01/03/2026
Genesis 25:34 (ESV)
“Then Jacob gave Esau bread and lentil stew, and he ate and drank and rose and went his way. Thus Esau despised his birthright.”
May mga “sabaw" talaga sa buhay.
Isang mangkok lang. Isang moment lang. Isang craving lang. Pero kapalit? Birthright.
Si Esau gutom. Pagod. Emotional. At sa sandaling iyon, mas mahalaga ang now kaysa sa next. Mas mahalaga ang panandalian kaysa sa pangako ng Diyos.
“Thus Esau despised his birthright.”
Hindi niya siguro naisip na paghamak na pala iyon sa plano ng Diyos. Pero ganun ang kasalanan. Hindi mo agad ramdam ang bigat. Parang sabaw lang. Mainit. Masarap. Nakaka-relieve.
Pero pagkatapos mong kainin, tapos na.
Ang birthright? Wala na.
Minsan hindi naman masamang bagay ang mga “sabaw” natin tulad ng comfort, relasyon, opportunity, pera, pleasure. Pero kapag ipinagpalit mo ang will ni Lord para lang ma-satisfy ang present craving, may nawawala na mas mahalaga.
Hindi lahat ng nakakabusog ay nakakabuti.
Hindi lahat ng nagbibigay ng relief ay aligned sa kalooban ng Diyos.
Ang will ng Lord hindi laging madali.
Minsan delayed.
Minsan sacrificial.
Minsan kailangan mong maghintay.
Pero mas mabuti ang pangako kaysa sa panandaliang sarap.
Huwag mong ipagpalit ang calling mo sa convenience.
Huwag mong ipagpalit ang purity mo sa pleasure.
Huwag mong ipagpalit ang obedience mo sa opportunity.
Huwag mong ipagpalit ang will ng Lord sa sabaw.
May mas inihanda ang Diyos kaysa sa kaya mong lutuin sa isang sandali.
Stay faithful.
Stay surrendered.
May birthright ka kay Jesus... Huwag mong sayangin, huwag mong ipagpalit.