22/08/2026
TAYO’Y PAPALAOT NA! 🛶
Community secured! 🎣🌊 And we’re starting our planning very soon! 🙏
Today, we took our first step toward this year’s Bowls of Hope Mission as we visited Tanza, Navotas, one of the communities under the Diocese of Kalookan—our home diocese. 🙏
Sa aming pagbisita, sinimulan nating kilalanin ang komunidad at hanapin ang mga pamilyang mangingisda na magiging bahagi ng ating misyon. Nagkaroon din tayo ng initial interview at pakikipag-ugnayan sa kanilang Parish Priest na si Fr. Abet Caballero at CSSD ng Sta. Cruz Parish upang mas maunawaan ang pangangailangan ng komunidad at kung paano tayo makapaglilingkod nang higit na makabuluhan.
Mas lalo kaming nasasabik sa BOH 14! 🔥
Tunay ngang kapag ang Panginoon ang gumagabay, Siya ang gumagawa ng daan upang maisakatuparan natin ang tama at makabuluhang paglilingkod. 🙏
🎣 TAYO’Y PAPALAOT!
🌊 TAYO’Y LALAYAG!
❤️ TAYO’Y MAKIKINIG AT MAGLILINGKOD!
Ngayong BOH 14, sama-sama nating mararating ang mga kabataan at pamilya ng ating mga kapatid na mangingisda. Mula sa ating tahanan, patungo sa kanilang tahanan.
Para sa kabataan.
Para sa kapwa. Para sa Diyos. 🙏