misyon bilang kabataang naglalakbay kasama ni San Juan Bosco.

๐Ÿ–Š Mga Paalala:
โ€ข Magdala ng ballpen
โ€ข Journal
โ€ข Tumbler

Dalhin ang inyong puso't kaluluwa para sa isang hindi malilimutang karanasan kasama ang ating kabataang Katoliko!

Libre ang entrance! Lahat ng kabataan ay welcome ๐Ÿ’™

Magdala ng kaibigan, kamag-anak, o kahit sino na gustong sumama sa ating journey of faith.

Para sa mga katanungan, kontakin ang inyong kapatiran youth coordinators o si Rhea Mae Rejano ang PYM Coordinator. Mag-register na rin kayo in advance para sa planning purposes ๐Ÿ˜Š

Huwag palampasin! Mark your calendars, set your reminders ๐Ÿ“ฒ

Kita-kits, PYM Family! God bless us all ๐Ÿ™Œโœ๏ธ







Ang ganda ng paalala na โ€™to. Madalas iniisip ng iba na dahil nagsisilbi kami sa altar, banal na kami o wala nang pagkaka...
10/10/2025

Ang ganda ng paalala na โ€™to. Madalas iniisip ng iba na dahil nagsisilbi kami sa altar, banal na kami o wala nang pagkakamali. Pero ang totoo, katulad din namin ng ibaโ€”may pinagdadaanan, may kahinaan, at patuloy pa ring natututo araw-araw.

Bihira makita ng mga tao โ€™yung mga pagkakataong pagod ka na pero pipiliin mo pa ring magsuot ng alb at maglingkod. โ€™Yung mga sandaling nagdadalawang-isip ka, pero pipiliin mo pa ring humarap sa altar dahil alam mong hindi mo ginagawa โ€™to para sa sarili mo, kundi para sa Diyos.

Ang altar service hindi tungkol sa pagiging perpekto. Tungkol ito sa pagtanggap na kahit may mga pagkukulang tayo, ginagamit pa rin tayo ng Diyos bilang instrumento ng Kanyang pagmamahal. Sa bawat misa, sa bawat pagsindi ng kandila, sa bawat pagyuko at pagtunog ng kampanilyaโ€”doon natin muling nararanasan kung gaano kabuti at katapat ang Diyos.

Hindi Niya tayo tinawag dahil perpekto tayo. Tinawag Niya tayo dahil gusto Niyang pagpalain tayo habang naglilingkod tayo sa Kanya. ๐Ÿ™โœจ

๐๐ž๐ก๐ข๐ง๐ ๐ญ๐ก๐ž ๐ฏ๐ž๐ฌ๐ญ๐ฆ๐ž๐ง๐ญ๐ฌ ๐š๐ซ๐ž ๐ก๐ž๐š๐ซ๐ญ๐ฌ ๐ฌ๐ญ๐ข๐ฅ๐ฅ ๐ฅ๐ž๐š๐ซ๐ง๐ข๐ง๐  ๐š๐ง๐ ๐ ๐ซ๐จ๐ฐ๐ข๐ง๐ .

People sometimes think that altar servers are already holy or flawless just because weโ€™re close to the altar. But behind those robes are people still figuring things out, we have our flaws, our struggles, and our battles too. We are sometimes tired, sometimes doubting, yet still showing up to serve. We fall, we learn, and we keep trying because this ministry reminds us what it means to be close to God despite our flaws.

Serving as a knights of the altar isnโ€™t about being perfect, itโ€™s about letting God work through our imperfections. Every Mass, every act of service, is a reminder that weโ€™re not doing this for ourselves but for Him who strengthens us.

โ€œFor even the Son of Man came not to be served but to serve.โ€ โ€” Mark 10:45

HAPPY BIRTHDAY FR.NOEL! ๐ŸŽ‰๐ŸŽˆ
06/05/2025

HAPPY BIRTHDAY FR.NOEL! ๐ŸŽ‰๐ŸŽˆ

Happy Birthday, Fr. Noel! ๐Ÿฅณ

You're a true gift to our parish, deeply loved by God and by all of us. Thank you for leading with kindness, serving with humility, and always giving so much of yourself.

We pray that God continues to bless you with good health, joy, and strength in all you do. You inspire us just by being you. Enjoy your special day! ๐ŸŽ‚๐ŸŽ‰โœจ

With love, from your AMPAPP Family. ๐Ÿ’’๐Ÿซ‚



18/04/2025
18/04/2025

"๐‘๐‘”๐‘ข๐‘›๐‘–๐‘ก ๐‘˜๐‘Ž๐‘ฆ๐‘œสผ๐‘ฆ ๐‘š๐‘”๐‘Ž ๐‘ก๐‘Ž๐‘œ๐‘›๐‘” ๐‘๐‘–๐‘›๐‘–๐‘™๐‘–, ๐‘š๐‘”๐‘Ž ๐‘š๐‘Žโ„Ž๐‘Ž๐‘Ÿ๐‘™๐‘–๐‘˜๐‘Ž๐‘›๐‘” ๐‘๐‘Ž๐‘Ÿ๐‘–, ๐‘Ž๐‘ก ๐‘š๐‘”๐‘Ž ๐‘š๐‘Ž๐‘š๐‘Ž๐‘š๐‘Ž๐‘ฆ๐‘Ž๐‘› ๐‘›๐‘” ๐ท๐‘–๐‘œ๐‘ . ๐‘ƒ๐‘–๐‘›๐‘–๐‘™๐‘– ๐‘˜๐‘Ž๐‘ฆ๐‘œ ๐‘›๐‘” ๐ท๐‘–๐‘œ๐‘  ๐‘›๐‘Ž ๐‘š๐‘Ž๐‘”๐‘–๐‘›๐‘” ๐‘˜๐‘Ž๐‘›๐‘ฆ๐‘Ž ๐‘ข๐‘๐‘Ž๐‘›๐‘” ๐‘–๐‘๐‘Žโ„Ž๐‘Ž๐‘ฆ๐‘Ž๐‘” ๐‘›๐‘–๐‘›๐‘ฆ๐‘œ ๐‘Ž๐‘›๐‘” ๐‘˜๐‘Žโ„Ž๐‘Ž๐‘›๐‘”๐‘Ž-โ„Ž๐‘Ž๐‘›๐‘”๐‘Ž ๐‘›๐‘–๐‘ฆ๐‘Ž๐‘›๐‘” ๐‘š๐‘”๐‘Ž ๐‘”๐‘Ž๐‘ค๐‘Ž. ๐‘†๐‘–๐‘ฆ๐‘Ž ๐‘Ž๐‘›๐‘” ๐‘ก๐‘ข๐‘š๐‘Ž๐‘ค๐‘Ž๐‘” ๐‘ ๐‘Ž ๐‘–๐‘›๐‘ฆ๐‘œ ๐‘š๐‘ข๐‘™๐‘Ž ๐‘ ๐‘Ž ๐‘˜๐‘Ž๐‘‘๐‘–๐‘™๐‘–๐‘š๐‘Ž๐‘› ๐‘ก๐‘ข๐‘›๐‘”๐‘œ ๐‘ ๐‘Ž ๐‘˜๐‘Žโ„Ž๐‘Ž๐‘›๐‘”๐‘Ž-โ„Ž๐‘Ž๐‘›๐‘”๐‘Ž ๐‘›๐‘–๐‘ฆ๐‘Ž๐‘›๐‘” ๐‘˜๐‘Ž๐‘™๐‘–๐‘ค๐‘Ž๐‘›๐‘Ž๐‘”๐‘Ž๐‘›." -1 Pedro 2:9

Para sa aming mga minamahal kaparian, Rev. Fr. Noel O. Flaviano SS.CC & Rev. Fr. Agung Nugraha SS.CC bumabati kami ng ๐‡๐€๐๐๐˜ ๐๐‘๐ˆ๐„๐’๐“ ๐ƒ๐€๐˜ ! Sa pagpapanibago sa pangako ng pagiging pari na ginanap ngayong araw sa Chrism mass sa Cathedral Shrine and Parish of the Good Sheperd, Diocese of Novaliches.


18/04/2025

๐๐ˆ๐˜๐„๐‘๐๐„๐’ ๐’๐€๐๐“๐Ž | 18 Abril 2025
BIYERNES SANTO SA PAGPAPAKASAKIT NG PANGINOON

"๐˜ˆ๐˜ฎ๐˜ข, ๐˜ด๐˜ข ๐˜ฎ๐˜จ๐˜ข ๐˜ฌ๐˜ข๐˜ฎ๐˜ข๐˜บ ๐˜ฎ๐˜ฐ ๐˜ฉ๐˜ข๐˜ฃ๐˜ช๐˜ญ๐˜ช๐˜ฏ ๐˜ฌ๐˜ฐ ๐˜ข๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ฃ๐˜ถ๐˜ฉ๐˜ข๐˜บ ๐˜ฌ๐˜ฐ."

Ngayong Biyernes Santo, tayo ay sama-samang lumuluhod sa harap ng Krusโ€”hindi bilang talunan, kundi bilang mga taong pinagkalooban ng tagumpay sa pamamagitan ng walang hanggang pag-ibig ni Kristo. Ito ang araw na tahimik nating inaalala ang Kanyang paghihirap, pagdurusa, at kamatayanโ€”hindi lamang bilang isang makasaysayang pangyayari, kundi bilang isang buhay na tanda ng pag-ibig ng Diyos para sa bawat isa sa atin.

Ang Misa sa araw na ito ay kakaibaโ€”walang konsekrasyon, walang pagbendisyon. Sa halip, ang ating puso ang ihahandog, ang ating pananampalataya ang palalalimin, at ang ating pag-ibig sa Diyos ay muling bubuhayin.

Sa katahimikan ng Biyernes Santo, hayaang mangusap ang Krus sa atinโ€”ang Krus na naging tulay ng ating kaligtasan. Sa ating pakikiisa sa pagdurusa ni Kristo, nawaโ€™y magbunga ito ng bagong buhay at mas masidhing pananampalataya sa ating puso.




18/04/2025

Masunuring Kristo Hesus naghain ng buhay sa krus, kayaโ€™t dinakila ng Dโ€™yos binigyan ng ngalang tampok sa langit at sansinukob.
- Filipos 2: 8-9




Address

Phase 10 A Package 2 BLOK 30
Caloocan
1428

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when KOA ng Ampapp posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share