Mary Help of Christians Parish - Diocese of Kalookan

Mary Help of Christians Parish - Diocese of Kalookan Contact information, map and directions, contact form, opening hours, services, ratings, photos, videos and announcements from Mary Help of Christians Parish - Diocese of Kalookan, Catholic Church, J. P. Rizal Street , Maypajo, Caloocan City, Caloocan.
(1)

Welcome to the Official page of MHCP - Diocese of Kalookan, the Home of the Original, Miraculous, and Venerable Image of Maria Auxiliadora, the Blessed Mother, Queen and Patroness of Maypajo!

TINGNAN | Mga kuhang larawan mula sa pagdiriwang ng Banal na Misa sa ika-21 Linggo sa Karaniwang Panahon, ika-22 ng Agos...
23/08/2026

TINGNAN | Mga kuhang larawan mula sa pagdiriwang ng Banal na Misa sa ika-21 Linggo sa Karaniwang Panahon, ika-22 ng Agosto 2026, sa ganap na ika-6:00 ng gabi, sa pangunguna ni Rev. Fr. Kennedy A. Neral, PhD.

Sa Banal na Misang ito, itinalaga ang mga bagong pamunuan ng Parish Pastoral Council ng ating parokya, bilang bahagi ng ating misyon na higit pang maisulong ang pagpapahayag ng Mabuting Balita, ang pagpapalaganap ng debosyon sa ating Mahal Ina, Maria Auxiliadora, ang Reyna at Patrona ng Maypajo, at ang tapat na paglilingkod sa sambayanan ng Diyos.

23/08/2026

LIVE HOLY MASS: August 23, 2026 | 10:30AM | Twenty-first Sunday in Ordinary Time

Presider: Rev. Fr. Paul Nicklaus C. Woo

Maria Auxiliadora, Reyna at Patrona ng Maypajo, ipanalangin mo kami!

¡Viva la Virgen!
¡Viva la Reina y Patrona de Maypajo!

APPOINTMENT: Parish Pastoral Council Executive CommitteeTaos-pusong pagbati sa mga bagong hirang na kasapi ng Parish Pas...
23/08/2026

APPOINTMENT: Parish Pastoral Council Executive Committee

Taos-pusong pagbati sa mga bagong hirang na kasapi ng Parish Pastoral Council Executive Committee ng Parokya ng Maria Auxiliadora!

Bilang tugon sa hangaring higit pang mapalakas ang pagkakaisa at maayos na pagkakaugnay ng mga programang pastoral at liturhikal ng ating parokya, pormal na itinalaga ang mga lingkod na bubuo sa Parish Pastoral Council Executive Committee ngayong ika-22 ng Agosto 2026, kasabay ng paggunita ng Simbahan sa Pagka-reyna ng Mahal na Birheng Maria. Sa kanilang pangunguna, nawa’y higit pang maisulong ang pagpapahayag ng Mabuting Balita, ang pagpapalaganap ng debosyon sa ating Mahal Ina, Maria Auxiliadora, ang Reyna at Patrona ng Maypajo, at ang tapat na paglilingkod sa sambayanan ng Diyos.

Isama natin sila sa ating mga panalangin upang, sa patnubay ng Espiritu Santo, at pamamatnubay ng ating Mahal na Ina, Maria Auxiliadora, ay maisakatuparan nila ang kanilang tungkulin nang may karunungan, katapatan, pagkakaisa, at kababaang-loob, tungo sa higit na kaluwalhatian ng Diyos at ikabubuti ng ating pamayanan.

COMMEMORATES | August 23, 2026 - Twenty-first Sunday in Ordinary TimeSa araw na ito, ipinagdiriwang natin ang Ikadalawam...
22/08/2026

COMMEMORATES | August 23, 2026 - Twenty-first Sunday in Ordinary Time

Sa araw na ito, ipinagdiriwang natin ang Ikadalawampu’t Isang Linggo sa Karaniwang Panahon. Sa pagpapatuloy ng ating paglalakbay sa Taon ng Simbahan, inaanyayahan tayong muling pagnilayan ang ating pananampalataya at ang ating personal na pakikipag-ugnayan kay Hesukristo. Sa pamamagitan ng Banal na Misa at pakikinig sa Salita ng Diyos, tinatawag tayong patuloy na kilalanin, sundin, at ipahayag si Kristo sa ating buhay.

Sa Ebanghelyo ngayong Linggo (Mateo 16, 13–20), itinanong ni Hesus sa kanyang mga alagad: “Sino ako para sa inyo?” Sa pamamagitan ng pananampalataya, ipinahayag ni Simon Pedro: “Ikaw ang Kristo, ang Anak ng Diyos na buhay.” Ang kanyang tugon ay naging isang malinaw na pagpapahayag ng pagkilala at pagtitiwala kay Hesus. Sa kanya rin ipinagkatiwala ni Kristo ang natatanging tungkulin sa Kanyang Simbahan, bilang batong pagtatayuan nito. Sa ating panahon, ang tanong ni Hesus ay nananatiling mahalaga para sa bawat isa sa atin: Sino si Kristo sa aking buhay? Higit sa mga salitang ating binibigkas, ang ating tugon ay dapat makita sa paraan ng ating pamumuhay, pagmamahal, paglilingkod, at paninindigan sa ating pananampalataya.

Nawa’y, sa pagdiriwang ng Ikadalawampu’t Isang Linggo sa Karaniwang Panahon, patatagin tayo ng Panginoon sa ating pananampalataya at bigyan ng lakas na buong tapang na ipahayag si Hesukristo bilang Panginoon at Tagapagligtas. Sa pamamagitan ng biyaya ng Diyos, nawa’y manatili tayong matatag na kaisa ng Kanyang Simbahan at maging tapat na mga saksi ng Kanyang katotohanan, pag-ibig, at awa sa ating kapwa. Amen.

Prayerful Greetings, Most Rev. Deogracias S. Iñiguez, Jr., D.D.!Noong ika-22 ng Agosto 1985, tinanggap ni Most Rev. Deog...
22/08/2026

Prayerful Greetings, Most Rev. Deogracias S. Iñiguez, Jr., D.D.!

Noong ika-22 ng Agosto 1985, tinanggap ni Most Rev. Deogracias S. Iñiguez, Jr., D.D. ang biyaya ng Episkopal na Ordinasyon, na siyang naging simula ng kanyang higit na malawak na paglilingkod sa Simbahan bilang kahalili ng mga Apostol at pastol ng sambayanan ng Diyos. Sa paglipas ng mga taon, buong katapatan niyang ginampanan ang iba’t ibang tungkuling ipinagkatiwala sa kanya, kabilang ang kanyang paglilingkod bilang Auxiliary Bishop ng Malolos at Obispo ng Iba. Nang maitatag ang Diyosesis ng Kalookan noong 2003, siya ang hinirang bilang unang Obispo nito, na naging mahalagang bahagi ng pundasyon at unang mga taon ng paglalakbay ng ating lokal na Simbahan.

Ngayong araw, buong galak at pasasalamat nating ipinagdiriwang at ginugunita ang kanyang ika-41 Anibersaryo ng Episkopal na Ordinasyon. Sa loob ng mahigit apat na dekada ng kanyang paglilingkod bilang obispo, naging bahagi siya ng buhay at misyon ng Simbahan sa pamamagitan ng kanyang makaamang paggabay at tapat na paglilingkod sa sambayanan ng Diyos. Sa isang natatanging paraan, ang kanyang pagiging unang Obispo ng Diyosesis ng Kalookan ay mananatiling mahalagang bahagi ng ating kasaysayan bilang isang pamayanang patuloy na lumalago sa pananampalataya at pakikipag-isa kay Kristo.

Nawa’y, sa pamamagitan ng panalangin ng ating Mahal na Ina, Maria Auxiliadora, Reyna at Patrona ng Maypajo, patuloy siyang biyayaan ng Panginoon ng mabuting kalusugan, lakas, kapayapaan, at masaganang biyaya. Nawa’y patuloy siyang ingatan at samahan ng Diyos, bilang pasasalamat sa kanyang maraming taon ng tapat at mapagkumbabang paglilingkod sa Simbahan at sa sambayanan ng Diyos.

Ad multos annos, Bishop Deo!

HAIL, MARIA AUXILIADORA, THE HEAVENLY QUEEN AND PATRONESS OF MAYPAJO!Today, we joyfully and reverently raise our voices ...
22/08/2026

HAIL, MARIA AUXILIADORA, THE HEAVENLY QUEEN AND PATRONESS OF MAYPAJO!

Today, we joyfully and reverently raise our voices in honor of the Blessed Virgin Mary through the Ave Regina Caelorum, an ancient hymn of the Church that proclaims her as the Queen of Heaven and the Lady of Angels. As we offer this Marian hymn of praise, we also honor Maria Auxiliadora, the Heavenly Queen and Patroness of Maypajo, whose maternal care continues to lead her children closer to Christ.

The Ave Regina Caelorum is one of the four traditional Marian antiphons of the Catholic Church. It is a hymn of praise that honors the Blessed Virgin as Queen, in recognition of her unique participation in the saving mission of her Son, Jesus Christ. Her queenship is not one of worldly power, but is rooted in her faithful obedience to the will of God and her humble cooperation in the mystery of salvation. As we sing this hymn, may we be reminded that Mary, our loving Mother, always points us toward Christ, the true source of our hope and salvation.

Maria Auxiliadora, Heavenly Queen and Patroness of Maypajo, intercede for us. May your maternal care lead us to a deeper love for Christ and strengthen us to remain faithful to His Gospel. As we honor you as our Queen and Mother, may our parish community continue to grow in faith, unity, and loving service, always finding in you a sure guide who leads us ever closer to your Son, our Lord Jesus Christ. Amen.

¡Viva la Virgen!
¡Viva la Reina y Patrona de Maypajo!

MEMORIAL | August 22, 2026 - Queenship of the Blessed Virgin MarySa araw na ito, ginugunita natin ang Pagka-reyna ng Mah...
21/08/2026

MEMORIAL | August 22, 2026 - Queenship of the Blessed Virgin Mary

Sa araw na ito, ginugunita natin ang Pagka-reyna ng Mahal na Birheng Maria. Sa pagdiriwang na ito, kinikilala ng Simbahan ang Mahal na Birhen bilang Reyna ng Langit at Lupa, na itinaas sa ganitong dangal dahil sa kanyang natatanging pakikiisa sa kanyang Anak na si Hesukristo, ang Hari ng Sanlibutan. Sa ating pamayanang Maypajo, ang paggunita ay nagiging higit na makabuluhan sapagkat buong pusong kinikilala at pinararangalan natin si Maria Auxiliadora bilang ating Makalangit na Reyna at Patrona, na patuloy na nag-aaruga at umaakay sa atin tungo kay Kristo.

Ang paggunita sa Pagka-reyna ng Mahal na Birheng Maria ay itinatag ni Papa Pio XII noong 1954 sa pamamagitan ng encyclical na Ad Caeli Reginam. Ang kanyang pagiging Reyna ay nakaugat sa kanyang pagiging Ina ni Hesukristo, ang Hari ng mga Hari, at sa kanyang tapat na pakikiisa sa gawain ng pagliligtas ng kanyang Anak. Ipinakikita rin ng kanyang pagiging Reyna na ang tunay na dangal ay nasusumpungan hindi sa kapangyarihan, kundi sa kababaang-loob, paglilingkod, at ganap na pagtugon sa kalooban ng Diyos. Bilang mga mananampalataya, inaanyayahan tayong tularan ang mga halimbawa ni Maria at hayaan siyang akayin tayo tungo sa isang mas malalim na pakikipag-isa kay Hesukristo.

Nawa’y, sa pamamagitan ng maka-inang pamamagitan ng Mahal na Birheng Maria, ay patuloy tayong gabayan at ingatan sa ating paglalakbay sa pananampalataya. Sa ilalim ng kanyang pagkalinga bilang Reyna ng Langit at Lupa, at lalo na sa titulong Maria Auxiliadora, ang ating Minamahal na Reyna at Patrona, nawa’y manatili tayong tapat sa kanyang Anak at maging mga saksi ng Kanyang pag-ibig sa ating pamayanan. Amen.

Maria Auxiliadora, Inang Mapag-ampon sa mga Kristiyano, ang Makalangit na Reyna at Patrona ng Maypajo, ipanalangin mo kami!

¡Viva la Virgen!
¡Viva la Reina y Patrona de Maypajo!

MEMORIAL | August 21, 2026 - Saint Pius X, PopeNgayong araw, Agosto 21, ginugunita ng Simbahan ang si San Pio X, Papa, i...
20/08/2026

MEMORIAL | August 21, 2026 - Saint Pius X, Pope

Ngayong araw, Agosto 21, ginugunita ng Simbahan ang si San Pio X, Papa, isang masigasig na pastol na buong katapatan na naglingkod bilang Santo Papa mula 1903 hanggang 1914. Inialay niya ang kanyang buhay sa pagpapabanal ng mga mananampalataya, sa pagpapalalim ng buhay pananampalataya, at sa pagtataguyod ng wastong pagdiriwang at pakikibahagi sa Banal na Eukaristiya.

Si San Pio X, na isinilang bilang Giuseppe Melchiorre Sarto noong 1835, ay naging pari, obispo, patriarka ng Venice, at kalaunan ay nahalal na Papa noong 1903. Bilang Santo Papa, binigyang-diin niya ang kahalagahan ng wastong katesismo, matatag na doktrina, at mas aktibong pakikibahagi ng mga mananampalataya sa buhay liturhikal, lalo na sa Banal na Eukaristiya. Sa kanyang halimbawa, ipinapaalala sa atin na ang tunay na paglago sa pananampalataya ay nangangailangan ng malalim na pagkakilala kay Kristo at tapat na pagsasabuhay ng Kanyang mga aral.

Nawa’y sa pamamagitan ng pananalangin at pamamagitan ni San Pio X, Papa, lumalim ang ating pagmamahal kay Kristo at sa Kanyang Simbahan. Hinihiling natin na turuan niya tayong maging matapat sa ating pananampalataya, masigasig sa pakikibahagi sa Banal na Eukaristiya, at handang maglingkod sa kapwa. Sa kanyang halimbawa ng kababaang-loob, katapatan, at malasakit sa kawan ng Diyos, nawa’y maging matatag din tayo sa pagsunod kay Kristo at sa patuloy na pagpapabanal ng ating buhay. Amen.

BUWANANG PAMIMINTUHO - August 24, 2026Bilang bahagi ng ating misyon na palaganapin ang debosyon sa Orihinal, Mapaghimala...
20/08/2026

BUWANANG PAMIMINTUHO - August 24, 2026

Bilang bahagi ng ating misyon na palaganapin ang debosyon sa Orihinal, Mapaghimala at Pinipintuhong Imahen ng Maria Auxiliadora, ang Reyna at Patrona ng Maypajo, malugod na inaayayahan ang lahat ng mananampalataya at deboto sa ating Buwanang Pamimintuho sa ating Mahal na Ina, Maria Auxiliadora sa ika-24 ng Agosto 2026.

Ang pagdedebosyon ay sisimulan sa pamamagitan ng pagdarasal ng Santo Rosaryo sa ganap na ika-10:00 ng umaga at pagnonobena sa ika-10:30 ng umaga. Ito ay susundan ng Banal na Misa at Pagpapahid ng Banal na Langis sa ganap na ika-11:00 ng umaga.

Nawa’y patuloy nating ipamalas ang ating walang sawang pagsinta at pamimintuho sa ating Mahal na Ina na siyang gumagabay sa ating pamayanan sa Maypajo at patuloy na naglalapit sa ating tungo sa kanyang Anak na si Hesus.

Panalangin at Pagtatalaga sa Mahal na Birhen

O Kalinis-linisang Birheng Maria, niloob ng Diyos na ikaw ay maging Tagapag-ampon ng mga Kristiyano. Ngayon ay itinatalaga at iniuukol namin ang aming sarili at ang aming parokya sa iyong kalinis-linisang puso. Pangalagaan mo, Inang kaibig-ibig, ang aming abang buhay. Pabanalin mo kami na sa iyo'y nagmamahal. llayo mo kami sa anumang kapahamakan: sa bawa't nakapipinsalang sunog, baha, kidlat at lindol, sampu ng mga magnanakaw at masasamang-loob. Pagpalain at patnubayan mo kami sa lahat ng sandali. Pagindapatin mo kaming lahat, narito man o wala, ay mailigtas sa lahat ng masasamang palad. At higit sa lahat, ipag-adya mo kaming lahat sa tukso at kasalanan. Ikaw sana ay maging reyna ng aming buhay, na magmula ngayon ay iyong-iyo, magpasawalang-hanggan. Amen.

Maria Auxiliadora, Inang Mapag-ampon sa mga Kristiyano, ipanalangin mo kami!

¡Viva la Virgen!
¡Viva la Reina y Patrona de Maypajo!

MEMORIAL | August 20, 2026 - Saint Bernard, AbbotSa araw na ito, Agosto 20, ginugunita ng Simbahan si San Bernardo ng Cl...
19/08/2026

MEMORIAL | August 20, 2026 - Saint Bernard, Abbot

Sa araw na ito, Agosto 20, ginugunita ng Simbahan si San Bernardo ng Clairvaux, Abad at Doktor ng Simbahan. Siya ay nakilala sa kaniyang malalim na pagmamahal sa Diyos, buhay-panalangin, at masigasig na paglilingkod sa Simbahan.

Si San Bernardo ay nabuhay noong ika-11 at ika-12 siglo at naging Abad ng monasteryo ng Clairvaux sa murang edad. Bilang isang Cistercian, isinabuhay niya ang disiplina ng panalangin at pagmumuni-muni, kasabay ng masigasig na pangangaral at paglilingkod sa bayan ng Diyos. Bilang g**o ng pananampalataya, malinaw niyang itinuro ang kahalagahan ng pag-ibig sa Diyos, kababaang-loob, at tapat na pamumuhay bilang Kristiyano. Ang kaniyang halimbawa ay paalala sa atin na ang tunay na pananampalataya ay hindi lamang nananatili sa panalangin, kundi naipapakita rin sa masigasig na paglilingkod at pagsunod sa kalooban ng Diyos.

Nawa’y sa pamamagitan ng panalangin at pamamagitan ni San Bernardo, Abad at Pantas ng Simbahan, pag-alabin ng Panginoon sa ating mga puso ang masidhing pag-ibig sa Kaniya at sa Kaniyang Simbahan. Nawa’y matutuhan nating tularan ang kaniyang kababaang-loob, katapatan sa pananalangin, at sigasig sa paglilingkod, upang sa bawat araw ay maging tunay tayong mga anak ng liwanag at mga saksi ng pag-ibig ni Kristo. Amen.

Address

J. P. Rizal Street , Maypajo, Caloocan City
Caloocan
1400

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Mary Help of Christians Parish - Diocese of Kalookan posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share