29/06/2024
Nais ko lang po na ipaalala lalong lalo na sa mga kabataan na nakikipag-relasyon na ngayon... para sa mga kabataang babae, huwag na huwag o iwasan ninyo iinvolve ang sarili ninyo o sa inyo mismo manggaling ang usapin o mapag-usapan ang "pakikipagtalik o mga gawaing nagpapakita ng kahalayan". Palagi niyong pahalagahan ang lugar na kayo ay dapat pahalagahan at higit sa lahat ay irespeto ng inyong minamahal. Ganun din sa mga kabataang lalaki; iwasan niyo din o huwag na huwag niyo din i-tolerate ang ganitong usapin bilang magka-relasyon. Naniniwala ako na sa isang relasyon mas lalong nagiging matibay at matatag ito kung yung "Getting-To-Know Stage" ay nae-establish, ngunit hindi sa paraan ng may usapin o gawaing kahalayan, may panahon para dito.
Delikado dito yung mga nabuong relasyon through chat (Messenger, etc.) and infatuation; kasi hindi ito tunay na LOVE bagkus ito ay bunga ng aktibong hormone na resulted into LUST. Dapat talaga ang concern niyo bilang kabataan ay makapagtapos ng pag-aaral at ano ang bubuuin niyong buhay after 10 yrs. from now. Napakataas na ng bilang ng teenage pregnancy, at may HIV-AIDS, krimen na kinasangkutan ng R**E, at bilang ng mga mahihirap na pamilya. Kaya utang na loob UMAYOS KAYONG MGA KABATAAN NG HENERASYON NA ITO.
Huwag kayong magpadala sa mga social media influencers na ganito o ganyan, at makisabay sa trend na in the end ay pagsisisihan ninyo. PREVENTION IS BETTER THAN CURE!!!! Kaya mabalik ako sa mga kabataan na may karelasyon ngayon tatlong bagay ang nais kong sabihin sa inyo...
1. Establish the "Getting-To-Know" stage, stop talking any s*xual matter or practices.
2. Encourage you and your partner to prioritize your education, it will enable you to have a better life in the future.
3. End any discussion between you and your partner those topic that affects your worth and respect. Both of you should know your boundaries.
Stop yourself to romanticize the pre-marital s*x practices (even in conversation and action) young people.
God love you so much mga anak, at yung love ng Diyos na yun ay palaging may better reason, and better place, and better partner sa inyo ang Diyos.