St.Paul of the Cross Parish - MAS

St.Paul of the Cross Parish - MAS This Page is Open to all Member of Ministry Of Altar Server in St.Paul of the Cross Parish.

Congratulations to the newly appointed Officers of MAS for 2022 - 2023Servant Leader: Kyle Vincent PasuquinAsst. Servant...
01/01/2022

Congratulations to the newly appointed Officers of MAS for 2022 - 2023

Servant Leader: Kyle Vincent Pasuquin
Asst. Servant Leader: Vijay Javier
Secretary: Charity Ayrine Azuelo
Treasurer: Denzcel Amores
Auditor: James Lorenz Villegas

Serviam! I will serve! 🙏🙏🙏

Servers during the 9:00 PM New Year's Eve Mass 2021. 🙏
01/01/2022

Servers during the 9:00 PM New Year's Eve Mass 2021. 🙏

CHRISTmas and Year-End Party 2021SPCP Formation Center
30/12/2021

CHRISTmas and Year-End Party 2021
SPCP Formation Center

24/06/2018

Daily Gospel at mga Pagbasa
Linggo, Hunyo 24, 2018

✞ UNANG PAGBASA
Isaias 49:1-6

Pagbasa mula sa aklat ni propeta Isaias

Makinig kayo mga taong naninirahan sa malalayong lugar. Pinili na ako ng Panginoon bago pa isilang at hinirang niya ako para siya’y paglingkuran. Mga salita ko’y ginawa niyang sintalas ng tabak, siya ang sa aki’y laging nag-iingat. GInawa niya akong parang matulis na palaso na anumang oras ay handang itulda. Sinabi niya sa akin “Israel, ikaw ay lingkod ko, sa pamamagitan mo ako’y dadakilain ng mga tao.” Ngunit ang tugon ko, “Ako ay nabigo sa aking pagsisikap, hindi nagtagumpay gayong ibinuhos ko ang aking lakas.” Gayunma’y itinitiwala ko sa Panginoon ang aking kalagayan, na ako’y gagantimpalaan sa aking nakayanan.

Bago pa ako ipanganak ay hinirang na ng Panginoon, pinili niya ako para maging lingkod niya upang tipunin ang nangalat na mga Israelita, at sila’y ibalik sa bayang Israe. Binigyan ako ng Panginoon ng karangalan, sa kanya nagbubuhat ang aking karangalan. Sinabi ng Panginoon sa akin: “Israel na aking lingkod, may mas mahalaga pa akong ipapagawa sa iyo. Bukod sa pagpapanumbalik sa mga Israelitang nalabi ay gagawin kitang tanglaw ng mga bansa upang lahat sa daigdig ay maligtas.”

Ang Salita ng Diyos.

✞ SALMONG TUGUNAN
Salmo 138:1-3, 13-14ab, 14k-15

Tugon: Pinupuri kita, D’yos ko, dahil ako’y nilikha Mo.

Ako’y iyong siniyasat, batid mo ang aking buhay,
ang lahat kong lihim, P**n ay tiyak mong nalalaman.
Ang lahat ng gawain ko, sa iyo ay hindi lingid,
kahit na ikaw ay malayo, batid mo ang aking isip.
ako’y iyong nakikita, gumagawa o hindi man,
ang lahat ng gawain ko’y pawang iyong nalalaman.

Tugon: Pinupuri kita, D’yos ko, dahil ako’y nilikha Mo.

Ang anumang aking sangkap, ikaw o Diyos ang lumikha,
sa tiyan ng aking ina’y hinigis mo akong bata.
Pinupuri kita, o Diyos, marapat kang katakutan,
ang lahat ng gawain mo ay kahanga-hangang tunay.

Tugon: Pinupuri kita, D’yos ko, dahil ako’y nilikha Mo.

Lahat ito’y nakikintal, sa puso ko at loobin.
Ang buto ko sa katawan noong iyon ay hugusin,
sa loon ng bahay-bata doo’y iyong napapansin
lumalaki ako roong sa iyo’y di nalilihim

Tugon: Pinupuri kita, D’yos ko, dahil ako’y nilikha Mo.

✞ IKALAWANG PAGBASA
Gawa 13:22-26

Pagbasa mula sa Gawa ng mga Apostol

Noong mga araw na iyon, sinabi ni Pablo, “Nang si Saulo’y alisin ng Diyos, inihalili si David upang maghari sa ating mga ninuno. At ganito ang patotoo ng Ditos tungkol sa kanya, ‘Natagpuan ko kay David na anak ni Jesse ang lalaking nakalulugod sa akin, isang lalaking handang tumupad sa lahat ng iniuutos ko.’ Mula sa angkan ng lalaking ito ipinagkaloob sa Israel si Jesusm ang kanyang ipinangakong Tagapagligtas. Bago siya dumating, ipinangaral ni Juan sa buong Israel, na dapat nilang pagsisiha’t talikdan ang kanilang mga kasalanan, at pabinyag. Nang matapos na ni Juan ang kanyang gawain, sinabi niya sa mga tao, ‘Sino ba ako sa akala ninyo? Hindi ako ang Kristo. Ngunit siya’y darating na kasunod ko. At hindi ako karapat-dapat kahit tagaalis ng panyapak.’

“Mga kapatid kong mula sa lahi ni Abraham, at mga taong may takot as Diyos: tayo ang pinadalhan ng balitang ito tungkol sa kaligtasan

Ang Salita ng Diyos.

✞ MABUTING BALITA
Lucas 1:57-66, 60

Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Lucas

Dumating ang oras ng panganganak ni Elisabet, at nagluwal siya ng isang sanggol na lalaki. Nabalitaan ng kanyang mga kapitbahay at mga kamag-anak na siya’y pinagpala ng Panginoon, at nakigalak sila sa kanya.

Nang ikalawang araw, dumalo sila sa pagtutuli ng sanggol. Zacarias sana ang ipangangalan sa kanya—gaya ng kanyang ama—ngunit sinabi sa kanya ng ina, “Hindi! Juan ang ipapangalan sa kanya.” ’Subalit wala isa man sa iyong mga kamag-anak ang may ganyang pangalan,” wika nila. Kaya’t hinudyatan nila ang kanyang ama at itinanong kung ano ang ibig niyang itawag sa sanggol. Humingi siya ng masusulatan at sumulat ng ganito: “Juan ang kanyang pangalan.” At namangha silang lahat. Pagdaka’y nakapagsalita siya, at nagpuri sa Diyos. Natakot ang lahat ng kanilang kapitbahay, anupat naging usap-usapan sa buong kaburulan ng Judea ang mga bagay na ito. Pinakaisip-isip ito ng lahat ng nakaalam at naging kanilang tanong” Magiging ano kayo ng batang ito?” Sapagkat maliwanag na sumasakanya ang Panginoon.

Lumaki ang bata at naging malakas ang kanyang espiritu. Siya’y tumira sa ilang hanggang sa araw na magpakilala siya sa Israel.

Ang Mabuting Balita ng Panginoon.

19/06/2018

There is certainty in the power of God. We may have to suffer now but all of these will pass.

17/06/2018
17/06/2018

Daily Gospel at mga Pagbasa
Linggo, Hunyo 17, 2018

✞ UNANG PAGBASA
Ezekiel 17:22-24

Pagbasa mula sa aklat ni propeta Ezekiel

Ito nga ang ipinasasabi ng Panginoon, “Kukuha ako ng isang usbong ng sedro at aking iaayos. Ang kukunin ko’y yaong pinakamura ng pinakamataas na sanga. Itatanim ko isa isang mataas na bundok, sa pinakamataas na bundok ng Israel upang lumago at mamungang mabuti at maging isang kahanga-hangang sedro. Sa gayun, lahat ng uri ng hayop ay makapaninirahan sa ilalim nito. Ang mga ibon nama’y makamumugad sa mga sanga nito. Kung magkagayon, malalaman ng lahat ng punongkahoy na mapabababa ko ang mataas na kahoy at maitataas ko yaong mababa; na matutuyo ko ang sariwang kahoy at mapananariwa ko yaong tuyong punongkahoy. Akong Panginoon ang nagsasabi nito at ito’y gagawin ko.”

Ang Salita ng Diyos.

✞ SALMONG TUGUNAN
Salmo 91:2-3, 13-14, 15-16

Tugon: Totoong kalugud-lugod ang magpasalamat sa D’yos.

Ang magpasalamat
sa Panginoong Diyos ay mabuting bagay,
Umawit na lagi
purihin ang ngalang Kataas-taasan.
Pag-ibig n’yang wagas
ay dapat ihayag, kung bukang-liwayway,
pagsapit ng gabi
ang katapatan n’ya’y ihayag din naman.

Tugon: Totoong kalugud-lugod ang magpasalamat sa D’yos.

Katulad ng palma,
ang taong matuwid tatatag ang buhay,
parang mga sedro,
kahoy sa Libano, lalagong mainam.
Parang punongkahoy
na doon natanim sa tahanan ng Diyos,
sa banal na templo
ito ay lalago na nakalulugod.

Tugon: Totoong kalugud-lugod ang magpasalamat sa D’yos.

Tuloy ang pagbunga
kahit na ang punong ito ay tumanda,
luntia’t matatag,
at ang dahon nito ay laging sariwa.
Ito’y patotoo
na ang Panginoo’y tunay na matuwid,
Siya kong sanggalang,
matatag na batong walang bahid dungis.

Tugon: Totoong kalugud-lugod ang magpasalamat sa D’yos.

✞ IKALAWANG PAGBASA
2 Corinto 5:6-10

Pagbasa mula sa ikalawang sulat ni Apostol San Pablo sa mga taga-Corinto
Mga kapatid, laging malakas ang aking loob. Alam ko na habang tayo’y nasa tahanang ito, ang ating katawan, hindi mapapasaatin ang tahanang galing sa Panginoon. Namumuhay ako ayon sa pananalig sa Diyos, hindi sa mga bagay, na nakikita. Malakas nga ang loob kong iwan ang katawang ito na aking tinatahanan upang manirahan sa piling ng Panginoon. Kaya naman, ang pinakananais ko ay maging kalugud-lugod sa kanya, sa tahanang ito o doon man sa langit. Sapagkat bawat isa ay haharap sa hukuman ni Kristo upang tumanggap ng kaukulang ganti sa kyang ginawa, mabuti man o masama, nang siya’y nabubuhay pa sa daigdig na ito.

Ang Salita ng Diyos.

✞ MABUTING BALITA
Marcos 4:26-34

Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Marcos

Noong panahong iyon, sinabi ni Hesus sa mga tao, “Ang paghahari ng Diyos ay maitutulad sa isang naghahasik ng binhi sa kanyang bukid. Pagkatapos niyon, magpapatuloy siya sa kanyang pang-araw-araw na gawain; tutubo at lalago ang binhi nang hindi niya nalalaman kung paano. Ang lupa’y siyang nagpapasibol at nagpapabunga sa mga pananim: usbongmuna, saka uhay na pagkatapos ay mahihitik sa mga buti! Pagkahinog ng mga butil, agad itong ipagagapas sapagkat dapat nang anihin.

“Sa ano natin ihahambing ang paghahari ng Diyos?” sabi pa ni Hesus. “Anong talinghaga ang gagamitin natin upang ilarawan tio? Tulad ito ng butil ng mustasa na siyang pinakamaliit sa lahat ng binhi. Kapag natanim na at lumago, ito’y nagiging pinakamalaki sa lahat ng puno ng gulay; nagkakasanga ito nang malalabay, anupat ang mga ibon ay nakapamumugad sa mga sanga nito.”
Ang Salita’y ipinangaral ni Hesus sa kanila sa pamamagitan ng maraming talinghagang tulad nito, ayon sa makakaya ng kanilang pang-unawa. Hindi siya nangaral sa kanila nang hindi gumagamit ng talinghaga; ngunit ipinaliwanag niya nang sarilinan sa kanyang mga alagad ang lahat ng bagay.

Ang Mabuting Balita ng Panginoon.

Amare et Servire: To love and Serve!
10/06/2018

Amare et Servire: To love and Serve!

Renewal of Vows 2018
10/06/2018

Renewal of Vows 2018

2nd EAAP MAS Sportfest 2018 Awarding
10/06/2018

2nd EAAP MAS Sportfest 2018 Awarding

10/06/2018

Address

Bidang Court, Phase 8, Bagong Silang
Caloocan

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when St.Paul of the Cross Parish - MAS posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share