Nuestra Señora de la Paz y Buen Viaje de Maypajo

Nuestra Señora de la Paz y Buen Viaje de Maypajo Sa mga panganib, pagdududa, paghihirap, isipin si Maria, tawagin si Maria." - San Bernardo de Claraval Amen.

PAGHAHANDOG SA NUESTRA SEÑORA DE LA PAZ Y BUEN VIAJE

Masintahing Ina,
sumasamo at dumudulog kami sa iyo. Tulungan mo kaming magpasalamat sa Panginoon
sa lahat ng mga grasya at pagpapalang ipinagkaloob Niya sa amin. Sa tulong at awa mo,
kami po ay iyong gabayan at akayin sa aming paglalakbay sa buhay. Sa aming pagtahak
sa buhay na puno ng pagaalinlangan at pangamba,
pagkalooban po niny

o kami
ng lakas at tapang na tahakin ang landas
ng iyong Mahal na Anak. Maringal na Señora,
lumalapit po kami sa iyo
na dulutan mo ng mapayapang kalinga ang aming tahanan. Tulungan mo po kami na maitaguyod ng maayos
at matuwid ang aming pamilya,
tulad ng sa inyo, Jesús, María at José. Sa aming paglalayag sa buhay,
palakasin at patatagin mo ang bawa't isa sa amin
na makabuo ng isang pamayanan na pinaghaharian
ng iyong Iniirog na Anak. Nawa'y sa tulong at biyaya mo,
Katamis-tamisang Reina,
kami ay kupkupin ng Panginoong JesúCristo
at ilagay Niya kami
sa ilalim ng Kanyang pagkakandili
at huwag kaming iwanan sa paglalakbay sa buhay
lalung-lalo na sa oras ng kagipitan. Sa pamamagitan mo, Inang Virgen,
pagpalain at tangkilikin mo po ang aming paglalakbay
upang mabuhay kami sa kapayapaan
at marating namin
ang kaluwalhatian ng buhay na walang hanggan. Ina ng Kapayapaan at Mabuting Paglalakbay,
ipanalangin mo kami!

𝐏𝐀𝐒𝐀𝐒𝐀𝐋𝐀𝐌𝐀𝐓Sa ngalan ng pamayanan ng Kapilya ng N.S. de la Paz y Buen Viaje de Maypajo, kami po ay malugod at buong puso...
25/05/2026

𝐏𝐀𝐒𝐀𝐒𝐀𝐋𝐀𝐌𝐀𝐓

Sa ngalan ng pamayanan ng Kapilya ng N.S. de la Paz y Buen Viaje de Maypajo, kami po ay malugod at buong pusong nagpapasalamat sa lahat ng mga tumulong at sumuporta sa matagumpay at makasaysayang salida ng ating Mahal na Patrona.

Maraming salamat po sa inyo:

Sa Lub. Kgg. Ruperto Santos D.D., Obispo ng Antipolo at Kura Paroko, Rdo. P. Keith Buenaventura, Parochial Vicar, G. Miguel Benavidez, at sampu ng mga kasamang tumulong upang maitampok ang ating Patrona sa santuario ng Katedral ng Antipolo.

Sa magiliw na Pamunuan ng Cofradia de la Virgen de Antipolo, International Shrine of Our Lady of Peace and Good Voyage, at VDA Procession Committee, kay City Councilor Doc Ian Masangkay, mga kasamang mga camarero at organizer.

Sa mga taga-Antipolo City na mainit na tumanggap sa amin at sa aming Patrona. Tunay na mabubuti ang mga kapatid namin sa Antipolo.

Sa Pamilya Domingo, sa inyong pahintulot na mailabas ang matandang imahen at sa pagbibigay probisyong pananalapi para sa pag-arkila ng karosa at pagpapa-tambol.

Sa aming Kura Paroko Rdo. P. Kennedy Neral at Bise Kura Rdo. P. Paul Nicklaus Woo, sa inyong pagbibigay bendisyon sa ating salida.

Sa Kgg. Kap. Pete Valentin at sa Barangay 33, sa kabutihang-loob na magbigay ng maayos na transportasiyon sa ating abay na tambol.

Sa nag-alay ng bulaklak para sa karosa ng ating Patrona, sina Gng. Florinda T., at B. Perlita Mendoza

Kay G. Willie Cincollagas at mga kapuwa deboto na nag-alay ng sampaguitang kuwintas sa Mahal na Birhen.

Sa Del Mar Tribe sa inyong pagpapasigla sa delegasyon ng ating pamayanan.

Sa manuyong pag-retrato nina Bb. Sarah Herrera at G. Daniel Obispado.

Kay John Michael Pineda, sa pagpapa-arkila ng karosa.

Sa Grenz Travel and Tours Services.

Kay Ma’am Princess Lalo-Jorge, sa pamununo sa mga debotong sumama sa prusisyon.

Sa mga debotong umagapay at sinamahan ang ating Patrona. Sa inyong pagpapakita ng pagmamahal sa Kaniya.

MARAMING SALAMAT PO!!!

Pagbati ng isang maligayang kapistahan ng ating Parokya -Mary Help of Christians Parish - Diocese of Kalookan!
24/05/2026

Pagbati ng isang maligayang kapistahan ng ating Parokya -Mary Help of Christians Parish - Diocese of Kalookan!

Maligaya at Mapagpalang Kapistahan, Maria Auxiliadora!

Ngayong araw, ika-24 ng Mayo 2026, ipinagdiriwang ng ating parokya at ng buong sambayanang Kristiyano ng Maypajo ang ika-70 taon ng Pamparokyang Kapistahan ng ating Mahal na Ina, Maria Auxiliadora, ang Reyna at Patrona ng Maypajo.

Sama-sama nating parangalan ang ating Mahal na Patrona at ipamalas ang ating walang sawang pagsinta at pamimintuho sa ating Mahal na Ina, Maria Auxiliadora. Gayundin, ating gunitain ang kanyang pagkakandili sa ating pamayanan sa loob ng pitong dekada ng biyaya, pananampalataya, paglilingkod at patuloy na pag-akay patungo sa ating Panginoong Hesukristo.

Maria Auxiliadora, Inang Mapag-ampon sa mga Kristiyano, ipanalangin mo kami!

¡Viva la Virgen!
¡Viva la Reina y Patrona de Maypajo!

23/05/2026

Salamat po Dos Hermanos

23/05/2026

Ang paglabas ng ating Patrona sa Pandaigdigang Dambana ng Nuestra Señora de la Paz y Buen Viaje The Antipolo Cathedral

Kasalukuyan nang nakatampok ang ating Patrona sa Santuario ng Pandaigdigang Dambana ng Nuestra Señora de la Paz y Buen V...
23/05/2026

Kasalukuyan nang nakatampok ang ating Patrona sa Santuario ng Pandaigdigang Dambana ng Nuestra Señora de la Paz y Buen Viaje The Antipolo Cathedral.
Mananatiling nakatampok ang ating Patrona hanggang ika-4 ng hapon



22/05/2026
Tayo na sa’ting Patrona! Tayo na sa Antipolo!Isang masayang paanyaya sa lahat! Ang imahen ng ating Mahal na Birhen ay it...
18/05/2026

Tayo na sa’ting Patrona! Tayo na sa Antipolo!

Isang masayang paanyaya sa lahat! Ang imahen ng ating Mahal na Birhen ay itatampok sa Santuario ng Pangdaigdigang Dambana at Katedral ng Antipolo sa darating na Mayo 23, 2026 mula 12 ng tanghali.

Kasama ang ating Patrona sa Prusisyon ng mga Replica sa ganap na ika-6 ng hapon.



18/05/2026

Address

Mariano Street
Caloocan
1410

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Nuestra Señora de la Paz y Buen Viaje de Maypajo posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share