24/05/2026
๐๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐
Noong Mayo 17, 2026, matagumpay na ginanap ang Vicariate Youth Mass ng mga kabataan mula sa ibaโt ibang parokya ng Santo Niรฑo Vicariate sa San Jose Amang Mapagkalinga Parish, sa pangunguna ni Rev. Fr. Wilson Olea, CRM.
Kasabay nito ay ginunita rin ng Simbahang Katolika ang Dakilang Kapistahan ng Pag-akyat ng Panginoon (Ascension of the Lord), na nagpapaalala sa atin ng tagumpay ni Kristo at ng Kanyang pangakong mananatili sa Kanyang bayan magpakailanman.
Naging espesyal din ang gabing ito sa pamamagitan ng panunumpa ng mga bagong lider-kabataan ng Santo Niรฑo Vicariate bilang tanda ng kanilang pagtugon sa tawag ng paglilingkod at pamumuno para sa Simbahan at kapwa kabataan.
Sa pamamagitan ng sama-samang panalangin, banal na Misa, fellowship, at debosyon kay Inang Desay, lalong pinagtibay ang pagkakaisa at pananampalataya ng mga kabataan ng bikaryato.
Maraming salamat sa lahat ng nakiisa at naglingkod upang maging matagumpay ang pagdiriwang na ito. Tunay ngang buhay ang kabataang nagkakaisa para kay Kristo!