23/08/2026
💗KAPAG MAY PAGKAKAISA POSIBLE ANG PAGLAGO💗
United by one faith, one purpose, and one heart. ❤️🙏
When we stand together in love and unity, we become stronger and can make a greater impact for God’s Kingdom.
Pagkakaisa sa Paglilingkod 🙏❤️
Gawa 6:1–7
Nang magkaroon ng problema sa pamamahagi ng pagkain sa iglesia, hindi hinayaan ng mga apostol na maging dahilan ito ng pagkakahati-hati. Sa halip, nagkaisa sila at pumili ng mga taong may mabuting pangalan, puspos ng Espiritu Santo, at may karunungan upang manguna sa paglilingkod.
Dahil dito, nakapagpatuloy ang mga apostol sa panalangin at pangangaral ng Salita ng Diyos, habang ang iba naman ay tapat na naglilingkod sa pangangailangan ng kapatiran.
✨ May iba’t ibang tungkulin ang bawat isa sa katawan ni Cristo, ngunit iisa ang layunin ang maglingkod sa Diyos, magmahalan, at palaguin ang Kanyang gawain.
Kapag may pagkakaisa sa paglilingkod, mas lalong lumalago ang gawain ng Diyos.🙌