20/05/2026
Mga Ka-Maria, bukas na po ang pagsisimula ng ating Nobenaryo bilang paghahanda sa kapistahan ng ating mahal na patrona. Maria, Ina ng Simbahan. ๐๐
Inaanyayahan ng Ministry of Altar Servers - Mary, Mother of the Church Parish - DioNova ang buong pamayanan na makiisa sa siyam na araw ng panalangin, debosyon, at pasasalamat sa gabay at pagmamahal ng ating Inang Maria.
๐ฏ๏ธ Mayo 22โ30, 2026
๐ 6:00 PM โ Nobena at Banal na Misa
๐ Mary, Mother of the Church Parish
Sa temang: โญ โSulong Padayon: Kasama sa Paglalakbay si Inang Mariaโ โญ
Nawaโy samahan tayo ng ating Mahal na Ina sa bawat hakbang ng ating pananampalataya at paglilingkod sa ating Panginoon.
๐๐ Ka-Maria, Tara na at Makifiesta! ๐๐ Mary, Mother of the Church Parish
Buong puso naming inaanyayahan ang bawat pamilya, kabataan, at buong komunidad na makiisa sa pagdiriwang ng KA-MARIA Fiesta 2026 ng Mary, Mother of the Church Parish! ๐โจ
Mula sa Novena Masses, Santa Cruzan Procession, Fun Run, hanggang sa makabuluhang Fiesta Mass at Big Night โ sama-sama nating ipagdiwang ang pananampalataya, pagkakaisa, at pagmamahal ni Inang Maria. ๐ธโช
๐
May 22โ31, 2026
๐ Mary, Mother of the Church Parish
โญ โSulong Padayon: Kasama sa Paglalakbay si Inang Mariaโ
Dalhin ang inyong pamilya at mga kaibigan at sama-sama tayong magbigay pugay kay Mama Mary! ๐