03/10/2023
Magandang gabi po mga kaibigan, kapatid, kapamilya, kapuso, kakilala at kung ano2x pa!
Ako po ay kumakatok sainyong mga puso at nag babakasakali na inyong magustuhan or ma tripan na bumili ng Peanut spread na aming itinitinda (For A Cause) sa halagang 150.00 at ang lahat po ng mapag bebentahn ay para po sa pambili ng gamot at pambayad sa hospital ng ate ng aking asawa. Ang name niya po ay Jazmine Aguirre. Kasalukuyan siyang nasa QualiMed hospital sa Bulacan at siya ay nasa ICU parin hanggang ngayon mula pa nuong August 21. Siya po ay naoperahan sa utak dahil sa pumutok na ugat at na stroke narin. Kasama narin ang mga hindi inaasahang komplikasyon katulad ng Sa Baga, Aeorta, Kidney at Puso๐ข
Sa ganitong bagay ko lang alam na pwede makatulong sa knilang pamilya sa kadahilnang said na ang bulsa at lahat ng pwedeng mahingian ng tulong sa iba't ibang ahensya ng Gobyerno ay nahingian narin ng tulong.
Nais ko lamang po ipaalala na ito ay hindi po sapilitan๐ ako lng po ay nag aalok๐
Maraming maraming salamat po in advance at pagpalain kayo ng Panginoon at ibalik niya sainyo ng siksik liglig at nag uumapaw.
God bless!
Peanut Spread for a Cause๐๐ผ