Our Lady of the Immaculate Conception Sub-Parish of the Holy Spirit Parish

Our Lady of the Immaculate Conception Sub-Parish of the Holy Spirit Parish A sub-parish of Holy Spirit Parish - Caloocan

15/09/2026


๐—๐˜‚๐—ฎ๐—ป ๐Ÿญ๐Ÿต:๐Ÿฎ๐Ÿฑ-๐Ÿฎ๐Ÿณ
Nangakatayo naman sa tabi ng krus ni Hesus ang kanyang ina at ang kapatid na babae ng kanyang ina, si Maria ni Cleofas at si Maria Magdalena. Kaya pagkakita ni Hesus sa ina at sa alagad na mahal niya na nakatayo sa tabi, sinabi niya sa ina: "Babae, hayan ang anak mo!" Pagkatapos ay sinabi naman niya sa alagad: "Hayan ang iyong ina." At mula sa oras na iyon, tinanggap siya ng alagad sa kanyang tahanan.
____________________
Photo credit: https://files.ecatholic.com/2954/pictures/2025/9/Seven-Sorrows-of-Our-Lady-1.jpg?t=1758308145000

14/09/2026


๐—š๐—ผ๐˜€๐—ฝ๐—ฒ๐—น ๐—ณ๐—ฟ๐—ผ๐—บ ๐—๐—ผ๐—ต๐—ป ๐Ÿฏ:๐Ÿญ๐Ÿฏ-๐Ÿญ๐Ÿณ
Jesus said to Nicodemus: "No one has gone up to heaven except the one who has come down from heaven, the Son of Man. And just as Moses lifted up the serpent in the desert, so must the Son of Man be lifted up, so that everyone who believes in him may have eternal life."

For God so loved the world that he gave his only Son, so that everyone who believes in him might not perish but might have eternal life. For God did not send his Son into the world to condemn the world, but that the world might be saved through him.

12/09/2026


๐—Ÿ๐˜‚๐—ฐ๐—ฎ๐˜€ ๐Ÿฒ:๐Ÿฐ๐Ÿฏ-๐Ÿฐ๐Ÿต
"Hindi makapamumunga ng masama ang mabuting puno, at ang masamang puno nama'y hindi makapamumunga ng mabuti. Nakikilala ang bawat puno sa bunga nito. Hindi makapipitas ng igos mula sa tinikan, ni makaaani ng ubas mula sa dawagan. Naglalabas ang taong mabuti ng mabuting bagay mula sa yaman ng kabutihan sa kanyang puso; ang masama nama'y naglalabas ng masamang bagay mula sa kanyang kasamaan. At sinasabi nga ng bibig ang umaapaw mula sa puso.
Bakit pa ninyo ako tinatawag na 'Panginoon, Panginoon,' gayong hindi naman ninyo tinutupad ang sinasabi ko?
Ilalarawan ko sa inyo ang lumalapit sa akin at nakikinig sa aking mga salita at tumutupad nito. May isang taong nagtatayo ng bahay na humukay nang malalim at sa batuhan inilagay ang mga pundasyon. Pagdating ng baha, hinampas ng agos ang bahay na iyon, pero wala itong lakas para yanigin iyon sapagkat mabuti ang pagkakatatag niyon.
At kung may nakaririnig ngunit di naman nagsasagawa, matutulad siya sa nagtatayo ng bahay sa ibabaw ng lupa na wala namang pundasyon. Hinampas ito ng agos at kaagad bumagsak. Anong laki ng pagkawasak ng bahay na iyon!"
____________________
Photo credit: https://mycatholic.life/saints/saints-of-the-liturgical-year/september-12---the-holy-name-of-mary/

11/09/2026


๐—Ÿ๐˜‚๐—ฐ๐—ฎ๐˜€ ๐Ÿฒ:๐Ÿฏ๐Ÿต-๐Ÿฐ๐Ÿฎ
Sinabi rin niya sa kanila ang isang talinhaga: "Puwede nga kayang akayin ng isang bulag ang isa pang bulag? Di ba't kapwa sila mahuhulog sa kanal? Hindi higit sa kanyang g**o ang alagad. Magiging katulad ng kanyang g**o ang ganap na alagad.
Bakit mo tinitingnan ang puwing sa mata ng iyong kapatid? At di mo pansin ang troso sa iyong mata. Paano mo masasabi sa iyong kapatid: 'Kapatid, pahintulutan mong alisin ko ang puwing sa mata mo,' gayong hindi mo nga makita ang troso sa mata mo? Mapagkunwari! Alisin mo muna ang troso sa mata mo, at saka ka makakakitang mabuti para alisin ang puwing sa mata ng kapatid mo."

10/09/2026


๐—Ÿ๐˜‚๐—ฐ๐—ฎ๐˜€ ๐Ÿฒ:๐Ÿฎ๐Ÿณ-๐Ÿฏ๐Ÿด
"Ngunit sinasabi ko sa inyong mga nakikinig: mahalin ninyo ang inyong mga kaaway, gawan ninyo ng mabuti ang mga napopoot sa inyo, pagpalain ninyo ang mga sumusumpa sa inyo, ipagdasal ninyo ang tumatrato sa inyo nang masama. Sa sumasampal sa iyo sa isang pisngi, iharap mo rin ang kabila. Sa umaagaw ng iyong kamiseta, huwag mong itanggi ang iyong sando. Magbigay ka sa sinumang humihingi sa iyo; at kung may kumuha ng iyong ari-arian, huwag mo nang hingin pa uli.
Kaya gawin ninyo sa iba ang gusto ninyong gawin nila sa inyo. Kung minamahal ninyo ang mga umiibig sa inyo, ano ang kahanga-hanga roon? Minamahal din ng mga makasalanan ang mga nagmamahal sa kanila. Kung ginagawa ninyo ang mabuti sa mga gumagawa nito sa inyo, ano ang kahanga-hanga roon? Iyon din ang ginagawa ng mga makasalanan. Kung nagpapautang kayo sa mga inaasahan ninyong makapagbabayad, ano ang kahanga-hanga roon? Nagpapautang din ang mga makasalanan sa mga makasalanan para matanggap ang katumbas.
Sa halip ay mahalin ninyo ang inyong mga kaaway; gumawa kayo ng mabuti at magpautang na walang inaasahang anuman. Kaya gagantimpalaan kayo nang malaki at magiging mga anak ng Kataas-taasan dahil butihin siya sa mga walang utang na loob at masasama. Maging maawain kayo gaya ng inyong Amang maawain.
Huwag kayong humatol, at hindi kayo hahatulan; huwag ninyong sumpain ang sinuman, at hindi kayo susumpain; magpatawad kayo, at kayo'y patatawarin. Magbigay kayo, at kayo'y bibigyanโ€”isang saganang takal, siksik, liglig at umaapaw ang mabubuhos sa inyong kandungan. Sapagkat susukatin kayo sa sukatang ginagamit ninyo."

08/09/2026


๐— ๐—ฎ๐˜๐—ฒ๐—ผ ๐Ÿญ:๐Ÿญ-๐Ÿญ๐Ÿฒ, ๐Ÿญ๐Ÿด-๐Ÿฎ๐Ÿฏ
Ito ang libro ng pinagmulan ni Hesukristo, anak ni David at anak ni Abraham. Si Abraham ang ama ni Isaac, si Isaac ang ama ni Jacob, si Jacob ang ama ni Juda at ng kanyang mga kapatid.
Si Juda ang ama nina Parez at Zerah (si Tamar ang kanilang ina), si Parez ang ama ni Esron, at si Esron ni Aram. Si Aram naman ang ama ni Aminadab, si Aminadab ni Naason, si Naason ni Salmon.
Si Salmon ang ama ni Boaz, at si Rahab naman ang kanyang ina. Si Boaz ang ama ni Obed, si Ruth ang kanyang ina. Si Obed naman ang ama ni Jese.
Si Jese ang ama ni David na hari. Si David ang ama ni Solomon, at ang naging maybahay ni Urias ang kanyang ina. (...)
Pagkatapos naman ng pagkatapon sa Babilonia - si Yekonias ang ama ni Salatiel na ama ni Zorobabel.
Si Zorobabel ang ama ni Abiud, si Abiud ni Eliakim, at si Eliakim ni Azor. Si Azor ang ama ni Sadok, si Sadok ni Akim, at si Akim ni Eliud. Si Eliud ang ama ni Eleazar, si Eleazar ni Matan at si Matan ni Jacob.
Si Jacob ang ama ni Joseโ€”ang asawa ni Maria na siyang pinagmulan ni Hesus na tinawag na Kristo. Ganito ipinanganak si Hesukristo. Ipinagkasundo na kay Jose ang kanyang inang si Maria, pero bago sila nagsama bilang mag-asawa, nagdadalantao na siya gawa ng Espiritu Santo.
Kaya binalak ni Jose na hiwalayan ng lihim ang kanyang asawa. Matuwid nga siya at ayaw niya itong mapahiya. Habang iniisip-isip niya ito, napakita sa kanya sa panaginip ang Anghel ng Panginoon at sinabi: "Jose, anak ni David, huwag kang matakot na tanggapin si Maria bilang iyong asawa. Gawa ng Espiritu Santo kaya siya naglihi, at manganganak siya ng isang sanggol na lalaki, na pangangalanan mong Hesus sapagkat siya ang magliligtas sa kanyang sambayanan mula sa kanilang mga kasalanan."
Nangyari ang lahat ng ito para matupad ang sinabi ng Panginoon sa pamamagitan ng Propeta: "๐˜”๐˜ข๐˜จ๐˜ญ๐˜ช๐˜ญ๐˜ช๐˜ฉ๐˜ช ๐˜ข๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ฃ๐˜ช๐˜ณ๐˜ฉ๐˜ฆ๐˜ฏ ๐˜ข๐˜ต ๐˜ฎ๐˜ข๐˜จ๐˜ด๐˜ช๐˜ด๐˜ช๐˜ญ๐˜ข๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ช๐˜ด๐˜ข๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ด๐˜ข๐˜ฏ๐˜จ๐˜จ๐˜ฐ๐˜ญ ๐˜ฏ๐˜ข ๐˜ญ๐˜ข๐˜ญ๐˜ข๐˜ฌ๐˜ช ๐˜ข๐˜ต ๐˜ต๐˜ข๐˜ต๐˜ข๐˜ธ๐˜ข๐˜จ๐˜ช๐˜ฏ ๐˜ฏ๐˜ช๐˜ญ๐˜ข ๐˜ด๐˜ช๐˜บ๐˜ข๐˜ฏ๐˜จ ๐˜Œ๐˜ฎ๐˜ฎ๐˜ข๐˜ฏ๐˜ถ๐˜ฆ๐˜ญ ๐˜ฏ๐˜ข ๐˜ช๐˜ฃ๐˜ช๐˜จ ๐˜ด๐˜ข๐˜ฃ๐˜ช๐˜ฉ๐˜ช'๐˜บ ๐˜•๐˜ข๐˜ด๐˜ข-๐˜ข๐˜ต๐˜ช๐˜ฏ-๐˜ข๐˜ฏ๐˜จ-๐˜‹๐˜ช๐˜บ๐˜ฐ๐˜ด."
____________________
Photo credit: https://media.istockphoto.com/id/533226889/photo/vienna-the-nativity-paint-in-presbytery-of-salesianerkirche-church.jpg?s=612x612&w=0&k=20&c=EXrbXfbEtVGMvCZ4ak3eXRuBtKzaMrxIYxDmtfS2Gq0=

04/09/2026


๐—Ÿ๐˜‚๐—ฐ๐—ฎ๐˜€ ๐Ÿฑ:๐Ÿฏ๐Ÿฏ-๐Ÿฏ๐Ÿต
Sinabi nila kay Hesus: "Madalas mag-ayuno at may mga panalangin ang mga alagad ni Juan, at gayon din naman ang mga alagad ng mga Pariseo; kumakain naman at umiinom ang mga iyo." Kaya sinabi sa kanila ni Hesus: "Hindi ninyo mapag-aayuno ang mga abay sa kasalan habang kasama pa nila ang nobyo, di ba? Ngunit darating ang panahon na aagawin sa kanila ang nobyo at sa araw na iyon sila mag-aayuno."
Sinabi pa ni Hesus sa kanila ang isang talinhaga: "Walang pumuputol ng panagpi mula sa bagong damit at itinatagpi sa lumang damit. Kung hindi'y napupunit na ang bago at hindi pa magiging bagay sa lumang damit ang tagping mula sa bago. At wala ring naglalagay ng bagong alak sa mga lumang sisidlan. Kung hindi'y sisirain ng bagong alak ang mga lumang sisidlan, matatapon ang alak at masisira pati mga sisidlan. Sa halip ay sa mga bagong sisidlan dapat ilagay ang bagong alak. Hindi naman humihingi ng bagong alak ang umiinom ng luma, sinasabi nga niya: 'Ang luma ang siyang mabuti.'

03/09/2026


๐—Ÿ๐˜‚๐—ฐ๐—ฎ๐˜€ ๐Ÿฑ:๐Ÿญ-๐Ÿญ๐Ÿญ
Minsan, dinagsa si Hesus ng napakaraming taong nakikinig sa salita ng Diyos at nakatayo naman siya sa baybayin ng Lawa ng Genesaret. Nakita niya noon ang dalawang bangka sa baybay. Kabababa pa lamang ng mga mangingisda mula sa mga ito para hugasan ang mga lambat. Kaya sumakay siya sa isa rito na pag-aari ni Simon at hiniling dito na lumayo nang kaunti mula sa dalampasigan. Umupo siya at mula sa bangka'y sinimulang turuan ang maraming tao.
Matapos siyang magsalita, sinabi niya kay Simon: "Pumalaot ka at ihulog ninyo ang inyong mga lambat para humuli." Ngunit sumagot si Simon: "G**o, buong magdamag kaming nagpagod at wala kaming nakuha, pero dahil sinabi mo, ihuhulog ko ang mga lambat." At nang gawin nila ito, nakahuli sila ng napakaraming isda kaya halos magkandasira ang kanilang mga lambat. Kaya kinawayan nila ang kanilang mga kasamang nasa kabilang bangka para lumapit at tulungan sila. Dumating nga ang mga ito at pinuno nila ang dalawang bangka hanggang halos lumubog ang mga iyon.
Nang makita ito ni Simon Pedro, nagpatirapa siya sa harap ni Hesus at sinabi: "Lumayo ka sa akin, Panginoon, sapagkat taong makasalanan lamang ako." Talaga ngang nasindak siya at ang lahat niyang kasama dahil sa huli ng mga isda na nakuha nila. Gayundin naman ang mga anak ni Zebedeo na sina Jaime at Juan na mga kasama ni Simon.
Ngunit sinabi ni Hesus kay Simon: "Huwag kang matakot; mula ngayo'y mga tao ang huhulihin mo." Kaya't nang madala na nila ang mga bangka sa lupa, iniwan nila ang lahat at sumunod sa kanya.
____________________
Photo credit: https://mycatholic.life/saints/saints-of-the-liturgical-year/september-3-st-gregory-the-great/

01/09/2026


๐—Ÿ๐˜‚๐—ฐ๐—ฎ๐˜€ ๐Ÿฐ:๐Ÿฏ๐Ÿญ-๐Ÿฏ๐Ÿณ
Bumaba siya sa Capernaum na isang bayan ng Galilea, kung saan niya naka-ugaliang magturo tuwing Araw ng Pahinga. At nagulat ang mga tao sa kanyang aral dahil nagtuturo siya nang may kapangyarihan.
May isang tao sa sinagoga na inaalihan ng maruming demonyo, na sumigaw nang malakas: "Ah, ano ang pakialam mo sa amin, Hesus na taga-Nazaret? Para ipahamak kami kaya ka dumating. Alam ko kung sino ka, ang Banal ng Diyos!" Ipinag-utos naman sa kanya ni Hesus: "Tumahimik ka at lumabas sa kanya!" Pagkatapos ibulagta ng demonyo ang tao sa gitna nila, lumabas ito mula sa kanya nang hindi sinasaktan. Nagtaka ang lahat at nag-usap-usap sila: "Ano ito? Nakapag-uutos siya sa maruruming espiritu nang may kapangyarihan at lakas, at lumalabas sila!" Kaya't kumalat ang usap-usapan tungkol sa kanya sa lahat ng lugar sa kabayanan.

31/08/2026


๐—š๐—ผ๐˜€๐—ฝ๐—ฒ๐—น ๐—ณ๐—ฟ๐—ผ๐—บ ๐—Ÿ๐˜‚๐—ธ๐—ฒ ๐Ÿฐ:๐Ÿญ๐Ÿฒ-๐Ÿฏ๐Ÿฌ
Jesus came to Nazareth, where he had grown up, and went according to his custom into the synagogue on the sabbath day. He stood up to read and was handed a scroll of the prophet Isaiah. He unrolled the scroll and found the passage where it was written:
๐˜›๐˜ฉ๐˜ฆ ๐˜š๐˜ฑ๐˜ช๐˜ณ๐˜ช๐˜ต ๐˜ฐ๐˜ง ๐˜ต๐˜ฉ๐˜ฆ ๐˜“๐˜ฐ๐˜ณ๐˜ฅ ๐˜ช๐˜ด ๐˜ถ๐˜ฑ๐˜ฐ๐˜ฏ ๐˜ฎ๐˜ฆ, ๐˜ฃ๐˜ฆ๐˜ค๐˜ข๐˜ถ๐˜ด๐˜ฆ ๐˜ฉ๐˜ฆ ๐˜ฉ๐˜ข๐˜ด ๐˜ข๐˜ฏ๐˜ฐ๐˜ช๐˜ฏ๐˜ต๐˜ฆ๐˜ฅ ๐˜ฎ๐˜ฆ ๐˜ต๐˜ฐ ๐˜ฃ๐˜ณ๐˜ช๐˜ฏ๐˜จ ๐˜จ๐˜ญ๐˜ข๐˜ฅ ๐˜ต๐˜ช๐˜ฅ๐˜ช๐˜ฏ๐˜จ๐˜ด ๐˜ต๐˜ฐ ๐˜ต๐˜ฉ๐˜ฆ ๐˜ฑ๐˜ฐ๐˜ฐ๐˜ณ. ๐˜๐˜ฆ ๐˜ฉ๐˜ข๐˜ด ๐˜ด๐˜ฆ๐˜ฏ๐˜ต ๐˜ฎ๐˜ฆ ๐˜ต๐˜ฐ ๐˜ฑ๐˜ณ๐˜ฐ๐˜ค๐˜ญ๐˜ข๐˜ช๐˜ฎ ๐˜ญ๐˜ช๐˜ฃ๐˜ฆ๐˜ณ๐˜ต๐˜บ ๐˜ต๐˜ฐ ๐˜ค๐˜ข๐˜ฑ๐˜ต๐˜ช๐˜ท๐˜ฆ๐˜ด ๐˜ข๐˜ฏ๐˜ฅ ๐˜ณ๐˜ฆ๐˜ค๐˜ฐ๐˜ท๐˜ฆ๐˜ณ๐˜บ ๐˜ฐ๐˜ง ๐˜ด๐˜ช๐˜จ๐˜ฉ๐˜ต ๐˜ต๐˜ฐ ๐˜ต๐˜ฉ๐˜ฆ ๐˜ฃ๐˜ญ๐˜ช๐˜ฏ๐˜ฅ, ๐˜ต๐˜ฐ ๐˜ญ๐˜ฆ๐˜ต ๐˜ต๐˜ฉ๐˜ฆ ๐˜ฐ๐˜ฑ๐˜ฑ๐˜ณ๐˜ฆ๐˜ด๐˜ด๐˜ฆ๐˜ฅ ๐˜จ๐˜ฐ ๐˜ง๐˜ณ๐˜ฆ๐˜ฆ, ๐˜ข๐˜ฏ๐˜ฅ ๐˜ต๐˜ฐ ๐˜ฑ๐˜ณ๐˜ฐ๐˜ค๐˜ญ๐˜ข๐˜ช๐˜ฎ ๐˜ข ๐˜บ๐˜ฆ๐˜ข๐˜ณ ๐˜ข๐˜ค๐˜ค๐˜ฆ๐˜ฑ๐˜ต๐˜ข๐˜ฃ๐˜ญ๐˜ฆ ๐˜ต๐˜ฐ ๐˜ต๐˜ฉ๐˜ฆ ๐˜“๐˜ฐ๐˜ณ๐˜ฅ.

Rolling up the scroll, he handed it back to the attendant and sat down, and the eyes of all in the synagogue looked intently at him. He said to them, โ€œToday this Scripture passage is fulfilled in your hearing.โ€ And all spoke highly of him and were amazed at the gracious words that came from his mouth. They also asked, โ€œIs this not the son of Joseph?โ€ He said to them, โ€œSurely you will quote me this proverb, โ€˜Physician, cure yourself,โ€™ and say, โ€˜Do here in your native place the things that we heard were done in Capernaum.โ€™โ€ And he said, โ€œAmen, I say to you, no prophet is accepted in his own native place. Indeed, I tell you, there were many widows in Israel in the days of Elijah when the sky was closed for three and a half years, and a severe famine spread over the entire land. It was to none of these that Elijah was sent, but only to a widow in Zarephath in the land of Sidon. Again, there were many lepers in Israel during the time of Elisha the prophet; yet not one of them was cleansed, but only Naaman the Syrian.โ€ When the people in the synagogue heard this, they were all filled with fury. They rose up, drove him out of the town, and led him to the brow of the hill on which their town had been built, to hurl him down headlong. But he passed through the midst of them and went away.

Address

Bankers Village II, Brgy. 184
Caloocan
1426

Opening Hours

Wednesday 9am - 4pm
Friday 9am - 4pm
Sunday 8am - 12pm

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Our Lady of the Immaculate Conception Sub-Parish of the Holy Spirit Parish posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share