Our Lady of Mt.Carmel Gumamela-Tabon Chapel

Our Lady of Mt.Carmel Gumamela-Tabon Chapel Our Lady Of Mt. Carmel Purok 5 Gumamela-Tabon Chapel Official Page

Catechetical Mission after regular mass today July 19, 2026. Salamat sating napakasipag na Katekista Evangeline Lacap sa...
19/07/2026

Catechetical Mission after regular mass today July 19, 2026. Salamat sating napakasipag na Katekista Evangeline Lacap sa walang sawang pagtuturo sa mga musmos na kabataan ng ating pamayanan.

Sambuhay Misalette July 19, 2026 kung nais po naten balikan ang mga pagbasa ngayong araw ay narito po ang misalette guid...
19/07/2026

Sambuhay Misalette July 19, 2026 kung nais po naten balikan ang mga pagbasa ngayong araw ay narito po ang misalette guide naten.

Sumainyo ang kapayapaan. Isang mapagpalang linggo at nakapagdaos po tayo ng misa sating kapilya sa pangunguna ni Rev Fr ...
19/07/2026

Sumainyo ang kapayapaan. Isang mapagpalang linggo at nakapagdaos po tayo ng misa sating kapilya sa pangunguna ni Rev Fr Tristan Laforteza nawa maisapuso naten ang homilya.

Sumainyo ang Kapayapaan! Maraming maraming salamat po sa ating Pamayanan (Gumamela-Tabon) sa inyong suporta at pananampa...
17/07/2026

Sumainyo ang Kapayapaan!

Maraming maraming salamat po sa ating Pamayanan (Gumamela-Tabon) sa inyong suporta at pananampalataya, naipagdiwang po naten ang Pista ng ating Our Lady Of Mt Carmel, Hulyo 16, 2026. Sa pangunguna ni Rev Fr Arnie Alindayo ng Order of Carmelite.

Sadyang naging napakasaya at ligtas ng ating pagdiriwang. Nagpapasalamat po kami sa ating mga sponsors mula po ng Triduum Mass hanggang sa araw ng kapistahan, malaki o maliit man, hindi po mangyayari ito kung di po kayo nagmamahal sa ating Mahal na Ina. Ipapanalangin po namen ang mga mabubuting bagay sa inyong buhay.

Maraming salamat sa mga lider natin sa Lokal na Pamahalaan ng Kalookan at ng Brgy. 185 gayundin sa ating Parokya ng San Jose Ang Manggawa.

Muli maraming salamat po at pagpalain tayo ng ating Panginoon Hesukristo.


16/07/2026

Procession and Sagala of our Lady of Mt Carmel

Sumainyo ang Kapayapaan!! Ang pagdiriwang ng ikalawa sa Triduum Mass ngayong araw ng Martes Hulyo 14, 2026. Sa pangungun...
14/07/2026

Sumainyo ang Kapayapaan!!

Ang pagdiriwang ng ikalawa sa Triduum Mass ngayong araw ng Martes Hulyo 14, 2026. Sa pangunguna ni Rev Fr Arnie Alindayo ng Order of Carmelite.

Inaanyayahan po ang lahat na magsimba sa ating kapilya upang ipagdiwang ang ikatlong araw ng ating Triduum Mass, bukas Hulyo 15, 2026 sa ganap na ika- lima ng hapon (5:00 PM).

Maraming salamat po at pagpalain tayo ng ating Mahal na Panginoon Hesukristo.

UNANG PAGBASA
Zacarias 2, 14-17

Pagbasa mula sa aklat ni propeta Zacarias

Sinabi ng Panginoon, “Umawit ka sa kagalakan, bayan ng Sion, pagkat maninirahan na ako sa piling mo.”

Sa araw na yaon, maraming bansa ang sama-samang magpupuri sa Panginoon at pasasakop sa kanya. Siya’y maninirahan sa gitna ninyo. Sa gayun, malalaman ninyong sinugo ako ng Panginoon. Muli niyang kukupkupin, ituturing na kanyang sarili, at itatangi ang Jerusalem.

Manahimik sa harapan ng Panginoon ang lahat ng nilalang, pagkat siya’y tumindig mula sa kanyang templo.

MABUTING BALITA
Mateo 12, 46-50

Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Mateo

Noong panahong iyon, samantalang nagsasalita pa si Hesus sa mga tao, dumating ang kanyang ina at mga kapatid. Naghihintay sila sa labas at ibig siyang makausap. May nagsabi sa kanya, “Nasa labas po ang inyong ina at mga kapatid, at ibig kayong makausap.” Ngunit sinabi ni Hesus, “Sino ang aking ina, at sinu-sino ang aking mga kapatid? Itinuro niya ang kanyang mga alagad at sinabi, “Ito ang aking ina at mga kapatid! Sapagkat ang sinumang sumusunod sa kalooban ng aking Amang nasa langit ang siya kong ina at mga kapatid.”

Ang Mabuting Balita ng Panginoon.

Ang ating kapilya ay nasa ilalim ng pangangasiwa ng Parokya ni San Joseng Manggagawa ng Diocese ng Novaliches.

Sumainyo ang kapayapaan!!!Unang araw sa ating Triduum Mass naganap na upang paghahanda para sa kapistahan ng ating Patro...
13/07/2026

Sumainyo ang kapayapaan!!!

Unang araw sa ating Triduum Mass naganap na upang paghahanda para sa kapistahan ng ating Patrong Mahal na Ina. Pinangunahan ni Rev. Fr. Poly John Pascua ESHT. Mamaya po ang ikalawa sa Triduum sa ganap na ika lima ng hapon (5:00 PM).

Inaanyayahan po ang lahat na magsimba at sama-samang magdasal.

Ang ating pong kapilya ay nasa pangangasiwa ng Saint Joseph The Worker Parish ng Diocese of Novaliches.

Pabatid: Sumainyo ang kapayapaan, Maraming salamat po sa mga nakibahagi sa ating libreng gupit at masahe  handog saten n...
13/07/2026

Pabatid:

Sumainyo ang kapayapaan,

Maraming salamat po sa mga nakibahagi sa ating libreng gupit at masahe handog saten ng ating butihing Mayor Dale "Along" Malapitan.

Paumanhin po sa mga di nakaaabot at maaga pong natapos ang programa sa kadahilanang di pagtatagpo sa oras. Pagsusumikapan po naten na maisagawa pa ng mas maayos ang mga gawain sa susunod pang mga araw. Muli sana po ay patuloy nating suportahan ang mga programa ng ating kapilya para sa pamayanan. Maraming maraming salamat po at pagpalain tayo ng Panginoon nating Hesukristo.


Kapayapaan!! Mamaya na po ang unang Triduum Mass naten 5:00 PM dito sa ating Kapilya. Magkita-kita po tayo at sama-saman...
13/07/2026

Kapayapaan!!

Mamaya na po ang unang Triduum Mass naten 5:00 PM dito sa ating Kapilya. Magkita-kita po tayo at sama-samang magsimba. Maraming salamat po.

Narito po ang schedule ng misa sa ating kapilya para sa paghahanda sa darating na kapistahan ng ating Mahal na Ina. Inaanyayahan po ang lahat na makibahagi at sama-samang magdasal.

Triduum Masses
July 13, 2026 5:00 PM
July 14, 2026 5:00 PM
July 15, 2026 5:00 PM

Fiesta Mass
July 16, 2026 9:30 AM

Kapayapaan,Magkakaroon po tayo ng Santacruzan sagala bilang bahagi ng pagdiriwang ng kapistahan ng ating Mahal na Ina. I...
06/07/2026

Kapayapaan,

Magkakaroon po tayo ng Santacruzan sagala bilang bahagi ng pagdiriwang ng kapistahan ng ating Mahal na Ina. Inaanyayahan po ang mga kababaihan (binibini o ginang) na makiisa. Sa mga nais na sumali ay makipag-ugnayan lamang sa mga servants ng ating kapilya o kay Jhenn Serrano Sugui maraming salamat po.

Address

Caloocan City
Caloocan
1427

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Our Lady of Mt.Carmel Gumamela-Tabon Chapel posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share