26/05/2026
May mga panalangin tayong, “Lord, alisin Mo na ‘to.” Kapag masakit na, kapag pagod na, kapag parang hindi na kaya. Pero paano kung ang bagay na gusto mong alisin ay siya ring ginagamit ng Diyos para palakasin ka?
Kapatid, ang Salita ng Diyos ay nagpapaalala na may mga pagdurusang hindi parusa. Hindi madaling ngumiti habang may pinagdadaanan. Mahirap, oo. Pero walang pagdurusang walang layunin kapag ikaw ay nasa Diyos at ang Diyos ay nasa iyo. Kung nasasaktan ka ngayon habang patuloy na kumakapit kay Jesus, tandaan mo: hindi ka Niya pinaparusahan. Hinuhubog ka Niya.
--
The Purpose of suffering in Christ.