BHCC LEGIT Kids and Youth Ministry

BHCC LEGIT Kids and Youth Ministry 1Timothy 4:12
"Let no one despise you for your youth, but set the believers an example in speech, in conduct, in love, in faith and in purity."

Thank You, Lord! ❤️ Lahat ng papuri ay sa Iyo!
28/02/2023

Thank You, Lord! ❤️ Lahat ng papuri ay sa Iyo!

SEE YOU TOMORROW!!!!! 😍😍😍😍Heads up, Gen Zs!See you on February 25 (Saturday) 6am to 5pm as we will have a YOUTH HOLIDAY ...
24/02/2023

SEE YOU TOMORROW!!!!! 😍😍😍😍

Heads up, Gen Zs!

See you on February 25 (Saturday) 6am to 5pm as we will have a YOUTH HOLIDAY for you and your friends!

✅Spiritual Encounter
✅Photobooth
✅Team Building Activities
✅Sports Activities
✅Food corners

Basta... Lots of fun and games! 🤩

Hihintayin namin kayo!
You may invite other youth and young at hearts para mas masayaaaa! ☺️

Venue: Palmera Springs Phase1 Covered Court, Bgy.175 Camarin, Caloocan City

Nearest Landmarks:
📍Camarin Doctors Hospital
📍RCBC Camarin
📍PALTODA
📍Oppa K-Grill
📍Near Almar, Zabarte Mall/ Puregold Zabarte

Heads up, Gen Zs!

See you on February 25 (Saturday) 6am to 5pm as we will have a YOUTH HOLIDAY for you and your friends!

✅Spiritual Encounter
✅Photobooth
✅Team Building Activities
✅Sports Activities
✅Food corners

Basta... Lots of fun and games! 🤩

Hihintayin namin kayo!
You may invite other youth and young at hearts para mas masayaaaa! ☺️

Venue: Palmera Springs Phase1 Covered Court, Bgy.175 Camarin, Caloocan City

Nearest Landmarks:
📍Camarin Doctors Hospital
📍RCBC Camarin
📍PALTODA
📍Near Almar, Zabarte Mall/ Puregold Zabarte

Heads up, Gen Zs!See you on February 25 (Saturday) 6am to 5pm as we will have a YOUTH HOLIDAY for you and your friends!✅...
12/02/2023

Heads up, Gen Zs!

See you on February 25 (Saturday) 6am to 5pm as we will have a YOUTH HOLIDAY for you and your friends!

✅Spiritual Encounter
✅Photobooth
✅Team Building Activities
✅Sports Activities
✅Food corners

Basta... Lots of fun and games! 🤩

Hihintayin namin kayo!
You may invite other youth and young at hearts para mas masayaaaa! ☺️

Venue: Palmera Springs Phase1 Covered Court, Bgy.175 Camarin, Caloocan City

Nearest Landmarks:
📍Camarin Doctors Hospital
📍RCBC Camarin
📍PALTODA
📍Near Almar, Zabarte Mall/ Puregold Zabarte

FREE SUNDAY SCHOOL LESSON Teaching MaterialsReference: The Promised Saviorfreebibleimages.orgAng Pagbautismo ni Juan kay...
10/02/2023

FREE SUNDAY SCHOOL LESSON Teaching Materials
Reference: The Promised Savior
freebibleimages.org
Ang Pagbautismo ni Juan kay Hesus

Topic
Nais ng Diyos na pagsisihan at talikuran natin ang ating mga kasalanan at ipakita ang bago nating pagkatao sa paraan ng ating pamumuhay

Story
Mark 1:4-12
1. Ano ang mensaheng pinangangaral ni Juan?
-Dapat na talikdan ng mga tao ang kanilang kasalanan sapagkat nalalapit na ang kaharian ng langit/ paghuhukom

2. Ano ang ginagawa ni Juan sa mga taong nagsisi sa kanilang kasalanan?
- Binabautismuhan sa ilog

3. Bakit sinabi ni Juan na si Hesus ay mas higit sa kaniya?
- Sapagkat si Hesus ay nabuhay na bago siya

4. Paano iyon nangyari gayong si Juan ay mas matanda ng anim na buwan kay Hesus?
- Sapagkat si Hesus ay Diyos. Siya ay namalagi na sa mundo bago pa man siya magkatawang tao

5. Bakit nagpabautismo si Hesus kay Juan?
- Dahil nais Niyang sundin ang utos ng Diyos

6. Anong nangyari matapos mabautismuhan si Hesus?
- bumababa sa kanya ang Espiritu na tulad ng isang kalapati. 11 Narinig niya ang isang tinig na mula sa langit at nagsasabing, “Ikaw ang minamahal kong Anak; lubos kitang kinalulugdan.

7. Ano ang natutunan natin tungkol kay Hesus?
-Siya ay narito na sa mundo bago pa Siya magkatawang tao
-Ang banal na Espiritu ay sumasakanya
-Siya ay anak ng Diyos
-Kinalulugdan Siya ng Diyos Ama

”Application:

Ayon kay Juan, paano mapatutunayan o maipakikita na ang isang tao ay nagsisisi na sa kaniyang kasalanan?
-Nakikita ito sa paraan ng kaniyang pamumuhay

Mag-isip ng kasalanang iyong pinagsisihan. Paano mo ipinakita ang iyong pagsisisi o pagtalikod sa kasalanang iyon?
-(Hayaang magbahagi ng karanasan ang mga mga-aaral)

Memory Verse

Matthew 3:2
and saying “Repent, for the kingdom of heaven has come near.”

Ganito ang kanyang sinasabi, “Magsisi kayo at talikuran ang inyong mga kasalanan sapagkat malapit nang dumating ang kaharian ng langit!”

FREE SUNDAY SCHOOL LESSON Teaching MaterialsReference: The Promised Saviorfreebibleimages.orgANG 12 TAONG GULANG NA SI H...
03/02/2023

FREE SUNDAY SCHOOL LESSON Teaching Materials
Reference: The Promised Savior
freebibleimages.org

ANG 12 TAONG GULANG NA SI HESUS SA TEMPLO

Topic
Nais ni Hesus na manatili sa tahanan ng Kaniyang ama sapagkat mahal Niya ito.

Story
Luke 1:41-52
1. Ano ang nangyari pagkatapos ng pista ng paskwa?
-Naiwan si Hesus sa Jerusalem

2. Ano ang naramdaman ng kaniyang mga magulang nang malamang wala siya sa tabi nila?
-labis na nag-alala

3. Saan nila natagpuan si Hesus? (Sa templo)

4. Ano ang ginagawa niya sa templo? (nakikipag-usap sa mga g**o)

5. Ano ang nagging reaksiyon ng mga g**o? (Namangha sila sa kaniyang katalinuhan)

6. Bakit nagpaiwan si Hesus sa templo? (Nalalaman niyang kailangan Niyang manatili sa tahanan ng kaniyang ama.)

7. Ano ang ginawa niya nang hindi maintindihan ng kaniyang mga magulang ang kaniyang sinasabi? (Sumunod Siya sa kanila at umuwi kasama nila.)

8. Ano ang nalaman natin tungkol kay Hesus?
-kilala Niya ang Kaniyang Ama
-Masunurin Siyang Anak
-Lumaki Siya sa karunungan at pangangatawan at nagbigay lugod sa Diyos at sa tao

Application
Si Hesus ay nanatili sa tahanan ng Kaniyang Ama upang malaman ang mga batas ng Diyos dahil mahal Niya ito. Kung mahal natin ang Diyos, dapat ay nananatili rin tayo sa Kaniyang tahanan upang matuto ng kaniyang mga batas.
Paano natin ito gagawin? (pagsisimba, pag-attend ng mga gawain, etc.)

Explain:
Noong unang panahon ay tinatawag ng mga Israelita ang Templo ng Jerusalem na “Tahanan ng Diyos” dahil ang lugar na iyon ay pinili ng Diyos upang Siya ay sambahin. Ngayon, kapag sinabing “Tahanan ng Diyos” ay tumutukoy sa simbahan kung saan tayo nagsasama-sama upang sambahin Siya at pag-aralan ang Kaniyang mga Salita.

Nag-eenjoy ka bang magpunta sa simbahan at matuto ng tungkol sa Diyos? Bakit? (Let the students share)

Memory Verse

PSALMS122:1
I was glad when they said unto me, Let us go into the house of the Lord.

AWIT 122:1
Ako ay nagalak nang sabihin nila:
“Pumunta na tayo sa bahay ni Yahweh.”

FREE SUNDAY SCHOOL LESSON Teaching MaterialsReference: The Promised Saviorfreebibleimages.orgAng Anak ni ZacariasTopicAn...
26/01/2023

FREE SUNDAY SCHOOL LESSON Teaching Materials
Reference: The Promised Savior
freebibleimages.org

Ang Anak ni Zacarias

Topic
Ang pinakamagandang kinabukasan na maaaring makamit ninuman ay ang mabuhay para sa kaluwalhatian ng Diyos

Story
Luke 1:57-79

1. Ano ang ginawa ni Zacarias nang bumalik ang kaniyang boses/ pananalita?
a. Pumuri Siya sa Diyos at inihayag ang mensahe ng Diyos

2. Ano ang propersiya ni Zacarias tungkol sa kaniyang anak na si Juan?
a. Tatawagin siyang propeta ng Kataas-taasan sapagkat yayaon siya sa harapan ng Panginoon upang ihanda ang kaniyang mga daan.

3. Ano ang natutunan natin tungkol sa DIyos?
a. Inihahayag Niya ang Kaniyang mensahe sa pamamagitan ng Espiritu Santo.
b. Pinalalaya Niya ang Kaniyang mga tao.
c. Tinutupad Niya ang Kaniyang mga pangako.
d. Siya ay mahabagin
e. Siya ay nagliligtas
f. Ginagabayan Niya tayo sa daan tungo sa kapayapaan

Application
Inihayag ni Zacarias na magiging propeta ng Diyos ang kaniyang anak na si Juan. Maaaring nakadama siya ng labis na kasiyahan nang malamang ang kaniyang anak ay maglilingkod sa Diyos paglaki nito. Kagaya ng lahat ng mga magulang ay nais lamang nila ang makabubuti sa kanilang anak. Ano pa bang buhay ang mas maganda pa kaysa sa buhay na nakalaan para sa Diyos?
(Maaaring hikayatin ng g**o ang mga bata na magbahagi ng kanilang pangarap)

Memory Verse

Jeremiah 29:11
For I know the plans I have for you,” declares the LORD, “plans to prosper you and not to harm you, plans to give you hope and a future.

Sapagka't nalalaman ko ang mga pagiisip na aking iniisip sa inyo, sabi ng Panginoon, mga pagiisip tungkol sa kapayapaan, at hindi tungkol sa kasamaan, upang bigyan kayo ng pagasa sa inyong huling wakas.

For younger kids:

For I know the plans I have for you,” declares the LORD

Sapagka't nalalaman ko ang mga pagiisip na aking iniisip sa inyo, sabi ng Panginoon

FREE SUNDAY SCHOOL LESSON Teaching MaterialsReference: The Promised Saviorfreebibleimages.orgAng Pangako ng Diyos kay Za...
16/01/2023

FREE SUNDAY SCHOOL LESSON Teaching Materials

Reference: The Promised Savior
freebibleimages.org

Ang Pangako ng Diyos kay Zacarias

Topic
Nais ng Diyos na maniwala tayo sa Kaniyang mga Salita

Story
Luke 1:5-24
Ang pagpapakita ng Anghel kay Zacarias
1. Ano ang magandang balita ng Diyos para kay Zacarias?
a. Sila ay magkaka-anak
2. Ano ang gagawin ng kanilang anak paglaki nito?
a. Magdadala siya ng maraming Israelita sa Panginoon
b. Ihahanda niya sila sa pagdating ng Diyos
3. Bakit hindi makapaniwala si Zacarias sa mensahe ng Anghel?
a. Sapagka’t ang asawa niya ay baog
b. Masyado na silang matanda upang magkaanak
4. Paano dinisiplina ng Diyos si Zacarias sa kanyang maliit na pananampalataya?
a. Hindi nakapagsasalita si Zacarias hanggang sa maipanganak ang sanggol
5. Ano ang natutunan natin tungkol sa Diyos?
a. Naririnig Niya ang ating mga dasal
b. Nagpapadala Siya ng magandang balita
c. Nais Niyang maniwala tayo sa Kaniyang mensahe/ pangako

Application: Maniwala sa mga Pangako ng Diyos na nasa Bibliya

Maraming magagandang bagay ang sinabi ng Diyos sa Bibliya ngunit minsan dahil sa ating mga pinagdadaanan o kalagayan sa buhay ay nahihirapan tayong maniwala kagaya ni Zacarias.

Halimbawa, sinabi ni Hesus sa Roma8:28 na Alam nating ang lahat ng bagay ay nagkakaisang gumagawa para sa ikabubuti ng mga nagmamahal sa Diyos . Naranasan mo na ba na parang nahihirapan kang paniwalaan na kumikilos ang Diyos sa buhay mo dahil sa hirap ng iyong pinagdaraanan?

Sa Mateo 21:22 Sinabi ng Diyos na “Anumang hingin ninyo sa panalangin ay tatanggapin ninyo kung naniniwala kayo.” Naranasan mo na bang panghinaan ng loob dahil may matagal ka nang pinagdarasal pero hindi pa naibibigay?
Sa tingin mo ba ay maaari pa rin tayong magtiwala na tutuparin ng Diyos ang Kaniyang pangako kahit na sa tingin mo ito ay imposible?

Memory Verse
Hebrews11:6
“It is impossible to please God without faith. Anyone who wants to come to him must believe that God exists and that he rewards those who sincerely seek him. . . ”
Hindi maaaring kalugdan ng Diyos ang walang pananampalataya sa kanya, sapagkat ang sinumang lumalapit sa Diyos ay dapat sumampalatayang may Diyos at siya ang nagbibigay ng gantimpala sa mga humahanap sa kanya.

For Younger Kids:
It is impossible to please God without faith..
Hindi maaaring kalugdan ng Diyos ang walang pananampalataya sa kanya…

Sept 30, 2022SoulFire WORSHIPBHCC JUNIORS AND YOUTH MINISTRY INDANG CAVITE SA DIYOS LAMANG ANG LAHAT NG PAPURI AT PASASA...
01/10/2022

Sept 30, 2022
SoulFire WORSHIP
BHCC JUNIORS AND YOUTH MINISTRY INDANG CAVITE

SA DIYOS LAMANG ANG LAHAT NG PAPURI AT PASASALAMAT..☝️☝️

LEGIT KIDS AND YOUTH MINISTRY OF INDANG CAVITE..❤️❤️❤️SALAMAT SA PATULOY NA PAG KILOS NG DIYOS SA INDANG CAVITE..
12/08/2022

LEGIT KIDS AND YOUTH MINISTRY OF INDANG CAVITE..❤️❤️❤️
SALAMAT SA PATULOY NA PAG KILOS NG DIYOS SA INDANG CAVITE..

Anong LIFE VERSE mo?i-share mo naman sa comment para ma-bless ang iba :)
04/08/2022

Anong LIFE VERSE mo?

i-share mo naman sa comment para ma-bless ang iba :)

Address

Caloocan
1420

Opening Hours

Monday 9am - 5pm
Tuesday 9am - 5pm
Wednesday 9am - 5pm
Thursday 9am - 5pm
Friday 9am - 5pm
Saturday 9am - 5pm

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when BHCC LEGIT Kids and Youth Ministry posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share