Sacred Heart Parish-Caybiga Diocese of Novaliches

Sacred Heart Parish-Caybiga Diocese of Novaliches Official page of Sacred Heart- Parish Caybiga
(1)

24/08/2026

WE EACH HAVE A KEY.

When Jesus gave Peter the keys of the Kingdom, He entrusted him with a mission; a responsibility to lead, serve, and care for His people.

But Peter was not the only one called to follow Christ.

As Christians and followers of Jesus, each of us is entrusted with a “key”; a mission that God asks us to carry.

Our keys may look different. One may be called to teach, another to serve, another to comfort, encourage, create, lead, forgive, or simply be present for someone who needs hope.

We may not all have the same mission, but we are all called to do something with the gifts and opportunities God has placed in our hands.

The question is not, “Why was I not given someone else’s key?”

The question is:

“Lord, what have You entrusted to me, and how am I using it for Your Kingdom?”

Peter was given the keys.
We have been given a mission.

May we never be afraid to use what God has entrusted to us.

24/08/2026

Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Mateo

Ang Hiwaga ng Panalangin6 Mayo 2020Kasulatan: Marcos 10:46-52Mga Mahal na Kapatid: Ngayon ay sinisimulan natin ang isang...
24/08/2026

Ang Hiwaga ng Panalangin
6 Mayo 2020
Kasulatan: Marcos 10:46-52

Mga Mahal na Kapatid: Ngayon ay sinisimulan natin ang isang bagong hanay ng katekesis sa panalangin. Ang panalangin ay hininga ng pananampalataya, isang sigaw na nagmumula sa puso ng mga nagtitiwala sa Diyos. Makikita natin ito sa kwento ni Bartimeo, ang pulubi mula sa Jerico. Bagaman bulag, batid niya na si Jesus ay papalapit, at nagtiyaga sa pagtawag: “Anak ni David, mahabag ka sa akin!” (Marcos 10, 47). Sa pamamagitan ng paggamit ng mga salitang "Anak ni David", siya ay nagpahayag ng pananampalataya kay Jesus na Mesiyas. Bilang tugon ay inaanyayahan ng Panginoon si Bartimeo na ipahayag ang kanyang hangarin, na makitang muli. Pagkatapos ay sinabihan siya ni Kristo: “Makakaalis ka na. Magaling ka na dahil sa iyong pananampalataya.” (Marcos 10, 52). Ipinahihiwatig nito na ang pananampalataya ay isang sigaw para sa kaligtasan na umaakit sa awa at kapangyarihan ng Diyos. Hindi lamang mga Kristiyano ang nananalangin kundi ang lahat ng kalalakihan at kababaihan na naghahanap ng kahulugan sa kanilang paglalakbay sa lupa. Sa ating pagpapatuloy sa ating paglalakbay sa pananampalataya, nawa'y tayo, tulad ni Bartimeo, ay laging magtiyaga sa pananalangin, lalo na sa ating pinakamadilim na sandali, at tanungin ang Panginoon nang may pagtitiwala: “Jesus mahabag ka sa akin. Jesus, mahabag ka sa amin!”.
"Ang pananampalataya ay ang pagkakaroon ng dalawang kamay na nakataas, isang tinig na sumisigaw upang humingi ng kaloob ng kaligtasan."
— Papa Francisco

Katekesis sa Panalangin Ang mga katekesis ni Papa Francisco tungkol sa panalangin ay unang ipinahayag sa mga Pangkalahat...
24/08/2026

Katekesis sa Panalangin

Ang mga katekesis ni Papa Francisco tungkol sa panalangin ay unang ipinahayag sa mga Pangkalahatang Audyensiya sa Vatican mula Mayo 2020 hanggang Hunyo 2021. Ipinahayag ang mga ito sa panahon ng pandemya, nang humarap ang daigdig sa takot at kawalang-katiyakan. Sa gitna ng krisis, itinuro ng Santo Papa ang kahalagahan ng mas malalim na buhay-panalangin bilang bukal ng liwanag at lakas mula sa Diyos.
Nanatiling napapanahon ang mga aral na ito para sa mga lingkod at kasapi ng parokya na tinatawag na bumuo ng isang “parokya bilang paaralan ng panalangin.” Layunin ng kalipunang ito na tulungan ang mga Katoliko, lalo na ang mga lingkod ng parokya at ang Commission on BEC Development ng Diocese of Novaliches, sa pagtuturo at pagpapalalim ng buhay-panalangin.
Bawat bahagi ay naglalaman ng buod ng isang katekesis. Makatulong nawa ang kalipunang ito sa ating pananalangin upang lalo tayong mapalapit sa Diyos.

24/08/2026

St. Bartholomew, pray for us!
August 24

***
On August 24, the Catholic Church celebrates the Feast of Saint Bartholomew, one of the Twelve Apostles of Christ. In the Synoptic Gospels, St. Bartholomew is always listed in the sixth position, preceding Philip (Mk. 3:18; Mt. 10:3; Lk. 6:14) who introduced him to Jesus (Jn. 1:45-46).

Click the link to read the whole article:
https://www.dominusest.ph/post/nathanael-a-gift-of-god

24/08/2026

𝐁𝐈𝐒𝐇𝐎𝐏 𝐆𝐀𝐀: 𝐋𝐀𝐇𝐀𝐓 𝐓𝐀𝐘𝐎 𝐀𝐘 𝐌𝐀𝐀𝐀𝐑𝐈𝐍𝐆 𝐌𝐀𝐆𝐈𝐍𝐆 𝐓𝐀𝐆𝐀𝐏𝐀𝐆𝐇𝐀𝐘𝐀𝐆 𝐍𝐆 𝐊𝐀𝐓𝐎𝐓𝐎𝐇𝐀𝐍𝐀𝐍 𝐍𝐆 𝐃𝐈𝐘𝐎𝐒

Binigyang-diin ng Lubos na Kagalang-galang Roberto O. Gaa, D.D., Obispo ng Novaliches, na ang bawat Kristiyano ay maaaring maging instrumento ng Diyos sa pagpapahayag ng Kanyang katotohanan, tulad ng naging karanasan ni Apostol Pedro.

Sa kanyang pagninilay, sinabi ni Bishop Gaa na malinaw sa Ebanghelyo na maaaring mangusap ang Diyos nang tuwiran sa tao. Ito ang nangyari kay Pedro nang ipahayag niya ang kanyang pagkilala kay Hesus, kahit hindi niya mismo alam kung saan nagmula ang kanyang sinabi.

“𝑵𝒂𝒑𝒂𝒌𝒂𝒈𝒂𝒏𝒅𝒂 𝒌𝒂𝒔𝒊 𝒎𝒂𝒓𝒊𝒏𝒊𝒈 𝒏𝒂𝒕𝒊𝒏 𝒏𝒂 𝒑𝒐𝒔𝒊𝒃𝒍𝒆 𝒑𝒂𝒍𝒂 𝒚𝒖𝒏 𝒏𝒂 𝒎𝒂𝒏𝒈𝒖𝒔𝒂𝒑 𝒂𝒏𝒈 𝑫𝒊𝒚𝒐𝒔 𝒅𝒊𝒓𝒆𝒕𝒔𝒚𝒐 𝒔𝒂 𝒂𝒕𝒊𝒏.”

Ipinaliwanag ng obispo na ang bigat at awtoridad ng sinabi ni Pedro ay hindi nagmula sa kanyang sariling kapangyarihan, kundi sa kanyang pagkakaugat sa Diyos Ama.

“𝑯𝒊𝒏𝒅𝒊 𝒔𝒊𝒚𝒂 𝒔𝒊𝒎𝒑𝒍𝒆𝒏𝒈 𝒌𝒂𝒕𝒐𝒕𝒐𝒉𝒂𝒏𝒂𝒏, 𝒑𝒆𝒓𝒐 𝒌𝒂𝒕𝒐𝒕𝒐𝒉𝒂𝒏𝒂𝒏 𝒏𝒂 𝒎𝒂𝒚 𝒌𝒂𝒂𝒌𝒊𝒃𝒂𝒕 𝒏𝒂 𝒐𝒕𝒐𝒓𝒊𝒅𝒂𝒅.”

Gayunman, ipinakita rin sa mga salaysay ng Ebanghelyo na hindi palaging tama ang naging pananaw ni Pedro. Nang sabihin ni Hesus na Siya ay pahihirapan at mamamatay, tumutol si Pedro, dahilan upang sawayin siya ni Hesus.

Para kay Bishop Gaa, ipinakikita nito na maaaring maging pabagu-bago ang ugnayan ng tao sa Diyos. May mga pagkakataong malinaw nating naipapahayag ang Kanyang kalooban, ngunit mayroon ding mga sandaling nadadala tayo ng sariling pananaw at kahinaan.

Sa kabila nito, nanatiling mahalaga ang koneksyon ni Pedro sa Diyos at ito ang naging bahagi ng kanyang pamumuno sa mga apostol.

“𝑷𝒆𝒓𝒐 𝒎𝒂𝒌𝒊𝒌𝒊𝒕𝒂 𝒏𝒈𝒂 𝒏𝒂𝒕𝒊𝒏 𝒅𝒊𝒕𝒐, 𝒚𝒖𝒏𝒈 𝒏𝒂𝒑𝒂𝒌𝒂𝒉𝒂𝒍𝒂𝒈𝒂𝒏𝒈 𝒌𝒐𝒏𝒆𝒌𝒔𝒚𝒐𝒏 𝒏𝒊 𝑷𝒆𝒅𝒓𝒐 𝒔𝒂 𝑨𝒎𝒂.”

Binigyang-diin ng obispo na hindi dapat hangarin ng tao ang kapangyarihan para sa sarili. Sa halip, ang dapat pagsumikapan ay ang pagkilala at pagpapahayag ng katotohanan ng Diyos.

“𝑯𝒊𝒏𝒅𝒊 𝒅𝒂𝒉𝒊𝒍 𝒏𝒂𝒊𝒔 𝒏𝒂𝒕𝒊𝒏𝒈 𝒎𝒂𝒈𝒊𝒏𝒈 𝒎𝒂𝒌𝒂𝒑𝒂𝒏𝒈𝒚𝒂𝒓𝒊𝒉𝒂𝒏, 𝒑𝒆𝒓𝒐 𝒏𝒂𝒊𝒔 𝒏𝒂𝒕𝒊𝒏𝒈 𝒎𝒂𝒊𝒑𝒂𝒉𝒂𝒚𝒂𝒈 𝒂𝒏𝒈 𝒌𝒂𝒕𝒐𝒕𝒐𝒉𝒂𝒏𝒂𝒏 𝒏𝒈 𝑫𝒊𝒚𝒐𝒔.”

Aminado si Bishop Gaa na malaking hamon ito at maaaring maging isang panghabambuhay na pagsisikap para sa bawat Kristiyano. Gayunman, hinikayat niya ang mga mananampalataya na huwag mapagod o mangimi sa paghahanap at pagpapahayag ng kalooban ng Diyos.

“𝑷𝒆𝒓𝒐 𝒉𝒖𝒘𝒂𝒈 𝒔𝒂𝒏𝒂 𝒕𝒂𝒚𝒐𝒏𝒈 𝒎𝒂𝒑𝒂𝒈𝒐𝒅, 𝒉𝒖𝒘𝒂𝒈 𝒕𝒂𝒚𝒐𝒏𝒈 𝒎𝒂𝒏𝒈𝒊𝒎𝒊.”

Sa huli, binigyang-diin niya na hindi lamang si Pedro ang maaaring maging tagapagsalita ng Diyos. Sa pamamagitan ng ating pang-araw-araw na buhay at pananampalataya, maaari rin nating maipahayag sa iba ang katotohanan ng Diyos.

“𝑲𝒂𝒔𝒊 𝒍𝒂𝒉𝒂𝒕 𝒕𝒂𝒚𝒐 𝒑𝒘𝒆𝒅𝒆𝒏𝒈 𝒎𝒂𝒈𝒊𝒏𝒈 𝒃𝒊𝒃𝒊𝒈 𝒏𝒈 𝑫𝒊𝒚𝒐𝒔.”

“𝑳𝒂𝒉𝒂𝒕 𝒕𝒂𝒚𝒐 𝒑𝒘𝒆𝒅𝒆𝒏𝒈 𝒎𝒂𝒈𝒊𝒏𝒈 𝒏𝒂𝒈𝒕𝒂𝒈𝒂𝒑𝒂𝒉𝒂𝒚𝒂𝒈 𝒏𝒈 𝑫𝒊𝒚𝒐𝒔.”

Para kay Bishop Gaa, ang hamon ay hindi ang maging makapangyarihan, kundi ang maging bukas sa Diyos upang ang Kanyang katotohanan ay maipahayag sa pamamagitan ng ating buhay.

(Ulat ni Jun Magtagnob)

24/08/2026

🙏 𝐀𝐧𝐠 𝐌𝐚𝐛𝐮𝐭𝐢𝐧𝐠 𝐁𝐚𝐥𝐢𝐭𝐚 𝐍𝐠𝐚𝐲𝐨𝐧 🌞 Lunes , Agosto 24 | 📖 Pagbasa: Juan 1, 45-51

Noong panahong iyon, hinanap ni Felipe si Natanael, at sinabi rito, “Natagpuan namin si Hesus na taga-Nazaret, ang anak ni Jose. Siya ang tinutukoy ni Moises sa kanyang sinulat sa Kautusan, at gayun din ng mga propeta.” “May magmumula bang mabuti sa Nazaret?” Tanong ni Natanael. Sumagot si Felipe, “Halika’t tingnan mo.”

Nang malapit na si Natanael ay sinabi ni Hesus, “Masdan ninyo ang isang tunay na Israelita; siya’y hindi magdaraya!” Tinanong siya ni Natanael, “Paano ninyo ako nakilala?” Sumagot si Hesus, “Bago ka pa tawagin ni Felipe, nakita na kita nang ikaw ay nasa ilalim ng puno ng igos.” “Rabi, kayo po ang Anak ng Diyos! Kayo ang Hari ng Israel!” wika ni Natanael. Sinabi ni Hesus, “nanampalataya ka ba dahil sa sinabi ko sa iyong nakita kita sa ilalim ng puno ng igos? Makakikita ka ng mga bagay na higit kaysa rito!” At sinabi niya sa lahat, “Tandaan ninyo: makikita ninyong bukas ang langit, at ang mga anghel ng Diyos ay manhik-manaog sa kinaroroonan ng Anak ng Tao!”

Ang Mabuting Balita ng Panginoon.

24/08/2026

“We learn to live with one another in charity, so that the message might be fully proclaimed.”

Pope Leo XIV, Homily, June 29, 2026

24/08/2026

PRAYER FOR PROTECTION AGAINST SUPER TYPHOON

Loving and Almighty Father,
we come before You in humility and hope.
You are the Lord of wind and sea,
our refuge in every storm.
As this super typhoon approaches ourr land,
we beg You to calm its fury
and spare our nation from harm.
Protect our homes, our families, and all
who work for safety and rescue.
Grant wisdom to our leaders,
strength to our responelers,
and compassion to our communities.
Teach us to be faithful stewards, O Lord-
to care for one another,
to share our resources generously,
and to rebuild with courage and faith when
the storm has passed.
May this trial strengthen our trust in You
and deepen our journey to holiness.
Through Christ our Lord.

Our Lady of Perpetual Help, pray for us
St. Lorenzo Ruiz & St, Pedro Calungsod, intercede for us.
Jesus, Lord of peace and mercy, we trust in You.

24/08/2026

Sa Ebanghelyo ngayon, makikita natin ang pagkikita ni Nathanael at ni Hesus. Sa una, may pagdududa si Nathanael: “May mabuti bang magmumula sa Nazaret?” Ngunit sinabi ni Felipe, “Halika at tingnan mo.”

Dito natin makikita ang isang mahalagang katotohanan ng ating pananampalatayang Katoliko: ang Diyos ang unang kumikilos upang tayo ay maniwala. Bago pa man hanapin ni Nathanael si Hesus, nakita at kilala na siya ni Hesus. Ganoon din tayo, ang ating pananampalataya ay tugon sa biyayang unang ibinibigay ng Diyos.

Nang makilala ni Nathanael si Hesus, sinabi niya, “Ikaw ang Anak ng Diyos! Ikaw ang Hari ng Israel!” Hindi lamang isang g**o o propeta si Hesus. Siya ang Anak ng Diyos na nagkatawang-tao, ang Salita ng Ama na pumarito upang iligtas ang sangkatauhan. Sa Kanya, nagkakaisa ang Diyos at tao; sa Kanya, nabuksan ang daan patungo sa Ama.

At ito ang hamon sa atin: Hindi sapat na kilala natin ang tungkol kay Hesus. Tinatawag tayong makilala Siya, mahalin Siya, at sundin Siya. Ang tunay na pananampalataya ay hindi lamang nasa isip; ito ay ipinapakita sa paraan ng ating pamumuhay, pagpapatawad, paglilingkod, at pagtitiwala sa Diyos.

Maaaring marami tayong tanong at pagdududa. Ngunit tulad ni Nathanael, inaanyayahan tayo ng Simbahan: “Halika at tingnan mo.” Lumapit tayo kay Hesus sa panalangin, sa Kanyang Salita, at higit sa lahat, sa Banal na Eukaristiya, kung saan patuloy Niyang ibinibigay ang Kanyang sarili para sa atin.

+Panginoong Hesus, dagdagan Mo ang aming pananampalataya. Tulungan Mo kaming makilala Ka hindi lamang bilang aming Tagapagligtas, kundi bilang tunay na Anak ng Diyos at Panginoon ng aming buhay. Amen.

Address

#350 General Luis, Caybiga
Caloocan
1420

Opening Hours

Wednesday 8:30am - 5:30pm
Thursday 8:30am - 5:30pm
Friday 8:30am - 5:30pm
Saturday 8:30am - 5:30pm
Sunday 6am - 6pm

Telephone

+63286513157

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Sacred Heart Parish-Caybiga Diocese of Novaliches posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Place Of Worship

Send a message to Sacred Heart Parish-Caybiga Diocese of Novaliches:

Shortcuts

Share