21/04/2026
Mga ka-parokya, sa araw na ito, Abril 21, ay inaalala natin ang Unang Anibersaryo ng pagpanaw ni Papa Francisco (o mas kilala natin bilang Lolo Kiko), sa edad na 88 sa kanyang tirahan sa Casa Santa Marta sa Vatican.
Hindi natin makakalimutan na sa kanyang pagdalaw dito sa Pilipinas noong Enero 2015 dahil naglaan siya ng panahon na bumisita sa Tacloban upang kamustahin ang mga kababayan natin na nasalanta ng Super Typhoon Yolanda sa kabila ng banta ng masamang panahon. Sa kanyang pagbisita, binigyang-diin niya ang awa, katarungang panlipunan, pag-aalaga sa mahihirap, at pangangalaga sa kalikasan. Ang kanyang presensya ay nagbigay ng inspirasyon sa pananampalataya, pag-asa, at pagkakaisa sa buong bansa.
Eternal rest grant unto Pope Francis, O Lord, and let your perpetual light shine upon him. May his soul rest in peace. Amen.
Pope Francis died on Monday, April 21, 2025, at the age of 88 at his residence in the Vatican's Casa Santa Marta.