19/05/2026
๐๐๐ฒ ๐๐, ๐๐๐๐
๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐
โSumagot si Hesus, โSinasabi ko sa iyo ang totoo, walang sinuman ang mapapabilang sa kaharian ng Diyos, malibang ipanganak siyang muli.โโ โ Juan 3:3
Sa ikatlong bahagi ng Apostlesโ Creed, ipinapahayag natin ang ating pananampalataya sa Banal na Espiritu bilang Diyos, at sa mabiyaya at makapangyarihan Niyang pagkilos upang ilapat sa atin ang lahat ng biyaya at pagpapalang tinamo ni Cristo para sa ating kaligtasan.
Isa sa malinaw na itinuturo ng Banal na Kasulatan tungkol sa gawain ng Banal na Espiritu ay ang pagbibigay Niya ng muling kapanganakan, o pagbibigay buhay sa atin mula sa ating kalagayan, na dating patay sa espiritu dahil sa kasalanan.
Sa Juan 3:3, sinabi ni Jesus kay Nicodemo: โwalang sinumang makakbahagi o mapapabilang sa kaharian ng Diyos, malibang ipanganak siyang muli.โ Ipinapakita rito na ang tao, sa kanyang likas na kalagayan, ay hindi lamang mahina o nangangailangan ng kaunting pagbabago; tayo ay patay sa espiritu at walang kakayahang iligtas o baguhin ang ating sarili. Kayaโt kinakailangan ang isang mabiyayang himala, muli tayong ipanganak o mabuhay sa espiritu, na tanging ang Banal na Espiritu lamang ang makagagawa.
Sa mga sumusunod na talata, inihayag ni Jesus na ang kapanganakang ito ay โipinanganak sa Espirituโ (Juan 3:5โ8). Ang Banal na Espiritu ang kumikilos upang buksan ang ating mga mata sa Ebanghelyo, palambutin ang ating pusong bato, at bigyan tayo ng bagong puso na sumasampalataya at sumusunod kay Cristo. Ito ang paraan kung paano inilalapat ng Espiritu Santo ang gawa ni Cristo sa atinโbinigyan Niya tayo ng buhay upang tayoโy makabahagi sa kaligtasang tinamo ni Jesus.
Ito rin ang itinuturo sa Heidelberg Catechism Lordโs Day 20 Q&A 53, na ang Banal na Espiritu ay ibinigay sa atin upang tayoโy maging kabahagi kay Cristo at sa lahat ng Kanyang biyaya. Sa pamamagitan ng Espiritu Santo, tayoโy muling isinisilang at ginagawang bagong nilalang kay Cristo.
Mga kapatid, dahil dito, kilalanin natin ang ating espirituwal na kawalan ng kakayahang buhayin ang ating sarili. Ang kaligtasan ay hindi bunga ng ating kabutihan, desisyon, o sariling lakas, kundi bunga lamang ng makapangyarihan at mahabaging pagkilos ng Diyos sa atin.
Magpakumbaba tayo at magpasalamat sapagkat tayoโy binuhay ng Diyos mula sa espirituwal na kamatayan tungo sa bagong buhay kay Cristo. At ipanalangin din natin ang iba, na sila man ay buhayin ng Banal na Espiritu habang ipinapahayag sa kanila ang Mabuting Balita ng Panginoong Jesu-Cristo.
Purihin natin ang Diyos Ama, Anak, at Espiritu Santoโang Diyos na nagbibigay ng bagong buhay sa mga makasalanan upang silaโy mamuhay para sa Kanyang kaluwalhatian. Amen!