San Exequiel Moreno Parish

San Exequiel Moreno Parish Welcome to the official page of San Exequiel Moreno Parish in the Diocese of Kalookan! Ang kanyang nakatatandang kapatid na si Eustaquio ay isang pari.

Isinilang si Ezekiel sa lungsod ng Alfaro, La Rioja sa bansang Espanya noong Abril 9, 1848. Ikatlo siya sa anim na anak ng mapagkumbaba at madasaling mag-asawang Felix Moreno at Maria Josefa Diaz. Sa murang edad, batid ni Ezekiel ang pagsisikap ng mga misyonero, kabilang na ang misyon sa Pilipinas. Sa edad na 16, si Ezekiel ay naging relihiyoso ng Orden ng Agustino Recoleto. Ipinadala siya, kasama

ang 16 pang Recoleto sa Pilipinas, upang ipagpatuloy ang kanilang adhikain bilang mga misyonero. Dumating sila noong Pebrero 10, 1870 at namuhay si Ezekiel sa kumbento ng San Nicolas sa Intramuros. Dito siya nagtapos ng pag-aaral ng teolohiya. Sa parehong taon, siya ay naglayag papuntang Jaro, Iloilo upang tumanggap ng minor orders. Siya ay bumalik sa Maynila at inordinahang pari noong Hunyo 1871. Ipinadala siya sa kanyang unang misyon sa Calapan, Oriental Mindoro. Dito, nag-aral siya ng wikang Tagalog sa ilalim ng pagtuturo ng kapatid na si Padre Eustaquio. Itinalaga rin siya patungong Puerto Princesa, Palawan, kung saan siya naging unang kura paroko ng Immaculate Conception Cathedral Parish. Sa Palawan din siya nagkasakit ng malaria. Matapos magpagaling, kanyang tinanggap ang bagong pagkakatalaga bilang kura paroko ng Calapan. Sa edad na 28, siya ang Vicar Forane at Vicar Provincial sa buong isla ng Mindoro. Bilang kura, pinalaganap niya ang debosyon sa Sto. Niรฑo. Si Ezekiel ay ipinadala rin sa Las Piรฑas noong Hunyo 1876. Dito, kanyang hinarap ang apat na matinding kalamidad ng tagtuyot at kagutuman, smallpox outbreak at malaking sunog. Siya ay naging kura paroko rin sa Sto. Tomas, Batangas; general preacher sa Intramuros; at curate sa Sta. Cruz, Maynila. Kinalaunan, sa Bacoor at Imus, Cavite, naglingkod siya sa gitna ng cholera plague. Kanyang ginugol ang 15 taon ng kanyang buhay sa magiliw na paglilingkod sa Pilipinas mula 1870 hanggang 1885. Nang nahalal bilang superior, siyaโ€™y bumalik sa Monteagudo, Espanya at humubog ng mga misyonero papuntang Asya at Amerika. Mula 1888 hanggang sa mga huling buwan ng kanyang buhay, nagsilbi siya bilang kauna-unahang obispo ng Casanare, Colombia. Siya rin ang naging obispo ng Pasto, Colombia. Siya ay may malalim na pamimintuho sa Kabanal-banalang Puso ni Hesus, sa mahal na Inang Birhen ng Daan o Our Lady of the Way at sa Banal na Sakramento. Nang maranasan na niya ang masidhing sakit dulot ng kanser sa ngalangala o palate noong 1905, nagretiro siya at nanatili sa monasteryo ng Monteagudo sa Navarra, Espaรฑa. Dito siya namatay noong Agosto 19, 1906. Sa dalawang pagkakataong hinukay ang kanyang bangkay noong 1915 at 1975, natagpuan itong incorrupt o hindi naagnas. Si San Ezekiel Moreno ay kinilala bilang patron ng mga maysakit ng kanser. Kabilang sa mga himala sa kanyang pamamagitan ang gumaling sa cancer of the palate mula Pasto, sa breast cancer mula Buesaco at sa cancer of the throat mula Negros Occidental. San Ezekiel Moreno, ipanalangin mo po kami.

๐—›๐—”๐—ฃ๐—ฃ๐—˜๐—ก๐—œ๐—ก๐—š ๐—ก๐—ข๐—ช | Kasalukuyan pong nagaganap ang Medical Mission sa ating parokya sa tulong ng ๐—จ๐—ฃ ๐—ฆ๐—ฎ๐—ป๐—ฑ๐—ถ๐—ด๐—ฎ๐—ป ๐—ฃ๐—ฅ๐—ข๐—๐—˜๐—–๐—ง ๐—Ÿ๐—œ๐—ก๐—š๐—”๐—ฃ....
23/05/2026

๐—›๐—”๐—ฃ๐—ฃ๐—˜๐—ก๐—œ๐—ก๐—š ๐—ก๐—ข๐—ช | Kasalukuyan pong nagaganap ang Medical Mission sa ating parokya sa tulong ng ๐—จ๐—ฃ ๐—ฆ๐—ฎ๐—ป๐—ฑ๐—ถ๐—ด๐—ฎ๐—ป ๐—ฃ๐—ฅ๐—ข๐—๐—˜๐—–๐—ง ๐—Ÿ๐—œ๐—ก๐—š๐—”๐—ฃ. Sa mga parishioners po na nais magpakonsulta maaari po tayong magtungo ngayon dito sa ating parokya, magtatagal po ito hanggang ika 2:00 po ng hapon.

๐Ÿฉบ๐‹๐ข๐›๐ซ๐ž๐ง๐  ๐‚๐ก๐ž๐œ๐ค-๐”๐ฉ
๐Ÿ’Š๐‹๐ข๐›๐ซ๐ž๐ง๐  ๐†๐š๐ฆ๐จ๐ญ
โค๏ธ๐‹๐ข๐›๐ซ๐ž๐ง๐  ๐Š๐จ๐ง๐ฌ๐ฎ๐ฅ๐ญ๐š

Sabado sa Ika-7 Linggo ng Pasko ng Pagkabuhay | Mayo 23, 2026UNANG PAGBASAMga Gawa 28, 16-20. 30-31Pagbasa mula sa Mga G...
23/05/2026

Sabado sa Ika-7 Linggo ng Pasko ng Pagkabuhay | Mayo 23, 2026

UNANG PAGBASA
Mga Gawa 28, 16-20. 30-31

Pagbasa mula sa Mga Gawa ng Mga Apostol

Pagdating namin sa Roma, si Pabloโ€™y pinahintulutang umupa ng sariling tirahan kasama ang isang kawal na pinakatanod niya.

Makaraan ang tatlong araw, inanyayahan ni Pablo sa isang pulong ng mga pangunahing Judio sa lungsod. Nang magkatipon na sila, sinabi niya, โ€œMga kapatid, bagamat wala akong ginawa laban sa ating bansa o sa mga kaugalian ng ating mga ninuno, hinuli ako sa Jerusalem at isinakdal sa kinatawan ng pamahalaang Romano. Matapos akong litisin, ako sanaโ€™y palalayain na sapagkat wala naman akong ginawa na dapat parusahan ng kamatayan. Ngunit tumutol ang mga Judio, kayaโ€™t napilitan akong dumulog sa Emperador, bagamat wala akong sakdal laban sa ating mga kababayan. Nagagapos ako ng tanikalang ito dahil kay Hesus, ang pag-asa ng Israel. Iyan ang dahilan kung bakit hiniling kong makausap kayo.โ€

Humigit-kumulang sa dalawang taong nanirahan si Pablo sa Roma, sa bahay na kanyang inuupahan, at tinanggap niya ang lahat ng nagsadya sa kanya. Hayagan at walang sagabal na nangangaral siya tungkol sa paghahari ng Diyos at sa Panginoong Hesukristo.

Ang Salita ng Diyos.

SALMONG TUGUNAN
Salmo 10, 4. 5 at 7

P**n, ang mga mabuti
ay kapiling mo parati.

o kaya: Aleluya!

Ang Panginoong Diyos ay matatagpuan sa banal na templo,
at doon naman sa mataas na langit, naroon ang trono;
at magbuhat doon ay pinagmamasdan ang lahat ng tao,
walang maliligid anuman ang gawin ng lahat ng ito.

P**n, ang mga mabuti
ay kapiling mo parati.

Lahat ng mabuti pati ang masama ay sinisiyasat,
namumuhing lubos siya sa suwail na wala nang batas.
Ang P**n ay tapat, sa gawang mabuti siyaโ€™y nalulugod
at sa piling niya, mabubuhay silang sa kanyaโ€™y sumunod.

P**n, ang mga mabuti
ay kapiling mo parati.

ALELUYA
Juan 16, 7. 13

Aleluya! Aleluya!
Espiritung isusugo
totoo ang ituturo,
pangako ni Kristong G**o.
Aleluya! Aleluya!

MABUTING BALITA
Juan 21, 20-25

Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Juan

Noong panahong iyon, lumingon si Pedro at nakita niyang sumusunod ang alagad na minamahal ni Hesus โ€“ yaong humilig sa dibdib ni Hesus nang silaโ€™y naghahapunan at nagtanong, โ€œPanginoon, sino po ang magkakanulo sa inyo?โ€ Nang makita siya ni Pedro, tinanong nito si Hesus, โ€œPanginoon, ano po naman ang mangyayari sa taong ito?โ€ Sumagot si Hesus, Kung ibig kong mabuhay siya hanggang sa pagbabalik ko, ano sa iyo? Sumunod ka sa akin!โ€ Kumalat sa mga kapatid ang balitang hindi mamamatay ang alagad na ito, bagamat hindi sinabi ni Hesus na hindi siya mamamatay, kundi, โ€œKung ibig kong mabuhay siya hanggang sa pagbabalik ko, ano sa iyo?โ€

Ito nga ang alagad na nagpapatotoo tungkol sa mga bagay na ito; siya rin ang sumulat ng mga ito, at alam naming tunay ang kanyang patotoo.

At marami pang ginawa si Hesus na kung susulating lahat, inaakala kong hindi magkakasya kahit sa buong daigdig ang mga aklat na masusulat.

Ang Mabuting Balita ng Panginoon.

TIGNAN | Monthly General Assembly & Lay Formation | May 16, 2026Matagumpay na ginanap nitong May 16, 2026 ang ating Mont...
22/05/2026

TIGNAN | Monthly General Assembly & Lay Formation | May 16, 2026

Matagumpay na ginanap nitong May 16, 2026 ang ating Monthly General Assembly and Lay Formation na may temang, โ€œAkoโ€™y alipin ng Panginoonโ€ (Lk 1:38): โ€œAng Bokasyon ng Naglilingkod,โ€ sa pangunguna ng ating panauhing tagapagsalita na si Bro. John Kenneth Evangelista.

Naging makabuluhan ang pagtitipong ito bilang pagkakataon upang higit pang mapalalim ang ating pananampalataya, paglilingkod, at pagtugon sa tawag ng Panginoon bilang Kanyang mga lingkod.

๐Ÿ“ท: Social Communication Ministry - SEMP

Biyernes sa Ika-7 Linggo ng Pasko ng Pagkabuhay | Mayo 22, 2026UNANG PAGBASAMga Gawa 25, 13b-21Pagbasa mula sa Mga Gawa ...
22/05/2026

Biyernes sa Ika-7 Linggo ng Pasko ng Pagkabuhay | Mayo 22, 2026

UNANG PAGBASA
Mga Gawa 25, 13b-21

Pagbasa mula sa Mga Gawa ng Mga Apostol

Noong mga araw na iyon, dumating sa Cesarea si Haring Agripa at si Berenice upang bumati kay Festo. Nang matagal-tagal na sila roon, inilahad ni Festo sa hari ang tungkol kay Pablo. โ€œSi Felix ay may iniwan ditong isang bilanggo,โ€ wika niya. โ€œNang akoโ€™y nasa Jerusalem, isinakdal siya sa akin ng mga punong saserdote at ng matatanda ng mga Judio at hininging parusahan siya. Sinagot ko sila na hindi ugali ng mga Romano ang magparusa sa sinumang nasasakdal nang hindi muna nagkakaharap ang magkabilang panig, at nagkakaroon ng pagkakataong makapagtanggol sa sarili ang nasasakdal. Kayaโ€™t nang dumating sila rito, hindi na ako nag-aksaya ng panahon; kinabukasan din, ipinatawag ko sa hukuman ang taong iyon. Nang magkaharap-harap sila, siya namaโ€™y hindi nila ipinagsakdal sa anumang mabigat na pagkakasala na inaakala kong ipararatang nila. Ang pinagtatalunan lang nila ay tungkol sa kanilang relihiyon at sa isang taong ang pangalaโ€™y Hesus. Patay na ang taong ito, ngunit ipinipilit naman ni Pablo na siyaโ€™y buhay. Hindi ko malaman kung ano ang gagawin sa bagay na ito kayaโ€™t tinanong ko siya kung ibig niyang sa Jerusalem siya litisin. Ngunit tumutol si Pablo at hiniling na ipaubaya sa Emperador ang pagpapasiya sa kanyang usapin. Kayaโ€™t pinabantayan ko siya upang ipadala sa Emperador.โ€

Ang Salita ng Diyos.

SALMONG TUGUNAN
Salmo 102, 1-2. 11-12. 19-20ab

Panginooโ€™y may luklukang
>matatag sa kalangitan.

Panginooโ€™y papurihan, purihin mo, kaluluwa,
ang pangalan niyang banal purihin mo sa tuwina.
Ikaw, aking kaluluwa, ang Diyos ay papurihan,
at huwag mong lilimutin yaong kanyang kabutihan.

Panginooโ€™y may luklukang
matatag sa kalangitan.

Ang agwat ng lupaโ€™t langit, sukatin maโ€™y hindi kaya,
gayun ang pag-ibig ng Diyos, sa may takot sa kanya.
Ang silangan at kanluran kung gaano ang distansya
gayung-gayun ang pagtingin sa sinumang nagkasala.

Panginooโ€™y may luklukang
matatag sa kalangitan.

Ang P**n nga ang nagtayo ng trono sa kalangitan;
mula doon, sa nilikhaโ€™y maghaharing walang hanggan.
O purihin ninyo siya, kayong mga anghel ng Diyos,
kayong mga nakikinig at sa kanyaโ€™y sumusunod!

Panginooโ€™y may luklukang
matatag sa kalangitan.

ALELUYA
Juan 14, 26

Aleluya! Aleluya!
Espirituโ€™y magtuturo
ng aral at pagkukuro
ni Hesus na ating G**o.
Aleluya! Aleluya!

MABUTING BALITA
Juan 21, 15-19

Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Juan

Nang muling napakita si Hesus sa mga alagad niya at nang makakain sila, tinanong ni Hesus si Simon Pedro, โ€œSimon, anak ni Juan, iniibig mo ba ako nang higit kaysa mga ito?โ€ โ€œOpo, Panginoon, nalalaman ninyong iniibig ko kayo,โ€ tugon niya. Sinabi sa kanya ni Hesus, โ€œPakanin mo ang aking mga batang tupa.โ€ Muli siyang tinanong ni Hesus, โ€œSimon, anak ni Juan, iniibig mo ba ako?โ€ Sumagot si Pedro, โ€œOpo, Panginoon, nalalaman niyong iniibig ko kayo.โ€ Ani Hesus, โ€œPangalagaan mo ang aking mga tupa.โ€ Pangatlong ulit na tinanong siya ni Hesus, โ€œSimon, anak ni Juan, iniibig mo ba ako?โ€ Nalungkot si Pedro, sapagkat makaitlo siya tinanong: โ€œIniibig mo ba ako?โ€ At sumagot siya, โ€œPanginoon, nalalaman po ninyo ang lahat ng bagay; nalalaman ninyong iniibig ko kayo.โ€ Sinabi sa kanya ni Hesus, โ€œPakanin mo ang aking mga tupa. Tandaan mo: noong kabataan mo pa, ikaw ang nagbibihis sa iyong sarili at lumalakad ka kung saan mo ibig. Ngunit pagtanda mo, iuunat mo ang iyong mga kamay at iba ang magbibihis sa iyo at dadalhin ka kung saan hindi mo ibig.โ€ Sinabi niya ito upang ipakilala kung paano mamamatay si Pedro at sa gayoโ€™y mapararangalan niya ang Diyos. Pagkatapos, sinabi sa kanya ni Hesus, โ€œSumunod ka sa akin!โ€

Ang Mabuting Balita ng Panginoon.

21/05/2026

Huwebes | Mayo 21, 2026 | Ika-7 Linggo ng Pasko ng Pagkabuhay

Huwebes sa Ika-7 Linggo ng Pasko ng Pagkabuhay | Mayo 21, 2026UNANG PAGBASAMga Gawa 22, 30; 23, 6-11Pagbasa mula sa Mga ...
21/05/2026

Huwebes sa Ika-7 Linggo ng Pasko ng Pagkabuhay | Mayo 21, 2026

UNANG PAGBASA
Mga Gawa 22, 30; 23, 6-11

Pagbasa mula sa Mga Gawa ng Mga Apostol

Noong mga araw na iyon, ibig matiyak ng pinuno kung ano nga ang sakdal ng mga Judio laban kay Pablo, kayaโ€™t pinagpulong niya kinabukasan ang mga punong saserdote at ang buong Sanedrin, saka kinalagan si Pablo, ipinanaog at iniharap sa kanila.

Alam ni Pablo na dooโ€™y may mga Saduseo at Pariseo, kayaโ€™t sinabi niya nang malakas, โ€œMga kapatid, akoโ€™y Pariseo, anak ng mga Pariseo. Dahil sa pag-asa kong muling mabubuhay ang mga patay akoโ€™y nililitis ngayon.โ€ Matapos itong sabihin ni Pablo, nagtalu-talo ang mga Pariseo at ang mga Saduseo, at nahati ang kapulungan. Sapagkat ang sabi ng mga Saduseo, hindi muling mabubuhay ang mga patay at walang anghel o espiritu, subalit ang mga Pariseo namaโ€™y naniniwala sa lahat ng ito. At lumakas ang kanilang sigawan. Tumindig ang ilan sa mga eskribang kapanig ng mga Pariseo at malakas na tumutol. โ€œWala kaming makitang pagkakasala ng taong ito. Ano kung may isang espiritu o isang anghel na nagsalita sa kanya?โ€

At nang maging mainitan na ang kanilang pagtatalo, natakot ang pinuno na baka lurayin nila si Pablo, kayaโ€™t pinapanaog niya ang mga kawal, ipinakuha si Pablo at ipinapasok sa kuta.

Kinagabihan, tumayo ang Panginoon sa tabi ni Pablo at sinabi sa kanya, โ€œLakasan mo ang iyong loob! Nagpatotoo ka tungkol sa akin dito sa Jerusalem; ganyan din ang gawin mo sa Roma.โ€

Ang Salita ng Diyos.

SALMONG TUGUNAN
Salmo 15, 1-2a at 5. 7-8. 9-10. 11

Dโ€™yos ko, ang aking dalangiโ€™y
akoโ€™y iyong tangkilikin.

o kaya: Aleluya!

O Diyos, akoโ€™y ingatan mo, ingatan ang iyong lingkod,
ang hangad ko ay maligtas kaya sa โ€˜yo dumudulog;
โ€œIkaโ€™y aking Panginoon,โ€ ang wika ko sa aking Diyos,
โ€œKabutihang tinanggap ko, ay ikaw ang nagkaloob.โ€
Ikaw lamang, O P**n ko, ang lahat sa aking buhay,
akoโ€™y iyong tinutugon sa lahat kong kailangan.

Dโ€™yos ko, ang aking dalangiโ€™y
akoโ€™y iyong tangkilikin.

Pinupuri ko ang P**n na sa akin ay patnubay.
Kahit gabi diwa niya ang sa akiโ€™y umaakay.
Nababatid ko na siyaโ€™y kasama ko oras-oras.
Sa piling nโ€™ya kailanmaโ€™y hindi ako matitinag.

Dโ€™yos ko, ang aking dalangiโ€™y
akoโ€™y iyong tangkilikin.

Kayaโ€™t akoโ€™y nagdiriwang, ang diwa koโ€™y nagagalak.
Ang lagi kong nadaramaโ€™y hindi ako matitinag.
Pagkat di mo tutulutang ang mahal mo ay malagak,
sa balon ng mga patay upang doon ay maagnas.

Dโ€™yos ko, ang aking dalangiโ€™y
akoโ€™y iyong tangkilikin.

Ituturo mo ang landas na buhay ang hahantungan,
sa piling moโ€™y madarama ang lubos na kagalakan;
Ang tulong moโ€™y nagdudulot ng ligayang walang hanggan.

Dโ€™yos ko, ang aking dalangiโ€™y
akoโ€™y iyong tangkilikin.

ALELUYA
Juan 17, 21

Aleluya! Aleluya!
Lahat nawaโ€™y magkaisa
kay Kristo at sa Dโ€™yos Ama
nang tanaโ€™y sumampalataya.
Aleluya! Aleluya!

MABUTING BALITA
Juan 17, 20-26

Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Juan

Noong panahong iyon, tumingala si Hesus at nanalangin, โ€œAmang banal, hindi lamang ang aking mga alagad ang idinadalangin ko, kundi pati ang mga mananalig sa akin dahil sa kanilang pahayag. Maging isa nawa silang lahat, Ama. Kung paanong ikaw ay nasa akin at akoโ€™y nasa iyo, gayun din naman, maging isa sila sa atin upang maniwala ang sanlibutan na ikaw ang nagsugo sa akin. Ang karangalang ibinigay mo sa akin ay ibinigay ko sa kanila upang silaโ€™y ganap na maging isa, gaya nating iisa: akoโ€™y nasa kanila at ikaw ay nasa akin, upang lubusan silang maging isa. At sa gayun, makikilala ng sanlibutan na sinugo mo ako, at silaโ€™y iniibig mo katulad ng pag-ibig mo sa akin.โ€

โ€œAma, nais kong makasama sa aking kinaroroonan ang mga ibinigay mo sa akin, upang mamasdan nila ang karangalang bigay mo sa akin, sapagkat inibig mo na ako bago pa nilikha ang sanlibutan. Makatarungang Ama, hindi ka nakikilala ng sanlibutan, ngunit nakikilala kita; at nalalaman ng mga ibinigay mo sa akin na ikaw ang nagsugo sa akin. Ipinakilala kita sa kanila, at ipakikilala pa, upang ang pag-ibig mo sa akin ay sumapuso nila at ako namaโ€™y sumakanila.โ€

Ang Mabuting Balita ng Panginoon.

Miyerkules sa Ika-7 Linggo ng Pasko ng Pagkabuhay | Mayo 20, 2026UNANG PAGBASAMga Gawa 20, 28-38Pagbasa mula sa Mga Gawa...
20/05/2026

Miyerkules sa Ika-7 Linggo ng Pasko ng Pagkabuhay | Mayo 20, 2026

UNANG PAGBASA
Mga Gawa 20, 28-38

Pagbasa mula sa Mga Gawa ng Mga Apostol

Noong mga araw na iyon, sinabi ni Pablo sa matatanda ng simbahan ng Efeso: โ€œIngatan ninyo ang inyong sarili at ang lahat ng kabilang sa kawan, sapagkat inilagay sila ng Espiritu Santo sa inyong pag-iingat. Pangalagaan ninyo ang simbahan ng Diyos, na kanyang tinubos sa pamamagitan ng kamatayan ng kanyang sariling Anak. Alam kong pagkaalis koโ€™y magsisipasok ang mababangis na asong-gubat at walang patawad na sisilain ang kawan. Mula na rin sa inyoโ€™y lilitaw ang mga taong magsasalita ng kasinungalingan upang mapasunod ang mga alagad, at sa gayoโ€™y mailigaw sila. Kayaโ€™t mag-ingat kayo, at alalahanin ninyong tinuruan ko kayo gabiโ€™t araw sa loob ng tatlong taon โ€” at maraming luha ang pinuhunan ko.โ€

โ€œAt ngayoโ€™y itinatagubilin ko kayo sa Diyos at sa kanyang salita na nagpapahayag ng kanyang kagandahang-loob. Siya ang makapagpapatibay sa inyo at makapagbibigay ng lahat ng pagpapalang inilaan niya sa lahat ng kanyang pinapaging-banal. Hindi ko hinangad ang pilak, ginto o pananamit ninuman. Alam ninyong nagbanat ako ng buto upang kumita ng ikabubuhay naming magkakasama. Sa lahat ng pagkakataon, ipinakita ko sa inyo na sa pamamagitan ng ganitong pagpapagal ay dapat ninyong tulungan ang mahihirap. Alalahanin ang mga salita ng Panginoong Hesus: โ€˜Higit na mapalad ang magbigay kaysa tumanggap.โ€™โ€

Pagkasabi nito, lumuhod si Pablo at nanalanging kasama nila. Silang lahat ay umiiyak at hinagkan si Pablo. Labis nilang ikinalungkot ang kanyang sinabing siyaโ€™y hindi na nila makikita uli. At siyaโ€™y inihatid nila sa barko.

Ang Salita ng Diyos.

SALMONG TUGUNAN
Salmo 67, 29-30. 33-35a. 35b-36k

Tanang mga kaharian,
ang P**ng Dโ€™yos ay awitan.

o kaya: Aleluya!

Sanaโ€™y iyong ipadama ang taglay mong kalakasan,
ang lakas na ginamit mo noong kamiโ€™y isanggalang.
Magmula sa Jerusalem, sa iyong tahanang templo,
na pati ang mga hari dooโ€™y naghahandog sa iyo.

Tanang mga kaharian,
ang P**ng Dโ€™yos ay awitan.

Umawit sa Panginoon ang lahat ng kaharian,
awitan ang pagpupuriโ€™t ang P**n ay papurihan!
Purihin ang naglalakbay sa matandang kalangitan;
mula rooโ€™y maririnig ang malakas niyang sigaw!

Tanang mga kaharian,
ang P**ng Dโ€™yos ay awitan.

Ipahayag ng balana ang taglay na kalakasan,
siyaโ€™y hari ng Israel, maghahari siyang tunay;
โ€˜yang taglay niyang lakas ay buhat sa kalangitan.
Kahanga-hanga ang Diyos sa santwaryo niyang banal,
siya ang Diyos ng Israel na sa tanaโ€™y nagbibigay
ng kapangyarihaโ€™t lakas na kanilang kailangan.

Tanang mga kaharian,
ang P**ng Dโ€™yos ay awitan.

ALELUYA
Juan 17, 17b. a

Aleluya! Aleluya!
Amang Dโ€™yos ni Hesukristo,
ang salita moโ€™y totoo,
kami ay pabanalin mo.
Aleluya! Aleluya!

MABUTING BALITA
Juan 17, 11b-19

Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Juan

Noong panahong iyon, si Hesus ay tumingala sa langit, nanalangin at ang wika: โ€œAmang banal, ingatan mo sila sa pamamagitan ng kapangyarihan ng iyong pangalan, pangalang ibinigay mo sa akin, upang silaโ€™y maging isa, kung paanong tayoโ€™y iisa. Habang kasama nila ako, iningatan ko sila sa pamamagitan ng kapangyarihan ng iyong pangalang ibinigay mo sa akin. Inalagaan ko sila at ni isaโ€™y walang napahamak, liban sa taong humanap ng kanyang kapahamakan, upang matupad ang Kasulatan. Ngunit ngayon, akoโ€™y papunta na sa iyo; at sinasabi ko ito habang akoโ€™y nasa sanlibutan upang mapuspos sila ng aking kagalakan. Naibigay ko na sa kanila ang iyong salita; at kinapootan sila ng sanlibutan, sapagkat hindi na sila makasanlibutan, tulad kong hindi makasanlibutan. Hindi ko idinadalanging alisin mo sila sa sanlibutan, kundi iligtas mo sila sa Masama! Hindi sila makasanlibutan, tulad kong hindi makasanlibutan. Italaga mo sila sa pamamagitan ng katotohanan; ang salita moโ€™y katotohanan. Kung paanong sinugo mo ako sa sanlibutan, gayun din naman, sinusugo ko sila sa sanlibutan. At alang-alang sa kanilaโ€™y itinalaga ko ang aking sarili, upang maitalaga rin sila sa pamamagitan ng katotohanan.โ€

Ang Mabuting Balita ng Panginoon.

๐— ๐—”๐—Ÿ๐—”๐—ž๐—œ๐—ก๐—š ๐—ฃ๐—”๐—š๐—ฃ๐—”๐—ฃ๐—”๐—Ÿ๐—” - ๐—ฃ๐—”๐—š๐——๐—”๐—ง๐—œ๐—ก๐—š ๐—ก๐—š ๐—ฅ๐—˜๐—Ÿ๐—œ๐—ž๐—ฌ๐—” ๐—ก๐—œ ๐—ฆ๐—”๐—ก ๐—˜๐—ญ๐—˜๐—ž๐—œ๐—˜๐—Ÿ ๐— ๐—ข๐—ฅ๐—˜๐—ก๐—ขMay kagalakan po nating ipinababatid sa buong sambayanan ...
19/05/2026

๐— ๐—”๐—Ÿ๐—”๐—ž๐—œ๐—ก๐—š ๐—ฃ๐—”๐—š๐—ฃ๐—”๐—ฃ๐—”๐—Ÿ๐—” - ๐—ฃ๐—”๐—š๐——๐—”๐—ง๐—œ๐—ก๐—š ๐—ก๐—š ๐—ฅ๐—˜๐—Ÿ๐—œ๐—ž๐—ฌ๐—” ๐—ก๐—œ ๐—ฆ๐—”๐—ก ๐—˜๐—ญ๐—˜๐—ž๐—œ๐—˜๐—Ÿ ๐— ๐—ข๐—ฅ๐—˜๐—ก๐—ข

May kagalakan po nating ipinababatid sa buong sambayanan ng ating parokya na darating at bibisita sa ating ๐’๐š๐ง ๐„๐ฑ๐ž๐ช๐ฎ๐ข๐ž๐ฅ ๐Œ๐จ๐ซ๐ž๐ง๐จ ๐๐š๐ซ๐ข๐ฌ๐ก ang ๐๐ข๐ ๐ ๐ž๐ฌ๐ญ ๐…๐ข๐ซ๐ฌ๐ญ-๐‚๐ฅ๐š๐ฌ๐ฌ ๐๐จ๐ง๐ž ๐‘๐ž๐ฅ๐ข๐œ ni ๐’๐š๐ง ๐„๐ณ๐ž๐ค๐ข๐ž๐ฅ ๐Œ๐จ๐ซ๐ž๐ง๐จ sa Pilipinas sa darating na ๐‰๐ฎ๐ง๐ž ๐Ÿ•, ๐Ÿ๐ŸŽ๐Ÿ๐Ÿ” (๐‹๐ข๐ง๐ ๐ ๐จ).

Isang natatanging biyaya para sa ating pamayanan ang pagdalaw na ito ng ating mahal na patron, lalo na para sa mga may karamdaman, mga dumaranas ng pagsubok, at sa lahat ng naghahanap ng pag-asa at lakas mula sa Panginoon.

๐Ÿฒ:๐Ÿฌ๐Ÿฌ ๐—”๐—  โ€“ ๐—”๐—ฟ๐—ฟ๐—ถ๐˜ƒ๐—ฎ๐—น
๐Ÿฒ:๐Ÿฏ๐Ÿฌ ๐—”๐—  โ€“ ๐—›๐—ผ๐—น๐˜† ๐— ๐—ฎ๐˜€๐˜€
๐—ฉ๐—ฒ๐—ป๐—ฒ๐—ฟ๐—ฎ๐˜๐—ถ๐—ผ๐—ป ๐—ผ๐—ณ ๐˜๐—ต๐—ฒ ๐—ฅ๐—ฒ๐—น๐—ถ๐—ฐ

๐Ÿด:๐Ÿฏ๐Ÿฌ ๐—”๐—  โ€“ ๐—›๐—ผ๐—น๐˜† ๐— ๐—ฎ๐˜€๐˜€
๐—ฉ๐—ฒ๐—ป๐—ฒ๐—ฟ๐—ฎ๐˜๐—ถ๐—ผ๐—ป ๐—ผ๐—ณ ๐˜๐—ต๐—ฒ ๐—ฅ๐—ฒ๐—น๐—ถ๐—ฐ
๐Ÿญ๐Ÿฌ:๐Ÿฏ๐Ÿฌ ๐—”๐—  โ€“ ๐——๐—ฒ๐—ฝ๐—ฎ๐—ฟ๐˜๐˜‚๐—ฟ๐—ฒ

Inaanyayahan po namin ang lahat na makiisa sa banal na pagdiriwang na ito at sama-samang damhin ang presensya ng Diyos sa pamamagitan ni San Ezekiel Moreno.

๐’๐š๐ง ๐„๐ณ๐ž๐ค๐ข๐ž๐ฅ ๐Œ๐จ๐ซ๐ž๐ง๐จ, ๐ข๐ฉ๐š๐ง๐š๐ฅ๐š๐ง๐ ๐ข๐ง ๐ฆ๐จ ๐ค๐š๐ฆ๐ข!

CAMINO DE PADRE EZEKIEL SA CALOOCAN

Sa darating na Hunyo 7, 2026 ang Relic ni Padre Ezekiel ay dadalaw sa San Exequiel Moreno Parish, Caloocan City.

Eto ang kauna-unahang parokya sa Pilipinas na itinalaga bilang Patron si San Ezekiel Moreno

Martes sa Ika-7 Linggo ng Pasko ng Pagkabuhay | Mayo 19, 2026UNANG PAGBASAMga Gawa 20, 17-27Pagbasa mula sa Mga Gawa ng ...
19/05/2026

Martes sa Ika-7 Linggo ng Pasko ng Pagkabuhay | Mayo 19, 2026

UNANG PAGBASA
Mga Gawa 20, 17-27

Pagbasa mula sa Mga Gawa ng Mga Apostol

Noong mga araw na iyon, mula sa Mileto, si Pabloโ€™y nagpasugo sa Efeso at ipinatawag ang matatanda sa simbahan roon. Pagdating nila ay kanyang sinabi:

โ€œNalalaman ninyo kung paano ko ginugol ang buong panahong ipinamalagi ko sa inyo, mula nang unang araw na akoโ€™y tumuntong sa Asia. Buong pagpapakumbaba akong naglingkod sa Panginoon at lumuluhang nagtiis ng maraming pagsubok dahil sa mga pagtatangka ng mga Judio. Hindi ako nangiming magsabi sa inyo ng anumang ikabubuti ninyo sa aking pagtuturo at pangangaral sa inyo, maging sa hayagan at sa bahay-bahay. Ipinangaral ko maging sa mga Judio at sa mga Griego na dapat nilang talikdan ang kanilang kasalanan at manumbalik sa Diyos, at manalig sa ating Panginoong Hesukristo. Ngayon sa utos ng Espiritu, akoโ€™y pupunta sa Jerusalem, at hindi ko alam kung ano ang mangyayari sa akin doon. Ito lamang ang aking alam: sa bawat bayang dinalaw ko, ipinahayag sa akin ng Espiritu Santo na ang naghihintay sa akin dooโ€™y pagkabilanggo at kapighatian. Subalit walang halaga sa akin ang aking buhay, maganap ko lamang ang aking tungkulin at matapos ang gawaing ibinigay sa akin ng Panginoong Hesus โ€” ang pagpapahayag ng Mabuting Balita tungkol sa kagandahang-loob ng Diyos.โ€

โ€œNakisalamuha ako sa inyo samantalang nangangaral ako tungkol sa paghahari ng Diyos. Ngayon, alam kong hindi na ninyo ako makikitang muli. Kayaโ€™t sa araw na itoโ€™y sinasabi ko: hindi ako ang mananagot kung mapahamak ang sinuman sa inyo. Sapagkat ipinahayag ko ang lahat ng nilalayon ng Diyos para sa inyo; wala akong inilingid na anuman.โ€

Ang Salita ng Diyos.

SALMONG TUGUNAN
Salmo 67, 10-11. 20-21

Tanang mga kaharian,
ang P**ng Dโ€™yos ay awitan.

o kaya: Aleluya.

Dahil sa โ€™yo, yaong ulang masagana ay pumatak,
lupain mong natuyo naโ€™y nanariwa at umunlad.
At doon mo pinatira yaong iyong mga lingkod,
ang mahirap nilang buhay sa biyaya ay pinuspos.

Tanang mga kaharian,
ang P**ng Dโ€™yos ay awitan.

Purihin ang Panginoon, ang Diyos nating nagliligtas
at may dala araw-araw, ng pasanin nating hawak.
Ang ating Diyos ay isang Diyos na ang gawa ay magligtas,
ang Diyos ang Panginoon, Panginoon nating lahat!
Sa bingit ng kamatayaโ€™y hinahango tayo agad.

Tanang mga kaharian,
ang P**ng Dโ€™yos ay awitan.

ALELUYA
Juan 14, 16

Aleluya! Aleluya!
Hihilingin ko sa Ama
Espirituโ€™y isugo nโ€™ya
upang sumainyo tโ€™wina.
Aleluya! Aleluya!

MABUTING BALITA
Juan 17, 1-11a

Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Juan

Noong panahong iyon, tumingala si Hesus sa langit at ang wika, โ€œAma, dumating na ang oras: parangalan mo ang iyong Anak upang maparangalan ka naman niya. Sapagkat pinagkalooban mo siya ng kapangyarihan sa sangkatauhan, upang magbigay ng buhay na walang hanggang sa lahat ng ibinigay mo sa kanya. Ito ang buhay na walang hanggan: ang kilalanin ka nila, ang iisa at tunay na Diyos, at si Hesukristo na iyong sinugo. Inihayag ko rito sa lupa ang iyong karangalan; natapos ko na ang ipinagagawa mo sa akin. Kaya, Ama, ipagkaloob mo sa akin ngayon ang karangalang taglay ko sa piling mo bago pa likhain ang sanlibutan.โ€

โ€œIpinakilala kita sa mga taong ibinigay mo sa akin mula sa sanlibutan. Silaโ€™y iyo; ibinigay mo sila sa akin, at tinupad nila ang iyong salita. Ngayoโ€™y alam na nilang mula sa iyo ang lahat ng ibinigay mo sa akin; sapagkat itinuro ko sa kanila ang lahat ng aking nabatid sa iyo at tinanggap naman nila. Natitiyak nilang akoโ€™y galing sa iyo, at naniniwala silang ikaw nga ang nagsugo sa akin.โ€

โ€œIdinadalangin ko sila, hindi ang sanlibutan kundi ang lahat ng ibinigay mo sa akin, sapagkat silaโ€™y iyo. Ang lahat ng sa akin ay iyo, at ang lahat ng iyo ay akin; at pararangalan ako sa pamamagitan nila. At ngayon, akoโ€™y pupunta na sa iyo; aalis na ako sa sanlibutan, ngunit nasa sanlibutan pa sila.โ€

Ang Mabuting Balita ng Panginoon.

Lunes sa Ika-7 Linggo ng Pasko ng Pagkabuhay | Mayo 18, 2026 UNANG PAGBASAMga Gawa 19, 1-8Pagbasa mula sa Mga Gawa ng Mg...
18/05/2026

Lunes sa Ika-7 Linggo ng Pasko ng Pagkabuhay | Mayo 18, 2026

UNANG PAGBASA
Mga Gawa 19, 1-8

Pagbasa mula sa Mga Gawa ng Mga Apostol

Samantalang nasa Corinto si Apolos, si Pablo namaโ€™y naglagos sa mga dakong bulubundukin ng lalawigan hanggang dumating sa Efeso. May natagpuan siya roon ilang alagad, at tinanong niya, โ€œTinanggap ba ninyo ang Espiritu Santo nang sumampalataya kayo?โ€ โ€œHindi po,โ€ tugon nila. โ€œNi hindi namin narinig na may Espiritu Santo.โ€ โ€œKung gayun, sa ano kayo nabinyagan?โ€ tanong niya. โ€œSa binyag ni Juan,โ€ anila. Sinabi ni Pablo, โ€œAng binyag ni Juan ay tanda ng pagsisisi. Sinabi niya sa mga Israelita na dapat silang sumampalataya sa darating na kasunod niya, samakatuwid bagaโ€™y kay Hesus.โ€ Nang marinig nila ito, silaโ€™y nagpabinyag sa pangalan ng Panginoong Hesus. Ipinatong ni Pablo ang kanyang kamay sa kanila. Bumaba sa kanila ang Espiritu Santo at silaโ€™y nagsalita ng ibaโ€™t ibang wika at nagpahayag ng salita ng Diyos. Silaโ€™y humigit-kumulang sa labindalawang lalaki.

Sa loob ng tatlong buwan, si Pabloโ€™y pumapasok sa sinagoga at nakikipagtalo sa mga naroon at buong tapang na ipinaliliwanag sa kanila kung ano ang paghahari ng Diyos.

Ang Salita ng Diyos.

SALMONG TUGUNAN
Salmo 67, 2-3. 4-5ak. 6-7ab

Tanang mga kaharian,
ang P**ng Dโ€™yos ay awitan.

o kaya: Aleluya!

O mag-alsa sana ang Diyos, ang kaaway pakalatin,
at ang mga namumuhiโ€™y tumakas sa kanyang piling!
Kung paanong yaong ulap tinatangay noong hangin,
gayun sila itataboy, gayun sila papalisin;
at kung paโ€™nong yaong pagkit sa apoy ay natutunaw,
sa harap ng Panginoon ang masama ay papanaw.

Tanang mga kaharian,
ang P**ng Dโ€™yos ay awitan.

Ang lahat ay nagagalak, natutuwa ang matuwid;
sa harapan nitong Diyos, galak nilaโ€™y di malirip.
Awitan ang Panginoon, purihin ang kanyang ngalan,
ang pangalan niyang banal, magalak na papurihan.

Tanang mga kaharian,
ang P**ng Dโ€™yos ay awitan.

Ang Diyos na naroon sa tahanan niyang templo,
tumitingin sa ulilaโ€™t sanggalang ng mga balo.
May tahanan siyang laan sa sinumang nalulungkot,
ang bilanggoโ€™y hinahango upang sila ay malugod.

Tanang mga kaharian,
ang P**ng Dโ€™yos ay awitan.

ALELUYA
Colosas 3, 1

Aleluya! Aleluya!
Kayong kay Kristo nabuhay
ay sa langit nakalaan
upang kay Kristo pumisan.
Aleluya! Aleluya!

MABUTING BALITA
Juan 16, 29-33

Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Juan

Noong panahong iyon, sinabi ng mga alagad kay Hesus, โ€œNgayon poโ€™y tuwiran na ang inyong pangungusap sa amin at hindi na patalinghaga! Alam na naming batid ninyo ang lahat ng bagay, at hindi na kailangang tanungin ninuman. Dahil dito, naniniwala kaming kayoโ€™y mula sa Diyos.โ€ Sumagot si Hesus, โ€œNaniniwala na ba kayo ngayon?โ€ Darating ang oras โ€“ at ngayon na nga โ€“ na magkakawatak-watak kayo, magkakanya-kanyang lakad kayo, at iiwan ninyo ako. Gayunmaโ€™y hindi ako nag-iisa sapagkat kasama ko ang Ama. Sinabi ko ito sa inyo upang kayoโ€™y magkaroon ng kapayapaan sa pakikipag-isa sa akin. Mayroon kayong kapighatian dito sa sanlibutan; ngunit laksan ninyo ang inyong loob! Napagtagumpayan ko na ang sanlibutan!โ€

Ang Mabuting Balita ng Panginoon.

๐—›๐—”๐—ฃ๐—ฃ๐—ฌ ๐Ÿฒ๐Ÿฌ๐—ง๐—› ๐—ช๐—ข๐—ฅ๐—Ÿ๐—— ๐—–๐—ข๐— ๐— ๐—จ๐—ก๐—œ๐—–๐—”๐—ง๐—œ๐—ข๐—กโ€™๐—ฆ ๐—ฆ๐—จ๐—ก๐——๐—”๐—ฌ!Sa pagdiriwang ng 60th World Communications Sunday, ating ginugunita ang mahalag...
17/05/2026

๐—›๐—”๐—ฃ๐—ฃ๐—ฌ ๐Ÿฒ๐Ÿฌ๐—ง๐—› ๐—ช๐—ข๐—ฅ๐—Ÿ๐—— ๐—–๐—ข๐— ๐— ๐—จ๐—ก๐—œ๐—–๐—”๐—ง๐—œ๐—ข๐—กโ€™๐—ฆ ๐—ฆ๐—จ๐—ก๐——๐—”๐—ฌ!

Sa pagdiriwang ng 60th World Communications Sunday, ating ginugunita ang mahalagang papel ng komunikasyon sa pagpapalalim ng pananampalataya, pagkakaisa, at paglilingkod sa sambayanan ng Diyos.

Bilang bahagi ng SOCCOM, patuloy nawa naming magamit ang aming kakayahan sa paghahatid ng mensahe ng katotohanan, kabutihan, at pag-asa sa pamamagitan ng makabuluhan at responsableng pakikipag-ugnayan.

Nawaโ€™y magsilbing daan ang bawat larawan, kwento, at mensaheng aming ibinabahagi upang higit na maipadama ang presensya at pag-ibig ng Panginoon sa bawat isa.

Maligayang World Communication's Sunday!

Address

Labahita Corner Langaray Street, Phase 2, Kaunlaran Village
Caloocan
1409

Opening Hours

Tuesday 8am - 12pm
2pm - 5:30pm
Wednesday 8am - 12pm
2pm - 5:30pm
Thursday 8am - 12pm
2pm - 5:30pm
Friday 8am - 12pm
2pm - 5:30pm
Saturday 9am - 12pm
2pm - 5:30pm
Sunday 9am - 12pm
2pm - 5:30pm

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when San Exequiel Moreno Parish posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Place Of Worship

Send a message to San Exequiel Moreno Parish:

Share