Our Lady of the Holy Rosary Parish - TALA

Our Lady of the Holy Rosary Parish - TALA This is the official page for Our Lady of the Holy Rosary Parish in Tala, Caloocan City, part of the Roman Catholic Diocese of Novaliches.

SCHEDULE OF MASSES:

● Tuesday to Saturday | 6:30am
● Anticipated Mass (Every Saturday) | 5:00pm
● Sunday Masses (Livestreamed)
□ Filipino Mass | 6:30am
□ English Mass | 5:00pm

23/05/2026

𝐌𝐀𝐊𝐈𝐈𝐒𝐀 | mula sa Roman Catholic Bishop of Novaliches - Tahanang Pari, Diyosesis ng Novaliches. Ang Pagdiriwang ng Banal na Eukaristiya ngayong Linggo ng Pentekostes Ang pagdiriwang ay pangungunahan ng Obispo ng Diyosesis ng Novaliches, Lubos na Kagalang-galang ROBERTO O. GAA, D. D.


(Disclaimer: The Roman Catholic Diocese of Novaliches does not claim ownership of the music used. All rights belong to the rightful owner. No copyright infringement is intended.)

23/05/2026

MAKI-ISA: Banal na Misa na pinamumunuan ni Reb. Pd. Lusil, ang ating Kura Paroko.

DAKILANG KAPISTAHAN NG PENTEKOSTES
HALINA, ESPIRITU SANTO

Unang Pagbasa: Gawa 2, 1-11

Salmong Tugunan: Salmo 103, 1ab at 24ak. 29bk-30. 31 at 34
“Espiritu mo’y suguin, P**n, tana’y ‘yong baguhin.”

Ikalawang Pagbasa: 1 Corinto 12, 3b-7.12-13

Mabuting Balita: Juan 20, 19-23

Panalangin ng Bayan:
"Sa amin ay manahan, Espiritung Banal."

Mahal na Birhen ng Santo Rosaryo, ipanalangin mo po kami!

“Higit sa lahat, mag-ibigan kayo nang tapat sapagkat ang pag-ibig ang nagbubuklod sa ganap na pagkakaisa.” — Colosas 3:1...
23/05/2026

“Higit sa lahat, mag-ibigan kayo nang tapat sapagkat ang pag-ibig ang nagbubuklod sa ganap na pagkakaisa.” — Colosas 3:14

Narito ang mga opisyal na kandidata para sa Santacruzan 2026 na magsisilbing simbolo ng pananampalataya, kagandahan, at pagkakaisa ng ating pamayanan. 🌸

Sa pagdiriwang na ito, nawa’y maalala natin na ang tunay na kagandahan ay hindi nasusukat sa panlabas na anyo kundi sa pusong may takot at pagmamahal sa Diyos. Ang Santacruzan ay isang banal na tradisyon na nagpapaalala sa atin ng sakripisyo, debosyon, at patuloy na paghahanap kay Kristo sa ating buhay. 🙏

Tulad ni Reyna Elena na buong pusong naghanap sa Banal na Krus, nawa’y maging inspirasyon din ang bawat kandidata upang maging ilaw sa kapwa at mabuting halimbawa ng pananampalatayang Kristiyano.

Pagpalain nawa ng Panginoon ang ating pagdiriwang ng Santacruzan 2026.

22/05/2026

SULONG-PADAYON
Pentecost Recollection 2026

Come Holy Spirit and the Call to Becoming a Synodal Church

𝐃𝐀𝐊𝐈𝐋𝐀𝐍𝐆 𝐊𝐀𝐏𝐈𝐒𝐓𝐀𝐇𝐀𝐍 𝐍𝐆 𝐏𝐄𝐍𝐓𝐄𝐊𝐎𝐒𝐓𝐄𝐒“𝐀𝐧𝐠 𝐛𝐮𝐧𝐠𝐚 𝐧𝐠 𝐄𝐬𝐩𝐢𝐫𝐢𝐭𝐮 𝐚𝐲 𝐩𝐚𝐠-𝐢𝐛𝐢𝐠, 𝐤𝐚𝐠𝐚𝐥𝐚𝐤𝐚𝐧, 𝐤𝐚𝐩𝐚𝐲𝐚𝐩𝐚𝐚𝐧, 𝐤𝐚𝐛𝐮𝐭𝐢𝐡𝐚𝐧, 𝐤𝐚𝐭𝐚𝐩𝐚𝐭𝐚𝐧, 𝐤𝐚𝐚𝐦𝐮...
22/05/2026

𝐃𝐀𝐊𝐈𝐋𝐀𝐍𝐆 𝐊𝐀𝐏𝐈𝐒𝐓𝐀𝐇𝐀𝐍 𝐍𝐆 𝐏𝐄𝐍𝐓𝐄𝐊𝐎𝐒𝐓𝐄𝐒

“𝐀𝐧𝐠 𝐛𝐮𝐧𝐠𝐚 𝐧𝐠 𝐄𝐬𝐩𝐢𝐫𝐢𝐭𝐮 𝐚𝐲 𝐩𝐚𝐠-𝐢𝐛𝐢𝐠, 𝐤𝐚𝐠𝐚𝐥𝐚𝐤𝐚𝐧, 𝐤𝐚𝐩𝐚𝐲𝐚𝐩𝐚𝐚𝐧, 𝐤𝐚𝐛𝐮𝐭𝐢𝐡𝐚𝐧, 𝐤𝐚𝐭𝐚𝐩𝐚𝐭𝐚𝐧, 𝐤𝐚𝐚𝐦𝐮𝐚𝐧, 𝐚𝐭 𝐩𝐚𝐠𝐩𝐢𝐩𝐢𝐠𝐢𝐥 𝐬𝐚 𝐬𝐚𝐫𝐢𝐥𝐢.” - 𝐆𝐚𝐥𝐚𝐜𝐢𝐚 𝟓:𝟐𝟐–𝟐𝟑

Ipinagdiriwang natin ang Pentekostes, ang pagbaba ng Espiritu Santo sa mga apostol, sa mga alagad at kay Maria, Ina ni Hesus. Ngayon din ang kaarawan ng Simbahan. Ipinakita sa Unang Pagbasa at Mabuting Balita ang pagdating ng Espiritu Santo na parang malakas na hangin at ang paghinga ni Hesus sa mga apostol. Tulad nila, tinanggap din natin ang Espiritu Santo sa Binyag at Kumpil upang ipahayag ang Mabuting Balita. Kaisa nila, dasalin natin: Halina, Espiritu Santo!

“𝐌𝐚𝐠𝐚𝐥𝐚𝐤 𝐤𝐚𝐲𝐨 𝐬𝐚 𝐩𝐚𝐠-𝐚𝐬𝐚, 𝐦𝐚𝐠𝐭𝐢𝐢𝐬 𝐤𝐚𝐲𝐨 𝐬𝐚 𝐤𝐚𝐩𝐢𝐠𝐡𝐚𝐭𝐢𝐚𝐧, 𝐚𝐭 𝐦𝐚𝐠𝐢𝐧𝐠 𝐦𝐚𝐭𝐢𝐲𝐚𝐠𝐚 𝐬𝐚 𝐩𝐚𝐧𝐚𝐧𝐚𝐥𝐚𝐧𝐠𝐢𝐧.” — 𝐑𝐨𝐦𝐚 𝟏𝟐:𝟏𝟐Sa gitna ng pags...
21/05/2026

“𝐌𝐚𝐠𝐚𝐥𝐚𝐤 𝐤𝐚𝐲𝐨 𝐬𝐚 𝐩𝐚𝐠-𝐚𝐬𝐚, 𝐦𝐚𝐠𝐭𝐢𝐢𝐬 𝐤𝐚𝐲𝐨 𝐬𝐚 𝐤𝐚𝐩𝐢𝐠𝐡𝐚𝐭𝐢𝐚𝐧, 𝐚𝐭 𝐦𝐚𝐠𝐢𝐧𝐠 𝐦𝐚𝐭𝐢𝐲𝐚𝐠𝐚 𝐬𝐚 𝐩𝐚𝐧𝐚𝐧𝐚𝐥𝐚𝐧𝐠𝐢𝐧.” — 𝐑𝐨𝐦𝐚 𝟏𝟐:𝟏𝟐

Sa gitna ng pagsubok, may biyayang naghihintay sa pusong marunong manalig.

Inaanyayahan tayong lahat na makiisa sa banal na pagdiriwang ng bala na misa bukas, ika-6:30 ng umaga, bilang paggunita kay Santa Rita de Cascia, ang santa ng pag-asa at ng mga imposibleng kahilingan.

Sa ating buhay bilang mga Kristiyano, hindi maiiwasan ang sakit, paghihintay, at mga panahong tila walang kasagutan ang ating mga panalangin. Ngunit ipinapaalala sa atin ni Sta. Rita na ang tunay na pananampalataya ay nananatiling matatag kahit sa gitna ng unos. Ang Diyos ay kumikilos sa tamang panahon, at ang Kanyang awa ay hindi nauubos para sa mga pusong nagtitiwala sa Kanya.

Halina at sama-sama nating ialay ang ating mga panalangin, pasasalamat, at mga kahilingan sa Panginoon sa pamamagitan ng pamamagitan ni Sta. Rita.

“𝙆𝙖𝙮𝙖’𝙩 𝙞𝙩𝙖𝙜𝙪𝙮𝙤𝙙 𝙣𝙖𝙩𝙞𝙣 𝙖𝙣𝙜 𝙠𝙖𝙩𝙤𝙩𝙤𝙝𝙖𝙣𝙖𝙣 𝙨𝙖 𝙥𝙖𝙜-𝙞𝙗𝙞𝙜…” — 𝙀𝙛𝙚𝙨𝙤 4:15Sa pagdiriwang ng 𝟲𝟬𝘁𝗵 𝗪𝗼𝗿𝗹𝗱 𝗗𝗮𝘆 𝗼𝗳 𝗦𝗼𝗰𝗶𝗮𝗹 𝗖𝗼𝗺𝗺𝘂𝗻𝗶𝗰𝗮𝘁𝗶𝗼...
17/05/2026

“𝙆𝙖𝙮𝙖’𝙩 𝙞𝙩𝙖𝙜𝙪𝙮𝙤𝙙 𝙣𝙖𝙩𝙞𝙣 𝙖𝙣𝙜 𝙠𝙖𝙩𝙤𝙩𝙤𝙝𝙖𝙣𝙖𝙣 𝙨𝙖 𝙥𝙖𝙜-𝙞𝙗𝙞𝙜…” — 𝙀𝙛𝙚𝙨𝙤 4:15

Sa pagdiriwang ng 𝟲𝟬𝘁𝗵 𝗪𝗼𝗿𝗹𝗱 𝗗𝗮𝘆 𝗼𝗳 𝗦𝗼𝗰𝗶𝗮𝗹 𝗖𝗼𝗺𝗺𝘂𝗻𝗶𝗰𝗮𝘁𝗶𝗼𝗻𝘀 na may temang “𝗣𝗿𝗲𝘀𝗲𝗿𝘃𝗶𝗻𝗴 𝗛𝘂𝗺𝗮𝗻 𝗩𝗼𝗶𝗰𝗲𝘀 𝗮𝗻𝗱 𝗙𝗮𝗰𝗲𝘀,” nawa’y magsilbi itong paalala sa ating lahat na ang komunikasyon ay hindi lamang tungkol sa pagbabahagi ng impormasyon, kundi tungkol din sa pagpapakita ng pagmamahal, paggalang, at katotohanan sa bawat tao.

Sa mundong mabilis magbago dahil sa teknolohiya at social media, mahalagang mapanatili natin ang tunay na tinig at mukha ng sangkatauhan, ang malasakit, pakikinig, pag-unawa, at pagiging instrumento ng Diyos sa pagpapalaganap ng kabutihan at pag-asa.

Bilang mga Kristiyano, nawa’y gamitin natin ang ating mga salita at iba't-ibang plataporma hindi upang manira o magpalaganap ng galit, kundi upang magbigay-liwanag, inspirasyon, at katotohanan na nagmumula kay Kristo.

Maligayang pagbati sa lahat ng mga miyembro ng SocCoMM! Patuloy nawa kayong maging daluyan ng makabuluhang komunikasyon at tagapaghatid ng mabuting balita para sa sambayanan at sa Simbahan.

16/05/2026

𝐌𝐀𝐊𝐈-𝐈𝐒𝐀: Banal na Misa na pinamumunuan ni Reb. Pd. Lusil, ang ating Kura Paroko.

HUMAYO KAYO, GAWIN SILANG ALAGAD KO, BINYAGAN AT TURUAN

Unang Pagbasa: Gw 1, 1-11

Salmong Tugunan: Salmo 46, 2-3. 6-7, 8-9

"Habang umaakyat ang D’yos,

ang tambuli’y tumutunog."

Ikalawang Pagbasa: Ef 1, 17-23

Mabuting Balita: Mt 28, 16-20

Panalangin ng Bayan:

Ama namin sa langit, pakinggan Mo kami.

𝐌𝐚𝐡𝐚𝐥 𝐧𝐚 𝐁𝐢𝐫𝐡𝐞𝐧 𝐧𝐠 𝐒𝐚𝐧𝐭𝐨 𝐑𝐨𝐬𝐚𝐫𝐲𝐨, 𝐢𝐩𝐚𝐧𝐚𝐥𝐚𝐧𝐠𝐢𝐧 𝐦𝐨 𝐩𝐨 𝐤𝐚𝐦𝐢

16/05/2026

𝐌𝐀𝐊𝐈𝐈𝐒𝐀 | mula sa Roman Catholic Bishop of Novaliches - Tahanang Pari, Diyosesis ng Novaliches. Ang Pagdiriwang ng Banal na Eukaristiya ngayong Dakilang Kapistahan ng Pag-akyat ng Panginoon at ang ika-60 na Pandaigdigan Araw ng Komunikasyon.

Ang pagdiriwang ay pangungunahan ng Obispo ng Diyosesis ng Novaliches, Lubos na Kagalang-galang ROBERTO O. GAA, D. D.



(Disclaimer: The Roman Catholic Diocese of Novaliches does not claim ownership of the music used. All rights belong to the rightful owner. No copyright infringement is intended.)

𝐈𝐊𝐀-𝐏𝐈𝐓𝐎𝐍𝐆 𝐋𝐈𝐍𝐆𝐆𝐎 𝐍𝐆 𝐏𝐀𝐒𝐊𝐎 𝐍𝐆 𝐏𝐀𝐆𝐊𝐀𝐁𝐔𝐇𝐀𝐘“Hindi ko kayo iiwang ulila,” ang pangako ng ating Panginoong Hesukristo sa kany...
15/05/2026

𝐈𝐊𝐀-𝐏𝐈𝐓𝐎𝐍𝐆 𝐋𝐈𝐍𝐆𝐆𝐎 𝐍𝐆 𝐏𝐀𝐒𝐊𝐎 𝐍𝐆 𝐏𝐀𝐆𝐊𝐀𝐁𝐔𝐇𝐀𝐘

“Hindi ko kayo iiwang ulila,” ang pangako ng ating Panginoong Hesukristo sa kanyang mga alagad. Sa mabuting balita ngayong Linggo, itinataas ni Hesus ang kanyang panalangin sa Ama isang panalanging puno ng pagmamahal, pagkakaisa, at pag-asang mananatili tayong matatag sa pananampalataya kahit sa gitna ng mga pagsubok.

Bilang mga tagasunod ni Kristo, tayo rin ay inaanyayahang manatiling kaisa niya sa panalangin at pagmamahalan. Sa bawat pagdiriwang ng Banal na Eukaristiya, pinatitibay tayo ng Panginoon at ipinapaalala na siya ay buhay, kasama, at gumagabay sa atin araw-araw.

Sa nalalapit na pagdiriwang ng pag-akyat ng Panginoon sa Langit, nawa’y lalo nating ituon ang ating puso sa Kanya na siyang ating pag-asa at kaligtasan. Tulad ng mga alagad na nanatiling nagkakaisa sa pananalangin kasama si Maria, nawa’y manatili rin tayong matatag at nagkakabuklod bilang isang sambayanan ng Diyos.

Inaanyayahan namin kayong lahat na makiisa sa ating Banal na Misa na nakasaad sa larawan sa ibaba.

Sama-sama nating ipagdiwang ang tagumpay ng muling pagkabuhay at patuloy na pag-ibig ng Diyos na hindi kailanman nagkukulang.

Kapistahan ni San Matias, Apostol  | May 14, 2026“Hindi kayo ang pumili sa akin; ako ang pumili sa inyo at humirang sa i...
13/05/2026

Kapistahan ni San Matias, Apostol | May 14, 2026

“Hindi kayo ang pumili sa akin; ako ang pumili sa inyo at humirang sa inyo upang humayo at mamunga.” — Juan 15:16

Sa pagdiriwang natin ng Kapistahan ni San Matias, naaalala natin na ang Diyos ay patuloy na tumatawag ng mga taong magiging tapat sa Kanyang misyon. Pinili si San Matias upang maging apostol hindi dahil siya ay perpekto, kundi dahil handa siyang sumunod at maglingkod nang buong puso. 🙏

Bilang mga Kristiyano, tayo rin ay tinatawag araw-araw upang maging saksi ng pagmamahal, katotohanan, at pananampalataya sa gitna ng mundong puno ng pagsubok. Minsan tahimik ang ating paglilingkod at hindi napapansin ng marami, ngunit sa mata ng Diyos, bawat tapat na pagtugon ay mahalaga.

Nawa’y tularan natin si San Matias sa kanyang kababaang-loob, katapatan, at buong pusong pagsunod sa tawag ng Panginoon.

San Matias, Apostol, ipanalangin mo kami!

Address

Father Hofstee Road, Langit 1, Barrio San Isidro, Tala
Caloocan
1427

Opening Hours

Tuesday 8am - 12pm
1pm - 5pm
Wednesday 8am - 12pm
1pm - 5pm
Thursday 8am - 12pm
1pm - 5pm
Friday 8am - 12pm
1pm - 5pm
Saturday 8am - 12pm
1pm - 5pm
Sunday 8am - 12pm
1pm - 5pm

Telephone

+639083943460

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Our Lady of the Holy Rosary Parish - TALA posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Place Of Worship

Send a message to Our Lady of the Holy Rosary Parish - TALA:

Share