Saint Padre Pio Parish - DioNova

Directions Contact the place of worship

Saint Padre Pio Parish - DioNova Ang opisyal na pahina sa Facebook ng Parokya ng San Padre Pio ng Diyosesis ng Novaliches

October is the Month of the Holy Rosary 🙏🏻
04/10/2026

October is the Month of the Holy Rosary 🙏🏻

03/10/2026

LIVE | 27th Sunday In Ordinary Time | Patronal Mass | October 04, 2026 | 7:30 AM

𝒌𝒂-𝑷𝒊𝒐! 𝑳𝑰𝑲𝑬, 𝑺𝑯𝑨𝑹𝑬 𝒐𝒓 𝑾𝑨𝑻𝑪𝑯 𝑷𝑨𝑹𝑻𝒀 𝒕𝒉𝒊𝒔 𝑳𝑰𝑽𝑬 𝑴𝑨𝑺𝑺 & 𝒃𝒆 𝒂𝒏 𝑶𝑵𝑬𝑳𝑰𝑵𝑬 𝑬𝑼𝑪𝑯𝑨𝑹𝑰𝑺𝑻𝑰𝑪 𝑴𝑰𝑺𝑺𝑰𝑶𝑵𝑨𝑹𝑰𝑬𝑺 𝒐𝒇 𝑪𝑯𝑹𝑰𝑺𝑻!
PLEASE FOLLOW, LIKE AND SHARE: https://www.facebook.com/

03/10/2026

𝐌𝐀𝐊𝐈𝐈𝐒𝐀 | mula sa Roman Catholic Bishop of Novaliches - Tahanang Pari, Diyosesis ng Novaliches.

Ang Pagdiriwang ng Banal na Eukaristiya ngayong Ika-27 Linggo sa Karaniwang Panahon
na pangungunahan ng Obispo ng Diyosesis ng Novaliches, Lubos na Kagalang-galang ROBERTO O. GAA, D. D.



(Disclaimer: The Roman Catholic Diocese of Novaliches does not claim ownership of the music used. All rights belong to the rightful owner. No copyright infringement is intended.

KAPISTAHAN NI SAN FRANCISCO NG ASSISI | 4 OKTUBRE“Panginoon, gawin Mo akong kasangkapan ng Iyong kapayapaan.”Sa pagdiriw...
30/09/2026

KAPISTAHAN NI SAN FRANCISCO NG ASSISI | 4 OKTUBRE
“Panginoon, gawin Mo akong kasangkapan ng Iyong kapayapaan.”

Sa pagdiriwang natin kay San Francisco ng Assisi, inaanyayahan tayong balikan hindi lamang ang kanyang buhay, kundi ang kanyang Transitus—ang kanyang mapayapang pagpanaw mula sa buhay na ito tungo sa tahanan ng Ama noong 3 Oktubre 1226.

Ang Transitus ay nangangahulugang “pagpasa” o “pagtawid.” Para kay San Francisco, ang kamatayan ay hindi wakas kundi isang huling pagtawid patungo sa Diyos. Kaya tinawag niya itong “Sister Bodily Death”—isang kapatid na kamatayan na kanyang hinarap nang may pananampalataya, kapayapaan, at pagtitiwala sa Panginoon.

Ngayong 2026, ipinagdiriwang natin ang 800th Centenary of the Transitus of Saint Francis. Kaugnay nito, kung saan ipinahayag ni Pope Leo XIV ang isang Special Jubilee Year of Saint Francis mula 10 Enero 2026 hanggang 10 Enero 2027. Ito ang rurok ng paglalakbay ng Franciscan Centenary—mula sa Rule at Greccio, sa Stigmata, sa Canticle of the Creatures, hanggang sa kanyang Transitus. Layunin nitong muling hikayatin ang mga Kristiyano na mamuhay sa kabanalan at maging mga saksi ng kapayapaan.
Sa Pilipinas, opisyal ding binuksan ng Franciscan Family ang pagdiriwang ng ika-800 anibersaryo noong Enero 2026.

Ngayong Kapistahan ni San Francisco, halina't sama-sama nating alalahanin ang kanyang buhay, ang kanyang kapayapaan, at ang kanyang huling pagtawid patungo sa Diyos.

Nawa’y matutuhan nating yakapin ang buhay nang may kababaang-loob, magmahal nang may malasakit, makipagkasundo, pangalagaan ang sangnilikha, at sa huli, tulad ni Francisco, ay makapagsabi: “Laudato si’, mi Signore…”

San Francisco ng Assisi, ipanalangin mo kami.

Panginoon, gawin Mo kaming mga kasangkapan ng Iyong kapayapaan.

Pax et Bonum! Peace and all good! Kapayapaan at pawang kabutihan sa lahat!





BUWAN NG SANTO ROSARIO |Nuestra Señora del Santísimo Rosario, Virgen de Gracias de Caloocan Sa banal na buwan ng Santo R...
30/09/2026

BUWAN NG SANTO ROSARIO |
Nuestra Señora del Santísimo Rosario, Virgen de Gracias de Caloocan

Sa banal na buwan ng Santo Rosario, halina’t sama-sama tayong manalangin kasama ni Maria. Sa bawat butil ng Rosaryo, ialay natin sa Diyos ang ating mga puso, pamilya, mga pangangailangan, at mga pasasalamat, habang tahimik na pinagninilayan ang buhay ni Kristo.

Sa paggunita ng kapistahan ng Mahal na Ina ng Grasya sa ika- 800 taon ng Transitus ni San Francisco de Asis, nawa’y matutuhan nating mamuhay sa panalangin, pagpapakumbaba, pag-ibig, at ganap na pagtitiwala sa Diyos.

“Hail, O Lady, Holy Queen,
Mary, holy Mother of God:
you are the virgin made church
and the one chosen by the most holy Father in heaven
whom He consecrated with His most holy beloved Son
and with the Holy Spirit the Paraclete,
in whom there was and is
all the fullness of grace and every good.
Hail, His Palace!
Hail, His Tabernacle!
Hail, His Home!
Hail, His Robe!
Hail, His Servant!
Hail, His Mother!
And, hail all you holy virtues
which through the grace and light of the Holy Spirit
are poured into the hearts of the faithful
so that from their faithless state
you may make them faithful to God.”

- Salutation of the Blessed Virgin Mary by St. Francis of Assisi

Halina’t manalangin. Halina’t mag-Rosaryo. Halina’t manatili sa piling ni Maria, at kasama niya’y mas lalong lumapit kay Kristo.

“The family that prays together stays together. A world at prayer is a world at peace”

- Fr Patrick Peyton, the “Rosary Priest”

Nuestra Señora del Santísimo Rosario, Virgen de Gracias de Caloocan ipanalangin mo kami!





Setyembre 29, 2026 | Kapistahan ng mga Arkanghel San Miguel, San Gabriel at San RafaelBanal na Misa | 6:00 NG*Panalangin...
29/09/2026

Setyembre 29, 2026 | Kapistahan ng mga Arkanghel San Miguel, San Gabriel at San Rafael

Banal na Misa | 6:00 NG

*Panalangin sa Kapistahan nina San Miguel, San Gabriel at San Rafael*

Sa ngalan ng Ama, Anak at Espiritu Santo. Amen

Ama naming mapagmahal, sa araw na ito ng kapistahan nina San Miguel, San Gabriel, at San Rafael, nagpapasalamat kami sa Iyong walang hanggang pagmamahal at paggabay.

San Miguel Arkanghel, tagapagtanggol ng bayan ng Diyos, ipanalangin mo kami at ipagtanggol laban sa lahat ng kasamaan, tukso, at panganib. Bigyan mo kami ng katatagan at tapang upang manatiling tapat sa Diyos.

San Gabriel Arkanghel, tagapagdala ng Mabuting Balita,
turuan mo kaming makinig sa tinig ng Diyos at buong pagpapakumbabang tumugon sa Kanyang tawag.
Tulungan mo kaming maging mga tagapaghatid ng pag-asa, pag-ibig, at Mabuting Balita sa aming kapwa.

San Rafael Arkanghel, tagapaggabay at instrumento ng pagpapagaling ng Diyos,
samahan mo kami sa bawat paglalakbay ng aming buhay.
Ipanalangin mo ang mga maysakit, mga nangangailangan ng kagalingan, at ang lahat ng dumaraan sa mabibigat na pagsubok.

O Panginoon, sa pamamagitan ng panalangin nina San Miguel, San Gabriel, at San Rafael, patuloy Mo kaming gabayan, protektahan, at palakasin.

Nawa'y maging matatag kami sa pananampalataya, mapagpakumbaba sa paglilingkod, at laging handang tumugon sa Iyong kalooban.

San Miguel, San Gabriel, at San Rafael, mga banal na Arkanghel,
ipanalangin ninyo kami.

Sa ngalan ng Ama, Anak at Espiritu Santo. Amen

Maringal na Prusisyon | Setyembre 23, 2026
28/09/2026

Maringal na Prusisyon | Setyembre 23, 2026





Address

Bagumbong Road, Barangay 171
Caloocan
1401

Opening Hours

Tuesday 9am - 5pm
Wednesday 9am - 5pm
Thursday 9am - 5pm
Friday 9am - 5pm
Saturday 9am - 5pm
Sunday 9am - 6pm

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Saint Padre Pio Parish - DioNova posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Place Of Worship

Send a message to Saint Padre Pio Parish - DioNova:

Shortcuts

Share