Luwalhati sa Diyos Caloocan

Luwalhati sa Diyos Caloocan As God's chosen people, we possessed the Word of God, and were called to always being honor to Him.

Maligayang Kaarawan, Pastor JM! 🎉🙏Mula sa inyong L*D Caloocan Church Family, nagpapasalamat kami sa Diyos sa buhay mo, s...
05/11/2025

Maligayang Kaarawan, Pastor JM! 🎉🙏

Mula sa inyong L*D Caloocan Church Family, nagpapasalamat kami sa Diyos sa buhay mo, sa puso mong mapagpakumbaba, at sa tapat mong paglilingkod sa Kanya. Patuloy kaming nabibiyayaan at nae-encourage sa iyong leadership at passion para sa Salita ng Diyos.

Dalangin namin na lalo ka pang pagpalain ng Panginoon — bigyan ka Niya ng lakas, karunungan, kalakasan ng loob, at kagalakang naguumapaw. Nawa’y patuloy Niyang protektahan ang iyong pamilya at iparanas ang katuparan ng lahat ng pangako Niya sa iyong buhay.

Mahal ka namin, Pastor!
Happy Birthday po at God bless you always! 🎂✨

A simple yet meaningful celebration for Pastor JM and Pastora Dan 🥰Truly, it was a beautiful day. Thank you to everyone ...
03/11/2025

A simple yet meaningful celebration for Pastor JM and Pastora Dan 🥰

Truly, it was a beautiful day. Thank you to everyone who helped and contributed to make this moment special. Dakilain ang Panginoon sa mga buhay ninyo ☺️

God bless us all! 🙏💛

Ang babae sa litrato ay nagturo sa atin ng isang mahalagang aral: Kapag hinabol mo ang earthly things (pera, fame, ganda...
31/10/2025

Ang babae sa litrato ay nagturo sa atin ng isang mahalagang aral: Kapag hinabol mo ang earthly things (pera, fame, ganda, gamit), sa huli, mapupuno ka lang ng regret at emptiness.

Bakit? Kasi ang mga bagay sa mundo ay pansamantala lang. Nasisira, naglalaho, o ninanakaw.

Huwag mong hayaang ma-distract ang puso mo! Mag-focus ka sa mga bagay na may eternal value —ang iyong relasyon sa Diyos at ang pagmamahal sa kapwa. Ito ang heavenly treasure na nagbibigay ng tunay na satisfaction.

Tandaan mo ang sinabi ni Hesus:

"Mag-ipon kayo ng kayamanan para sa inyong sarili sa langit. Dahil kung nasaan ang iyong kayamanan, naroon din ang iyong puso."
> Mateo 6:20-22

Piliin ang mga bagay na magtatagal forever, hindi 'yung mawawala lang next year. 💖



Stop trying to fix the machine yourself!Minsan, ang buhay ay parang isang magulong control panel—maraming wire, maraming...
30/10/2025

Stop trying to fix the machine yourself!

Minsan, ang buhay ay parang isang magulong control panel—maraming wire, maraming stress. Nagpapakapagod tayo sa paghahanap ng sagot sa sarili nating paraan (human wisdom), kaya tayo napapagod.

Pero ang bibliya ang Master Key.

Huwag mong i-ignore ang guidance nito. Kapag feeling mo lost ka at anxious, doon mo makikita ang peace at ang tamang hakbang. Sabi nga:

“Ang Iyong salita ay ilawan sa aking mga paa, at liwanag sa aking landas.” (Psalm 119:105)

Huwag kang manalig sa sarili mong pag-iintindi. Sa halip, magtiwala sa Diyos. Kapag ginawa mo 'yan, sigurado ka sa direksyon mo:

“Huwag kang manalig sa sarili mong pang-unawa;... ituwid niya ang iyong mga landas.” (Proverbs 3:5-6)

Ang kasagutan ay hindi sa dami ng ginagawa mo, kundi sa pagbabalik sa Salita ng Diyos.


“Huwag kang matakot; manampalataya ka lang.” — Mark 5:36 💖Minsan, dumadaan tayo sa mga sitwasyon na punô ng takot, duda,...
29/10/2025

“Huwag kang matakot; manampalataya ka lang.” — Mark 5:36 💖

Minsan, dumadaan tayo sa mga sitwasyon na punô ng takot, duda, at kawalan ng pag-asa. Parang wala nang solusyon, at minsan gusto na lang nating sumuko. Pero sa talatang ito, pinaaalalahanan tayo ni Jesus na huwag tayong matakot — manampalataya lang.

Ang pananampalataya ay hindi lang paniniwala na kaya ni Lord gumawa ng himala, kundi pagtitiwala na kahit hindi natin maintindihan ang nangyayari, Siya pa rin ang may hawak ng lahat. 🙏💫

Kapatid, kung nasa gitna ka ng unos ngayon, alalahanin mo: hindi mo kailangang maintindihan ang lahat. Ang kailangan mo lang ay kumapit sa Diyos na may alam ng lahat. ✨



“‘He has made everything beautiful in its time.’ — Ecclesiastes 3:11Minsan, ang hirap magtiwala sa proseso kapag hindi m...
25/10/2025

“‘He has made everything beautiful in its time.’ — Ecclesiastes 3:11

Minsan, ang hirap magtiwala sa proseso kapag hindi mo nakikita ang ending. Parang gusto mong madaliin si Lord, gusto mong maayos agad lahat. Pero sa verse na ito, pinaaalala Niya na may tamang panahon para sa lahat — sa pag-ibig, sa tagumpay, sa healing, sa growth.

Habang naghihintay ka, hindi ibig sabihin na walang ginagawa si Lord. Tahimik man Siya minsan, pero may ginagawa Siya sa background — hinuhubog ka, tinuturuan ka, at pinaghahandaan ka para sa mas maganda.

Kaya kung nasa waiting season ka ngayon, huwag mawalan ng pag-asa. Sa tamang oras, makikita mo kung paano Niya ginawang maganda ang lahat — in His perfect time, in His perfect way. 💛✨*

Siya ang nagbibigay ng lakas sa mga napapagod, at bagong sigla sa mga nanghihina. Kapag tila wala ka nang maibuga, kapag...
23/10/2025

Siya ang nagbibigay ng lakas sa mga napapagod, at bagong sigla sa mga nanghihina. Kapag tila wala ka nang maibuga, kapag ang bigat ng buhay ay hindi mo na kayang pasanin—alalahanin mo: ang Diyos ay hindi napapagod.

Ang Kanyang lakas ay hindi nauubos. Sa Kanya, may lakas para sa mga nalulupaypay, may pag-asa para sa mga halos sumuko. Kaya’t kung pagod ka na, lumapit ka. Dahil sa piling Niya, ang mahina ay pinalalakas, at ang pagod ay binibigyan ng panibagong sigla. 🙏💪


Sapagkat sinabi ni Jesus, ‘Kung kayo’y may pananampalataya na kasing liit ng butil ng mustasa, masasabi ninyo sa bundok ...
21/10/2025

Sapagkat sinabi ni Jesus, ‘Kung kayo’y may pananampalataya na kasing liit ng butil ng mustasa, masasabi ninyo sa bundok na ito, ‘Lumipat ka roon,’ at ito’y lilipat. Walang magiging imposible sa inyo.’

Kaya’t huwag mong maliitin ang maliit na pananampalatayang nasa iyo ngayon. Sapagkat sa kamay ng Diyos, ang maliit ay nagiging sapat, at ang imposibleng hamon ay nagiging daan ng Kaniyang kapangyarihan. Magsimula ka lamang sa tiwala, kahit kaunti—dahil sa Kanya, sapat na iyon upang makilos ang langit. ❤️‍🔥

13/10/2025

✨ Youth Service Highlight! ✨
Grabe, what a blessed and successful youth service kahapon with the theme “Remember God in Your Youth” 🙌💖 Totoo nga — walang mas magandang panahon para lumapit kay Lord kundi habang bata pa tayo!

Patuloy tayong maglingkod, magmahal, at magbigay inspirasyon sa kapwa kabataan na mas makilala si Lord. 💫

Special thanks sa lahat ng workers at leaders na nagbigay ng oras, lakas, at puso para maabot ang mga kabataan — truly, your labor in the Lord is never in vain! (1 Corinthians 15:58) 💪❤️




Address

Unit 104 21 El-Al Building MH Del Pilar St. 4th Avenue East Grace Park
Caloocan
1400

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Luwalhati sa Diyos Caloocan posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Place Of Worship

Send a message to Luwalhati sa Diyos Caloocan:

Share