31/07/2026
๐๐๐๐๐๐๐ | ๐๐๐ซ๐ข๐ฌ๐ก ๐
๐ข๐๐ฌ๐ญ๐ ๐๐๐๐จ๐ฅ๐ฅ๐๐๐ญ๐ข๐จ๐ง & ๐๐ฒ๐ง๐จ๐๐๐ฅ ๐๐ฌ๐ฌ๐๐ฆ๐๐ฅ๐ฒ
Sa nalalapit na pagdiriwang ng Kapistahan ni San Roque, inaanyayahan ang buong sambayanan ng San Roque Cathedral Parish na makibahagi sa ating Parish Fiesta Recollection & Synodal Assembly sa August 01, 2026 (Sabado).
Bilang bahagi ng ating espirituwal na paghahanda sa kapistahan ng ating mahal na patron, sama-sama nating pagninilayan ang temang "Peregrinong Deboto: Pagkilala sa Presensya ni Kristo sa Kapwa-Tao." Ang pagninilay na ito ay pangungunahan ni Bro. Teddy "Kuya Ted" Toledo, isang Educator, Formator, at Psycho-spiritual Counselor.
Sa diwa ng pagkakaisa at bilang mga peregrino ng pag-asa, inaanyayahan tayong muling pagnilayan ang ating bokasyon bilang mga alagad ni Kristo, na Siya ay makilala at mapaglingkuran sa bawat kapwa. Nawa'y maging sandali ito ng mas malalim na pakikinig sa Salita ng Diyos, pagbubukas ng puso sa Kanyang biyaya, at pagpapanibago ng ating pananampalataya habang tayo ay sama-samang naghahanda para sa pagdiriwang ng kapistahan.
๐๏ธ August 01, 2026 | Saturday
๐ 6:00 PM โ Eucharistic Celebration
๐ 7:00 PM โ Recollection Proper
Malugod naming hinihikayat ang lahat ng mga mananampalataya na makiisa sa banal na pagdiriwang na ito. Nawa'y sa pamamagitan ng Banal na Eukaristiya at ng ating sama-samang pagninilay, higit tayong mapalapit kay Kristo, mapatatag sa pananampalataya, at maging masigasig sa ating misyon bilang iisang sambayanan ng Diyos sa ilalim ng mapagkalingang pagtangkilik ni San Roque.