12/05/2026
๐ฆ๐ฎ๐ป ๐ฃ๐ฎ๐ป๐ฐ๐ฟ๐ฎ๐ฐ๐ถ๐ผ, ๐๐ฝ๐ฎ๐ป๐ฎ๐น๐ฎ๐ป๐ด๐ถ๐ป ๐บ๐ผ ๐ธ๐ฎ๐บ๐ถ!
Ngayong araw, Mayo 12 ay ginugunita natin ang Kapistahan ng ating patron sa parokya ni San Pancracio Parish ๐ฟ
Kilala si San Pancracio bilang isang martyr. Siya rin ay ang patron ng mga kabataan, may-sakit at naghahanap ng trabaho. Ngunit, mas kilalanin pa natin kung sino nga ba talaga ang ating patron:
๐๐ป๐ด ๐ง๐ฎ๐น๐ฎ๐บ๐ฏ๐๐ต๐ฎ๐ ๐ป๐ถ ๐ฆ๐ฎ๐ป ๐ฃ๐ฎ๐ป๐ฐ๐ฟ๐ฎ๐ฐ๐ถ๐ผ:
Isinilang si Pancracio sa Sinada na nasa Frigia de Asia Menor (Turkey ngayon) noong taong 289. Ang kanyang mga magulang ay kapwa Romano. Sumakilbalang buhay ang kanyang inang si Ciriada habang siya ay ipinapanganak. Nang walong ( 8 taon na si Pancracio, ay inihabilin siya ng kanyang ama na si Cleone, bago ito namayapa, kay Dionisiong kapatid nito.
Hindi naman nagpabaya si Dionisio sa kanyang sinumpaang tungkulin para kay Pancracio. Sila ay nagtungo sa Roma upang pamahalaan ang ari-ariang minana ni Pancracio at dito ay pinag-aral siya. Sila ay nanirahan sa pamayanan sa may burol ng Silia (Caelian Hill). Dito ay narinig ni Pancracio ang tungkol sa pananampalatayang Kristiyano.
Isang aliping Kristiyano ang nagmulat kay Pancracio tungkol sa mga katotohanang turo ni Jesu-Kristo. Dahil nga sa matalino at matiyaga ang batang Pancracio, lumalim ang kanyang pananampalataya. Hindi lumaon siya ay nagpabinyag kasama ang kanyang amain na si Dionisio noong taong 298 kay Papa Marcelino, mataaos ang maraming araw ng paghahanda at pag-aaral ng mga turo ng Santa Iglesia.
Dahilan sa lumalaganap na ang pananampalatayang Kristiyano, nagsimula ang pag uusig sa kanila ng Emperador na si Diocleciano.
Sa mga panahon ding yaon ay umunlad din sa karunungan si Pancracio at siya ay naging isang matipunong kawal ng Emperyong Romano. Kasabay nito ay ang pagyaon ng kanyang amain, na naglaan ng buhay sa paglilingkod, dahilan sa sakit.
Tatlong panahon ang nilapatan ng tatlong kautusan laban sa mga Kristiyano, at sa ika-apat na kautusan ay ipinairal na ang lahat ng mga nasasakupan ay dapat magsunog ng insenso sa harap ng mga diyos-diyosan upang kilalanin ng tiyakan ang kung sino ang Kristiyano sa mga mamamayan.
Nasaksihan ni Pancracio ang pag-uusig sa mga kapatid niya sa paniniwala kayaโt siya ay naghanda na rin sa pamamagitan ng panalangin na siyang nagbigay sa kanya ng tibay ng kalooban at ang panalangin niya ring yaon ang nagbigay sa kanya ng pagtatagumpay.
Dumating ang araw na isinuplong siya ng kanyang kamag-aral sa Emperador ng Romano. Iniharap si Pancracio sa Emperador upang usigin. Dahilan nga sa siya ay bata pa, matalino, makisig, at sadyang may potensyal na mamuno sa emperyo, pinangakuan siya ng emperador Diocleciano ng karangyaan, kayamanan, kapangyarihan at kalayaan kung itatakwil niya ang pananampalataya na si Jesu-Kristo ang Panginoon at Kaligtasan. Ngunit, hindi naakit sa kamunduhan at pagnanasa si Pancracio. Pinagbantaan siya ng parusa, hindi pa rin siya natigatig sa katatagan ng pananampalataya at sa pagiging uliran ng kabataan.
Inihayag ni Pancracio ang paniniwalang Kristiyano sa harap ng Emperador Diocleciano at sa mga tao at hindi siya nagsunog ng insenso sa diyos-diyosan. Dahilan dito, ipinag-utos ng emperador na parusahan si Pancracio at siya ay pinapugutan ng ulo sa liwasan ng Lunsod (Via Aurelia) sa itaas ng burol ng Gianiculum.
Si Pancracio ay namatay na martir sa gulang na labing-apat (14) na taon, noong ika-labindalawa (12) ng Mayo, taon 304. Bago siya namatay ay nabendisyunan siya ng isang matandang pari at inihabilin ang kanyang kaluluwa sa Dakilang Maykapal. Inilibing siya sa sementeryo ni Calepodio. Ang kanyang halimbawa ay nagpatingkad sa pananampalatayang Kristiyano.
Ang pangalang PANCRACIO ay salitang griyego na nangangahulugang โLaging Matagumpayโ.
โVENITE AD ME ET EGO DABO VOBIS OMNIA BONAโ (LUMAPIT KAYO SA AKIN AT IBIBIGAY KO SA INYO ANG LAHAT NG MABUBUTING BAGAY)
Ang Paglaganap ng Pamimintuho
Isang Kristiyanong Romanong babae na nagngangalang Ottavilla ang nakatagpo ng Katawan ni San Pacracio, nilagyan ng halamang gamut, ibinalot sa linen at inilibing sa isang catacombs sa Roma at ang Kanyang bungo ay inilagak sa isang reliquary na hanggang ngayon ay binibigyang galang sa kanyang Basilika sa Roma.
Pagkaraan ng dalawaang daang (200) taon ay napatunayan na ang pamimintuho kay Pancracio ay laganap na sa buong Francia, Alemanya, at Englatera. Pinagtayuan ni Papa Simaco ng isang malaking simbahan noong taong 500 sa lugar kung saan ang labi ni San Pancracio ay nahimlay.
Maraming mga himala ang ipinagkaloob ng Batang Martir, San Pancracio sa mga lumalapit sa kanya. Maraming mga Papa ang nag-utos na magtayo at panatilihing maganda ang Basilika ni San Pancracio sa Roma. Sa Espanya ay may isang simbahang nakalaan sa kanya sa Santa Maria de Pino, Barcelona, na mula pa noong unang panahon ay dinumog na ng makapal na taong humihingi ng kalusugan at trabaho.
Bukod sa pamimintuho kay San Pancracio bilang Pintakasi laban sa pananakit ng ulo at pamumulikat at Tagapamagitan sa Diyos; Siya rin ay Paton ng mga maysakit, mga humahanap ng pagkakakitaan, at ng mga kabataan.
Noong 1595, (25 taon matapos ang pagkakatatag ni Pope Pius V ang Missal ng Tridentino) hanggang 1969, si San Pancracio ay ipinagdiriwang ang kapistahan kasabay nila San Nereus at Achilleus and Santa Domitilla tuwing Mayo 12. Ngunit, ibinalik na mag-isa sa Panalangin ng Missal si Pancracio noong 1969.
Hanggang sa ngayon, nanatili ang pagkakaroon ng debosyon sa Batang Martir na si San Pancracio.
โ
โ๏ธ Researched & Tagalized by: Br. Jonathan de Vera
๐จ Br. Nick Vincent Ignacio