St. Joseph the Workman Parish - Diocese of Kalookan

St. Joseph the Workman Parish - Diocese of Kalookan This is the Official page of the St. Joseph the Workman Parish

Narito ang ilan sa mga masasaya, makabuluhan, at pinagpalang sandali mula sa nagdaang Flores de Maria Grand Alay 2026 ng...
25/05/2026

Narito ang ilan sa mga masasaya, makabuluhan, at pinagpalang sandali mula sa nagdaang Flores de Maria Grand Alay 2026 ng St. Joseph the Workman Parish - Parish Youth Ministry noong Mayo 23, 2026.

Mula sa pakikiisa ng mga kabataan, dalaga, binibini, mga ginang at nanay, hanggang sa taimtim na pag-aalay at sama-samang debosyon ng bawat pamayanan, tunay na naging makulay at puno ng pananampalataya ang pagdiriwang bilang pagpupugay kay Maria.

Lubos pong nagpapasalamat ang SJWP - PYM sa lahat ng dumalo, tumulong, nakiisa, at naging bahagi ng selebrasyong ito. Maraming salamat sa inyong pagmamahal at patuloy na debosyon sa ating Mahal na Ina.

Viva Maria!
Ave Maria!

22/05/2026

LIVE HOLY MASS : 8th Day of Novena Mass in Honor of Maria Auxiliadora, Queen and Patroness of Maypajo | May 22, 2026 | 5:30PM

Presider: Rev. Fr. Joey C. Enriquez

Maria Auxiliadora, Queen and Patroness of Maypajo, pray for us!

ยกViva la Virgen!
ยกViva la Reina y Patrona de Maypajo!

๐ŸŒธ FLORES DE MARIA GRAND ALAY RECOLLECTION 2026 ๐ŸŒธBilang paghahanda sa nalalapit na Flores de Maria Grand Alay 2026, inaan...
21/05/2026

๐ŸŒธ FLORES DE MARIA GRAND ALAY RECOLLECTION 2026 ๐ŸŒธ

Bilang paghahanda sa nalalapit na Flores de Maria Grand Alay 2026, inaanyayahan ang lahat ng mga magsasagala, cotillioners, Kapitan at Kapitana 2025 at 2026, at mga angels na makibahagi sa ating Sagala de Maria Recollection 2026.

Isang gabi ng pagninilay, panalangin, at paghahanda upang higit nating maunawaan ang kahalagahan ng ating paglilingkod at debosyon sa Mahal na Birheng Maria. Sa pagpapatuloy ng ating mga tradisyon sa parokya, sama-sama nating ihanda hindi lamang ang ating mga kasuotan at pagganap, kundi higit sa lahat ang ating mga puso.

๐Ÿ—“ Mayo 22, 2026
๐Ÿ•• 6:00 PM
๐Ÿ“ St. Joseph the Workman Parish

๐ŸŽ™ Recollection Speaker: Bro. Ryan Carrie Lariba

Ang inyong presensya ay mahalaga sa ating sama-samang paghahanda para sa isang makabuluhan at pinagpalang pagdiriwang ng Flores de Maria 2026. ๐ŸŒธ

๐ŸŒธ Flores de Maria Grand Alay 2026 ๐ŸŒธInaanyayahan po namin ang lahat na makiisa ngayong darating na Sabado, Mayo 23, 2026,...
21/05/2026

๐ŸŒธ Flores de Maria Grand Alay 2026 ๐ŸŒธ

Inaanyayahan po namin ang lahat na makiisa ngayong darating na Sabado, Mayo 23, 2026, sa maka-Diyos at makasaysayang pagtatapos ng ating pagdiriwang ng Flores de Maria.

Sa pagpapatuloy ng ating minamahal na tradisyon ng pag-aalay sa Mahal na Birheng Maria, sama-sama nating handugan ng mga bulaklak at panalangin ang pinakamagandang bulaklak sa hardin ng Diyos โ€” ang ating Mahal na Ina.

Kasabay nito ay muling masasaksihan ang pagpapatuloy ng tradisyon ng Cotillion de Maria, isang maringal na sayaw-pananalangin bilang pagpupugay at pasasalamat kay Maria sa pagtatapos ng buwan ng Flores de Maria.

๐ŸŒธ Programa ๐ŸŒธ

๐Ÿ•ž 3:30 PM โ€“ Panalangin ng Santo Rosaryo
๐Ÿ•” 4:00 PM โ€“ Banal na Misa
๐Ÿ•• 5:00 PM โ€“ Marangal na Prosisyon
๐Ÿ•ก 6:00 PM โ€“ Grand Alay Proper kasama ang Cotillion de Maria 2026

Sa okasyong ito ay gaganapin din ang pagpapasa ng tungkulin ng Kapitan at Kapitana 2025โ€“2026, gayundin ng Hermano Mayor at Hermana Mayor โ€” tanda ng pagpapatuloy ng paglilingkod at debosyon sa ating parokya.

Magsama-sama tayo sa isang gabi ng taimtim na panalangin, debosyon, at pagkakaisa. Nawaโ€™y patuloy na mabuhay sa ating pamayanan ang tradisyon ng pagmamahal at pag-aalay sa Mahal na Birheng Maria.

Magalak at magdiwang, sambayanang namimintuho kay San Jose na Manggagawa!Matapos ang tatlumpuโ€™t dalawang (32) taong pagl...
18/05/2026

Magalak at magdiwang, sambayanang namimintuho kay San Jose na Manggagawa!

Matapos ang tatlumpuโ€™t dalawang (32) taong paglalakbay ng ating parokya bilang pamayanang sumasampalataya, ganap nang itatalaga sa Diyos ang ating bagong simbahang-bato at ang Banal na Altar bilang luklukan ng banal na pagdiriwang at pagsamba sa Panginoong Maykapal.

Ang Solemn Rite of Dedication of the Altar and the Church ay gaganapin sa Dakilang Kapistahan ng Katawan at Dugo ni Kristo (Corpus Christi), ika-7 ng Hunyo 2026, sa ganap na ika-9:00 ng umaga.

Sa makasaysayang pagdiriwang na ito, sama-sama nating pasalamatan ang Diyos sa Kanyang walang hanggang paggabay, at muling pagtibayin ang ating pagkakaisa bilang Simbahan ni Kristo.

San Jose na Manggagawa, liwanag at huwaran ng mga manggagawa sa pananampalataya, gabayan mo kami tungo sa ganap na katuparan ng misyong ipinagkaloob ng Diyos sa Kanyang Simbahan. Ipanalangin mo kami!


06/05/2026

LIVE | ๐—จ๐—ก๐—”๐—ก๐—š ๐— ๐—œ๐—ฌ๐—˜๐—ฅ๐—ž๐—จ๐—Ÿ๐—˜๐—ฆ ๐—ก๐—š ๐—ฃ๐—”๐—š๐——๐—˜๐——๐—˜๐—•๐—ข๐—ฆ๐—ฌ๐—ข๐—ก ๐—ฆ๐—” ๐— ๐—”๐—›๐—”๐—Ÿ ๐—ก๐—” ๐—œ๐—ก๐—” ๐—ก๐—š ๐—Ÿ๐—”๐—š๐—œ๐—ก๐—š ๐—ฆ๐—”๐—ž๐—Ÿ๐—ข๐—Ÿ๐—ข
๐˜๐˜Š๐˜–๐˜• ๐˜”๐˜๐˜š๐˜š๐˜๐˜–๐˜• ๐˜ฐ๐˜ง ๐˜–๐˜ถ๐˜ณ ๐˜”๐˜ฐ๐˜ต๐˜ฉ๐˜ฆ๐˜ณ ๐˜ฐ๐˜ง ๐˜—๐˜ฆ๐˜ณ๐˜ฑ๐˜ฆ๐˜ต๐˜ถ๐˜ข๐˜ญ ๐˜๐˜ฆ๐˜ญ๐˜ฑ ๐˜ง๐˜ณ๐˜ฐ๐˜ฎ ๐˜ต๐˜ฉ๐˜ฆ ๐˜‰๐˜ข๐˜ค๐˜ญ๐˜ข๐˜ณ๐˜ข๐˜ฏ ๐˜š๐˜ฉ๐˜ณ๐˜ช๐˜ฏ๐˜ฆ | ๐˜”๐˜ช๐˜บ๐˜ฆ๐˜ณ๐˜ฌ๐˜ถ๐˜ญ๐˜ฆ๐˜ด ๐˜ด๐˜ข ๐˜๐˜ฌ๐˜ข-๐˜ญ๐˜ช๐˜ฎ๐˜ข๐˜ฏ๐˜จ ๐˜“๐˜ช๐˜ฏ๐˜จ๐˜จ๐˜ฐ ๐˜ฏ๐˜จ ๐˜—๐˜ข๐˜ด๐˜ฌ๐˜ฐ ๐˜ฏ๐˜จ ๐˜”๐˜ถ๐˜ญ๐˜ช๐˜ฏ๐˜จ ๐˜—๐˜ข๐˜จ๐˜ฌ๐˜ข๐˜ฃ๐˜ถ๐˜ฉ๐˜ข๐˜บ

Mayo 06, 2026
5:45 N.H. โ€” ๐—ก๐—ผ๐—ฏ๐—ฒ๐—ป๐—ฎ ๐˜€๐—ฎ ๐— ๐—ฎ๐—ต๐—ฎ๐—น ๐—ป๐—ฎ ๐—œ๐—ป๐—ฎ ๐—ป๐—ด ๐—Ÿ๐—ฎ๐—ด๐—ถ๐—ป๐—ด ๐—ฆ๐—ฎ๐—ธ๐—น๐—ผ๐—น๐—ผ
6:00 N.G. โ€” ๐—•๐—ฎ๐—ป๐—ฎ๐—น ๐—ป๐—ฎ ๐— ๐—ถ๐˜€๐—ฎ
7:00 N.G. โ€” ๐—–๐—ฎ๐—ป๐—ฑ๐—น๐—ฒ๐—น๐—ถ๐—ด๐—ต๐˜ ๐—ฃ๐—ฟ๐—ผ๐—ฐ๐—ฒ๐˜€๐˜€๐—ถ๐—ผ๐—ป

๐๐ฎ๐ง๐จ๐ง๐  ๐“๐š๐ ๐š๐ฉ๐š๐ ๐๐ข๐ฐ๐š๐ง๐ : ๐˜™๐˜ฆ๐˜ฃ. ๐˜—๐˜ฅ. ๐˜ˆ๐˜ฏ๐˜ต๐˜ฉ๐˜ฐ๐˜ฏ๐˜บ ๐˜’๐˜ฐ๐˜ข - ๐˜‰๐˜ช๐˜ฌ๐˜ข๐˜ณ๐˜บ๐˜ฐ ๐˜—๐˜ข๐˜ณ๐˜ฐ๐˜ฌ๐˜บ๐˜ข๐˜ญ ๐˜ฏ๐˜จ ๐˜’๐˜ข๐˜ต๐˜ฆ๐˜ฅ๐˜ณ๐˜ข๐˜ญ ๐˜ฏ๐˜จ ๐˜š๐˜ข๐˜ฏ ๐˜™๐˜ฐ๐˜ฒ๐˜ถ๐˜ฆ

๐™ˆ๐™–๐™จ๐™ž๐™ฃ๐™ฉ๐™–๐™๐™ž๐™ฃ๐™œ ๐™„๐™ฃ๐™–, ๐™ž๐™ฅ๐™–๐™ฃ๐™–๐™ก๐™–๐™ฃ๐™œ๐™ž๐™ฃ ๐™ข๐™ค ๐™ ๐™–๐™ข๐™ž.



04/05/2026
TINGNAN: Nagsimula na ang โ€œBandangal: Parangal kay San Jose ang Manggagawa 2026,โ€ na kasalukuyang palabas patungo sa iba...
01/05/2026

TINGNAN: Nagsimula na ang โ€œBandangal: Parangal kay San Jose ang Manggagawa 2026,โ€ na kasalukuyang palabas patungo sa ibaโ€™t ibang pamayanan.

TINGNAN: Mga kuhang larawan mula sa Misa Mayor na pinangunahan ng Kaniyang Kabunyian, Jose F. Cardinal Advincula, DD.
01/05/2026

TINGNAN: Mga kuhang larawan mula sa Misa Mayor na pinangunahan ng Kaniyang Kabunyian, Jose F. Cardinal Advincula, DD.

Address

Doรฑa Rita Street Cor Laon Laan St. , Sampalukan
Caloocan

Opening Hours

Tuesday 8am - 5pm
Wednesday 8am - 5pm
Thursday 8am - 5pm
Friday 8am - 5pm
Saturday 8am - 5pm
Sunday 8am - 5pm

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when St. Joseph the Workman Parish - Diocese of Kalookan posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Place Of Worship

Send a message to St. Joseph the Workman Parish - Diocese of Kalookan:

Share