29/05/2026
Tayo na't umawit at mag-alay ng mga bulaklak sa Mahal na Birheng Maria! ππ
Mga ka-parokya, ano ang inyong Grand Alay para kay Maria?
Sa totoo lang, para sa Mahal na Ina, kung tayo ay malapit sa Kanyang Anak na si Hesus, nagsisikap na gumawa ng kabutihan at palaging magdarasal ng Santo Rosaryo... sapat ito sa kanya bilang ating GRAND ALAY.
Kaya naman magkita-kita po tayo sa May 30 samahan natin ang ating mga kabataan sa kanilang pag-aalay ng dasal, awit at bulaklak sa GRAND ALAY KAY MARIA. π