25/05/2026
Miss Global 2025 finalist-Venezuela , Andrea del Val is making headlines worldwide matapos lumabas ang viral video niya na duguan habang nasa Cannes, France! Ang may gawa lang naman neto ay ang kanyang sariling hairstylist na si Giovanni Laguna. Pero alam nyo ba na mas lalong gumulo ang issue? Kasi ang celebrity hairstylist na si Giovanni ay may sariling version na rin ng nangyari.
Sa una kasing reports, marami agad ang naniwalang intentional assault ang nangyari matapos makita si Andrea na umiiyak at sugatan sa loob ng hotel room. Pero ngayon, nagsalita na si Giovanni at sinabing HINDI niya raw intensyong saktan si Andrea. Ayon sa kanya, nagkaroon daw sila ng heated argument tungkol sa cellphone na ginagamit sa pagre-record ni Andrea. At habang sinusubukan daw niyang kunin ang phone, natapilok umano siya at aksidenteng tumama ang ulo ni Andrea sa isang camera light o lighting equipment sa loob ng kwarto.
So ngayon, hati talaga ang netizens. May mga naniniwalang aksidente lang ito… pero marami rin ang nagtatanong: kung simpleng aksidente lang, eh bakit sobrang gulo ng eksena, nagkalat ang mga gamit at bakit umabot pa sa police intervention?
At honestly, ito yung klase ng issue na reminder na hindi natin dapat agad gawing “final truth” ang unang viral clip lang. Kasi minsan, isang video lang ang nakikita ng publiko pero hindi pa buong pangyayari. Pero at the same time, importante rin na seryosohin ang anumang injury o alleged violence... accidental man o intentional lalo na't kapag umabot na sa bloodied injuries at police investigation.
Sa ngayon, ongoing pa rin ang imbestigasyon ng French authorities habang hinihintay ng publiko kung ano talaga ang totoong nangyari sa loob ng hotel room na iyon. Pero isang bagay lang ang sigurado sa ngayun… sa likod ng glamor ng Cannes at pageant world, may mga drama at tensyon palang hindi nakikita sa red carpet.