Vicariate of San Roque - Ministry of Altar Servers

Vicariate of San Roque - Ministry of Altar Servers This is the Official page of the Vicariate of San Roque - Ministry of Altar Servers of the Diocese of Kalookan.

14/12/2020
13/12/2020

Ilang tulog na lang, SIMBANG GABI NA!

Makiisa sa ating Simbang Gabi bilang paghahanda sa pagdiriwang ng Pasko ng Pagsilang ng Panginoon. Dahil sa ating hinaharap na pandemya, ang ating mga Misa ay mayroong LIMITED CAPACITY lamang. Upang mag-RESERVE ng upuan, maaring tumawag sa 82885252 o magtext sa 09616131715 (Smart), 09669017872 (Globe) o magtungo sa ating opisina.

Ang mga WALK-IN na parishioners ay maaari pa ring makapasok ng ating Cathedral Compound ngunit ito ay isasara kung umabot na sa maximum capacity na itinakda alinsunod sa mga protocol ng IATF.

Hinihiling sa lahat na DUMATING NG MAAGA (30 minuto bago magsimula ang Misa) at MAGDAMIT NANG NAAAYON sa pagsisimba. Huwag ring kalimutang magsuot ng FACE MASK at FACE SHIELD.

Ang lahat ng ating mga Misa ay mapapanood ng LIVE dito sa ating official page. Ang Misa ng Obispo sa ika-4 ng umaga ay mapapanood rin sa Roman Catholic Diocese of Kalookan.

02/12/2020

One of the powerful expressions of Filipino Catholic faith is the practice of novena Masses (Aguinaldo Masses, Misa de Gallo, Simbang Gabi) traditionally held at dawn from December 16 to 24.

14/11/2020

Abangan sa 11.14.20 | 7PM ang aming unang episode ng Bukas-Yon Vlogs with Fr. Angelo García and Fr. Paul Woo!
mapapanuod ito sa ating fb page : Roman Catholic Diocese of Kalookan at Vocation Ministry - Diocese of Kalookan

14/10/2020

Isang oras na lang po at simula na ang 31ST HEALING ROSARY FOR THE WORLD, live mula sa Katedral ng San Roque, Diyosesis ng Kalookan.

Upang mas maging makabuluhan ang ating pakikiisa sa gawaing ito, tayo ay MAG-ALAY NG CIRIO PARA SA PAGGALING NG MUNDO. Tipunin po natin ang ating pamilya at tulad ng ating nakagawian sa ating debosyon sa Birhen ng Nieva, tayo ay MAGSINDI NG KANDILA bilang alay sa Mahal na Ina, sagisag ng ating mga pangangailangang inilalapit sa kanya.

MAMAYA NA PO ITO! 9:00PM. Halina at makiisa sa ating pagdulog sa maka-Inang pagkalinga ni Maria.

13/10/2020

The Roman Catholic Diocese of Kalookan and the San Roque Cathedral Parish will be hosting the 31st HEALING ROSARY FOR THE WORLD on October 14, 2020, 9:00pm, in the presence of the venerable image of our Mother and Queen, NUESTRA SEÑORA DE NIEVA, Secondary Patroness of our Cathedral Parish.

The Rosary will be led by the Most Rev. Pablo Virgilio S. David, D.D., Bishop of Kalookan to be followed by a blessing for the sick with the relic of San Roque.

The 31st Healing Rosary for the World will be aired live through the the official pages of the Diocese and of the Cathedral together with our official media partners: The Manila Cathedral, TV Maria, Radyo Veritas, CBCP News and participating archdioceses, dioceses and parish pages.

Sa iyo ang aming puso!
Sa iyo ang aming himig!
Aming Ina at Reyna,
Virgen de Nieva,
Kami'y dinggin!

_______________

Our sincerest gratitude to Mr. John Alberto Morales for preparing the layout for the official poster of the 31st Healing Rosary for the World.

08/10/2020

"Maawaing Birhen,
yamang Ika’y naging sa Nievang tanggulan,
kami nawa’y saklolohang tumatawag na tanan.
Kami nawa’y saklolohang tumatawag na mataman!"

Aming Ina at Reyna, Mahal na Birhen ng Nieva,
ipanalangin mo kami!

San Roque, aming patron,
ipanalangin mo kami!

29/09/2020

A NEW PAPAL NUNCIO TO THE PHILIPPINES

The Holy Father, Pope Francis, has appointed a new Apostolic Nuncio to Philippines: His Excellency, the Most Rev. CHARLES JOHN BROWN.

13/09/2020

Ngayong Lunes, ika-14 ng Setyembre, ang Sambayanang Kristiyano mula sa Diyosesis ng Kalookan ay inaanyayahang makiisa sa pamamagitan sa pagsubaybay sa LIVE STREAM ng MISSA CRISMAL (Chrism Mass) ng Diyosesis sa araw ng Kapistahan ng Pagtatampok sa Banal na Krus ng ating Panginoon

Sa Banal na Misang ito'y sasariwain ng ating kaparian ang kanilang mga pangako sa ordinasyon at kaugnay nito ay babasbasan ang mga langis ng Krisma, Maysakit, at ng mga Inihahanda sa Binyag.

Ito ay magsisimula sa ganap na 8:00 ng umaga sa pangunguna ng Lub. Kgg. Pablo Virgilio S. David, D.D., Obispo ng Kalookan, kasama ang kaparian ng Diyosesis ng Kalookan.

Ito ay susundan ng pagbabasbas sa COMMAND CENTER ng Cofradia ni San Roque.

05/09/2020

SIMULA NA PO NGAYONG ARAW ANG ATING TRIDUO!

Halina't makiisa sa taunang TRIDUO bilang paghahanda sa KAPISTAHAN NG BIRHEN NG NIEVA, ang ating Ina at Reyna. Ito po ay BUKAS SA PUBLIKO ngunit hanggang 10% SEATING CAPACITY lamang po ang makapapasok sa katedral bilang pagsunod sa mga panukala ng IATF.

Maaari tayong MAGPARESERVE sa ating Parish Office (tumawag sa 8288 5252) upang masiguro na kayo ay mayroong mauupuan. Kung sakaling hindi nakapagpareserve, maari pa ring magtungo sa katedral, siguruhin lamang na magtungo ng maaga bago mapuno ang 10% capacity ng simbahan.

Para sa Unang Araw ng Triduo, sisimulan natin rosaryo at panalangin sa takdang araw sa ganap na ika-4 ng hapon. Ito ay susundan ng 5:00PM Anticipated Mass. Sa Misang ito rin gaganapin ang pag-aalay ng kandila sa Birhen ng Nieva.

Sa ikalawang araw, ang rosaryo at ang panalangin sa triduo ay sisimulan din sa ika-4 ng hapon at susundan ng Misa ng 5:00pm.

Sa Lunes, Ikatlong Araw, 5:00pm ang Rosaryo at Panalangin sa araw ng triduo. Ang Misa ay sa ika-6 ng gabi.

18/08/2020

“On the feast day of San Roque, I wish to call on young people in all dioceses, especially in parishes named after San Roque, to help us revive the “Cofradias de San Roque” by volunteering to serve as “Health Care Volunteers” to back up our health care workers, especially in quarantine facilities,” bahagi ng panawagan ni Bishop David.

Inihayag ng Obispo na sa pamamagitan ng “Cofradias de San Roque” ay maaaring magtulungan na pangalagaan ang kalusugan hindi lamang ng mga nagpositibo sa corona virus sa mga ospital kundi pati na rin ang mga nasa iba’t ibang quarantine facilities.

https://www.veritas846.ph/diyosesis-at-arkidiyosesis-sa-pilipinas-hinimok-na-maging-confradias-de-san-roque/

Address

A. Mabini Street
Caloocan
1400

Telephone

+639268732272

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Vicariate of San Roque - Ministry of Altar Servers posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Place Of Worship

Send a message to Vicariate of San Roque - Ministry of Altar Servers:

Share