Lay Servants of Jesus & Mary Ministry of Altar Servers

Lay Servants of Jesus & Mary Ministry of Altar Servers LSJM Ministry Of Altar Servers

Dakilang Kapistahan ng Tatlong Persona sa Isang DiyosMABUTING BALITAJuan 3, 16-18Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon k...
30/05/2026

Dakilang Kapistahan ng Tatlong Persona sa Isang Diyos

MABUTING BALITA
Juan 3, 16-18

Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Juan

Gayun na lamang ang pag-ibig ng Diyos sa sanlibutan, kaya ibinigay niya ang kanyang bugtong na Anak, upang ang sumampalataya sa kanya ay hindi mapahamak, kundi magkaroon ng buhay na walang hanggan. Sapagkat sinugo ng Diyos ang kanyang Anak, hindi upang hatulang maparusahan ang sanlibutan, kundi upang iligtas ito sa pamamagitan niya.

Hindi hinahatulang maparusahan ang nananampalataya sa bugtong na Anak ng Diyos; ngunit hinatulan nang parusahan ang hindi nananampalataya sa kanya.

Ang Mabuting Balita ng Panginoon.

23/05/2026

HAPPY BIRTHDAY TO THE ONE, HOLY, CATHOLIC, AND APOSTOLIC CHURCH ✝️
_______________
Today, the fire of the Holy Spirit descended upon the Apostles, and the Church was born. What began in an Upper Room in Jerusalem continues today across the whole world.

Pentecost is not just a past event.
It is a reminder that the Holy Spirit still transforms lives, strengthens the weak, heals hearts, raises saints, and sets souls on fire for God.

May this Pentecost bring new grace, new fire, new strength, and new life into your soul.

Come, Holy Spirit. πŸ”₯πŸ•ŠοΈ



✝️

Linggo ng PentekostesMABUTING BALITAJuan 20, 19-23Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San JuanKinagabihan ng Lingg...
23/05/2026

Linggo ng Pentekostes

MABUTING BALITA
Juan 20, 19-23

Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Juan

Kinagabihan ng Linggo ding iyon, ang mga alagad ay nagkakatipon. Nakapinid ang mga pinto ng bahay na kanilang pinagtitipunan dahil sa takot nila sa mga Judio. Dumating si Hesus at tumayo sa gitna nila. β€œSumainyo ang kapayapaan!” sabi niya. Pagkasabi nito, ipinakita niya ang kanyang mga kamay at ang kanyang tagiliran. Tuwang-tuwa ang mga alagad nang makita ang Panginoon. Sinabi na naman ni Hesus, β€œSumainyo ang kapayapaan! Kung paanong sinugo ako ng Ama, gayun din naman, sinusugo ko kayo.” Pagkatapos, sila’y hiningahan niya at sinabi, β€œTanggapin ninyo ang Espiritu Santo. Ang patawarin ninyo sa kanilang mga kasalanan ay pinatawag na nga; ang hindi ninyo patawarin ay hindi nga pinatawad.”

Ang Mabuting Balita ng Panginoon.

23/05/2026
Dakilang Kapistahan ng Pag Akyat Sa Langit ng Panginoon MABUTING BALITAMateo 28, 16-20Ang wakas ng Mabuting Balita ng Pa...
16/05/2026

Dakilang Kapistahan ng Pag Akyat Sa Langit ng Panginoon

MABUTING BALITA
Mateo 28, 16-20

Ang wakas ng Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Mateo

Noong panahong iyon, ang Labing-isang alagad ay nagpunta sa Galilea, sa bundok na itinuro sa kanila ni Hesus. Nang makita nila si Hesus, siya’y sinamba nila, bagamat may ilang nag-alinlangan. Lumapit si Hesus at sinabi sa kanila, β€œIbinigay na sa akin ang lahat ng kapangyarihan sa langit at sa Lupa. Kaya, humayo kayo at gawin ninyong alagad ko ang lahat ng bansa. Binyagan ninyo sila sa ngalan ng Ama at ng Anak at ng Espiritu Santo, at turuang sumunod sa lahat ng ipinag-utos ko sa inyo. Tandaan ninyo: ako’y laging kasama ninyo hanggang sa katapusan ng sanlibutan.”

Ang Mabuting Balita ng Panginoon.

16/05/2026

πƒπ€πŠπˆπ‹π€ππ† πŠπ€ππˆπ’π“π€π‡π€π 𝐍𝐆 𝐏𝐀𝐆-π€πŠπ˜π€π“ 𝐍𝐆 ππ€ππ†πˆππŽπŽπ
(Ascension of the Lord)

Magandang araw, mga ka-parokya!

Inaanyayahan po namin ang lahat na makiisa sa pagdiriwang ng Banal na Misa sa darating na Linggo sa Parokya ni San Pancracio.

Tayo po ay muling magtipon bilang isang sambayanan upang manalangin, magpasalamat, at patuloy na palalimin ang ating relasyon sa Diyos sa pamamagitan ng Kanyang salita at banal na presensya.

Kita-kits po tayo sa parokya! Maraming salamat po at pagpalain tayong lahat.

Maligayang Kapistahan San Pancracio Mga Gawaing Liturhiya sa araw na ito : Ika Anim ng Gabi ay magaganap ang Fiesta Mass...
11/05/2026

Maligayang Kapistahan San Pancracio

Mga Gawaing Liturhiya sa araw na ito :

Ika Anim ng Gabi ay magaganap ang Fiesta Mass na pangugunahan ni Fr. Paul Woo at ng mga Kasamahang Pari. Sa bahagi din ng Banal Na Misa ay ipapahayag at ipapakita sa unang pagkakataon ang First Class Relic ni San Pancracio na pangugunahan ng kura paroko Rev. Fr. Lauro G. Frias.

Pagkatapos ng Banal na Misa ito ay susundan ng Maringal na Prusisyon ni San Pancracio.

Halina't maki isa sa mga aktibidad ngayon araw ng kanyang kapistahan.

Viva San Pancracio!

πƒπ€πŠπˆπ‹π€ππ† πŠπ€ππˆπ’π“π€π‡π€π 𝐍𝐈 𝐒𝐀𝐍 ππ€ππ‚π‘π€π‚πˆπŽ

Sa tulong at biyaya ng Diyos, masaya nating ipinagdiriwang ang Dakilang Kapistahan ni San Pancracio, ang ating mahal na pintakasi. Bilang isang nagkakaisang pamayanang Kristiyano, sama-sama nating itinataas ang ating pasasalamat sa Diyos sa pamamagitan ng panalangin, debosyon, at masayang pakikiisa sa mga gawain ng ating parokya.

Nawa’y ang halimbawa ni San Pancracioβ€”isang batang martir na matatag sa pananampalatayaβ€”ay magsilbing inspirasyon sa atin upang manatiling tapat kay Kristo sa kabila ng mga pagsubok sa buhay.

𝐏𝐚𝐧𝐚π₯𝐚𝐧𝐠𝐒𝐧 𝐀𝐚𝐲 π’πšπ§ 𝐏𝐚𝐧𝐜𝐫𝐚𝐜𝐒𝐨

O maluwalhating San Pancracio, batang martir at tapat na saksi ni Kristo, nanatili kang matatag sa pananampalataya sa gitna ng pagdurusa at pag-uusig.

Ipanalangin mo kami upang magkaroon kami ng matibay na pananampalataya, pusong tapat sa Diyos, at lakas ng loob na sundan si Kristo araw-araw.

Ingatan mo ang aming parokya, gabayan ang mga kabataan, palakasin ang mga nanghihina, at pag-alabin ang aming pagmamahal sa Diyos at sa kapwa.

San Pancracio, martir ni Kristo, ipanalangin mo kami. Amen.

π•π’π―πš π’πšπ§ 𝐏𝐚𝐧𝐜𝐫𝐚𝐜𝐒𝐨! π•π’π―πš π’πšπ§π­π¨π§π  𝐏𝐚𝐭𝐫𝐨𝐧!

Mamaya na ang unang araw ng misa novenario para sa nalalapit na kapistahan ni San Pancracio. Ang banal na misa ay pangug...
03/05/2026

Mamaya na ang unang araw ng misa novenario para sa nalalapit na kapistahan ni San Pancracio. Ang banal na misa ay pangugunahan ng Kuro Paroko ng Parokya na si Rev. Fr. Lauro G. Frias sa ganap na ika anim ng gabi (6pm)

𝐏𝐀𝐆𝐇𝐀𝐇𝐀𝐍𝐃𝐀 𝐒𝐀 πŠπ€ππˆπ’π“π€π‡π€π | π’πˆπ˜π€πŒ 𝐍𝐀 𝐀𝐑𝐀𝐖 𝐍𝐀 𝐋𝐀𝐍𝐆!

Unang Misa Nobenaryo, Mayo 3, 2026, 6:00 N.G.
Tagapagdiwang: Rdo. Pd. Lauro "Larry" Frias, Kura ng San Pancracio

π™‹π˜Όπ™‰π˜Όπ™‡π˜Όπ™‰π™‚π™„π™‰ π™Žπ˜Ό π™π™‰π˜Όπ™‰π™‚ π˜Όπ™π˜Όπ™’ 𝙉𝙂 π™ˆπ™„π™Žπ˜Ό π™‰π™Šπ˜½π™€π™‰π˜Όπ™π™”π™Š: Ang ating puso ay nilalang upang magmahal. Ang Diyos ang iibigin mo nang higit sa lahat, higit pa sa lahat ng tao, sa tanang kayamanan sa daigdig, at sa ganitong paraan ay maiiwasan mo ang lahat ng kapahamakan.

Ganyan ang ginawa ni San Pancracio, kaya siya nagtamo sa Diyos ng di masayod na kabutihan at biyaya. Hingin mo sa Diyos sa pamamagitan ni San Pancracio ang mga biyayang ito at mabubuhay ka nang payapa at magkakamit ka ng lahat ng saklolo na iyong kina-kailangan. Amen.

π•π’π―πš π’πšπ§ 𝐏𝐚𝐧𝐜𝐫𝐚𝐜𝐒𝐨!
π•π’π―πš π’πšπ§π­π¨π§π  𝐏𝐚𝐭𝐫𝐨𝐧!
π’πšπ§ 𝐏𝐚𝐧𝐜𝐫𝐚𝐜𝐒𝐨, 𝐈𝐩𝐚𝐧𝐚π₯𝐚𝐧𝐠𝐒𝐧 𝐦𝐨 𝐊𝐚𝐦𝐒!




Look : Narito muli ang schedule ng Novenario Masses alay para sa Kapistahan ni San Pancracio.
03/05/2026

Look : Narito muli ang schedule ng Novenario Masses alay para sa Kapistahan ni San Pancracio.

Given the gravity of the situation affecting our communities, we are invited to come together in prayer through this Ora...
01/05/2026

Given the gravity of the situation affecting our communities, we are invited to come together in prayer through this Oratio Imperata, to be prayed throughout the Diocese.

Both English and Tagalog versions are provided for use in all Masses.

Via : Roman Catholic Diocese of Kalookan

Address

La Loma Cementary, Grace Park
Caloocan
1405

Opening Hours

6am - 6pm

Telephone

+639458517647

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Lay Servants of Jesus & Mary Ministry of Altar Servers posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share