27/04/2022
"When selecting band members, choose musicians who are willing to receive instruction." -Logan Walter
Kasama siyempre ang mga mang-aawit dito.
Hindi maaari na magaling lang tumugtog.
Hindi maaari na magaling lang kumanta.
Kasama nito ay ang karakter ng pagpapakumbaba at puso na marunong tumanggap ng mga payo at pagtatama.
Karakter na habang naglilingkod ay ipamumuhay dahil kay Cristo.
Hindi pinipilit kundi pinipili.
At sa paglipas ng panahon, sa biyaya ng Diyos at para sa Diyos ay hinuhubog at nagpapahubog ng husto upang hindi lang maging maunlad sa talento kundi upang maging mapagpakumbabang lingkod ng Panginoon na nagligtas sa akin at sa iyo.