SRCP Basic Ecclesial Communities

Directions

SRCP Basic Ecclesial Communities Contact information, map and directions, contact form, opening hours, services, ratings, photos, videos and announcements from SRCP Basic Ecclesial Communities, Catholic Church, A. Mabini St. , corner 10th Avenue, Caloocan City, Caloocan.

TINGNAN | October 07, 2026, taimtim na ipinagdiwang ng Kapilya ng Our Lady of Most Holy Rosary ang kanilang Kapistahan s...
08/10/2026

TINGNAN | October 07, 2026, taimtim na ipinagdiwang ng Kapilya ng Our Lady of Most Holy Rosary ang kanilang Kapistahan sa pamamagitan ng Banal na Misa ginanap alas-4:00 ng hapon bilang bahagi ng kanilang pagpupugay at pasasalamat sa kanilang patron.

Bilang bahagi rin ng pagdiriwang, pormal na ipinakilala ang bagong hanay ng mga opisyal ng kapilya na magsisilbing katuwang ng pamayanan sa pagpapatuloy ng mga gawain at programa para sa ikauunlad ng komunidad at ng Simbahan.

Nagkaisa ang buong pamayanan sa pagdiriwang na ito bilang pagpapahayag ng kanilang pananampalataya, debosyon, at pasasalamat sa mga biyayang natatanggap.

Patuloy nawa nating pagyamanin ang diwa ng pagkakaisa at pananampalataya bilang isang sambayanang naglalakbay kasama si Kristo, sa gabay at pamamagitan ni Our Lady of Most Holy Rosary.





๐—ง๐—ถ๐—ป๐—ด๐—ป๐—ฎ๐—ป | ๐๐š๐ง๐š๐ฅ ๐ง๐š ๐Œ๐ข๐ฌ๐š โ›ช  Ngayong Araw, matagumpay na idinaos ang banal na misa ng Kapilya ni San Antonio De Padua sa g...
06/10/2026

๐—ง๐—ถ๐—ป๐—ด๐—ป๐—ฎ๐—ป | ๐๐š๐ง๐š๐ฅ ๐ง๐š ๐Œ๐ข๐ฌ๐š โ›ช

Ngayong Araw, matagumpay na idinaos ang banal na misa ng Kapilya ni San Antonio De Padua sa ganap na ika-7 ng gabi.

Nag daos ng banal na misa ang komunidad ng San Antonio De Padua upang manalangin, umawit, at makinig sa Salita ng Diyos.
Naging makabuluhan ang pagdiriwang na ito bilang patotoo ng ating pagkakaisa at pananampalataya.

Nawaโ€™y patuloy tayong gabayan ng Diyos sa ating paglalakbay bilang isang buhay na pamayanang Kristiyano. ๐Ÿ™




๐“๐ข๐ง๐ ๐ง๐š๐ง | ๐๐ข๐›๐ฅ๐ข๐š๐ซ๐š๐ฌ๐š๐ฅ ๐ฌ๐š ๐Š๐จ๐ฆ๐ฎ๐ง๐ข๐๐š๐ ๐ง๐  ๐. ๐™๐š๐ฆ๐จ๐ซ๐š๐Ÿ“–Kahapon, isinagawa ang bibliyarasal sa komunidad ng Sangandaan, Kapilya ...
06/10/2026

๐“๐ข๐ง๐ ๐ง๐š๐ง | ๐๐ข๐›๐ฅ๐ข๐š๐ซ๐š๐ฌ๐š๐ฅ ๐ฌ๐š ๐Š๐จ๐ฆ๐ฎ๐ง๐ข๐๐š๐ ๐ง๐  ๐. ๐™๐š๐ฆ๐จ๐ซ๐š๐Ÿ“–

Kahapon, isinagawa ang bibliyarasal sa komunidad ng Sangandaan, Kapilya ng Poong Hesus Nazareno kung saan sama-samang nagtipon ang mga miyembro ng komunidad upang magnilay at makinig sa Salita ng Diyos.

Sa pamamagitan ng pagninilay, nagkaroon ng pagkakataon ang bawat isa na mas mapalalim ang kanilang pananampalataya at maiugnay ang mensahe ng salita ng Diyos sa kanilang pang-araw-araw na buhay.

Nawaโ€™y patuloy na maging daan ang pagtitipon na ito upang magkaisa, lumago sa pananampalataya, at maging mas aktibo sa paglilingkod ang bawat miyembro ng komunidad.



TIGNAN | BEC BIG DAY 2026Narito ang ilang mga larawan sa naging kaganapan kahapon sa BEC BIG DAY. Tema: Kaibigan, Kalakb...
04/10/2026

TIGNAN | BEC BIG DAY 2026

Narito ang ilang mga larawan sa naging kaganapan kahapon sa BEC BIG DAY.

Tema: Kaibigan, Kalakbay, Ka-misyon

Kahapon ay ginanap ang taunang pagtitipon ng Basic Ecclesial Communities ng ating Dioceses. Ang pagbuo ng bagong simbahan sa komunidad ay ang tugon ng ating simbahan upang mapag-ugnay ang bawa't isa sa pananampalataya sa ating Panginoon. Ang misyon ng simbahan ay misyon ng komunidad, ang pagtugon ay pakikilakbay at pakikipagkaibigan upang mapayabong ang pananampalataya at sama samang tumungo sa kabanalan.

"Hayaan natin ang Diyos na tumanglaw sa mga karanasan nating madidilim. Ang alagad na sinusugo ng Panginoon, ay ang kinatawan ng Panginoon." - Cardinal "Ambo" David.




SYNODAL ASSEMBLY 2026Oktubre 2, 2026Isang makabuluhan at pinagpalang araw ng pagtitipon ang matagumpay na ginanap para s...
02/10/2026

SYNODAL ASSEMBLY 2026
Oktubre 2, 2026

Isang makabuluhan at pinagpalang araw ng pagtitipon ang matagumpay na ginanap para sa Synodal Assembly 2026 ng San Roque Cathedral Parish. Layunin nitong higit na patatagin ang diwa ng pananampalataya, pagkakaisa, pakikipagkapwa, at sama-samang paglilingkod ng mga Basic Ecclesial Communities (BEC), volunteers, organisasyon, at iba't ibang komunidad ng ating parokya.

Naging sentro ng pagtitipon ang pagtalakay sa โ€œMga Responsibilidad ng mga Barangay Officials at SK Officialsโ€, na pinangunahan ni Bro. Jonathan De Vera. Sa pamamagitan ng talakayang ito, nabigyang-diin ang kahalagahan ng pag-unawa sa mga tungkulin, pananagutan, at responsibilidad ng mga lingkod-bayan sa kanilang komunidad, lalo na sa pagsusulong ng kapakanan, partisipasyon, at pag-unlad ng bawat pamayanan.

Higit pa sa isang simpleng pagtitipon, ang Synodal Assembly ay naging pagkakataon upang makinig, matuto, magbahagi, at magkaisa bilang isang sambayanan. Sa sama-samang pagkilos ng Simbahan at komunidad, mas napagtitibay ang ating paninindigan na ang tunay na paglilingkod ay nagsisimula sa malasakit, pakikipag-ugnayan, at pagkalinga sa kapwa.

Taos-puso rin kaming nagpapasalamat sa lahat ng BEC, volunteers, organisasyon, barangay representatives, SK representatives, at sa bawat indibidwal na naglaan ng kanilang oras, kakayahan, at tapat na paglilingkod upang maisakatuparan ang gawaing ito. Ang inyong dedikasyon, pakikiisa, at malasakit ang naging daan upang maging mabunga, makahulugan, at matagumpay ang ating pagtitipon.

Nawaโ€™y patuloy tayong maging isang Simbahang nakikinig, nagkakaisa, at sama-samang kumikilos para sa kapakanan ng ating mga pamayanan. Nawaโ€™y patuloy ding pagpalain ng Panginoon ang bawat BEC, volunteer, organisasyon, at pamilya ng ating parokya, at manatiling buhay sa ating puso ang diwa ng pagkakaisa, pananampalataya, at paglilingkod.

Sama-sama sa paglalakbay. Sama-sama sa paglilingkod. Sama-sama bilang Simbahan. ๐Ÿ™๐Ÿป

credits: SRC Soccom








๐—ง๐—œ๐—ก๐—š๐—ก๐—”๐—ก | ๐—•๐—˜๐—– ๐—๐—ผ๐—ถ๐—ป๐˜€ ๐—™๐—ถ๐—ฒ๐˜€๐˜๐—ฎ ๐—™๐—ฒ๐—น๐—น๐—ผ๐˜„๐˜€๐—ต๐—ถ๐—ฝ ๐—ก๐—ถ๐—ด๐—ต๐˜ ๐—ฎ๐—ป๐—ฑ ๐—–๐—น๐—ฎ๐—ถ๐—บ๐˜€ ๐˜๐—ต๐—ฒ ๐—–๐—ต๐—ฎ๐—บ๐—ฝ๐—ถ๐—ผ๐—ป๐˜€๐—ต๐—ถ๐—ฝ! ๐ŸคŽ๐Ÿ‘‘The Basic Ecclesial Community joined the Fies...
27/09/2026

๐—ง๐—œ๐—ก๐—š๐—ก๐—”๐—ก | ๐—•๐—˜๐—– ๐—๐—ผ๐—ถ๐—ป๐˜€ ๐—™๐—ถ๐—ฒ๐˜€๐˜๐—ฎ ๐—™๐—ฒ๐—น๐—น๐—ผ๐˜„๐˜€๐—ต๐—ถ๐—ฝ ๐—ก๐—ถ๐—ด๐—ต๐˜ ๐—ฎ๐—ป๐—ฑ ๐—–๐—น๐—ฎ๐—ถ๐—บ๐˜€ ๐˜๐—ต๐—ฒ ๐—–๐—ต๐—ฎ๐—บ๐—ฝ๐—ถ๐—ผ๐—ป๐˜€๐—ต๐—ถ๐—ฝ! ๐ŸคŽ๐Ÿ‘‘

The Basic Ecclesial Community joined the Fiesta Fellowship Night last Saturday, 8:00 PM at La Consolacion College Caloocan.

This yearโ€™s theme was _"Encantadia"_, and our BEC youth, tita's and tito's truly shone in brown across the venue. Beyond the colors and costumes, our community also brought food to share โ€” a simple yet meaningful way of showing the spirit of bayanihan and pagmamalasakit sa isaโ€™t isa.

Congratulations din sa lahat ng Commissions na nagpamalas ng kanilang talento at nagbigay kulay sa gabi! ๐Ÿ‘
Ang inyong paglahok at pagganap ay patunay ng pagkakaisa ng ating simbahan. Iba-iba man ang ating katangian tayo ay sangay ng ating Simbahan.

And a special CONGRATULATIONS to BEC for winning CHAMPION in the Dance Performance! ๐Ÿ† Ang sipag, teamwork, at puso na inilaan niyo ay tunay na nagningning. Proud na proud ang buong komunidad sa inyo!

This fellowship night not only strengthened the camaraderie among our BEC members but also opened doors for deeper connection and socializing with other organizations.

Maraming salamat sa lahat ng nakisaya at nakibahagi!

๐—ง๐—ถ๐—ป๐—ด๐—ป๐—ฎ๐—ป | ๐—•๐—˜๐—– ๐— ๐—ฎ๐˜€๐˜€ โ›ช  Ngayong Linggo, matagumpay na idinaos ang BEC Mass sa ganap na ika-4 ng hapon.Nagsama-sama ang mga...
27/09/2026

๐—ง๐—ถ๐—ป๐—ด๐—ป๐—ฎ๐—ป | ๐—•๐—˜๐—– ๐— ๐—ฎ๐˜€๐˜€ โ›ช

Ngayong Linggo, matagumpay na idinaos ang BEC Mass sa ganap na ika-4 ng hapon.

Nagsama-sama ang mga miyembro ng lahat ng komunidad ng BEC sa panalangin, pag-aawit, at pakikinig sa Salita ng Diyos.
Naging makabuluhan ang pagdiriwang na ito bilang patotoo ng ating pagkakaisa at pananampalataya.

Nawaโ€™y patuloy tayong gabayan ng Diyos sa ating paglalakbay bilang isang buhay na pamayanang Kristiyano. ๐Ÿ™



๐—ง๐—ถ๐—ป๐—ด๐—ป๐—ฎ๐—ป | ๐—•๐—ฎ๐—น๐—ถ๐—ธ๐˜๐—ฎ๐—ป๐—ฎ๐˜„ ๐˜€๐—ฎ ๐— ๐—ฎ๐˜๐—ฎ๐—ด๐˜‚๐—บ๐—ฝ๐—ฎ๐˜† ๐—ป๐—ฎ ๐—œ๐—ป๐˜ƒ๐—ฒ๐˜€๐˜๐—ถ๐˜๐˜‚๐—ฟ๐—ฒ ๐˜€๐—ฎ ๐—ž๐—ผ๐—บ๐˜‚๐—ป๐—ถ๐—ฑ๐—ฎ๐—ฑ ๐—ป๐—ด ๐—ฉ๐—ถ๐—ฏ๐—ผ๐—ฟ๐—ฎ โ›ชBaliktanaw sa isang makasaysayan at mapagpalan...
27/09/2026

๐—ง๐—ถ๐—ป๐—ด๐—ป๐—ฎ๐—ป | ๐—•๐—ฎ๐—น๐—ถ๐—ธ๐˜๐—ฎ๐—ป๐—ฎ๐˜„ ๐˜€๐—ฎ ๐— ๐—ฎ๐˜๐—ฎ๐—ด๐˜‚๐—บ๐—ฝ๐—ฎ๐˜† ๐—ป๐—ฎ ๐—œ๐—ป๐˜ƒ๐—ฒ๐˜€๐˜๐—ถ๐˜๐˜‚๐—ฟ๐—ฒ ๐˜€๐—ฎ ๐—ž๐—ผ๐—บ๐˜‚๐—ป๐—ถ๐—ฑ๐—ฎ๐—ฑ ๐—ป๐—ด ๐—ฉ๐—ถ๐—ฏ๐—ผ๐—ฟ๐—ฎ โ›ช

Baliktanaw sa isang makasaysayan at mapagpalang gabi noong Miyerkules, ika-7 ng gabi, sa Kapilya ng Our Lady of Lourdes - Vibora. Matagumpay na naidaos ang Rito ng Pagtatalaga (Investiture) na pinangunahan ni Rev. Fr. Elson Santos.

Sa pagdiriwang na ito, sama-sama nating nasaksihan ang pagtatalaga at panunumpa ng mga bagong lingkod ng ating pamayanan. Isang paalala na ang tunay na paglilingkod ay nagsisimula sa pag-ibig, pananampalataya, at buong pusong "Oo" sa tawag ng Diyos.

Nawaโ€™y gabayan at patuloy na pag-alabin ng Banal na Espiritu ang bawat isa sa kanilang misyon. Ang inyong pagtugon ay hindi lamang para sa kapilya, kundi para sa buong Simbahan at sa komunidad ng Vibora.

-ViboraCommunity


With hearts brimming with joy and gratitude, we offer our warmest congratulations and prayerful support toREV. JOHN KENN...
26/09/2026

With hearts brimming with joy and gratitude, we offer our warmest congratulations and prayerful support to

REV. JOHN KENNETH A. DEPASUCAT & REV. VINCENT PHAM DUAN, MJ

as they prepare to be ordained to the Sacred Priesthood on December 05, 2026, at the San Roque Cathedral.

May the Almighty God grant them wisdom and grace as they commit their lives to holy service.

๐“๐ข๐ง๐ ๐ง๐š๐ง | ๐—ž๐—ฎ๐—ฝ๐—ถ๐˜€๐˜๐—ฎ๐—ต๐—ฎ๐—ป ๐—ป๐—ถ ๐—ฆ๐—ฎ๐—ป ๐—ฃ๐—ฎ๐—ฑ๐—ฟ๐—ฒ ๐—ฃ๐—ถ๐—ผNgayong araw, sama-samang nagdiriwang ang komunidad ng barangay 9, Kapilya ni San P...
24/09/2026

๐“๐ข๐ง๐ ๐ง๐š๐ง | ๐—ž๐—ฎ๐—ฝ๐—ถ๐˜€๐˜๐—ฎ๐—ต๐—ฎ๐—ป ๐—ป๐—ถ ๐—ฆ๐—ฎ๐—ป ๐—ฃ๐—ฎ๐—ฑ๐—ฟ๐—ฒ ๐—ฃ๐—ถ๐—ผ

Ngayong araw, sama-samang nagdiriwang ang komunidad ng barangay 9, Kapilya ni San Padre Pio. Sinimulan ang pagdiriwang sa pagdarasal at sinundan ng prusisyon na umikot sa komunidad.

Nawaโ€™y patuloy tayong gabayan ni San Padre Pio sa ating buhay at turuan tayong laging manalangin, magtiwala, at gumawa ng mabuti.

San Padre Pio, ipanalangin mo kami!




Address

A. Mabini St. , Corner 10th Avenue, Caloocan City
Caloocan

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when SRCP Basic Ecclesial Communities posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share