23/08/2026
I “Ang magsasakang tinutukoy sa talinghaga ay ang Panginoong Hesus. Siya ang naghahasik ng pananampalataya sa ating buhay. Siya ang naghahasik ng Kanyang Banal na Salita sa ating puso. Kaya ang ibig sabihin, mga kapatid, ipinapakita sa talinghagang ito ang Kanyang pagmamahal sa ating lahat kahit na anong uri ang puso natin.
Kahit na minsan nga ay mabato, madawag, at parang tabi ng daan ang ating mga puso, sinasabi sa atin ng Panginoon na maging mabuting lupa. Paano?
Una, mga kapatid, hindi lamang isang beses natin tatanggalin o aalisin ang mga masasamang bagay sa ating puso. Lagi nating alisin upang ang ating pananampalataya, pati itong Salita ng Panginoon, hindi lang po tayo makinig pero isabuhay din po natin.
Pangalawang bagay, mga kapatid, sinasabi ng Panginoon na maging faithful po tayo sa ating misyon. Siguro noong bata po tayo, mayroon tayong catechism class. May isang tanong: ‘Bakit nilikha niya tayo?’ Ang sagot: God created us to know Him, to love Him, to obey Him, and to receive the reward in heaven.
Katulad ng sinabi ni San Pablo sa Ikalawang Pagbasa, ang mga pagsubok, ang mga kahirapan, at iba-iba pang bagay na bahagi ng ating buhay. Sinabi niya Roma 8:18, ‘Suffering in this world is nothing compared to the glory that is waiting for us in heaven.’ Kahit mahirap na, kahit maraming pagsubok na ngayon, pero isipin ninyo, ang gantimpala, itong glory that is waiting for us in heaven.
Kaya, mga kapatid, everytime na may problema, nahihirapan na, masakit na, o kung ano pa man, sinasabi ng Panginoon, tiisin ninyo dahil ang lahat ng ito ay hadlang sa ating buhay na tatanggapin balang araw sa Kanyang kaharian.
12 JULY 2026 | Ika 15 na Linggo sa Karaniwang Panahon |
Rev. Fr. Job O. Callarackal, MS