14/08/2026
08.09.2026
Sunday Message Recall
EVERY MOMENT MATTERS
Part 3: LIVING A LIFE OF WORSHIP AND GRATITUDE
Ptr Jayr A. Reyes
Ephesians 5:19-20
Being filled with the Holy Spirit is not about getting more of the Holy Spirit—it is about the Holy Spirit getting more of us.
Siya ay Diyos at Siya ay nananahan sa atin.
Ang kailangan ay mas lalo tayong magpasakop, magtiwala, at magsuko ng lubusan ng ating buhay sa Kanya.
Kapag mas maraming bahagi ng buhay natin ang isinusuko sa Diyos, mas makikita ang Kanyang presensya at paghahari sa ating buhay.
"A life that is filled with the Holy Spirit naturally overflows in worship, encouragement, and gratitude—making every opportunity a testimony of Christ."
1. OVERFLOW IN WORSHIP
Ang worship ay hindi lang pag awit tuwing Sunday.
Worship is a lifestyle.
Kapag surrendered tayo sa Diyos, ang buong buhay natin ay nagiging pagsamba sa Kanya— sa school, sa work, sa bahay, sa paglilingkod, sa pagiging tapat, na nabubuhay ayon sa kalooban, katuwiran, layunin ng Diyos sa atin, tayo'y nakapagbibigay ng kapurihan sa Kanya.
2. OVERFLOW BY ENCOURAGING OTHERS
Ang Spirit-filled life ay hindi lang blessing sa ating sarili.
Nagiging blessing din tayo sa iba.
Gamitin natin ang ating mga salita para magpalakas, magbigay ng pag-asa, at ilapit ang tao upang magsisi at magsuko ng buhay kay Jesus.
3. OVERFLOW IN GRATITUDE
“Lagi kayong magpasalamat…
”Hindi dahil maganda palagi ang sitwasyon, kundi dahil mabuti at tapat pa ang Diyos sa bawat sitwasyon at lahat ng pagkakataon.
Gratitude changes our perspective.
At ito ang challenge sa atin:
Pare-pareho tayong binigyan ng Diyos ng 24 oras bawat araw.
Ang tanong ay hindi,
“Gaano karami ang oras ko?” kundi,
“Ano ang ginagawa ko sa oras na ipinagkatiwala ng Diyos sa akin?”
Habang may buhay, may purpose.
Habang may oras, may mission.
Hayaan nating ang buhay natin ay umapaw sa pagsamba, encouragement, at pasasalamat.
Habang may pagkakataon, may opportunity na magpatawad, magmahal, maglingkod, mag-share ng Gospel, sumunod sa Diyos at luwalhatiin si Jesus.
Every moment matters because every moment belongs to God.
Huwag nating sayangin ang pagkakataong ibinibigay Niya sa atin.
-Lord, help us make every moment count for Your glory. 🙏
Join us every Sunday
for our Worship Service
9:00 am and
Receive God's Comforting Love!