Camarin Bible Christian Fellowship

Camarin Bible Christian Fellowship Contact information, map and directions, contact form, opening hours, services, ratings, photos, videos and announcements from Camarin Bible Christian Fellowship, Christian church, G. del Pilar, Caloocan.

19/07/2021

Pagkaing Espirituwal Ngayong Martes. Hulyo 20, 2021
Pamagat: Mabuting Halimbawa

Kaya nga, tularan ninyo ako, gaya ng pagtulad ko kay Cristo. -1 Corinto 11:1

Basahin:Tito 2:1-8 (Ang Salita ng Dios)
1 Ngunit ikaw, Tito, ituro mo ang naaayon sa wastong aral.
2 Ang mga nakatatandang lalaki ay turuan mong maging mahinahon, marangal, marunong magpasya kung ano ang nararapat, at matatag sa pananampalataya, sa pag-ibig at sa pagtitiis.
3 Ganoon din sa mga nakatatandang babae: turuan mo silang mamuhay nang maayos bilang mga mananampalataya. Huwag silang mapanira sa kapwa, at huwag maging mahilig sa alak. Dapat ay ituro nila ang mabuti,
4 upang maturuan nila ang mga nakababatang babae na mahalin ang kanilang asawa at mga anak,
5 marunong magpasya kung ano ang nararapat, malinis ang isipan, masipag sa tahanan, mabait, at nagpapasakop sa asawa, upang hindi mapintasan ang salita ng Dios na ating itinuturo.
6 Ganoon din, hikayatin mo ang mga nakababatang lalaki na magpasya kung ano ang nararapat.
7 Magpakita ka ng mabuting halimbawa sa lahat ng bagay. Maging tapat ka at taos-puso sa iyong pagtuturo.
8 Tiyakin mong tama ang iyong pananalita at walang maipipintas dito, upang ang mga sumasalungat sa atin ay mapahiya dahil wala silang masabing masama laban sa atin.

Ang Salita ng Dios (Tagalog Contemporary Bible)
Copyright © 2009, 2011, 2014, 2015 by Biblica, Inc. ®
Used by permission of Biblica, Inc.® All rights reserved worldwide.

Masaya ang anak kong si Owen sa bago niyang laruan. Nalungkot naman siya dahil kahit tatlumpung minuto na niyang binabasa ang mga direksyon, hindi pa rin niya maintindihan kung paano ito laruin. Makalipas ng ilang saglit, dumating ang kaibigan ni Owen. Alam na ng kanyang kaibigan kung paano gamitin ang laruan at ipinakita niya iyon kay Owen. Sa wakas ay masaya nang nakapaglaro ang aking anak.

Habang pinagmamasdan ko silang naglalaro, naisip ko na mas madaling matuto tungkol sa isang bagay kung may taong magtuturo sa iyo. Makakatulong ang pagbabasa ng mga direksyon pero higit na mainam kung may magpapakita sa iyo kung paano ito gawin.

Naunawaan din ito ni Apostol Pablo. Binigyang-diin niya sa kanyang sulat para kay Tito ang kahalagahan ng pagiging mabuting halimbawa (TAL. 7) ng mga matagal nang sumasampalataya kay Jesus sa mga bagong mananampalataya upang mas tumatag ang kanilang pananampalataya. Mahalaga ang pagtuturo nila ng tamang katuruan tungkol sa Dios sa mga bagong mananampalataya pero mas mainam na naipapakita rin nila ito sa kanilang pamumuhay. Idinagdag pa ni Pablo na ang mga nakatatandang lalaki at babae ay dapat maging mapagtimpi, mabuti, at mapagmahal (TITO 2:2-5).

Nagpapasalamat ako sa pagtuturo sa akin ng wastong katuruan. Nagpapasalamat din ako sa mga gumagabay sa akin para mas tumatag ang aking pananampalataya. Dahil sa kanilang halimbawa, nalalaman ko kung paano dapat mamuhay ang isang tagasunod ni Cristo.
-Amy Peterson

Panginoong Hesus, salamat po sa maganda Ninyong halimbawa na gumagabay sa amin.

React, Share, and post your reflections.
Follow us on Twitter: twitter.com/odbpilipinas
and on Instagram: instagram.com/ourdailybreadpilipinas
Visit filipino-odb.org to learn more about Our Daily Bread Ministries and our resources
Copyright © 2021 Our Daily Bread Ministries, All rights reserved.
Disclaimer: Please note that internet browsers and online platforms may have built-in translation features that may inadvertently change the meaning and overall thought of our content.

09/04/2020

2nd online prayer meeting. 😁
Text: Luke 18:1-8
Speaker- Bro. Dexter Relox
Leader- Sis. Penny Lou Surian
To God be the glory!!

21/03/2020
MEN'S & WOMEN'S FELLOWSHIPJUNE 9, 2019
09/06/2019

MEN'S & WOMEN'S FELLOWSHIP
JUNE 9, 2019

Address

G. Del Pilar
Caloocan
1400

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Camarin Bible Christian Fellowship posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share