Holy Family Chapel Sunriser Village Galaxy St.

Holy Family Chapel Sunriser Village Galaxy St. Official page of Holy Family Chapel

KAPISTAHAN | SAN BARTOLOME APOSTOLSan Bartolomeng Hirang,kami’y iyong tulungan,magmahal sa Panginoonhanggang sa aming ka...
24/08/2026

KAPISTAHAN | SAN BARTOLOME APOSTOL

San Bartolomeng Hirang,
kami’y iyong tulungan,
magmahal sa Panginoon
hanggang sa aming kamatayan.

Sa buhay na maralita,
at gawaing pangingisda,
inakit ka ng kusa ni Hesus,
Haring dakila.

Sa araw na ito, buong kagalakan nating ipinagdiriwang ang Kapistahan ni San Bartolome Apostol.

Taos-pusong pagbati mula sa Holy Family Chapel sa Apostol San Bartolome de Malabon, gayun din sa lahat ng mga parokya, kapilya, pamayanan, deboto, at mananampalatayang nasasakupan at may debosyon kay San Bartolome.

Nawa’y patuloy tayong gabayan ng ating pintakasi tungo sa mas matatag na pananampalataya, pagmamahal sa Panginoon, at paglilingkod sa kapwa.

Maligayang Kapistahan, San Bartolome!

San Bartolome Apostol, ipanalangin mo kami.

DALAW PIO 2026Narito na ang schedule ng Dalaw Pio 2026! Isang pinagpalang pagkakataon ang pagdating ng Pilgrim Image at ...
24/08/2026

DALAW PIO 2026

Narito na ang schedule ng Dalaw Pio 2026!

Isang pinagpalang pagkakataon ang pagdating ng Pilgrim Image at First-Class Relic ni St. Padre Pio mula sa National Shrine and Parish of St Padre Pio sa Holy Family Chapel, Sunriser Village ngayong Setyembre 9–13, 2026.

Inaanyayahan ang lahat na makiisa sa mga banal na gawain. Nawa’y maging pagkakataon ito upang mas mapalalim ang ating pananampalataya at maialay sa Diyos ang ating mga panalangin at pasasalamat.

Narito ang mga gawain para sa bawat araw.
Halina’t makiisa, manalangin, at magtiwala sa Diyos sa pamamagitan ng panalangin ni St. Padre Pio.

📅 Setyembre 9–13, 2026
📍 Holy Family Chapel

KUWENTONG PIO 2026 May mga kuwento ng pananampalataya na hindi lamang dapat itago sa puso dahil maaari rin itong maging ...
17/08/2026

KUWENTONG PIO 2026

May mga kuwento ng pananampalataya na hindi lamang dapat itago sa puso dahil maaari rin itong maging inspirasyon at pag-asa para sa iba.

Bilang paghahanda sa Dalaw Pio 2026, inaanyayahan ang lahat na ibahagi ang sariling patotoo, karanasan, biyaya, at mga panalangin na natanggap sa pamamagitan ng pananalangin at pamamagitan ni San Padre Pio.

Nais mo bang maging bahagi ng Kuwentong Pio?
Ibahagi ang iyong kuwento at makipag-ugnayan sa Kawan Leaders o mag-message sa page.

Sapagkat ang isang simpleng kuwento ng pananampalataya ay maaaring maging daan upang ang iba ay muling maniwala, umasa, at manalangin.

San Padre Pio, ipanalangin mo kami.

16/08/2026

August 16, 2026 (5:00 P.M.) | Online Holy Mass

‎Ika-20 Linggo sa Karaniwang Panahon (A)

‎Unang Pagbasa: Isaias 56, 1. 6-7
‎Salmong Nawa’y magpuri sa iyo
‎ang lahat ng mga tao.
‎Ikalawang Pagbasa: Roma 11, 13-15. 29-32
‎Mabuting Balita: Mateo 15, 21-28

‎Tagapagdiwang: Rev. Fr. Sunny B. Quejada, FLP.

DAKILANG KAPISTAHAN | NI SAN ROQUENgayong araw, buong Simbahan ay may kagalakang ipinagdiriwang ang Kapistahan ni San Ro...
16/08/2026

DAKILANG KAPISTAHAN | NI SAN ROQUE

Ngayong araw, buong Simbahan ay may kagalakang ipinagdiriwang ang Kapistahan ni San Roque, isang banal na kilala sa kanyang malalim na pananampalataya, pagkahabag sa mga maysakit, at pag-aalay ng sarili sa paglilingkod sa mga nangangailangan. Sa kanyang buhay na puno ng pag-ibig sa Diyos at malasakit sa kapwa, nawa’y maging inspirasyon siya sa atin na mamuhay nang may kabutihan, katapatan, at malasakit sa ating mga kapatid.

Taos-pusong pagbati mula sa Holy Family Chapel – Sunriser Village, Sunriser Square at Carissa Homes sa lahat ng mga pamayanan, kapilya, parokya, deboto, at mananampalatayang may natatanging debosyon kay San Roque. Nawa’y maging makabuluhan at mapagpalang pagdiriwang ang araw na ito para sa ating lahat.

Sa pamamagitan ng makapangyarihang pamamagitan ni San Roque, nawa’y patuloy tayong pagkalooban ng Panginoon ng kalusugan, lakas, proteksiyon, at matatag na pananampalataya. Nawa’y turuan niya tayong maging mapagkumbaba at handang tumulong sa mga nangangailangan, lalo na sa mga may karamdaman at pinagdaraanan ang mabibigat na pagsubok sa buhay.

Nawa’y maging paalala sa atin ang halimbawa ni San Roque na ang tunay na paglilingkod sa Diyos ay nakikita sa ating pagmamahal at malasakit sa ating kapwa.

Maligayang Kapistahan ni San Roque!

San Roque, tagapagtanggol laban sa karamdaman at lingkod ng Diyos, ipanalangin mo kami.

𝗣𝗔𝗚𝗛𝗔𝗛𝗔𝗡𝗗𝗔 𝗣𝗔𝗥𝗔 𝗦𝗔 𝗗𝗔𝗟𝗔𝗪 𝗣𝗜𝗢 𝟮𝟬𝟮𝟲𝘠𝘰𝘶𝘳 𝘗𝘶𝘳𝘤𝘩𝘢𝘴𝘦, 𝘈 𝘉𝘭𝘦𝘴𝘴𝘪𝘯𝘨. 𝘠𝘰𝘶𝘳 𝘚𝘶𝘱𝘱𝘰𝘳𝘵, 𝘈 𝘔𝘪𝘴𝘴𝘪𝘰𝘯.OPS! OPS! OPS! 👀TATLONG LINGGO NA LA...
16/08/2026

𝗣𝗔𝗚𝗛𝗔𝗛𝗔𝗡𝗗𝗔 𝗣𝗔𝗥𝗔 𝗦𝗔 𝗗𝗔𝗟𝗔𝗪 𝗣𝗜𝗢 𝟮𝟬𝟮𝟲
𝘠𝘰𝘶𝘳 𝘗𝘶𝘳𝘤𝘩𝘢𝘴𝘦, 𝘈 𝘉𝘭𝘦𝘴𝘴𝘪𝘯𝘨. 𝘠𝘰𝘶𝘳 𝘚𝘶𝘱𝘱𝘰𝘳𝘵, 𝘈 𝘔𝘪𝘴𝘴𝘪𝘰𝘯.

OPS! OPS! OPS! 👀
TATLONG LINGGO NA LANG! 🙏🏻🤎

Sa nalalapit na pagdalaw ng Pilgrim Image at Sacred Relic ni St. Padre Pio sa Setyembre 9 hanggang 13, 2026, malugod po naming inaanyayahan ang lahat na makibahagi sa ating Fund Raising Project.

Sa bawat pagbili ng ating mga devotional items, nakikiisa po kayo sa ating misyon at tumutulong sa paghahanda para sa isang makabuluhang okasyon.

𝗗𝗲𝘃𝗼𝘁𝗶𝗼𝗻𝗮𝗹 𝗜𝘁𝗲𝗺𝘀:
• Dalaw Pio Bandana – ₱100
• Dalaw Pio T-Shirt – ₱350
• St. Padre Pio Image – ₱450

𝗣𝗔𝗥𝗔 𝗦𝗔 𝗜𝗡𝗬𝗢𝗡𝗚 𝗢𝗥𝗗𝗘𝗥𝗦:

📝 Sagutan lamang ang Google Order Form:
👉 https://forms.gle/VeRfJbPeg6CZ3JdRA

Maaari rin pong makipag-ugnayan sa Holy Family Chapel Office, inyong Kawan Leaders, o sa mga Kabataan ng Kapilya.

Huwag nang magpahuli—tatlong linggo na lang bago ang Dalaw Pio 2026! 🤎
Bili na at makiisa sa paghahanda para sa banal na pagdalaw ni St. Padre Pio.

Taos-puso po kaming nagpapasalamat sa inyong patuloy na pagmamahal at suporta. Dalangin namin ang patuloy na paghilom at biyaya ng Diyos sa pamamagitan ni St. Padre Pio.

San Padre Pio, ipanalangin mo kami. 🙏🏻


SINO NGA BA SI SAN PADRE PIO NG PIETRELCINA?Isang pari na ang buong buhay ay inialay sa panalangin, sakripisyo, paglilin...
15/08/2026

SINO NGA BA SI SAN PADRE PIO NG PIETRELCINA?

Isang pari na ang buong buhay ay inialay sa panalangin, sakripisyo, paglilingkod, at pagmamahal kay Kristo.

Sa bawat pagsubok, nanatili siyang matatag sa pananampalataya. Sa kanyang paglilingkod bilang pari, naging instrumento siya ng awa ng Diyos sa maraming kaluluwa. At sa kanyang mga pagdurusa, higit niyang niyakap ang Krus ni Kristo.

Sa ating 3-slide series, kilalanin natin si San Padre Pio ng Pietrelcina ang kanyang buhay, misyon, stigmata, at ang espirituwal na pamana na patuloy na nagbibigay-inspirasyon sa mga mananampalataya.

Slide 1 — Sino si San Padre Pio?
Slide 2 — Ang Kanyang Buhay at Misyon
Slide 3 — Ang Stigmata at Kanyang Pamana

Nawa'y ang kanyang halimbawa ay magturo sa atin na manatiling matatag sa panalangin, magtiwala sa Diyos sa panahon ng pagsubok, at higit na mahalin si Kristo.

San Padre Pio ng Pietrelcina,
ipanalangin mo kami.

DAKILANG KAPISTAHAN | NG PAG-AKYAT SA LANGIT SA MAHAL NA BIRHENG MARIANgayong araw, buong Simbahan ay may kagalakang ipi...
15/08/2026

DAKILANG KAPISTAHAN | NG PAG-AKYAT SA LANGIT SA MAHAL NA BIRHENG MARIA

Ngayong araw, buong Simbahan ay may kagalakang ipinagdiriwang ang Dakilang Kapistahan ng Pag-aakyat sa Langit sa Mahal na Birheng Maria—ang maringal na pag-akyat ng Mahal na Ina, katawan at kaluluwa, sa kaluwalhatian ng langit. Sa kanyang buhay na puno ng kababaang-loob, pananampalataya, at ganap na pagsunod sa kalooban ng Diyos, nawa’y maging inspirasyon sa atin si Maria upang patuloy na magtiwala at sumunod sa Panginoon sa bawat yugto ng ating buhay.

Taos-pusong pagbati mula sa Holy Family Chapel sa Diocesan Shrine & Parish of Nuestra Señora de la Asunción, Bulakan, Bulacan at sa lahat ng mga kapatid na may debosyon sa Mahal na Birheng Maria. Gayundin, maligayang kapistahan sa lahat ng mga parokya, kapilya, deboto, at mananampalatayang sama-samang nagpaparangal sa Mahal na Ina sa dakilang araw na ito.

Nawa’y sa pamamagitan ng mapagmahal na pamamagitan ng Mahal na Birheng Maria, patuloy tayong pagkalooban ng Panginoon ng matatag na pananampalataya, pusong mapagpakumbaba, at lakas ng loob na tumugon sa Kanyang banal na kalooban. Tulad ni Maria, nawa’y lagi nating masabi “Mangyari sa akin ayon sa iyong salita.”

Nawa’y magsilbing paalala sa ating lahat ang Pag-aakyat sa Langit ni Maria na ang ating buhay ay patungo sa Diyos at ang tunay na kaluwalhatian ay matatagpuan sa pakikipag-isa sa Kanya.

Maligayang Kapistahan ng Pag-aakyat sa Langit sa Mahal na Birheng Maria!

Mahal na Birheng Maria, Ina ng Diyos at Ina ng Simbahan, ipanalangin mo kami.

14/08/2026

August 15, 2026 (7:00 A.M.) | Online Holy Mass
Dakilang Kapistahan ng Pag-aakyat sa Langit ng Mahal na Birheng Maria
‎Unang Pagbasa: Pahayag 11:19a, 12:1-6a, 10ab
‎Salmong Tugunan: Nasa kanan mo ang reyna, maningning sa ginto’t ganda.
Ikalawang Pagbasa: 1 Corinto 15:20-27
Mabuting Balita: Lucas 1:39-56
Tagapagdiwang: Rev. Fr. Mark Jeffrey Starr Revillo, FLP.

14/08/2026

August 14, 2026 (6:00 P.M.) | Online Holy Mass

Dakilang Kapistahan ng Pag-aakyat sa Langit ng Mahal na Birheng Maria

‎Unang Pagbasa: Pahayag 11:19a, 12:1-6a, 10ab
‎Salmong Tugunan: Nasa kanan mo ang reyna, maningning sa ginto’t ganda.
Ikalawang Pagbasa: 1 Corinto 15:20-27
Mabuting Balita: Lucas 1:39-56

Tagapagdiwang: Rev. Fr. Sunny B. Quejada, FLP.

Address

Sunriser Village, Galaxy Street, Sunriser Avenue, Barangay 167 Llano
Caloocan
1400

Opening Hours

5pm - 8pm

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Holy Family Chapel Sunriser Village Galaxy St. posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Place Of Worship

Send a message to Holy Family Chapel Sunriser Village Galaxy St.:

Shortcuts

Share