28/06/2024
GABAY SA ARAW NA ITO
June 29, 2024 Sabado@bsumc
[email protected]
For Church building fund donation: BPI Account Name: Bagong Silang United Methodist Church (BSUMC) Account no.: 0431016311
MATEO 7:15-20 Noong panahong iyon, sinabi ni Hesus sa kanyang mga alagad, "Mag-ingat kayo sa mga bulaang propeta; nagsisilapit sila sa inyo na animo'y tupa, ngunit ang totoo'y mababangis na a*ong-gubat. Makikilala ninyo sila sa kanilang mga gawa. Napipitas ba ang ubas sa punong dawag, o ang igos sa puno ng aroma? Nagbubunga ng mabuti ang bawat mabuting punongkahoy, subalit nagbubunga ng masama ang punongkahoy. Hindi maaaring magbunga ng masama ang mabuting punongkahoy, ni ng mabuti ang masamang punongkahoy. Ang bawat puno na di nagbubunga ng mabuti ay pinuputol at itinatapon sa apoy. Kaya nga, makikilala ninyo sa kanilang mga gawa ang mga bulaang propeta."
MAGNILAY: Hindi lahat ng nagpapahayag ng salita ng Diyos ay propeta na nga. Kung wala kang naman seryosong plano at intensyon na isabuhay ito isa ka lang bulaang propeta. Ginagamit mo lang ang salita ng Diyos para magpasikat, magpabilib, magpapogi at kumita pero wala ang tunay na malasakit ng isang pastol na ang hangad ay lumusog ang kanyang mga tupa sa karunungan ng Diyos. Inaakala mo na habambuhay kang makalulusot pero hindi. Hindi maitatago ang masamang motibo. Lalabas at lalabas ito sa bunga. At hinding-hindi mamumunga ng mabuti ang masamang puno. Isang palatandaan ng bulaang propeta ay dahil sa iyo nalayo ang marami sa Diyos imbes na nailapit.
MANALANGIN: Panginoon, huwag mong ipahintulot na maging dahilan ako upang lumayo ang marami sa iyo.
GAWIN: Huwag mong lokohin ang sarili mo at ang iba na propeta ka ng salita ng Diyos.