San Pancracio Parish - Diocese of Kalookan

San Pancracio Parish - Diocese of Kalookan This is the official page of San Pancracio Parish โ€“ Diocese of Kalookan. Located at La Loma Compound, 1st Avenue, Caloocan City.
(1)

Established in 1962, serving as a center of faith, worship, and community.

๐ˆ๐Š๐€-๐Ÿ๐Ÿ ๐‹๐ˆ๐๐†๐†๐Ž ๐’๐€ ๐Š๐€๐‘๐€๐๐ˆ๐–๐€๐๐† ๐๐€๐๐€๐‡๐Ž๐ (๐€)Malugod po naming inaanyayahan ang bawat isa na makiisa sa pagdiriwang ng Banal n...
29/08/2026

๐ˆ๐Š๐€-๐Ÿ๐Ÿ ๐‹๐ˆ๐๐†๐†๐Ž ๐’๐€ ๐Š๐€๐‘๐€๐๐ˆ๐–๐€๐๐† ๐๐€๐๐€๐‡๐Ž๐ (๐€)

Malugod po naming inaanyayahan ang bawat isa na makiisa sa pagdiriwang ng Banal na Misa sa darating na Linggo, Agosto 30, 2026, bilang pagdiriwang ng Ika-22 Linggo sa Karaniwang Panahon sa ating parokya, San Pancracio Parish.

๐Œ๐†๐€ ๐Ž๐‘๐€๐’ ๐๐† ๐๐€๐๐€๐‹ ๐๐€ ๐Œ๐ˆ๐’๐€:
6:00 AM โ€ข 7:30 AM โ€ข 9:00 AM โ€ข 6:00 PM

Sa Ebanghelyo ayon kay San Mateo (Mateo 16, 21-27), ipinahayag ni Hesus sa Kanyang mga alagad na kailangan Niyang magdusa, mamatay, at muling mabuhay. Hindi ito matanggap ni Pedro at sinubukan niyang pigilan ang Panginoon. Ngunit itinuro ni Hesus na ang kalooban ng Diyos ay higit sa ating sariling pang-unawa at kagustuhan.

Ipinapaalala sa atin ng Panginoon na ang pagiging tunay Niyang alagad ay nangangailangan ng pagtanggi sa sarili, pagtanggap sa ating krus, at matapat na pagsunod sa Kanya. Hindi laging madali ang landas ng pananampalataya, ngunit sa bawat sakripisyo at pagsubok, tinatawag tayong manatiling tapat sa Diyos.

Sa ating buhay, may mga pagkakataong nais nating iwasan ang mga pagsubok at paghihirap. Ngunit ipinapaalala ni Hesus na ang krus ay bahagi ng ating paglalakbay bilang Kanyang mga alagad. Sa halip na matakot sa mga ito, tinatawag tayong harapin ang mga ito nang may pananampalataya at pagtitiwala, sapagkat kasama natin ang Panginoon.

Nawa'y matutuhan nating piliin ang kalooban ng Diyos kaysa sa pansariling kagustuhan. Sapagkat ano nga ba ang pakinabang ng isang tao kung makamtan man niya ang buong sanlibutan ngunit mawala naman ang kanyang buhay? Nawa'y manatili tayong nakatuon kay Kristo at maging tapat sa ating pagtawag bilang Kanyang mga alagad.

โ€œAng ibig sumunod sa akin ay dapat magpasan ng kanyang krus at sumunod sa akin.โ€ โ€” Mateo 16, 24

Nawa'y sa ating pakikiisa sa Banal na Misa, patuloy tayong palakasin ng Panginoon upang buong tapang nating pasanin ang ating mga krus, manatiling tapat sa pananampalataya, at sundan Siya sa bawat hakbang ng ating buhay.



โ€”

Follow our social media platforms!

Facebook: San Pancracio Parish - Diocese of Kalookan | www.facebook.com/SanPancracioParishDok

๐€๐๐”๐๐’๐ˆ๐˜๐Ž | ๐ƒ๐š๐ฅ๐š๐ฐ ๐๐š๐ง๐œ๐ซ๐š๐œ๐ข๐จDahil sa patuloy na nararanasang malakas na ulan at banta ng pagbaha dulot ng bagyo, ipinababa...
29/08/2026

๐€๐๐”๐๐’๐ˆ๐˜๐Ž | ๐ƒ๐š๐ฅ๐š๐ฐ ๐๐š๐ง๐œ๐ซ๐š๐œ๐ข๐จ

Dahil sa patuloy na nararanasang malakas na ulan at banta ng pagbaha dulot ng bagyo, ipinababatid po namin na ang ๐—ฝ๐—ฎ๐—ด๐—ฑ๐—ฎ๐—น๐—ฎ๐˜„ ๐—ป๐—ด ๐—ฟ๐—ฒ๐—น๐—ถ๐—ธ๐˜†๐—ฎ ๐—ป๐—ด ๐—ฎ๐˜๐—ถ๐—ป๐—ด ๐—บ๐—ฎ๐—ต๐—ฎ๐—น ๐—ป๐—ฎ ๐—ฝ๐—ฎ๐˜๐—ฟ๐—ผ๐—ป ๐—ป๐—ฎ ๐˜€๐—ถ ๐—ฆ๐—ฎ๐—ป ๐—ฃ๐—ฎ๐—ป๐—ฐ๐—ฟ๐—ฎ๐—ฐ๐—ถ๐—ผ ngayong gabi, ๐—”๐—ด๐—ผ๐˜€๐˜๐—ผ ๐Ÿฎ๐Ÿต, ๐Ÿฎ๐Ÿฌ๐Ÿฎ๐Ÿฒ, ๐—ฎ๐—น๐—ฎ๐˜€-๐Ÿณ:๐Ÿฌ๐Ÿฌ ๐—ป๐—ด ๐—ด๐—ฎ๐—ฏ๐—ถ, para sa ๐—•๐—ถ๐˜€๐—ถ๐˜๐—ฎ ๐—ป๐—ด ๐—ฆ๐—ฎ๐—ด๐—ฟ๐—ฎ๐—ฑ๐—ฎ ๐—™๐—ฎ๐—บ๐—ถ๐—น๐—ถ๐—ฎ, ๐Ÿฏ๐—ฟ๐—ฑ ๐—”๐˜ƒ๐—ฒ๐—ป๐˜‚๐—ฒ ay ๐—ต๐—ถ๐—ป๐—ฑ๐—ถ ๐—บ๐˜‚๐—ป๐—ฎ ๐—ถ๐˜๐˜‚๐˜๐˜‚๐—น๐—ผ๐˜† bilang pag-iingat at pangangalaga sa relikya ng ating mahal na patron, gayundin sa kaligtasan ng lahat ng mga dadalo.

Samantala, ang ๐—ฟ๐—ฒ๐—น๐—ถ๐—ธ๐˜†๐—ฎ ๐—ป๐—ด ๐—ฎ๐˜๐—ถ๐—ป๐—ด ๐—บ๐—ฎ๐—ต๐—ฎ๐—น ๐—ป๐—ฎ ๐—ฝ๐—ฎ๐˜๐—ฟ๐—ผ๐—ป ๐—ฎ๐˜† ๐—บ๐—ฎ๐—ป๐—ฎ๐—ป๐—ฎ๐˜๐—ถ๐—น๐—ถ ๐—บ๐˜‚๐—ป๐—ฎ ๐˜€๐—ฎ ๐—•๐—ถ๐˜€๐—ถ๐˜๐—ฎ ๐—ป๐—ด ๐—ฆ๐—ฎ๐—ป๐˜๐—ฎ ๐—ง๐—ฒ๐—ฟ๐—ฒ๐˜€๐—ฎ ๐—ฑ๐—ฒ ๐—”๐˜ƒ๐—ถ๐—น๐—ฎ bilang pag-iingat sa kalagayan ng panahon at pangangalaga sa banal na relikya.

Ang ๐—ฝ๐—ฎ๐—ป๐—ถ๐—ฏ๐—ฎ๐—ด๐—ผ๐—ป๐—ด ๐—ถ๐˜€๐—ธ๐—ฒ๐—ฑ๐˜†๐˜‚๐—น ng pagdalaw sa Bisita ng Sagrada Familia ay ipaaalam po sa sandaling maging maayos ang panahon at ito ay maitakda.

Maraming salamat po sa inyong pang-unawa at pakikiisa. Patuloy po tayong manalangin para sa kaligtasan ng bawat isa, lalo na ng mga naapektuhan ng masamang panahon.

๐‘†๐‘Ž๐‘› ๐‘ƒ๐‘Ž๐‘›๐‘๐‘Ÿ๐‘Ž๐‘๐‘–๐‘œ, ๐‘–๐‘๐‘Ž๐‘›๐‘Ž๐‘™๐‘Ž๐‘›๐‘”๐‘–๐‘› ๐‘š๐‘œ ๐‘˜๐‘Ž๐‘š๐‘–.

๐Œ๐„๐ƒ๐ˆ๐‚๐€๐‹ ๐€๐๐ƒ ๐ƒ๐ˆ๐€๐†๐๐Ž๐’๐“๐ˆ๐‚ ๐Œ๐ˆ๐’๐’๐ˆ๐Ž๐Ipinababatid po sa lahat na ang nakatakdang Medical and Diagnostic Mission na inihahandog ...
29/08/2026

๐Œ๐„๐ƒ๐ˆ๐‚๐€๐‹ ๐€๐๐ƒ ๐ƒ๐ˆ๐€๐†๐๐Ž๐’๐“๐ˆ๐‚ ๐Œ๐ˆ๐’๐’๐ˆ๐Ž๐

Ipinababatid po sa lahat na ang nakatakdang Medical and Diagnostic Mission na inihahandog ng Sto. Domingo Diagnostic & Medical Clinic Corporation sa pakikipagtulungan ng San Pancracio Parish ay IPINAGPALIBAN MUNA HANGGANG SA SUSUNOD NA ABISO (POSTPONED UNTIL FURTHER NOTICE).

Hinihiling po namin ang inyong pang-unawa at pasensya. Para sa mga nagparehistro na o may nais sanang mag-avail ng serbisyo, mangyaring hintayin po ang aming opisyal na anunsyo para sa bagong petsa at karagdagang detalye.

Maraming salamat po sa inyong pang-unawa at patuloy na pakikiisa.

๐๐€๐†๐†๐”๐๐ˆ๐“๐€ ๐’๐€ ๐๐€๐†๐๐€๐๐€๐Š๐€๐’๐€๐Š๐ˆ๐“ ๐๐ˆ ๐’๐€๐ ๐‰๐”๐€๐, ๐€๐๐† ๐“๐€๐†๐€๐๐€๐†๐๐ˆ๐๐˜๐€๐†, ๐Œ๐€๐‘๐“๐ˆ๐‘Ngayong Agosto 29, buong galang nating ginugunita ang ...
28/08/2026

๐๐€๐†๐†๐”๐๐ˆ๐“๐€ ๐’๐€ ๐๐€๐†๐๐€๐๐€๐Š๐€๐’๐€๐Š๐ˆ๐“ ๐๐ˆ ๐’๐€๐ ๐‰๐”๐€๐, ๐€๐๐† ๐“๐€๐†๐€๐๐€๐†๐๐ˆ๐๐˜๐€๐†, ๐Œ๐€๐‘๐“๐ˆ๐‘

Ngayong Agosto 29, buong galang nating ginugunita ang Pagpapakasakit ni San Juan, ang Tagapagbinyag, na nag-alay ng kanyang buhay bilang tapat na saksi sa katotohanan at katuwiran.

Si San Juan Bautista ay isinugo upang ihanda ang daan para sa pagdating ng Panginoong Hesukristo. Buong tapang niyang ipinahayag ang katotohanan at hindi siya natakot na pagsabihan maging ang mga makapangyarihan tungkol sa kanilang mga pagkakamali.

Dahil sa kanyang matapang na pagtuligsa kay Haring Herodes sa kanyang maling pagsasama kay Herodias, asawa ng kanyang kapatid, ipinabilanggo si San Juan Bautista. Sa huli, dahil sa kahilingan ni Herodias sa pamamagitan ng kanyang anak na si Salome, ipinapatay si San Juan at pinugutan ng ulo. Sa kabila nito, nanatili siyang tapat sa Diyos at sa katotohanan hanggang sa kanyang kamatayan.

Ang kanyang buhay ay paalala sa atin na ang tunay na pagsunod sa Diyos ay nangangailangan ng katapangan, pagtitiis, at kahandaang magsakripisyo. Tulad ni San Juan Bautista, tinatawag din tayong maging matatag sa ating pananampalataya at maging tapat na saksi ng katotohanan, kahit sa gitna ng mga pagsubok.

Nawa'y sa kanyang halimbawa, matutuhan nating manindigan sa katotohanan at huwag matakot na ipahayag ang tama, kahit may kapalit na sakripisyo. Nawa'y magkaroon tayo ng lakas na manatiling tapat sa Diyos at sa Kanyang kalooban sa lahat ng pagkakataon.

๐—ฃ๐—”๐—ก๐—”๐—Ÿ๐—”๐—ก๐—š๐—œ๐—ก:

O Diyos, na niloob Mong ihanda ni San Juan Bautista ang Iyong bayan para sa pagdating ni Kristo, ipagkaloob Mo sa Iyong mga lingkod ang biyaya ng espirituwal na kagalakan at patnubay sa landas ng kaligtasan.

Tulungan Mo kaming maging tapat sa Iyong katotohanan tulad ng Iyong lingkod na si San Juan Bautista, at sa pamamagitan ng kanyang panalangin, akayain Mo kami patungo kay Hesukristo, na nabubuhay at naghahari kasama Mo at ng Espiritu Santo, magpasawalang hanggan. Amen.

๐‘บ๐’‚๐’ ๐‘ฑ๐’–๐’‚๐’ ๐‘ฉ๐’‚๐’–๐’•๐’Š๐’”๐’•๐’‚, ๐‘ป๐’‚๐’ˆ๐’‚๐’‘๐’‚๐’ˆ๐’ƒ๐’Š๐’๐’š๐’‚๐’ˆ ๐’‚๐’• ๐‘ด๐’‚๐’“๐’•๐’Š๐’“, ๐’Š๐’‘๐’‚๐’๐’‚๐’๐’‚๐’๐’ˆ๐’Š๐’ ๐’Ž๐’ ๐’Œ๐’‚๐’Ž๐’Š.



โ€”

Follow our social media platforms!

Facebook: San Pancracio Parish - Diocese of Kalookan | www.facebook.com/SanPancracioParishDok

๐๐€๐†๐†๐”๐๐ˆ๐“๐€ ๐Š๐€๐˜ ๐’๐€๐ ๐€๐†๐”๐’๐“๐ˆ๐ ๐๐† ๐‡๐ˆ๐๐๐Ž, ๐Ž๐๐ˆ๐’๐๐Ž ๐€๐“ ๐๐€๐๐“๐€๐’ ๐๐† ๐’๐ˆ๐Œ๐๐€๐‡๐€๐Ngayong Agosto 28, buong galak nating ginugunita si San ...
27/08/2026

๐๐€๐†๐†๐”๐๐ˆ๐“๐€ ๐Š๐€๐˜ ๐’๐€๐ ๐€๐†๐”๐’๐“๐ˆ๐ ๐๐† ๐‡๐ˆ๐๐๐Ž, ๐Ž๐๐ˆ๐’๐๐Ž ๐€๐“ ๐๐€๐๐“๐€๐’ ๐๐† ๐’๐ˆ๐Œ๐๐€๐‡๐€๐

Ngayong Agosto 28, buong galak nating ginugunita si San Agustin ng Hippo, isa sa mga pinakadakilang obispo, manunulat, at pantas ng Simbahan. Siya ay anak ni Santa Monica at naging isang dakilang halimbawa ng pagbabalik-loob at paghahanap sa katotohanan ng Diyos.

Si San Agustin ay nagmula sa Tagaste, Africa. Bagaman pinalaki siya ng kanyang ina na si Santa Monica sa pananampalataya, hindi niya naiwasan ang mga tukso at kapusukan ng kanyang kabataan. Marami siyang pinagdaanan at iba't ibang paniniwala ang kanyang sinubukan sa kanyang paghahanap sa katotohanan at tunay na kahulugan ng buhay.

Sa kabila ng kanyang paghahanap sa layaw ng katawan, karangyaan, at kasikatan, hindi niya natagpuan ang tunay na kapanatagan. Sa pamamagitan ng matiyagang panalangin ng kanyang ina, sa pangangaral ni San Ambrosio ng Milan, at sa biyaya at pagtawag ng Diyos, napagpasyahan niyang magbalik-loob at magsimulang muli bilang isang mabuting Kristiyano.

Mula sa kanyang pagbabalik-loob, naging pari, manunulat, at kalaunan ay obispo si San Agustin. Sa kanyang buhay at mga isinulat, naging mahalagang g**o siya ng pananampalataya at isa sa mga dakilang pantas ng Simbahan.

Ang kanyang buhay ay patunay na walang sinuman ang lubos na naliligaw kung bukas ang puso sa biyaya at katotohanan ng Diyos. Ipinapaalala niya sa atin na kailanman ay hindi pa huli ang lahat upang magbalik-loob, magbagong-buhay, at buong pusong mahalin ang Panginoon.

Nawa'y sa halimbawa ni San Agustin, matutuhan nating huwag mawalan ng pag-asa sa ating sarili at sa ating mga mahal sa buhay. Nawa'y maging bukas tayo sa pagtawag ng Diyos at magkaroon ng lakas na talikuran ang anumang naglalayo sa atin sa Kanya.

๐—ฃ๐—”๐—ก๐—”๐—Ÿ๐—”๐—ก๐—š๐—œ๐—ก:

Ama naming makapangyarihan, ipinagkaloob Mo sa Iyong sambayanan ang panibagong bugso ng Espiritu na pumuspos kay San Agustin.

Malubos nawa sa amin ang pananahan ng Espiritu upang Ikaw na batis ng karunungan ay magbunsod ng aming pananabik at Ikaw na bukal ng buhay ay aming masaliksik, sa pamamagitan ni Hesukristo kasama ng Espiritu Santo magpasawalang hanggan. Amen.

๐‘บ๐’‚๐’ ๐‘จ๐’ˆ๐’–๐’”๐’•๐’Š๐’ ๐’๐’ˆ ๐‘ฏ๐’Š๐’‘๐’‘๐’, ๐‘ถ๐’ƒ๐’Š๐’”๐’‘๐’ ๐’‚๐’• ๐‘ท๐’‚๐’๐’•๐’‚๐’” ๐’๐’ˆ ๐‘บ๐’Š๐’Ž๐’ƒ๐’‚๐’‰๐’‚๐’, ๐’Š๐’‘๐’‚๐’๐’‚๐’๐’‚๐’๐’ˆ๐’Š๐’ ๐’Ž๐’ ๐’Œ๐’‚๐’Ž๐’Š.



โ€”

Follow our social media platforms!
Facebook: San Pancracio Parish - Diocese of Kalookan | www.facebook.com/SanPancracioParishDok

๐๐€๐†๐†๐”๐๐ˆ๐“๐€ ๐Š๐€๐˜ ๐’๐€๐๐“๐€ ๐Œ๐Ž๐๐ˆ๐‚๐€, ๐ˆ๐๐€ ๐๐ˆ ๐’๐€๐ ๐€๐†๐”๐’๐“๐ˆ๐ ๐๐† ๐‡๐ˆ๐๐๐ŽNgayong Agosto 27, buong galak nating ginugunita si Santa Monica,...
26/08/2026

๐๐€๐†๐†๐”๐๐ˆ๐“๐€ ๐Š๐€๐˜ ๐’๐€๐๐“๐€ ๐Œ๐Ž๐๐ˆ๐‚๐€, ๐ˆ๐๐€ ๐๐ˆ ๐’๐€๐ ๐€๐†๐”๐’๐“๐ˆ๐ ๐๐† ๐‡๐ˆ๐๐๐Ž

Ngayong Agosto 27, buong galak nating ginugunita si Santa Monica, Ina ni San Agustin ng Hippo, na naging huwaran ng matatag na pananampalataya, pagtitiis, at walang sawang pananalangin para sa kanyang pamilya.

Sa kanyang buhay, naranasan ni Santa Monica ang matinding kalungkutan dahil sa pagkamatay ng kanyang asawa at sa pagkaligaw ng landas ng pananampalataya ng kanyang anak na si San Agustin. Sa kabila nito, hindi siya nawalan ng pag-asa. Buong puso siyang nanalangin at patuloy na nagtiwala sa Diyos para sa pagbabalik-loob ng kanyang anak.

Ayon sa tradisyon, sa gitna ng kanyang matinding pagdadalamhati, nanalangin si Santa Monica sa harap ng imahen ng Mahal na Birhen. Sa isang makalangit na aparisyon, nagpakita sa kanya ang Mahal na Birhen na nakasuot ng damit panluksa at may katad na correa o sintas sa kanyang sinapupunan. Ibinigay ng Mahal na Birhen ang mahal na correa kay Santa Monica, na kanyang isinuot bilang tanda ng kanyang debosyon at pagtitiwala.

Agad na nagtungo si Santa Monica kay San Ambrosio, Arsobispo ng Milan, na noon ay nangangaral at humihimok kay San Agustin na magbalik sa Banal na Iglesia. Hindi nagtagal, nakamit ni Santa Monica ang pinakadakilang kaaliwan nang makita niyang nagbalik-loob si San Agustin sa Banal na Iglesia, nagpabinyag, at piniling tahakin ang landas ng pagpapakabanal.

Nawa'y sa halimbawa ni Santa Monica, matutuhan nating huwag mawalan ng pag-asa sa pananalangin para sa ating mga mahal sa buhay. Nawa'y magkaroon tayo ng kanyang pagtitiyaga, katatagan, at ganap na pagtitiwala sa Diyos, lalo na sa mga panahong tila malayo sa Kanya ang ating mga minamahal.

๐—ฃ๐—”๐—ก๐—”๐—Ÿ๐—”๐—ก๐—š๐—œ๐—ก:

O Mapitagang Santa Monica, pinagsusumikapan mong baguhin ang nawawala mong anak, hindi ng pananakot kundi ng pananalanging puno ng luha. Mamagitan ka para sa lahat ng mga ina ng aming panahon upang maakay nila ang kanilang mga anak sa Diyos. Turuan mo po sila kung paano manatiling malapit sa kanilang mga anak, maging ang mga anak na nawalan na ng landas.

Bigyan mo kami ng iyong katatagan, pasensya, at pagtitiwala sa Panginoon. Mamagitan ka para sa amin, minamahal naming Santa Monica, upang pakinggan ng Diyos ang aming mga panalangin para sa aming mga kahilingan at ipagkaloob sa amin na tanggapin ang Kanyang kalooban sa lahat ng bagay, sa pamamagitan ni Hesukristong Panginoon namin, kaisa ng Espiritu Santo, isang Diyos magpasawalang hanggan. Amen.

๐‘บ๐’‚๐’๐’•๐’‚ ๐‘ด๐’๐’๐’Š๐’„๐’‚, ๐‘ฐ๐’๐’‚ ๐’๐’Š ๐‘บ๐’‚๐’ ๐‘จ๐’ˆ๐’–๐’”๐’•๐’Š๐’ ๐’๐’ˆ ๐‘ฏ๐’Š๐’‘๐’‘๐’, ๐’Š๐’‘๐’‚๐’๐’‚๐’๐’‚๐’๐’ˆ๐’Š๐’ ๐’Ž๐’ ๐’Œ๐’‚๐’Ž๐’Š.



โ€”

Follow our social media platforms!
Facebook: San Pancracio Parish - Diocese of Kalookan | www.facebook.com/SanPancracioParishDok

๐ƒ๐€๐‹๐€๐– ๐๐€๐๐‚๐‘๐€๐‚๐ˆ๐Ž๐˜Š๐˜ฉ๐˜ข๐˜ฑ๐˜ฆ๐˜ญ ๐˜๐˜ช๐˜ด๐˜ช๐˜ต๐˜ข๐˜ต๐˜ช๐˜ฐ๐˜ฏ ๐˜ฐ๐˜ง ๐˜ต๐˜ฉ๐˜ฆ ๐˜๐˜ช๐˜ณ๐˜ด๐˜ต-๐˜Š๐˜ญ๐˜ข๐˜ด๐˜ด ๐˜™๐˜ฆ๐˜ญ๐˜ช๐˜ค ๐˜ฐ๐˜ง ๐˜š๐˜ข๐˜ฏ ๐˜—๐˜ข๐˜ฏ๐˜ค๐˜ณ๐˜ข๐˜ค๐˜ช๐˜ฐBilang paghahanda sa ๐…๐จ๐ฎ๐ง๐๐š๐ญ๐ข๐จ๐ง ๐€๐ง๐ง๐ข๐ฏ๐ž๐ซ๐ฌ๐š๐ซ๐ฒ ng...
26/08/2026

๐ƒ๐€๐‹๐€๐– ๐๐€๐๐‚๐‘๐€๐‚๐ˆ๐Ž
๐˜Š๐˜ฉ๐˜ข๐˜ฑ๐˜ฆ๐˜ญ ๐˜๐˜ช๐˜ด๐˜ช๐˜ต๐˜ข๐˜ต๐˜ช๐˜ฐ๐˜ฏ ๐˜ฐ๐˜ง ๐˜ต๐˜ฉ๐˜ฆ ๐˜๐˜ช๐˜ณ๐˜ด๐˜ต-๐˜Š๐˜ญ๐˜ข๐˜ด๐˜ด ๐˜™๐˜ฆ๐˜ญ๐˜ช๐˜ค ๐˜ฐ๐˜ง ๐˜š๐˜ข๐˜ฏ ๐˜—๐˜ข๐˜ฏ๐˜ค๐˜ณ๐˜ข๐˜ค๐˜ช๐˜ฐ

Bilang paghahanda sa ๐…๐จ๐ฎ๐ง๐๐š๐ญ๐ข๐จ๐ง ๐€๐ง๐ง๐ข๐ฏ๐ž๐ซ๐ฌ๐š๐ซ๐ฒ ng San Pancracio Parish, patuloy ang pagdalaw ng ๐”๐ง๐š๐ง๐  ๐”๐ซ๐ข ๐ง๐  ๐‘๐ž๐ฅ๐ข๐ค๐ฒ๐š ๐ง๐ข ๐’๐š๐ง ๐๐š๐ง๐œ๐ซ๐š๐œ๐ข๐จ sa ating mga kapilya sa pamamagitan ng ๐ƒ๐š๐ฅ๐š๐ฐ ๐๐š๐ง๐œ๐ซ๐š๐œ๐ข๐จ.

Sa ๐€๐ ๐จ๐ฌ๐ญ๐จ ๐Ÿ๐Ÿ—, ๐Ÿ๐ŸŽ๐Ÿ๐Ÿ”, dadalaw ang banal na relikya sa ๐๐ข๐ฌ๐ข๐ญ๐š ๐ง๐  ๐’๐š๐ ๐ซ๐š๐๐š ๐…๐š๐ฆ๐ข๐ฅ๐ข๐š, ๐Ÿ‘๐ซ๐ ๐€๐ฏ๐ž๐ง๐ฎ๐ž. Inaanyayahan ang lahat na makiisa sa banal na pagdalaw na ito upang sama-samang manalangin at humingi ng pamamagitan ni San Pancracio para sa ating mga pamilya, mga kabataan, mga may sakit, at mga naghahanap ng kabuhayan.

๐Ÿ—“ ๐๐ž๐ญ๐ฌ๐š: Agosto 29, 2026
๐Ÿ•ก ๐Ž๐ซ๐š๐ฌ: 6:30 PM
๐Ÿ“ ๐‹๐จ๐ค๐š๐ฌ๐ฒ๐จ๐ง: ๐๐ข๐ฌ๐ข๐ญ๐š ๐ง๐  ๐’๐š๐ ๐ซ๐š๐๐š ๐…๐š๐ฆ๐ข๐ฅ๐ข๐š, ๐Ÿ‘๐ซ๐ ๐€๐ฏ๐ž๐ง๐ฎ๐ž

Halinaโ€™t makiisa sa ๐ƒ๐š๐ฅ๐š๐ฐ ๐๐š๐ง๐œ๐ซ๐š๐œ๐ข๐จ at samahan natin ang isaโ€™t isa sa panalangin at pananampalataya bilang paghahanda sa pagdiriwang ng anibersaryo ng ating parokya.

๐’๐š๐ง ๐๐š๐ง๐œ๐ซ๐š๐œ๐ข๐จ, ๐ฉ๐š๐ญ๐ซ๐จ๐ง ๐ง๐  ๐ฆ๐ ๐š ๐ค๐š๐›๐š๐ญ๐š๐š๐ง, ๐ฆ๐ ๐š ๐ฆ๐š๐ฒ ๐ฌ๐š๐ค๐ข๐ญ, ๐š๐ญ ๐ฆ๐ ๐š ๐ง๐š๐ ๐ก๐š๐ก๐š๐ง๐š๐ฉ ๐ง๐  ๐ค๐š๐›๐ฎ๐ก๐š๐ฒ๐š๐ง, ๐ข๐ฉ๐š๐ง๐š๐ฅ๐š๐ง๐ ๐ข๐ง ๐ฆ๐จ ๐ค๐š๐ฆ๐ข!

โ€œ๐‹๐”๐Œ๐€๐๐ˆ๐“ ๐Š๐€๐˜๐Ž ๐’๐€ ๐€๐Š๐ˆ๐ ๐€๐“ ๐ˆ๐๐ˆ๐๐ˆ๐†๐€๐˜ ๐Š๐Ž ๐€๐๐† ๐‹๐€๐‡๐€๐“ ๐๐† ๐Œ๐€๐๐”๐๐”๐“๐ˆ๐๐† ๐๐€๐†๐€๐˜.โ€



โ€“โ€“โ€“โ€“โ€“โ€“โ€“โ€“โ€“โ€“

Follow our social media platforms!
Facebook: San Pancracio Parish - Diocese of Kalookan | San Pancracio Parish - Diocese of Kalookan

๐ƒ๐€๐‹๐€๐– ๐๐€๐๐‚๐‘๐€๐‚๐ˆ๐Ž | ๐๐ข๐ฌ๐ข๐ญ๐š ๐ง๐  ๐‡๐จ๐ฅ๐ฒ ๐…๐š๐ฆ๐ข๐ฅ๐ฒ๐˜Š๐˜ฉ๐˜ข๐˜ฑ๐˜ฆ๐˜ญ ๐˜๐˜ช๐˜ด๐˜ช๐˜ต๐˜ข๐˜ต๐˜ช๐˜ฐ๐˜ฏ ๐˜ฐ๐˜ง ๐˜ต๐˜ฉ๐˜ฆ ๐˜๐˜ช๐˜ณ๐˜ด๐˜ต-๐˜Š๐˜ญ๐˜ข๐˜ด๐˜ด ๐˜™๐˜ฆ๐˜ญ๐˜ช๐˜ค ๐˜ฐ๐˜ง ๐˜š๐˜ข๐˜ฏ ๐˜—๐˜ข๐˜ฏ๐˜ค๐˜ณ๐˜ข๐˜ค๐˜ช๐˜ฐNoong Linggo, Agosto 2...
26/08/2026

๐ƒ๐€๐‹๐€๐– ๐๐€๐๐‚๐‘๐€๐‚๐ˆ๐Ž | ๐๐ข๐ฌ๐ข๐ญ๐š ๐ง๐  ๐‡๐จ๐ฅ๐ฒ ๐…๐š๐ฆ๐ข๐ฅ๐ฒ
๐˜Š๐˜ฉ๐˜ข๐˜ฑ๐˜ฆ๐˜ญ ๐˜๐˜ช๐˜ด๐˜ช๐˜ต๐˜ข๐˜ต๐˜ช๐˜ฐ๐˜ฏ ๐˜ฐ๐˜ง ๐˜ต๐˜ฉ๐˜ฆ ๐˜๐˜ช๐˜ณ๐˜ด๐˜ต-๐˜Š๐˜ญ๐˜ข๐˜ด๐˜ด ๐˜™๐˜ฆ๐˜ญ๐˜ช๐˜ค ๐˜ฐ๐˜ง ๐˜š๐˜ข๐˜ฏ ๐˜—๐˜ข๐˜ฏ๐˜ค๐˜ณ๐˜ข๐˜ค๐˜ช๐˜ฐ

Noong Linggo, Agosto 23, 2026, buong galak na tinanggap ng pamayanan ng ๐๐ข๐ฌ๐ข๐ญ๐š ๐ง๐  ๐‡๐จ๐ฅ๐ฒ ๐…๐š๐ฆ๐ข๐ฅ๐ฒ, ๐Ÿ๐ง๐ ๐€๐ฏ๐ž๐ง๐ฎ๐ž ang pagdalaw ng ๐”๐ง๐š๐ง๐  ๐”๐ซ๐ข ๐ง๐  ๐‘๐ž๐ฅ๐ข๐ค๐ฒ๐š ๐ง๐ข ๐’๐š๐ง ๐๐š๐ง๐œ๐ซ๐š๐œ๐ข๐จ bilang bahagi ng ๐ƒ๐š๐ฅ๐š๐ฐ ๐๐š๐ง๐œ๐ซ๐š๐œ๐ข๐จ at paghahanda sa ๐…๐จ๐ฎ๐ง๐๐š๐ญ๐ข๐จ๐ง ๐€๐ง๐ง๐ข๐ฏ๐ž๐ซ๐ฌ๐š๐ซ๐ฒ ng San Pancracio Parish.

Naging pagkakataon ang banal na pagdalaw na ito upang sama-samang manalangin, magpasalamat, at humingi ng panalangin at pamamagitan ni San Pancracio para sa ating mga pamilya, mga kabataan, mga may sakit, mga naghahanap ng kabuhayan, at sa lahat ng patuloy na nagtitiwala sa Diyos.

Ang Banal na Misa ay pinangunahan ni ๐‘๐ž๐ฏ. ๐๐. ๐‹๐š๐ฎ๐ซ๐จ ๐†. ๐…๐ซ๐ข๐š๐ฌ, ๐Š๐ฎ๐ซ๐š ๐๐š๐ซ๐จ๐ค๐จ, na naging mahalagang bahagi ng makabuluhang pagdiriwang ng pananampalataya at debosyon ng pamayanan.

Sa pamamagitan ng pagdalaw ng banal na relikya ni San Pancracio, nawaโ€™y higit nating madama ang paanyaya na maging matatag sa pananampalataya, magtiwala sa kabutihan ng Diyos, at patuloy na maging mga saksi ng pag-asa at pag-ibig sa ating mga pamayanan.

๐’๐š๐ง ๐๐š๐ง๐œ๐ซ๐š๐œ๐ข๐จ, ๐ฉ๐š๐ญ๐ซ๐จ๐ง ๐ง๐  ๐ฆ๐ ๐š ๐ค๐š๐›๐š๐ญ๐š๐š๐ง, ๐ฆ๐ ๐š ๐ฆ๐š๐ฒ ๐ฌ๐š๐ค๐ข๐ญ, ๐š๐ญ ๐ฆ๐ ๐š ๐ง๐š๐ ๐ก๐š๐ก๐š๐ง๐š๐ฉ ๐ง๐  ๐ค๐š๐›๐ฎ๐ก๐š๐ฒ๐š๐ง, ๐ข๐ฉ๐š๐ง๐š๐ฅ๐š๐ง๐ ๐ข๐ง ๐ฆ๐จ ๐ค๐š๐ฆ๐ข!

โ€œ๐‹๐”๐Œ๐€๐๐ˆ๐“ ๐Š๐€๐˜๐Ž ๐’๐€ ๐€๐Š๐ˆ๐ ๐€๐“ ๐ˆ๐๐ˆ๐๐ˆ๐†๐€๐˜ ๐Š๐Ž ๐€๐๐† ๐‹๐€๐‡๐€๐“ ๐๐† ๐Œ๐€๐๐”๐๐”๐“๐ˆ๐๐† ๐๐€๐†๐€๐˜.โ€



โ€”

Follow our social media platforms!
Facebook: San Pancracio Parish - Diocese of Kalookan | www.facebook.com/SanPancracioParishDok

๐๐€๐†๐†๐”๐๐ˆ๐“๐€ ๐Š๐ˆ๐๐€ ๐’๐€๐ ๐‹๐”๐ˆ๐’ ๐ˆ๐—, ๐‡๐€๐‘๐ˆ ๐๐† ๐๐‘๐€๐๐’๐˜๐€ ๐€๐“ ๐’๐€๐ ๐‰๐Ž๐’๐„ ๐ƒ๐„ ๐‚๐€๐‹๐€๐’๐€๐๐™, ๐๐€๐‘๐ˆNgayong araw, buong galak nating ginugunita sin...
24/08/2026

๐๐€๐†๐†๐”๐๐ˆ๐“๐€ ๐Š๐ˆ๐๐€ ๐’๐€๐ ๐‹๐”๐ˆ๐’ ๐ˆ๐—, ๐‡๐€๐‘๐ˆ ๐๐† ๐๐‘๐€๐๐’๐˜๐€ ๐€๐“ ๐’๐€๐ ๐‰๐Ž๐’๐„ ๐ƒ๐„ ๐‚๐€๐‹๐€๐’๐€๐๐™, ๐๐€๐‘๐ˆ

Ngayong araw, buong galak nating ginugunita sina San Luis IX at San Jose de Calasanz, dalawang huwaran ng pananampalataya, paglilingkod, kababaang-loob, at tapat na pagtugon sa kalooban ng Diyos.

Si San Luis IX, Hari ng Pransiya, ay kilala sa kanyang malalim na pananampalataya, katarungan, at malasakit sa mga mahihirap at nangangailangan. Sa kabila ng kanyang kapangyarihan at kayamanan, pinili niyang mamuhay nang simple, mapagpakumbaba, madasalin, at matuwid. Ginamit niya ang kanyang katungkulan upang ipagtanggol ang pananampalataya, itaguyod ang katarungan, at maglingkod sa kanyang nasasakupan.

Samantala, si San Jose de Calasanz, pari at tagapagtatag ng mga Piarist, ay buong buhay na nag-alay ng kanyang sarili sa Diyos sa pamamagitan ng pagtuturo at paglilingkod sa mga bata, lalo na sa mga mahihirap. Sa kabila ng mga pagsubok at paninirang-puri na kanyang hinarap, nanatili siyang matiyaga at tapat sa kanyang misyon na hubugin ang mga kabataan sa karunungan, kabutihan, at pananampalataya.

Sa kanilang magkaibang bokasyon, kapwa ipinakita nina San Luis IX at San Jose de Calasanz na ang tunay na paglilingkod sa Diyos ay nakikita sa pagmamahal sa kapwa, pagtupad sa ating mga tungkulin, at paggamit ng mga biyayang ipinagkaloob sa atin para sa kabutihan ng iba.

Nawa'y sa kanilang halimbawa, matutuhan nating mamuhay nang may kababaang-loob, katarungan, pagtitiis, at malasakit. Nawa'y maging tapat tayo sa ating mga tungkulin at maging mga instrumento ng Diyos sa paglilingkod, lalo na sa mga mahihirap, kabataan, at mga nangangailangan.

๐‘บ๐’‚๐’ ๐‘ณ๐’–๐’Š๐’”, ๐‘ฏ๐’‚๐’“๐’Š ๐’๐’ˆ ๐‘ท๐’“๐’‚๐’๐’”๐’Š๐’š๐’‚, ๐’Š๐’‘๐’‚๐’๐’‚๐’๐’‚๐’๐’ˆ๐’Š๐’ ๐’Ž๐’ ๐’Œ๐’‚๐’Ž๐’Š.
๐‘บ๐’‚๐’ ๐‘ฑ๐’๐’”๐’† ๐’…๐’† ๐‘ช๐’‚๐’๐’‚๐’”๐’‚๐’๐’›, ๐‘ท๐’‚๐’“๐’Š, ๐’Š๐’‘๐’‚๐’๐’‚๐’๐’‚๐’๐’ˆ๐’Š๐’ ๐’Ž๐’ ๐’Œ๐’‚๐’Ž๐’Š.



โ€”

Follow our social media platforms!
Facebook: San Pancracio Parish - Diocese of Kalookan | www.facebook.com/SanPancracioParishDok

24/08/2026

8.24.2026 | 6:00PM | Dakilang Kapistahan ni Apostol San Bartolome de Malabon
Mass Presider : His Eminence Pablo Virgilio Cardinal S. David

Address

La Loma Cemetery Compound, 1st Avenue, East Side, Grace Park
Caloocan
1400

Opening Hours

Tuesday 8am - 12pm
1:30pm - 4pm
Wednesday 8am - 12pm
1:30pm - 4pm
Thursday 8am - 12pm
1:30pm - 4pm
Saturday 8am - 12pm
1:30pm - 3pm
Sunday 8am - 12pm
1:30pm - 4pm

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when San Pancracio Parish - Diocese of Kalookan posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Place Of Worship

Send a message to San Pancracio Parish - Diocese of Kalookan:

Shortcuts

Share