AlmuSalita by Fr. Luciano Felloni

AlmuSalita by Fr. Luciano Felloni Almusalita inspired by Fr. Luciano Felloni(+) is your whole day companion with the Word of God.
(1451)

Daily Prayer IntentionWednesday, August 26, 2026Comment on the corresponding photo for your Thanksgiving and Celebration...
26/08/2026

Daily Prayer Intention
Wednesday, August 26, 2026

Comment on the corresponding photo for your Thanksgiving and Celebration, Fast Recovery, Safe Travel, Eternal Repose, or Personal Intentions. Your intentions will be remembered in our prayers and, whenever possible, included in the celebration of the Holy Mass.

May we carry one another’s intentions in prayer as we entrust them all to the Lord.

Reflection BitesAugust 26 | Mateo 23:27–32Sino tayo kapag walang nakakakita?Inaanyayahan tayo ni Hesus sa isang pananamp...
25/08/2026

Reflection Bites
August 26 | Mateo 23:27–32

Sino tayo kapag walang nakakakita?

Inaanyayahan tayo ni Hesus sa isang pananampalatayang hindi lamang nakikita sa harap ng iba, kundi tahimik na isinasabuhay kahit walang nakakakilala sa ating ginagawa.

Daily Gospel at mga PagbasaMiyerkoles, Agosto 26, 2026⛪️ UNANG PAGBASA2 Tesalonica 3:6-10, 16-18Pagbasa mula sa ikalawan...
25/08/2026

Daily Gospel at mga Pagbasa
Miyerkoles, Agosto 26, 2026

⛪️ UNANG PAGBASA
2 Tesalonica 3:6-10, 16-18

Pagbasa mula sa ikalawang sulat ni Apostol San Pablo sa mga taga-Tesalonica

Mga kapatid, iniuutos namin sa inyo sa pangalan ng Panginoong Hesukristo, na layuan ang mga tamad at ayaw mamuhay ayon sa mga tagubilin namin sa inyo. Alam naman ninyo na dapat ninyong tularan ang aming ginawa. Hindi kami nahiyang magtrabaho nang kami’y nariyan pa. Hindi kami tumanggap ng anumang bagay kaninuman nang hindi namin binabayaran. Nagpagal kami araw-gabi upang hindi maging pasanin ng sinuman sa inyo. Ginawa namin ito hindi dahil sa wala kaming karapatang maghintay ng inyong tulong kundi upang kayo’y bigyan ng halimbawang dapat sundan. Nang kasama pa namin kayo, ito ang tagubiling ibinigay namin sa inyo: “Huwag ninyong pakanin ang sinumang ayaw gumawa.”

Ang Panginoon na bukal ng kapayapaan ang siya nawang magkaloob sa inyo ng kapayapaan sa lahat ng pagkakataon. Nawa’y sumainyong lahat ang Panginoon.

Akong si Pablo ang sumulat ng pagbating ito: Binabati ko kayo. Ito ang aking lagda sa lahat ng sulat ko. Ganito ako sumulat.

Nawa’y sumainyong lahat ang pagpapala ng ating Panginoong Hesukristo.

Ang Salita ng Diyos.

⛪️ SALMONG TUGUNAN
Salmo 127:1-2, 4-5

Tugon: Mapalad ang sumusunod na taong may takot sa D’yos.

Mapalad ang bawat tao na sa Diyos ay may takot,
ang maalab na adhika’y sumunod sa kanyang utos.
Hindi siya magkukulang sa anumang kailangan,
ang buhay ay maligaya’t uunlad ang kanyang buhay.

Tugon: Mapalad ang sumusunod na taong may takot sa D’yos.

Ang sinuman kung ang Diyos buong pusong susundin,
buhay niya ay uunlad at laging pagpapalain.
Mula sa Sion, pagpapala nawa ng Diyos ay tanggapin,
at makita habang buhay, pag-unlad ng Jerusalem.

Tugon: Mapalad ang sumusunod na taong may takot sa D’yos.

⛪️ MABUTING BALITA
Mateo 23:27-32

Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Mateo

Noong panahong iyon, sinabi ni Hesus, “Sa aba ninyo, mga eskriba at mga Pariseo! Mga mapagpaimbabaw! Ang katulad ninyo’y mga libingang pinaputi, magaganda sa labas, ngunit sa loob ay puno ng kabulukan at buto ng mga patay. Ganyang-ganyan kayo! Sa paningin ng tao’y mabubuti kayo, ngunit ang totoo, punung-puno kayo ng pagpapaimbabaw at kasamaan.

“Sa aba ninyo, mga eskriba at mga Pariseo! Mga mapagpaimbabaw! Ipinagtatayo ninyo ng mga libingan ang mga propeta at ginagayakan ang mga puntod ng mga taong namuhay nang matuwid. At sinasabi ninyo, ‘Kung kami sana’y nabuhay sa kapanahunan ng aming mga ninuno, hindi namin ipapapatay ang mga propeta.’ Sa sinabi ninyong iyan, inaamin ninyong kayo’y mga anak ng mga nagpapatay sa mga propeta! Sige! Tapusin ninyo ang pinasimulan ng inyong mga ninuno!”

Ang Mabuting Balita ng Panginoon.

Source: © Tagalog Mass Readings - www.awitatpapuri.com

Wednesday Morning PrayerAugust 26, 2026Father of light, awaken in us a spirit attentive to your presence and ready to re...
25/08/2026

Wednesday Morning Prayer
August 26, 2026

Father of light, awaken in us a spirit attentive to your presence and ready to respond to your grace. Amid the demands and distractions of this day, keep our hearts centered on Christ, that we may carry out our responsibilities with integrity, patience, and love. Through our Lord Jesus Christ, your Son, who lives and reigns with you and the Holy Spirit, God, for ever and ever. Amen.

Tuesday Evening PrayerAugust 25, 2026Merciful Father, as evening comes, teach us to look upon this day with honesty and ...
25/08/2026

Tuesday Evening Prayer
August 25, 2026

Merciful Father, as evening comes, teach us to look upon this day with honesty and gratitude. Help us to recognize where your grace has been at work, to ask forgiveness where we have failed to love, and to carry forward whatever you have taught us. May our hearts remain open to the new beginnings your mercy always provides. Through Christ our Lord. Amen.

Bible Verse of the DayAugust 25, 2026The Lord is close to the brokenhearted.Psalm 34:18God never turns away from a wound...
25/08/2026

Bible Verse of the Day
August 25, 2026

The Lord is close to the brokenhearted.
Psalm 34:18

God never turns away from a wounded heart. If you're facing pain or disappointment today, remember that He is near, offering comfort and hope.

25/08/2026

Almusalita Reflection Bites | Mateo 23:23-26| August 25, 2026

Gawin nating viral ang Salita ng Diyos araw- araw, hindi lang sa AlmuSalita, kundi pati sa AlmuGawa.
Share the Good News!

Daily Prayer IntentionTuesday, August 25, 2026Comment on the corresponding photo for your Thanksgiving and Celebration, ...
25/08/2026

Daily Prayer Intention
Tuesday, August 25, 2026

Comment on the corresponding photo for your Thanksgiving and Celebration, Fast Recovery, Safe Travel, Eternal Repose, or Personal Intentions. Your intentions will be remembered in our prayers and, whenever possible, included in the celebration of the Holy Mass.

May we carry one another’s intentions in prayer as we entrust them all to the Lord.

Reflection BitesAugust 25, 2026  |  Mateo 23:23–26Madaling ayusin ang mga bagay na nakikita ng iba. Ngunit inaanyayahan ...
24/08/2026

Reflection Bites
August 25, 2026 | Mateo 23:23–26

Madaling ayusin ang mga bagay na nakikita ng iba. Ngunit inaanyayahan tayo ni Hesus na tingnan din kung ano ang nangyayari sa loob natin.

Ang tunay na pagbabago ay nagsisimula sa puso.

Address

Caloocan

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when AlmuSalita by Fr. Luciano Felloni posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Place Of Worship

Send a message to AlmuSalita by Fr. Luciano Felloni:

Shortcuts

Share