UPC Bagumbong TOP

UPC Bagumbong TOP Blk. 14 Lot 22 Ysubasa Isles Bldg. Corner Raquiza st Congress Village, Brgy Congress 173 North C.c

Paano Magkaroon ng PagpapasensyaMapagpalang Martes ng umaga mga kapatid. (January 9, 2024)"Sa inyong pagtitiis ay maipag...
09/01/2024

Paano Magkaroon ng Pagpapasensya

Mapagpalang Martes ng umaga mga kapatid. (January 9, 2024)

"Sa inyong pagtitiis ay maipagwawagi ninyo ang inyong mga kaluluwa. " - Lucas 21:19

Ginagantimpalaan ng Diyos ang mapagpasensya. Kapag ikaw ay mapagpasensya, binubuo nito ang iyong magandang karakter, naiiwasan mo ang mga pagkakamali, at maaabot mo ang iyong mga layunin. Kapag ikaw ay mapagpasensya, ikaw ay igagalang ng iba at magkaroon ng mas maligayang relasyon. Magkakaroon ka ng lahat ng mga uri ng mga pagpapala at benepisyo.

Ang pinakamahusay na paraan upang malaman kung mayroon kang pasensya ay kapag nalagay ka sa panahon ng paghihintay, o kung ikaw ay dumaranas ng mga pressures sa buhay. Kung hindi ka makapaghintay at magiging maiinipin at gagawin ang lahat upang mapabilis ang proseso at magpasyang gawin ang lahat upang lutasin ang mga suliranin ayon sa iyong sariling mga paraan, nangangahulugan iyon na wala kang pagpapasensya. Kung ang nais mo at ang ipanalangin mo ay tila masyadong matagal na at wala ka pang matatanggap na sagot, at ang lahat ng pag-asa ay nagsisimulang umandap, at nagsisimula kang mag-alinlangan kung gayon wala ka pang sapat na pagpapasensya upang maghintay.

Kapag sumasailalim ka sa mga pagsubok sa buhay at hindi mo makayanan ang mga ito at magsimulang magreklamo, magtampo at magbulung-bulungan, wala kang pasensya.

Ang pasensya ay bahagi ng kaligtasan, hindi tayo maililigtas kung tayo ay walang pasensya. Sinabi ni Jesus, ang sinumang makapagtitiis hanggang sa wakas ay siya ring maliligtas (Mateo 24:13). Karaniwan kasi tayong nakatuon sa mga doktrina ng bautismo at kabanalan bilang mga bahagi ng kaligtasan ngunit kung wala tayong pasensya upang magpatuloy, hindi rin tayo maliligtas.

Sa panahon ng paghihintay, tiyak mayroong mga pagpapala na makukuha at matutunan habang naghihintay - una sa iyong pagkatao, mapapaunlad ang pinakamahalagang pag-uugali na magdudulot ng tunay na kasiyahan at kapayapaan. Sa iyong pamilya, sa iglesia, at sinumang nasa iyong paligid, sila ay nahihikayat sa malakas na impluwensya ng mapagpahinuhod. At hindi lamang sila mga gantimpalang mai-enjoy ngayon ngunit mga gantimpala din upang i-enjoy sa buhay na walang-hanggan.

Kapag sinaktan ka ng isang tao, ang isa sa matindi nating ugali ay gumanti. Ang mga tao ngayon ay nakakaranas ng maraming sakit ng damdamin dahil sa kawalang pagtitiis ng mga tao - gusto palaging mauna, ayaw mahuli o ayaw maghintay. Kaya kung wala ang bunga ng Espiritu sa buhay ng tao siya ay palaging ikinikilos ng kaniyang pita at damdamin.

Nang si Job ay nagkaroon ng pinakamabigat na suliranin, nawala lahat ang ari-arian at kayamanan, namatay lahat ang mga anak, nagkasakit ng lubha sa lahat ng mga sakit, dahil ito ay bukol mula sa ulo hangga't talampakan. At ang mas mabigat pa ay ang kaniyang katuwang o ang dapat kadamay sa lahat ng panahon, ang kaniyang asawa ay nagsalita ng kahangalan sa kaniya. Pero dahil siya ay may pag-asa at alam niyang nakatingin ang Panginoon sa kanyang pinagdaraanan, kaniyang sinabi, "Bagaman ako'y patayin Niya, ako'y magtitiwala pa rin sa Kaniya: gayon ma'y aking iingatan ang aking mga lakad sa harap niya (Job 13:15). Sa katapusan ng kanyang talambuhay, siya'y ginantimpalaan ng makasampung ulit ng mga bagay na nawala sa kanya.

Mga kapatid, sa tuwing pinipintasan ka at tinutukso upang gumanti, isipin mo muna: sulit ba ang laban na ito na talikuran ang gantimpalang ipinangako sa iyo ng langit? Hindi.

Bilang pinuno ng ating samahan, marami rin sa akin ang nagcri-criticize. May mga taong nag-uusap at nagdududa sa aking kakayahang gawin ang aking tungkulin ng kasiya-siya . Natutunan kong huwag ipagtanggol ang aking sarili. Nananatili akong tahimik, sapagkat natuklasan kong mas nagiging katulad ko si Jesus kapag hindi ako gumaganti. Nagiging kagaya mo si Jesus kapag tumanggi kang lumaban at magpatuloy na magpasensya.

Naririto ang ilang mga paraan upang magkaroon ng pagpapasensya:

1. Pakanasain matanggap ang Espiritu Santo. Binanggit ni Pablo ang dalawa sa mga bunga ng Espiritu Santo ay pagpapahinuhod at pagpipigil (Galacia 5:22-23). Itong dalawa ay may kaugnayan sa ugali na pagpapasensya. Kapag ikaw ay nagpatuloy na lumakad sa Espiritu (Galaca 5:16), pagkatapos na tanggapin ito, unti-unti itong uusbong sa buhay mo.

2. Patuloy na magpakalalim sa Salita ng Diyos sa pamamagitan ng patuloy na pag-aaral nito. Kung alam mo ang kalooban ng Diyos mas nakakatiyak ka sa kung ano ang kahihinatnan ng iyong bulas at buhay. Nang mabasa natin ang buhay ni Job, doon natin nalaman ang kalooban ng Diyos sa buhay niya. Gayundin tiyak ang kaloiban ng Diyos sa ating buhay na tayo ay masubukan upang umunlad (prove to improve). At kung alam natin ang salita ng Diyos, alam natin ang kalooban ng Diyos, tiyak na alam natin na ang lahat ng bagay ay gumagawa magkakasama-sama para sa ating ikabubuti (Roma 8:28).

3. Tumingin palagi sa pananaw ng Diyos. Anuman ang nangyayari sa iyo o nalalagay ka sa isang sitwasyon na ikaw ay tinutukso upang magalit, mainip at magreklamo. Laging tingnan ang iyong sutwasyon sa pananaw ng Diyos. Itanong mo ang katanungang ito: Paano ito tinatanaw ng Diyos? Makikita mo hindi lang ang nakikita ng iyong mata sa harap mo. Makikita mo ay higit pa sa panlabas at higit pa sa mga paligid nito, hanggang sa ilalim nito. At doon mo malalaman ang mga daan upang makatakas at mapagtagumpayan ang mga tukso sa buhay mo. Gayon tumatanaw ang Diyos, sapagkat Siya ang mata sa itaas.

Sa iyong paglalakbay, mas lamang ka kung ikaw ay may access sa chopper na lumilipad sa itaas na nagbabantay at gumagabay ng traffic sa highway.

"Panginoon, turuan Mo akong matutung maghintay at lumago sa pagpapasensya, sapagkat sinabi Mo, sa iyong pagpapasensya, maipagwawagi mo ang iyong kaluluwa (Lucas 21:19). Amen." God bless - Pastor Picar

English Translation

Cultivating Patience

Blessed Tuesday morning, brothers and sisters. (January 9, 2024)

"In your patience possess ye your souls." - Luke 21:19

God rewards patience. It builds character, helps avoid mistakes, and leads to the fulfillment of goals. Patience garners respect and fosters joyful relationships, bringing various blessings and benefits.

The true test of patience occurs during periods of waiting or when facing life's pressures. Impatience, manifested by hastening processes and solving problems according to one's own ways, indicates a lack of patience. If your prayers seem unanswered, hope dwindles, and doubts arise, your patience may be running thin.

Patience is integral to salvation; Jesus emphasized enduring to the end (Matthew 24:13). Baptism and holiness, while vital, are incomplete without enduring patience.

During life's trials, complaining reveals impatience. Patience yields blessings and personal growth amid waiting, fostering essential virtues for lasting happiness and peace. In family, church, and community, the influence of patience is potent, offering rewards not only in the present but for an eternal life.

When hurt, retaliation often follows. Today's society, marked by impatience, seeks instant gratification, unwilling to wait. Without the fruits of the Spirit, individuals act impulsively, driven by emotions.

Job, facing severe trials, lost everything but maintained hope, stating, "Though He slay me, yet will I trust in Him" (Job 13:15). Eventually, Job was rewarded tenfold for his enduring faith.

When criticized, resisting retaliation preserves a Christ-like demeanor. As a leader, maintaining silence amid criticism enhances resemblance to Jesus.

Here are ways to cultivate patience:

1. Seek to receive the Holy Spirit. Patience is a fruit of the Spirit (Galatians 5:22-23). Walking in the Spirit nurtures patience.

2. Delve into God's Word through continuous study. Understanding God's will provides assurance in facing challenges.

3. View situations from God's perspective. In times of temptation to anger or impatience, consider how God sees the situation.

"Lord, continue to teach us to wait and grow in patience, for in patience, we possess our souls (Luke 21:19). Amen." God bless - Pastor Picar

"Sining ng Matatag na Paglalakbay sa Kristiyanong Buhay" (Ikalawa sa Dalawang Serye)Mapagpalang Lunes ng umaga mga kapat...
08/01/2024

"Sining ng Matatag na Paglalakbay sa Kristiyanong Buhay" (Ikalawa sa Dalawang Serye)

Mapagpalang Lunes ng umaga mga kapatid (January 8, 2024)

"Ang aklat na ito ng kautusan ay huwag mahihiwalay sa iyong bibig, kundi iyong pagbubulayan araw at gabi, upang iyong masunod na gawin ang ayon sa lahat na nakasulat dito: sapagka't kung magkagayo'y iyong pagiginhawahin ang iyong lakad, at kung magkagayo'y magtatamo ka ng mabuting kawakasan." - Joshue 1:8

Dito sa mensaheng ito ay ipapahayag natin ang mga naging resulta ng pagkukulang ng consistency at ang mga mahahalagang payo para sa isang matatag (consistent) na paglalakbay.

IV. Ang mga resulta ng pagkukulang ng consistency.

Palaging may mga hindi kanais-nais na bagay na nangyayari sa mga humihinto sa paglalakbay.
1). Karaniwang nagtatapos ang kanilang buhay sa komentong, "iyan ang taong huminto, tumalikod o hindi nakatapos."

Ang halimbawa ay si Demas (2 Timoteo 4:10; Filemon 1:24). Minsan siyang tinawag ni Pablo na, "Aking kamanggagawa." Siya ay minsang itinalaga na kasing taas ni Lucas na manggagamot. Ngunit huminto siya sa paglalakbay at nauwi sa isang kakila-kilabot na patotoo.

Sinabi ni Pablo, "Sapagka't ako'y iniwan ni Demas, palibhasa'y inibig ang sanlibutang ito, at lumisan patungo sa Tesalonica—si Crescens ay patungo sa Galacia, si Tito ay patungo sa Dalmatia. Si Demas ay nagsimula ng paglalakbay ngunit natapos sa kapahamakan! Sinimulan niya ang paglalakbay ngunit natapos sa isang sakuna - ang mawala sa paglilingkod sa Panginoon. Sinimulan niya ang paglalakbay ngunit nakarating sa tamang destinasyon.

2). Ito ay parehong nakababahalang pansinin na ang mga hindi nagpatuloy na lumakad sa mga landas ay nauwi bilang mga tagamasid lamang ng mga sumulat ng kasaysayan.

Ang isa pang halimbawa ay ang mga anak ng mga propeta noong panahon nina Elias at Eliseo. Bagama't mayroon silang mga pagpapahayag ngunit lumakad sila hanggang sa ilog lang ng Jordan at pagkatapos ay huminto. Kaya hindi sila nagkaroon ng bahagi sa anointing ni Elias dahil tumigil sila! Samantalang si Eliseo ay nagtuloy-tuloy na sumunod kay Elias.

Karamihan sa distressing na bagay ay ang katotohanan na sila ay napakalapit na ngunit hindi nila nakita ang natatanging pagdagit kay Elias dahil hindi sila nagpatuloy. Si Eliseo lang, ang nakakita ng milagrong iyon na nagdulot ng panghabambuhay at dobleng anointing.

Ang isa pang malinaw na nakababahalang bagay tungkol sa mga humihinto sa paglalakbay ay sila ay nagiging stagnant. At gaya ng sasabihin ng sinuman, ang stagnant water ay halos laging nangangamoy.

Ang mga anak ng mga propeta ay nanatiling mga anak ng propeta at ang masama pa, silang lahat ay namatay na mga anak ng propeta at hindi naging full pledge na propeta. Hindi sila sumulong o lumago, habang si Eliseo ay nagpatuloy na naging "propeta' ng Israel.

Makinig tayo sa mabubuting payo na ipinapahayag ng kasulatan.

V. Mahahalagang Payo para sa Patatag (Consistent) na Paglalakbay

1) Matuto mula sa mga pagkakamali ng iba. Ang mga natututo sa pagkakamali ng iba ay umiiwas sa mga peklat na karaniwang nabubuo pagkatapos ng bawat pagkahulog! Salamar na lang na ang Biblia ay nagtala ng mga bagay na hindi puro tama lang, kundi naitala din ang mga maling bagay upang doon tayo ay may matutunan. Sapagkat mas mabilis tayong natuto sa mga pagkakamali.

b) Makinig sa payo ng matatanda. Bigyang-pansin ang mga payo ng mga nauna sa iyo dahil sa kanilang karanasan. Sinabi ni Solomon, "sa karamihan ng mga tagapayo ay may kaligtasan" (Kawikaan 24:6).

c) Lumayo sa madulas na lugar, o lugar na alam natin na tayo ay mapapatid, dahil madudulas ang mga naglalakad sa madulas na lugar. Sinabi ni Pablo, "Layuan inyo ang bawa't anyo ng masama (1 Tesalonica 5:22). Upang maging matagumpay, iwasan ang mga hindi banal na kumpanya, o mga masamang impluwensya. Sinasabi sa Awit 1:1, "Mapalad ang tao na hindi lumalakad sa payo ng masama, ni tumatayo sa landas ng mga makasalanan, ni nauupo man sa upuan ng mga manglilibak."

Ang mga ibon ng parehong balahibo ay nagsasama-sama. Ikaw ay maa-identify sa kung sino o anong uri ng tao ang kasama mo. Kaya kung ikaw ay nakikisama sa mga hindi sumusunod kay Cristo, darating ang panahon na hindi ka na rin susunod kay Cristo. At ang sinumang lumakad nang napakalapit sa isang ilog ay malamang na magtatapos sa loob nito.

d) Huwag lumingon. Dapat mong kalimutan ang tungkol sa mga nakaraang tagumpay at mga nakaraang kabiguan ngunit tumutok sa layunin upang maiwasan ang anumang pagkadulas. Sinabi ni Pablo, "Mga kapatid, hindi ko pa inaaring inabot: datapuwa't isang bagay ang ginagawa ko, na nililimot ang mga bagay na nasa likuran, at tinutungo ang mga bagay na hinaharap. Nagtutumulin ako sa hangganan sa ganting-pala ng dakilang pagtawag ng Dios na kay Cristo Jesus" (Filipos 3:13-14).

e.) Huwag maging sobrang kumpiyansa (over confident). Walang sinumang malaki para hindi matumba o mahulog kung hindi mag-iingat. Ang isang paraan upang tayo ay patuloy na nakatayo ay ang pag-iingat.

Tandaan, nangalunya si Haring David nang nanatili siya sa bahay sa halip na nasa harapan ng digmaan. Samantalang ang kaniyang kawal ay nakikipaglaban sa digmaan si Haring David ay nagpapahingalay sa palasyo.

Pagwawakas:
Ang patatag (consistent) na paglalakbay sa Kristiyanong buhay ay napakahalaga. Bilang mga nananampalataya, hinihikayat tayo na yakapin ang consistent na paglalakbay, na unawain ang kahalagahan nito, at bumuo ng pagkagusto para dito. Sa pamamagitan ng pananatili sa ating matatag na paglakad kasama ang Diyos, kayang harapin ang mga hamon ng buhay at iwanan ang isang positibong marka sa ating espiritwal na paglalakbay.

"Panginoon, ibigay mo sa amin ang lakas na manatiling matatag sa aming pananampalataya, hindi nagbabago sa aming pangako na sundan ang Iyong daan. Nawa'y ang aming mga gawain ay magtugma sa Iyong kalooban, at ang aming mga salita ay sumalamin sa pagmamahal at kabaitang ibinibigay Mo sa amin."

"Panginoon, sa mga sandaling hamon sa buhay, alalahanin Mo ang Iyong mga pangako at tulungan kaming magtagumpay. Palagi Mo kaming gabayan ng Iyong Espiritu, patungo sa isang matatag na paglalakbay ng paglago, pagmamahal, at pang-unawa. Amen." God bless - Pastor Picar.

English Translation

Title: "The Art of Consistency in Christian Journey" (Second in 2 Series)

Have a blessed Monday morning brethren (January 8, 2024)

"This book of the law shall not depart out of thy mouth; but thou shalt meditate therein day and night, that thou mayest observe to do according to all that is written therein: for then thou shalt make thy way prosperous, and then thou shalt have good success." - Joshua 1:8

Always, undesirable things happen to those who stop in a journey.

Typically, their lives end with a comment, "that's the person who stopped, turned back, or didn't finish."
An example is Demas (2 Timothy 4:10; Philemon 1:24). Paul once called him "my fellow worker." He was at one point appointed as high as Luke, the physician. However, he stopped in the joutney and ended up with a disturbing testimony.

Paul said, "For Demas, having loved this present world, has deserted me and gone to Thessalonica—Crescens to Galatia, Titus to Dalmatia." Demas began the journey but ended up in peril! He started the journey but ended in a disaster - departing from serving the Lord. He initiated the journey but reached the wrong destination.

It is equally alarming to note that those who do not continue on the paths end up as mere observers in the pages of history.

Another example is the sons of the prophets during the time of Elijah and Elisha. Despite having declarations, they only walked as far as the Jordan River and then stopped. Hence, they did not partake in Elijah's anointing because they stopped! Meanwhile, Elisha continued to follow Elijah.

Most distressing is the fact that they were so close, yet they did not witness the extraordinary moment with Elijah because they did not persist. Only Elisha saw that miracle, resulting in a lifelong and double anointing.

Another clear and alarming aspect of those who cease their journey is that they become stagnant. As anyone would say, stagnant water almost always smells bad.

The sons of the prophets remained just sons of the prophets, and what's worse, they all died as sons of the prophets without becoming full-fledged prophets. They did not advance or grow, while Elisha continued to be a "prophet" of Israel.

Let's heed the good advice expressed in the scriptures.

V. Important Advice for a Consistent Journey

Learn from the mistakes of others. Those who learn from the mistakes of others avoid the scars that typically follow each fall! Thankfully, the Bible records not only things that are purely right but also mistakes for us to learn from. Because we learn faster from mistakes.
b) Listen to the advice of the elders. Pay attention to the advice of those who came before you due to their experience. Solomon said, "For by wise guidance you can wage your war" (Proverbs 24:6).

c) Stay away from slippery places, or places where we know we will stumble because those who walk in slippery places often slip. Paul said, "Abstain from every form of evil" (1 Thessalonians 5:22). To be successful, avoid unholy company or bad influences. Psalm 1:1 says, "Blessed is the man who walks not in the counsel of the wicked, nor stands in the way of sinners, nor sits in the seat of scoffers."

Birds of the same feather flock together. You will be identified by who or what kind of people you associate with. So if you associate with those who do not follow Christ, there will come a time when you will also no longer follow Christ. And anyone who walks very close to a river is likely to end up inside it.

d) Don't look back. You should forget about past successes and past failures but focus on the goal to avoid any slipping. Paul said, "Brothers, I do not consider that I have made it my own. But one thing I do: forgetting what lies behind and straining forward to what lies ahead, I press on toward the goal for the prize of the upward call of God in Christ Jesus" (Philippians 3:13-14).

e) Don't be overly confident. No one is too big not to fall if not careful. One way to stay standing is to be cautious.

Remember, King David committed adultery when he stayed at home instead of being in the front line of the war. While his soldiers were fighting, King David was lounging in the palace.

Conclusion:
Consistent journey in the Christian life is crucial. As believers, we are encouraged to embrace a consistent journey, understand its significance, and cultivate a desire for it. By staying steadfast in our walk with God, we can face life's challenges and leave a positive mark on our spiritual journey.

"Lord, grant us the strength to remain consistent in our faith, unwavering in our commitment to follow your path. May our actions align with your will, and may our words reflect the love and kindness you bestow upon us.

Lord, in moments of challenge, remind us of your promises and help us persevere. Let your Spirit be our guide, leading us on a consistent journey of growth, compassion, and understanding. Amen." God bless - Pastor Picar

"Sining ng Patatag na Paglalakbay sa Kristiyanong Buhay" (Una sa Dalawang Serye)Mapagpalang Biyernes ng umaga mga kapati...
05/01/2024

"Sining ng Patatag na Paglalakbay sa Kristiyanong Buhay" (Una sa Dalawang Serye)

Mapagpalang Biyernes ng umaga mga kapatid (January 5, 2024)

"Huwag tayong manghinang gumawa ng mabuti, sapagkat sa tamang panahon ay aani tayo kung hindi tayo mag-aatubiling magsikap." - Galacia 6:9

I. Ano ang Patatag na Paglalakbay (Consistent Journey)

Ang Webster Disctionary ay nagbibigay ng kahulugan sa salitang "consistent" bilang: nagtataglay ng pagkakaisa; matibay o coherent – nagtutugma; nasa harmonya; nagkakasundo; kompatibol – nananatili at tuloy-tuloy sa parehong mga alituntunin o gawain.
Kapag iniisip ko ang consistency ay mga salitang: praktis, tuloy-tuloy, pagtitiyaga, determinasyon, at katapatan!

II. Ang Kahalagahan ng Patatag (Consistent) na Paglalakbay

Ang paglalakbay ng Kristiyano ay isang paglalakbay patungo sa kaharian ng Diyos, na nangangailangan ng matibay na patatag na paglakad o "consistency."
Ang paglalakbay ng Kristiyano ay itinutulad sa isang Pilgrim o paglalakbay, at ang patatag (consistent) na paglalakad ay mahalaga, lalo na sa mga panahong malungkot at hindi maunawaan ang mga dinaraanan. Ngunit sa paglalakbay na ito, laging tandan na kasama si Jesus at Siya ang pinagmumulan ng gabay, lakas at tiyak na hindi magbibigay ng ikapagsisisi.

Isa sa mga malaking kagandahan ng pagiging matatag sa Panginoon ay hindi madaling habulin ang isang taong patuloy na gumagalaw at umaabante. "Ang paglalakbay ng isang libong milya ay nagsisimula sa isang maliit na hakbang lamang." Kaya't kung ikaw ay matiyaga, kung patuloy kang maglalakad paabante, kung patuloy kang pabuti nang pabuti, malamang ay iiwan mo sa likod ang iyong mga katunggali. Maging matiyaga at balang araw ay hahanga sila sa'yo, dahil sa iyong consistency. Mag-iiwan ka ng marka kung ikaw ay matiyaga at masipag.

III. Mga Halimbawa ng Consistency

Kapag iniisip ko ang consistency, iniisip ko ang mga taong tulad nina: Noah, Enoch, Abraham, Isaac, Moses, Joseph, Daniel, Juan Bautista, at Apostol Pablo!

Ang mga bayaning tulad nina Enoch at Noah ay nagpapakita ng positibong resulta ng patatag (consistent) na paglalakad. Ito ang dahilan kung bakit sila ay nagtagumpay sa lubhang kasamaan sa kanilang kapanahunan. Hindi lang sila lumakad kasama ang Diyos, kundi lumakad na patatag ng patatag.

Nang si Isaac ay nagsimula sa pagtatanim ng kaunti sa panahon ng taggutom. Nang taon din yin siya ay umani ng isang daang beses sa kanyang itinanim. Nang mas marami siyang itinanim, at gayundin siyang mas maraming inani. At siya ay patuloy sa kanyang pagtatanim at ani, kaya't siya ay umunlad nang umunlad. Pero hindi siya huminto. Siya ay consistent na gayundin na sa loob lamang ng maikli ng panahon, siya ay nakalayo na sa iba na siyang nagdulot ng inggit ng buong bansa. Tandaan na "bagamat mabagal basta tiyak at tuloy-tuloy ang panalo sa karera."

Kilala si Daniel sa Kasulatan bilang isa na tapat, maaasahan, may mabuting espiritu, lalaking maingat, lalaking dumaan sa kuweba ng leon, at isang diplomat!
Kung ano ang ginawa ni Daniel nang dumating ang krisis, ang nagpapakita sa kaniya kung sino siya at Sino ang pinaglilingkuran niya. "Sa oras ng krisis, nalalaman mo kung ano ang tibay ng loob ng isang tao."
Sinabi ng Diyos na si Daniel ay nanalangin tulad ng kanyang ginagawa nang regular bago ang pangyayaring ito. Ang consistency, na isang tatak ng matibay na pamumuno, at gayundin ng seryosong karakter, ay maaaring gamitin para ilarawan si Daniel.

Tandaan, ang ulap ng mga taong patuloy at laging nagloload ng pagtatanim ay mas mabilis na napupuno ng ulan kaysa sa iba. Magpatuloy ka sa pagloload ng iyong ulap; gamitin mo ang bawat pagkakataon na mayroon ka upang magbigay at sa madaling panahon ay darating ang sagana ng ulan.

Sinabi ni Pablo, "huwag tayong manghinang gumawa ng mabuti, sapagkat sa tamang panahon ay aani tayo kung hindi tayo mag-aatubiling magsikap. Kaya't habang may pagkakataon tayo, gawin natin ang mabuti sa lahat, lalo na sa mga kasapi ng sambahayan ng pananampalataya" (Galacia 6:9–10).

Sa susunod na serye ng pagsusuri tungkol sa consistency, tatalakayin natin ang mga mahahalagang payo para sa pagpapanatili nito. Bukod dito, tatalakayin din natin ang mga resulta ng pagkukulang sa patatag (consistency) na ugnayan sa Diyos.

"Panginoon, turuan Mo akong maging matatag at consistent sa paglalakbay na ito. Ipaalala Mo sa akin na Ikaw ay lagi kong kasama sa aking paglalakbay. Amen." God bless - Pastor Picar

English Translation

Title: "The Art of Consistent Journey in Christian Life" (First in a Two-Part Series)

Blessed Friday morning, brothers and sisters (January 5, 2024).

"Do not grow weary of doing good, for in due season we will reap if we do not give up." - Galatians 6:9

I. Understanding Consistent Journey

The Webster Dictionary defines the word "consistent" as: having unity; strong or coherent – matching; in harmony; in agreement; compatible – maintaining the same principles or practices.

When I think of consistency, words like: practice, continuous, perseverance, determination, and faithfulness come to mind!

II. The Significance of Consistent Journey

The Christian journey is a pilgrimage towards the kingdom of God, requiring a firm and consistent walk.
The Christian journey is likened to a Pilgrim's progress, and consistent walking is crucial, especially during challenging and perplexing times. However, in this journey, always remember that Jesus is your companion and the source of guidance, strength, and assurance that will never lead to regret.

One of the great virtues of being steadfast in the Lord is that it's not easy to catch up with someone who keeps moving forward. "A journey of a thousand miles begins with a single step." So, if you persevere, if you keep walking forward, if you continue to improve, you are likely to leave your competitors behind. Be patient, and one day they will admire you for your consistency. You will leave a mark if you are persistent and diligent.

III. Examples of Consistency

When I think of consistency, I think about people like: Noah, Enoch, Abraham, Isaac, Moses, Joseph, Daniel, John the Baptist, and the Apostle Paul!

Heroes like Enoch and Noah show the positive results of consistent walking. That's why they succeeded in an exceedingly evil era. They didn't just walk with God; they walked steadfastly and consistently.

When Isaac started planting a little during a famine, he reaped a hundredfold in due time. The more he planted, the more he harvested. He continued planting and harvesting, consistently progressing. Yet, he didn't stop. He remained consistent, and in a short time, he distanced himself from others, causing envy throughout the land. Remember, "though slow, as long as it's certain and continuous, victory is assured in the race."

Daniel is known in Scriptures as faithful, dependable, endowed with a good spirit, a man of prayer, a man who endured the lion’s den, and a diplomat! Daniel's actions during a crisis reveal who he is and whom he serves. "When crisis comes, you find out what people are made of."
God said Daniel prayed like he consistently did before this adverse situation. Consistency, a hallmark of strong leadership, and also of serious character, can be used to describe Daniel.

Remember, the cloud of people who keep sowing consistently fills up with rain faster than others. Keep loading your cloud; use every opportunity you have to sow, and soon an abundance of rain will come.

As Paul said, "Let us not grow weary of doing good, for in due season we will reap if we do not give up. So then, as we have opportunity, let us do good to everyone, and especially to those who are of the household of faith" (Galatians 6:9–10).

In the next series of reflections on consistency, we will discuss crucial advice for maintaining it. Additionally, we will delve into the consequences of lacking consistency in our relationship with God.

"Lord, teach me to be steadfast and consistent in this journey. Remind me that You are always with me on this path. Amen." God bless - Pastor Picar

Mga Importanteng Pangako sa Diyos sa Taong 2024 (Ikalawa sa Dalawang Serye)Mapagpalang Huwebes ng umaga, mga kapatid (Ja...
04/01/2024

Mga Importanteng Pangako sa Diyos sa Taong 2024 (Ikalawa sa Dalawang Serye)

Mapagpalang Huwebes ng umaga, mga kapatid (January 4, 2024)

"Parangalin mo ang Panginoon ng iyong tinatangkilik, at ng mga unang bunga ng lahat mong ani." - Kawikaan 3:9

Ang pangatlong pangako ay sa 10:31 "Kapag ang kalapit na mga tao ay nagdala ng kalakal o butil upang ibenta sa Araw ng Pamamahinga, hindi kami bibili mula sa kanila sa araw ng Sabado o sa anumang banal na araw. Tuwing ikapitong taon ay tatanggalin namin ang pagtatrabaho sa lupa at kanselahin ang lahat ng mga utang."

3. Parangalin Ang Diyos

Matapos mangako ng Pagpapasakop sa Salita ng Diyos at mamuhay nang hiwalay sa mundo, nanumpa silang tutuparin ang Araw ng Pamamahinga. Ito ay isang araw na nakalaan upang igalang ang Diyos. Ito ay naiiba mula sa natitirang mga araw dahil ito ay ibinibigay sa Diyos sa pagsamba at paglilingkod. Kung ang ating Linggo (sa kanila ay araw ng Sabado) ay kapareho lang ng ibang mga araw sa atin, may isang bagay na hindi tama. Dapat itong italaga sa Diyos upang Siya ay pasalamatan at sambahin.

Kung nag-utos Siya na ipangilin mo ang araw ng Sabbath, Siya ang magsu-supply ng iyong pangangailangan. Kung inuutusan ka Niya na gawin ito, ibibigay Niya ang kailangan mo upang sundin ito. Malinaw sa akin ang alituntunin - ang mga tumalima para magbigay ng parangal sa Kanya sa araw para Siya ay sambahin ay pagpapalain nang sagana. Huminto ka sa pagtratrabaho at magpunta sa bahay ng Diyos upang parangalan mo muna Siya at ikaw ay bibiyayaan Niya ng karagdagan.

At ang panghuli, nangako sila sa talata 32-39:

4. Suportahan ang gawain ng Diyos.

Hindi namin pababayaan muli ang bahay ng aming Diyos, iyon ang kanilang pangako. Sinasabi natin iyan, lagi nating tatandaan ang gawain ng Diyos. Ang mga salitang "bahay ng ating Diyos" ay ginamit ng 8 beses sa seksyong ito. Ang kanilang buhay ay umiikot sa Templo ng Diyos. Lumapit sila sa Kanya kasama ang lahat ng mga uri ng handog - pasasalamat (handog na butil, handog na sinusunog), mga unang bunga (ng mga pananim), at mga ikapu. Dinala nila ang kanilang pera, kanilang mga pananim, kanilang mga hayop, at inilaan pa ang kanilang mga panganay. "Inaako nila ang responsibilidad" para sa mga handog, sinabi nila. Plano ang mga ito ng mga handog, sistematiko, organisado, katimbang at sakripisyo. Ang bawat tao'y may bahagi na gampanan. Ang bawat isa ay nag-aambag sa gawain ng Diyos. Desidido silang gawin iyon at hindi pababayaan ang bahay ng Diyos. Gumagawa sila ng mga pamumuhunan na tumatagal. Gawin din natin ito ngayon. Huwag pabayaan ang simbahan ng Diyos. Palagi nating alalahanin ang gawain ng Diyos.

"Panginoon, turuan Mo akong sumunod sa Iyo, magpasakop sa kalooban Mo, humiwalay sa mundo at sambahin Ka sa tuwina at sumuporta sa gawain Mo. Amen." God bless. - Pr. Picar

English Translation

Important Promises to God for 2024 (2 of 2 Series)

Have a blessed Thursday morning brethren (January 4, 2024)

"Honour the LORD with thy substance, and with the firstfruits of all thine increase." - Proverbs 3:9

The third promise is in 10:31 "When the neighboring people bring merchandise or grain to sell on the Sabbath, we will not buy from them on the Sabbath day or on any holy day. Every seventh year will be removed we will work the land and cancel all debts."

3. Honor God.

After promising submission to God's Word and living apart from the world, they vowed to keep the Sabbath. It is a day set aside to honor God. It is different from the rest of the days because it is given to God in worship and service.

If our Sunday (to them it is Saturday) is just the same as the other days to us, something is wrong. Sunday must be dedicated to God so that He may be thanked and worshiped. If He commands you to keep the Sabbath day, He will supply your needs. If He commands you to do it, He will give you what you need to follow it. The principle is clear to me - those who honor God on the day to worship Him together will be richly blessed. Stop working and go to church so that you can honor Him first and He will bless you with the addition.

And finally, they promise in verses 32-39:

4. Support the work of God

We will never forsake the house of our God, that is their promise. We say that, we will always remember the work of God. The words “house of our God” are used 8 times in this section. Their lives revolve around the Temple of God. They came to Him with all kinds of offerings - thanksgiving, grain offerings, burnt offerings, firstfruits of crops, and tithes. They brought their money, their crops, their animals, and even dedicated their firstborn. “They take responsibility” for the offerings, they said. They plan offerings, systematic, organized, proportionate and sacrificial. Everyone has a part to play. Everyone contributes to the work of God. They are determined to do that and will not forsake the house of God. They make investments that last. Let's do the same now. Do not forsake the church of God. Let us always remember the work of God.

"Lord, teach me to obey You, submit to Your will, separate from the world and worship You always and support Your work. Amen." Bless you. - Pastor Picar

Address

Caloocan

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when UPC Bagumbong TOP posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share