Holy Spirit Parish - Caloocan

Holy Spirit Parish - Caloocan Holy Spirit, the Third person of the Holy Trinity

๐‡๐’๐ ๐…๐ˆ๐„๐’๐“๐€ ๐Œ๐€๐’๐’ ๐Ÿ๐ŸŽ๐Ÿ๐Ÿ”| ๐๐„๐๐“๐„๐‚๐Ž๐’๐“ ๐’๐”๐๐ƒ๐€๐˜Sa gitna ng saya at pananampalataya, taimtim na ipinagdiwang ng ating parokya ang ...
24/05/2026

๐‡๐’๐ ๐…๐ˆ๐„๐’๐“๐€ ๐Œ๐€๐’๐’ ๐Ÿ๐ŸŽ๐Ÿ๐Ÿ”| ๐๐„๐๐“๐„๐‚๐Ž๐’๐“ ๐’๐”๐๐ƒ๐€๐˜

Sa gitna ng saya at pananampalataya, taimtim na ipinagdiwang ng ating parokya ang Dakilang Kapistahan ng Holy Spirit Parish sa pamamagitan ng Banal na Misa na pinangunahan ni Rev. Fr. Ronie Provido, Vicar Forane. Kasama niya sa makabuluhang pagdiriwang ang ating minamahal na Parish Priest na si Rev. Fr. Rowil S. Remo, ESHT, ang Assistant Parish Priest na si Rev. Fr. Poly Pascua, at ang ESHT General na si Rev. Fr. Tom Arcilla. Nakiisa rin sina Rev. Fr. Brien, Rev. Fr. Dominic, at Rev. Fr. Lucille bilang mga panauhing pari na nagbigay ng biyaya at inspirasyon sa buong sambayanan.

Nagtipon-tipon ang ating mga kaparokya bilang isang komunidad ng pananampalataya upang magpasalamat sa Diyos para sa Kanyang walang hanggang pagmamahal at paggabay sa ating parokya. Tunay na naging makabuluhan ang pagdiriwang dahil sa pagkakaisa, debosyon, at aktibong pakikiisa ng bawat isa.

Nawa'y manatiling buhay sa ating mga puso ang apoy ng Espiritu Santo upang patuloy tayong maging instrumento ng kapayapaan, pag-ibig, at paglilingkod sa ating kapwa. Patuloy nawa Niya tayong pagpalainโ€”ang ating parokya, ang bawat pamilya, at ang lahat ng mga lingkod ng simbahan na walang sawang naglilingkod para sa ikauunlad ng ating pamayanan.

Lubos din po ang aming pasasalamat sa lahat ng nakiisa, tumulong, at nagbahagi ng kanilang oras, talento, at suporta upang maging matagumpay at makahulugan ang pagdiriwang ng ating kapistahan. Ang tagumpay ng pagdiriwang na ito ay bunga ng sama-samang pananampalataya, pagkakaisa, at pagmamahalan bilang isang sambayanan ng Diyos


23/05/2026
23/05/2026

๐Œ๐€๐Š๐ˆ๐ˆ๐’๐€ | mula sa Roman Catholic Bishop of Novaliches - Tahanang Pari, Diyosesis ng Novaliches. Ang Pagdiriwang ng Banal na Eukaristiya ngayong Linggo ng Pentekostes Ang pagdiriwang ay pangungunahan ng Obispo ng Diyosesis ng Novaliches, Lubos na Kagalang-galang ROBERTO O. GAA, D. D.


(Disclaimer: The Roman Catholic Diocese of Novaliches does not claim ownership of the music used. All rights belong to the rightful owner. No copyright infringement is intended.)

Ngayong gabi ay masayang ginaganap ang Curatcha Night bilang bahagi ng pagdiriwang para sa nalalapit na kapistahan ng at...
23/05/2026

Ngayong gabi ay masayang ginaganap ang Curatcha Night bilang bahagi ng pagdiriwang para sa nalalapit na kapistahan ng ating parokya. Sama-samang nakiisa ang ating mga kaparokya at bawat pamayanan sa isang gabi ng sayawan, kasiyahan, at pagkakabuklod.

Nawa'y patuloy na maghari ang diwa ng pagkakaisa at pagmamahalan sa ating pamayanan habang sabay-sabay nating ipinagdiriwang ang biyaya ng ating patron.

๐๐Ž๐•๐„๐๐€ ๐Œ๐€๐’๐’ ๐ƒ๐€๐˜ ๐Ÿ— | ๐Œ๐€๐˜ ๐Ÿ๐Ÿ‘ ๐Ÿ๐ŸŽ๐Ÿ๐Ÿ”Isinagawa ang huling araw ng nobenaryo para sa nalalapit na kapistahan ng ating parokya s...
23/05/2026

๐๐Ž๐•๐„๐๐€ ๐Œ๐€๐’๐’ ๐ƒ๐€๐˜ ๐Ÿ— | ๐Œ๐€๐˜ ๐Ÿ๐Ÿ‘ ๐Ÿ๐ŸŽ๐Ÿ๐Ÿ”

Isinagawa ang huling araw ng nobenaryo para sa nalalapit na kapistahan ng ating parokya sa pangunguna ni Rev. Fr. Tom Arcilla, ESHT, bilang punong tagapagdiwang ng banal na misa. Sa kanyang homiliya, ibinahagi niya ang mensahengโ€œMaging buhay na saksi ng Espiritu Santo.โ€

Isang paalala na bilang mga Kristiyano, tayo ay tinatawag na mamuhay nang may pananampalataya, pag-ibig, at paglilingkod upang maipakita sa iba ang pagkilos ng Espiritu Santo sa ating buhay

Nawa'y patuloy tayong gabayan at pagningasin ng Espiritu Santo upang maging tapat na saksi ng pag-ibig at biyaya ng Diyos sa ating kapwa


๐Œ๐š๐ญ๐š๐ ๐ฎ๐ฆ๐ฉ๐š๐ฒ ๐ง๐š ๐ข๐ฌ๐ข๐ง๐š๐ ๐š๐ฐ๐š ๐š๐ง๐  ๐๐ข๐ง๐ ๐ ๐จ ๐’๐จ๐œ๐ข๐š๐ฅ ๐š๐ญ ๐™๐ฎ๐ฆ๐›๐š ๐€๐œ๐ญ๐ข๐ฏ๐ข๐ญ๐ฒ  bilang bahagi ng masayang pagdiriwang ng ating kapistahan. ...
23/05/2026

๐Œ๐š๐ญ๐š๐ ๐ฎ๐ฆ๐ฉ๐š๐ฒ ๐ง๐š ๐ข๐ฌ๐ข๐ง๐š๐ ๐š๐ฐ๐š ๐š๐ง๐  ๐๐ข๐ง๐ ๐ ๐จ ๐’๐จ๐œ๐ข๐š๐ฅ ๐š๐ญ ๐™๐ฎ๐ฆ๐›๐š ๐€๐œ๐ญ๐ข๐ฏ๐ข๐ญ๐ฒ bilang bahagi ng masayang pagdiriwang ng ating kapistahan.

Nagbigay ito ng kasiyahan, sigla, at pagkakataon upang higit pang mapalapit ang bawat isa sa ating pamayanan. Tunay ngang mas nagiging makulay ang ating pagdiriwang kapag sama-sama sa pakikiisa at pagbabahagi ng saya.

Lubos po ang aming pasasalamat sa lahat ng nakiisa, sumuporta, at naging bahagi ng matagumpay na aktibidad na ito. Nawa'y manatili ang diwa ng pagkakaisa at pagmamahalan sa ating parokya

22/05/2026

SULONG-PADAYON
Pentecost Recollection 2026

Come Holy Spirit and the Call to Becoming a Synodal Church

๐๐Ž๐•๐„๐๐€ ๐Œ๐€๐’๐’ ๐ƒ๐€๐˜ ๐Ÿ– | ๐Œ๐€๐˜ ๐Ÿ๐Ÿ ๐Ÿ๐ŸŽ๐Ÿ๐Ÿ”Isinagawa ang ikawalong araw ng nobenaryo para sa nalalapit na kapistahan ng ating paroky...
22/05/2026

๐๐Ž๐•๐„๐๐€ ๐Œ๐€๐’๐’ ๐ƒ๐€๐˜ ๐Ÿ– | ๐Œ๐€๐˜ ๐Ÿ๐Ÿ ๐Ÿ๐ŸŽ๐Ÿ๐Ÿ”

Isinagawa ang ikawalong araw ng nobenaryo para sa nalalapit na kapistahan ng ating parokya sa pangunguna ni Rev. Fr. Eric Estrada bilang punong tagapagdiwang ng banal na misa.

Sa kanyang homiliya, ibinahagi niya na ang Espiritu Santo ang ating gabay sa pananampalataya at Siya ang nagbibigay sa atin ng lakas at sigla sa araw-araw na pamumuhay. Ipinaalala rin niya na patuloy nating piliin ang Panginoon sa bawat hakbang ng ating buhay.

Nawa'y manatiling nagniningas sa ating puso ang biyaya ng Espiritu Santo upang lalo tayong tumibay sa pananampalataya at pagmamahal sa Diyos.


Address

Narra Street , Pangarap Village
Caloocan
1427

Opening Hours

Tuesday 9am - 5pm
Wednesday 9am - 5pm
Thursday 9am - 5pm
Friday 9am - 5pm
Saturday 9am - 5pm
Sunday 9am - 5pm

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Holy Spirit Parish - Caloocan posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share