28/05/2026
๐ฆ๐๐๐๐ฅ๐๐ช๐๐ก | ๐ฆ๐๐ก๐ง๐๐๐ฅ๐จ๐ญ๐๐ก 2026
โ
โAng Santacruzan ay patuloy na mahalagang bahagi ng ating kultura at pananampalataya bilang mga Pilipino. Sa taong 2026, muli natin itong ipagdiriwang bilang simbolo ng pagkakaisa, debosyon, at pagpapahalaga sa ating mayamang tradisyon at kasaysayan.
โ
โAng mga nagsipag-ganap bilang mga reyna:
โ
โ๐๐ฏ. ๐ฆ๐๐๐ฎ๐ป๐ฒ ๐ฆ๐ถ๐ป๐ฑ๐ฎ๐ฐ gumanap bilang ๐ฅ๐ฒ๐๐ป๐ฎ ๐๐๐๐๐ถ๐ฐ๐ถ๐ฎ
โ
โโข sumisimbolo sa katarungan at pagiging patas. Kinakatawan niya ang katotohanang ang batas at paghuhukom ay walang kinikilingan, pantay para sa mayaman at mahirap, at nakabatay sa katotohanan at kabutihan.
โ
โ๐๐ฏ. ๐๐ฎ๐ป๐ฒ๐น๐น๐ฎ ๐ฅ๐ผ๐ฑ๐ฟ๐ถ๐ด๐๐ฒ๐ gumanap bilang ๐ฅ๐ฒ๐๐ป๐ฎ ๐๐ฏ๐ผ๐ด๐ฎ๐ฑ๐ฎ
โ
โโข Siya ang kumakatawan sa mga taong nangangailangan ng tulong, lalo na sa mga mahihirap, inaapi, at mga walang kalaban-laban. Ang kanyang tungkulin ay ipagtanggol ang mga taong hindi nakapagsasalita para sa kanilang sarili at ipaglaban ang kanilang karapatan.
โ
โ๐๐ฏ. ๐ฉ๐ถ๐ป๐๐ ๐ฉ๐ถ๐น๐น๐ฎ๐ป๐๐ฒ๐๐ฎ gumanap bilang ๐ฅ๐ฒ๐๐ป๐ฎ ๐ฆ๐ฒ๐ป๐๐ฒ๐ป๐ฐ๐ถ๐ฎ๐ฑ๐ฎ
โ
โโข| Siya ay sumisimbolo sa mga unang Kristiyano, lalo na sa mga dalaga, na inusig, pinagbintangang hindi tama, at pinarusahan dahil lamang sa kanilang pananampalataya.
โ
โKami din po ay taos-pusong nagpapasalamat sa mga Chapel Officers ng Saint Francis Of Assisi Chapel, sa mga magulang, kaibigan, mga mapagbigay na sponsors, at sa masisiglang mga kabataan ng SFA Youth, dahil sa inyong walang sawang pagpupursigi, tapat na pagtulong, at paglalaan ng oras at panahon, lakas, at materyal na suportang inilaan ninyo para sa lahat ng aming pangangailangan sa pagdiriwang ng Santacruzan 2026.
โ
โAng inyong pagtulong at dedikasyon ang naging matibay na pundasyon namin upang maging maayos, mairaos at lubos na matagumpay ang aming pagdiriwang, at patunay ito ng matibay naming samahan, pananampalataya, at pagmamahalan na nagbubuklod sa amin; taos-puso kaming nagpapasalamat at nawaโy gantimpalaan kayo ng Maykapal ng saganang pagpapala, kalusugan, at wagas na kaligayahan bilang pagkilala sa inyong kabutihan at sakripisyo. Kaya Maraming Salamat po sainyong lahat.