Kabataang Kristyano

Kabataang Kristyano This page is created to inspire today's youth to be reflectors of our Lord Jesus Christ. Let's be an example to the world that we are living God's promise.

20/09/2020

Prayer is powerful, extra protection and resistant from all temptations. Kapatid, it can work beyond our expectations. Kaya, make your prayer a daily habit!

02/09/2020
12/08/2020
02/05/2020

The day we finally say "I do" is one of the most significant moments in life.

But, there will soon be a wedding more special than any other-- the wedding of Christ to the church.

As His bride, we, the church, must remain committed and eagerly anticipate as our groom prepares for that glorious day.

SAVE THE DATE!

27/04/2020

FOR THE FRONTLINERS

26/04/2020

as a CHRISTIAN tayo ay FRONTLINER para lumaban sa hindi nakikita sa pamamagitan ng PANANALANGIN

20/04/2020

PATOTOONG KRISTYANO.

1.sino ka bago mo makilala ang Panginoon?

SAGOT:
laking kalye ako, 10 yrs old pa lamang ako nun, at bata pa lamang ako sabik ako sa pagmamahal ng magulang piling ko kasi nun hindi nila ako anak at kapatid panay bugbug ang inabot ko.at gulpi kaya nung nasa tindahan ako, nagkaron ako ng pera naibaling ko sa mga laruan at pagkain ang sarili ko kaya nga ako mataba e hahaha pero hindi ko akalain may kapalit un sa.sobrang katakawan ko ay nagkasakit ako sa edad na 12 nagkasakit ako ng juvenile diabeties. paano nangyare un dahil sa kakain ko ng bananaque na dati limang piso isang tuhog at sa isang tuhog 3 ang laman at ang nakain ko ay 6 na pirasong tuhog may kasama pa yung pop cola na 2 litro. kaya ganun ang nangyare sa akin..bata pa lang nagkasakit na,.(kaya wag nyo itong gayahin mga bata)lumipas ang hayskul pasaway pa rin hinahanap ko ang kasiyahan sa mga barkada hanggan college puro barkda at kaibigan..natuto akong magyosi.at.uminom hindi dahil sa barkada ko kundi dahil stress.ako sa pamilya ko nun lagi na lang kasi ako sa business namin ni hindi ko man lang naranasan maging masaya. nabuhay ako sa pera at barkada, masaya ako dun e. GALA,INOM,YOSI at barkada yan ang buhay ko pero lahat yan naglaho. 2010 na confine ako sa Hospital na diagnose na ako na may TB dahil sa YOSI at mataas ang sugar ko non, kaya ung baga ko.kaunti na lamang, at salamat sa DIYOS gumaling ako,.napakabuti ng DIYOS. 6 mos na gamutan un kung siguro nangyare ngayon yun maari patay na ako, hindi pa natapos yun nang.gumaling na ako balik sa dating bisyo hindi ako nadala. 2011 lumubo ang paa ko dahil sa acid. sa gout, tumaas ang.uric ko. then tumaas ang sugar ko at napunta na ako sa stage 2 diabetic. akela ko mapuputol na paa ko pero salamat sa DIYOS buhay pa rin.. 2 years bago ako gumaling at naging maayos pero magpahanggan ngayon medyo sariwa pa rin sya. in 2013 balik tindahan na ako nun ganun pa rin patuloy sa pagsuway sa magulang at kapatid hinahanap ko kasi sa barkada ang.kasiyahan ko, kaya bago mag 2013 lumayas ako sa bahay gusto ko mag abroad at umalis sa tindahan dahil lagi na lang ako nakakulong sa kanila. pero bumalik din ako kaagad at umuwi hindi ako pinalad mag ibang bansa. at pinatawad naman nila ako at sinermonan, 2013 yan ang hindi ko makakalimutan dahil sa aking pagsuway ang tatay ko inum ng inum nung ako.ay.lumayas halos isang buwan siyang uminom kakahintay sa.akin.para.ako.bumalik. hindi sya nagdaos ng.birthday nya kasi wala daw ako e 😭😭😭😭😭 (ang sakit sa dib dib)after ko.bumalik naging masaya siya. bumalik na daw kasi ako. 2013 pag patak ber months napansin ko si tatay na iba na ang itsura ng katawan payat na malaki ang tiyan. kaya si tatay panay takbo sa gamutan, DECEMBER 5 bago siya itakbo sa hospital, tinapos nya muna birthday ko bago siya magpahospital. (ang sakit sa dib dib napapaluha ako 😭😭😭😭😭😭) inadmit namin sya sa FEU HOSPITAL kasi alam namin magagamot siya pero huli na pala si tatay may liverososis sakit sa atay naubos na ang atay ni tatay kaya hindi na kayang tunawin ng gamot at pagkain sa katawan nya,.nagsimula ng malason ang kanyang katawan. dahil sa alak. wala akong nagawa ang sabi ko bakit PANGINOON bakit? ang sabi ko sa DIYOS. yun ang pinakamalungkot nangyare sa amin sa pamilya ko. 2013 masalimuot. pero yun ang will ni GOD mahirap tanggapin sa una pero kinaya namin, natapos ung taon na yun na madilim ang yugto sa buhay namin,.lalo na sa nanay ko. siya kasi laging kasama ni tatay at salamat sa DIYOS nakayanan nya.. 2014 umuwi kami sa antique para maging relax si nanay dati kapag.umuuwi si nanay kasama nya si tatay non. pero ako yung naging kasama ni nanay. after 1 month bumalik kami sa manila,.nagtinda ulit sa aking pagtitinda.balik ulit sa BISYO at barkada. ganyan ang buhay ko noon. kaya wag sana tularan ang aking nakaraan

2.ilan taon ka bago mo makilala ang Panginoon?

SAGOT:
28 na ako nun makilala ko ang DIYOS may
nakakilala akong babae na maganda nagtitinda sya ng lumpia ng makita ko siya nakabihis tinanong ko siya san ka pupunta sabi nya sa church magsisimba ang sabi ko naman saan ang church mo? jan lamang ako sa court kaya naman nagkainterest ako sabi ko simba ako kasi andun siya, nakikita ko nga siya. siya ang ginamit ng DIYOS para madala ako sa church dati na kami dumadalo dun pero ayoko wala akong time, kahit yung pastor dun ilan beses na akong inaalok hindi ako pumupunta siguro hindi pa time. pero nung dumating yung girl na yun duon nagsimula ang pagkakilala ko sa DIYOS. kaya salamat sa DIYOS sa buhay nya.

3.Sayong paglago ano ka na ngayon sa simbahan nyo ngayon?

SAGOT:
isa akong mediaman taga input ng song at preaching. nag try ako dati sa back up sa dati kong church hindi ako lumago dun e napunta pa rin ako dun sa media. talagang dito talaga ako nakaassign. at marami nableblessed sa DIYOS po ang papuri. may mga talent pa ako sa photoshop, video.editor at camera man hehehe pag.about computer yan ang talent ko na pinapahusayan ko pa. sa DIYOS ang papuri..

4.Sayong buhay mananampalataya.ano.yung pagsubok na napagtagumpayan mo sa tulong ng biyayang DIYOS?

SAGOT:
yung namatay kuya ko 2016 nag back slide ako nun piling ko kasi wala ang DIYOS kasi ang panahon na yun walang tumulong sa amin sa hospital para ipanalangin kuya ko kaya nagtampo ako sa DIYOS AT SA simbahan. nag backslide ako 2 months ata yun.bumalik ako sa church natauhan.ako kasi.yun.ang will ni GOD e kaya tinanggap ko yung katotohanan, ako ang talunan kapag lumayo ako sa DIYOS, kaya ang DIYOS.gumagawa talaga sa tin sa panahon na di.natin kaya.

ano ang life verse mo? at bakit pinanghahawakan mo siya?

SAGOT:
Jeremias 1:8
Huwag kang matakot sa kanila sapagkat ako'y kasama mo at iingatan kita. Akong si Yahweh ang nagsasabi nito.

sa dami nangyare sa buhay ko hindi ako iniwan ng DIYOS. kahit sa kabila ng pagsuway ko sa kanya. kahit muntik na ako mamatay anjan SIYA kasama ko, naunawaan ko ang pinapagawa NYA sa akin ang maglingkod ako sa KANYA. totoo ang sinabi NYA sa sinapupunan pa lamang ng aking ina ay pinili NYA ako. kaya naman hindi ko ikakatwa ang Kanyang kadakilaan at SALITA sa mga tao kahit na ako ay hamakin at laitin. marami man ayaw maniwala sa pagbabago pero alam ng DIYOS ang puso ko at pananampalataya, at napatunayan ko yan sa buhay ng aking nanay, ang nanay ko po sagradong katoliko po siya nang dahil sa pakikinig sa radyo sa 702 nabago ang kanyang kaisipan. sa una nananalangin lamang sya sa DIYOS at nakikinig sa RADYO hanggan mabasa nya ang salita ng DIYOS na bawal ang rebulto. pinabasag nya ito sa mga pastor at ako ay nagalak dahil ang nanay ko ay isa din sa pinili ng DIYOS tunay nga walang impossible sa DIYOS kahit sa kabila ng katandaan nya hindi pinahintulutan ng DIYOS na hindi siya makilala ni nanay tunay talaga gumagawa ang DIYOS ng paraan para sa pinili NYA. ginamit lamang ako ng DIYOS para makakilala si nanay. sa DIYOS po ang papuri kaya wag tayong matakot ipahayag ang salita ng DIYOS sa mga tao kahit tayo ay pagtawanan at laitin. dahil ang DIYOS natin.ay buhay nakikinig sa ating dalangin at hinain..

Words ENCOURAGEMENT para sa lahat?

SAGOT:

mga kabataan wag natin hanapin sa barkada ang.kasiyahan,.gawin nyong kaibigan ang inyong magulang, at para sa magulang naman.unawain nyo ang mga anak nyo, abutin nyo sila para hindi nila maranasan ang naranasan ko, sa barkada sila kumukuha ng pagmamahal na dapat sa inyo.. kausapin nyo sila palagi na may pagmamahal.

mga kabataan marami ang church sa paligid pwede po kayong makijoin sa kanila may matutunan ka pa , magkakaron ka pa ng maraming kaibigan sa church, masarap sa simbahan para kayong isang pamilya, nagshasharing at nagdadamayan dahil iisang katawan tayo ng DIYOS. hindi pa huli ang lahat dahil may plano ang DIYOS sa inyo..

para naman sa kapatid sa pananampalataya anuman ang ipinangako ng DIYOS sa buhay natin wag natin bitawan. panghawakan natin yan hanggan kamatayan, dahil tapat ang KANYANG PANGAKO sa bawat isa sa atin.. always FAITH in GOD.

GOD BLESS PO

BY ADMIN JAYSON

19/04/2020

PATOTOONG KRISTYANO.

sino ka bago mo makilala ang Panginoon?

ilan taon.ka bago mo makilala ang Panginon?

ano na yung pagbabago ang naganap sayo simula ng makilala ka?

sayong paglago ano ka na ngayon sa simbahan nyo ngayon?

sayong buhay mananampalataya.ano.yung pagsubok na napagtagumpayan mo sa tulong ng biyayang DIYOS?

ano ang life verse mo? at bakit pinanghahawakan mo siya?

Words ENCOURAGEMENT para sa lahat?

Address

Bagong Silang
Caloocan
1428

Telephone

+639669337026

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Kabataang Kristyano posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share